Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


BING

    "PAANONG nagbago?" Tanong ko kay Xymon

Ngumisi ito. "Hindi mo ako mauuto. Kahit gaano ko kalasing hindi ako magdadaldal sa iyo lalo na at isa kang reporter."

Napasimangot ako. "Madamot!"

Inagaw ko yung iniinom niya at tinungga. "Yuck! Kadiri! Ang pait!"

Natawa lang si Ariston at Xymon

"So, kailan mo balak umalis dito?" Tanong ni Ariston

"Kapag tapos ko ng interviewin si Xillian." Sinamaan ko ito ng tingin. "At saka kapag nabawi mona ang laptop kong punyeta ka!"

"Bilhan pa kita ng bago." Nakangising sabi nito

Inirapan ko lang siya bago muling uminom

XILLIAN

    I CAN'T SLEEP so I went down to kitchen. Napakunot noo ako nang makita si Xymon at Ariston na nakadukmo na ganun din si Bing

Did she drink?

Lumapit ako doon. Napatingin ako sa mga boteng wala ng laman

"Bing." I kicked her foot. "Hey!"

"Ano ba!?" Galit na sigaw nito

Akmang babagsak ito sa upuan kaya mabilis ko siyang sinalo. I stopped when I saw her face. Damn! Why she's beautiful like this?

I froze when she hugged me. Damn! I'm hard

"Bango bango mo naman." I almost die when she kissed my tummy. "Tigas tigas oh."

"Stop it!" I hissed

Binuhat ko siya kahit pa tigas na tigas na ako. Dinala ko siya sa kuwarto ko at inihiga sa kama niya

"Gusto ko ng ma-promote." Napatitig ako sa mukha niya nang makitang lumuluha siya. "Para hahampash ko shakanila yung camera."

"Do you love your work tha–"

I didn't finish my words when she talk again. "–Kaso pag natapos na yung work ko dito. Hindi kona makikita yung masungit na si Xillian."

"You can't stay with me." Kinumutan ko siya. "Staying with me is the big regret of your life."

BING

    SOBRANG sakit ng ulo ko nang magising ako. Napaingit na lang ako bago tumayo at lumabas. Nakahawak lang ako sa ulo ko hanggang sa makarating ako sa kusina

Walang tao doon nang dumating ako. Akmang uupo na ako pero biglang bumaliktad ang sikmura ko agad akong tumakbo sa lababo at sumuka

Tangina! Hindi na ako iinom kahit kailan

"Tirahin ba naman kasi yung black label ni X." Napalingon ako sa nagsalita. Si Ariston. "Ano buhay kapa?"

Nagmumog ako at sumandal sa lababo. Mamamatay na ata ako

"Ito soup oh." Inabutan ako nang mangkok ni Ariston na may laman na mainit na sabaw. "Umupo kana."

Kinuha ko naman iyon bago umupo at sinimilang higupin.

"Salamat." Sabi ko

"Kasi ang kulit." Sabi nito kaya napanguso na lang ako

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang dumating yung magkapatid. Level up si Xymon dahil naka-boxer na siya. Tanging yun lang ang suot niya

"Wala ka bang damit?" Tanong ko dito

"Mas fresh kapag ganito." Sagot nito. "Mukhang hindi mo rin naman ako pagnanasahan eh."

"Hindi talaga." Nginiwian ko ito. "Puro buto ka, mahiya ka naman."

"Sus, si Kuya gusto mong pagnasahan eh." Inagaw nito ang soup na hinihigop ko

"Akin yan!" Reklamo ko dito pero hindi niya ako pinansin

"Here." Napatingin ako kay Xillian nang may ilapag siyang folder sa harapan ko. "All my information and all about me is written there. You need that for your promotion right? Take it and leave now."

"H-Huh?" Napakurap ako sa sinabi nito. "Pero.."

"Ito lang ang kailangan mo." Malamig na sabi nito. "Si Ariston ang maghahatid sa iyo. After you eat pack your things then leave."

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi nito. Ayoko pang umalis

"Pero kailangan ko pang mag-stay dito. Y-Yung laptop ko diba?" Tama. Hindi ako puwedeng umalis hangga't wala yung laptop ko

"I will get it and bring that to you tomorrow." Malamig na sabi nito

"Pero Xilli–"

"–Fvcking leave okay!?" Tinaliman ako nito ng tingin

Napatikom na lang ako ng bibig ko bago dahan dahang tumango. Tinalikuran naman kami nito bago umalis

"Okay pa kami kagabi eh." Mahinang sabi ko. "Bakit may topak na naman siya?"

"Kain kana lang." Sabi ni Xymon. "Makinig kana lang din kay Kuya Xillian."

"Hindi na.." Tumayo ako. "Mag iimpake na ako Ariston. Saglit lang ako."

Matamlay akong nagtungo sa kuwarto ko dito. Kinuha ko yung malaking bag ko at nilagay doon lahat ng gamit ko

"Ede aalis!" Napatingin ako sa folder na binigay niya. "Tama! Nandito lang naman ako para sa promotion ko. Ayos nga yun eh siya na ang gumawa ng trabaho ko at ita-type kona lang. Sa wakas, mapo-promote na ako."

Tama yun nga!

Pero bakit ganoon? Dapat masaya na ako pero bakit parang ayaw ko pang umalis? Bakit parang masakit? Ilang araw pa lang akong nandito pero pakiramdam ko tahanan kona din ito

Umiling ako. Ano bang iniisip ko? Ayaw na nga niya akong nandito bakit ipipilit ko pa ang sarili ko?

Nang matapos akong mag impake ay binuhat kona ang bag ko at bumaba dala ang folder.

"Tara na Ariston." Aya ko dito at naunang lumabas

Sinalubong ako ng dalawang halimaw na aso niya. Hindi na nila ako sinusugod, kumakawag na lang ang buntot nila sa akin

"Pinalayas na ako ng amo niyo." Sabi mo sa mga ito. "Nood kayong T.V dahil makikita niyo ako doon."

"Akin na gamit mo." Sabi ni Ariston na nasa gilid kona pala

Kinuha niya ang bitbit ko at inakbayan ako.

"May dahilan yung gagong yun." Sabi nito

"Gusto niya lang talaga akong umalis." Sabi ko dito. "Panoorin mo ako sa T.V ah? Sikat na ako, salamat sa kaibigan mo."

"Don't pretend to be happy. I hate faje people." Seryosong sabi nito

"Masaya talaga ako." Tumawa ako na parang baliw. "Tara na nga. Excited na akong ma-promote."

Tama dapat masaya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro