CHAPTER 1
BING POV
NAKASAKAY ako ngayon sa Bus papunta doon sa bahay ni Xillian, naalala ko tuloy ang ginawang pananakot sa akin ni Judith. Sana naman hindi mangyari yun
Flashback
"Ang mga pumupunta daw doon na reporters ay hindi na nakakabalik ng buhay." Sabi ni Judith
Magkasama kami sa iisang apartment, kaya ito imbis na i-support ako, tinatakot niya ako.
"Kilala mo si Migs fuentes?" Tumango ako. "Diba nabalita yung natagpuang wala ng buhay sa sapa? Huling punta non ay kay Xillian Alcantara."
Umatras na lang kaya ako?
"Huwag ka ngang manakot!" Mahina ko siyang sinabunutan. "Nakakagigil ka!"
Tumawa lang ito ng malakas, dumampot naman ako ng maraming piattos at pinasak sa bunganga niya. Nabulunan ito at umubo ubo
"Yan, mauna kang matuluyan!" Padabog akong tumayo at pumasok sa kuwarto kl
END OF FLASHBACK
Maaga akong umalis kanina kasi alam kong tatakutin na naman niya ako.
Mabilis kong inayos ang salamin ko nang huminto ang bus sa isang liblib na gubat.
"Hanggang dito na lang Iha." Sabi nung konduktor. "Diretsuhin mo lang ang daanan na iyan at makikita mo ang mansiyon ng mga Alacantara."
"Sige po." Kinuha kona ang bag ko bago lumabas ng Bus
"Mag iingat ka Ineng." Sabi nito bago isara ang pinto
Lumiko ang Bus at tuluyan nang umalis, nag umpisa na akong maglakad at tanging huni lang ng ibon ang naririnig ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit parang maiihi na ako sa takot. Ilang minuto pa ay may nakita na akong malaking gate na itim at mataas na bakod.
Dahan dahan akong sumilip pero sarado ang pinto ng bahay, patay din ang ilaw at sobrang tahimik.
May nakita akong doorbell kaya pinindot ko iyon pero hindi naman gumagana. Para tuloy akong nasa Horror movie pero walang multo, mga halimaw lang sa Wrong Turn
"TAO PO!?" Malakas kong sigaw. "TAO PO!?"
Walang sumagot
Baka may rayuma si Mr. Xillian tapos mahina boses niya kaya hindi ako nadidinig.
Napatingin ako sa mataas na gate, inayos ko ang bago ko bago ito dahan dahang akyatin.
"Wala na ngang pumupunta dito, ang taas pa ng gate!" Reklamo ko nang makarating ako sa tuktok. "Kapagod!"
Akmang bababa na ako sa loob nang biglang
"ARF! ARF!"
May lumitaw na dalawang itim na malalaking aso, mabilis ko namang tinaas ang paa ko habang nakaupo sa ituktok ng gate.
"ARF!" Tumalon ang isang aso. "ARF!"
"WAHH!! MAMA!" Mangiyak ngiyak kong sigaw. "SHOO! HINDI AKO YUMMY, BUTO BUTO LANG AKO!"
"GRRR! ARF! ARF!"
Hindi ko inaasahan ang pagtalo ng isa pa, nahablot nito ang paa ko kaya dire diretso akong bumagsak sa lupa
Tumama ang likod ko sa lupa na ikinangiwi ko, laking pasasalamat ko na naprotektahan ko ang ulo ko para hindi tumama.
"Aray!" Daing ko at dahan dahang umupo
Napangawa ako nang bumungad sa akin ang mukha nung dalawang aso, galit na galit sila at handa na akong sakmalin
Palapit na sana sila pero may pumito, mabilis pa sa alas kuwatrong nawala sila sa harap ko. Napatingin naman ako sa paa ko na nagdurugo.
Sabi na nga ba at mamamatay na ako eh
"What are you doing here?" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko
Multo?
Dahan dahan ko naman itong nilingon, bumungad sa akin ang isang taong may maskara sa mukha at may hawak na kutsilyo
"Kamatayan!" Huling sabi ko bago mawalan ng malay
**
NAGISING ako at nasa isang kuwarto na ako, medyo madilim sa kuwarto dahil sa kulay at ilaw.
Akmang tatayo ako pero biglang kumirot ang paa ko ganon na din ang buong katawan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari, nahulog ako sa taas ng gate tapos nakita ko si–
"Yo–"
"–KAMATAYAN!" Takot kong sigaw nang bigla na lang may lumitaw na bulto ng isang tao. "HUWAG KANG LALAPIT!"
"Stop shouting!" Iritang sabi nito at binuksan ang ilaw
Napakurap kurap pa ako dahil sa silaw, nang umayos na ang paningin ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki na may brown na buhok at kulay lilang mga mata, may matangos na ilong at may magagandang mga labi.
"Stop staring me!" Iritang sabi nito. "Who are you? What are you doing here?"
"Ha?" Napakurap kurap ako. "Ano, ako si Bing, isa akong reporter at nandito ako para interviewin si Mr. Xillian."
Umarko lang ang isang kilay nito at nag cross arm
"Nasaan siya? Apo kaba niya?" Tanong ko
Kumunot ang mga noo nito. "Apo?"
"Oo." Tumango ako. "Ayon kasi sa source ko ay isa siyang matandang panot na malaki ang tiy–"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang itong lumapit sa akin, yumuko ito at inilapit ang mukha niya sa akin.
"B-Bakit?"
Hahalikan niya ba ako? Siya na ba ang magiging first kiss ko? Willing naman ako eh.
"Do I look like old to you? You ugly woman?" Tinulak nito ang noo ko gamit ang hintuturo niya.
"I-Ikaw si Xillian!?" Gulat kong tanong. "Pero, hindi ka naman mukhang Criminal."
Tumalim ang mga mata nito kaya napaatras ako.
"Umalis kana dito," Malamig na sabi nito. "Get up and fvcking leave!"
"Teka," Hinila ko ang bag ko na nakapatong sa bed side table. Agad ko itong kinalkal. "Pa-interview ka muna."
"FVCKING LEAVE BEFORE I KILL YOU!" Galit na sigaw nito na ikinaigtad ko
Padabog itong lumabas ng pinto, napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Tinago kona lang ulit ang notebook at ballpen ko, kinuha ko ang cellphone ko at napasimangot ako dahil walang signal.
Tumayo naman ako at iika ikang lumabas ng kuwarto na iyon, may nakita akong hagdan pababa kaya bumaba ako. Nakita ko si Xillian na nakaupo sa sofa at naninigarilyo.
"Where are you going?" Tanong nito
"Aalis na." Sagot ko
"Hindi puwede." Tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin kaya napaatras ako. "Hindi kapa puwedeng umalis."
"Huwag mo akong papatayin pakiusap, ayoko pang mawala, wala pa akong Asawa at Anak." Napapikit ako. "Hindi pa rin ako napapasukan ng Anacondang hilaw."
Ilang sandali pa ay walang nangyayari kaya dumilat ako, nakita ko si Xillian na nakatayo malayo sa akin at nakangisi
"Anacondang hilaw?" Bahagya itong natawa. "Is that your term for a d*ck?"
"B-Bakit bawal pa akong umalis?" Pag iiba ko ng usapan
"Remember my dog bit you." Napatingin ako sa binti ko. "Kailangan mo pang ma-inject-an ng anti-rabies."
"Doon na lang sa am–"
"–Hindi basta basta ang aso ko Miss, mas malakas ang rabies nila kaysa sa ibang aso." Ngumisi ito. "Manginginig ka at mamimilipit sa sakit hanggang sa mamatay ka."
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya .
"Yung gamot, turukan mona ako."
"Sa isang linggo pa babalik ang Doctor mo." Sagot nito. "It means you will stay here with me until next week."
"HA!?" Napasigaw ako. "Ayoko!"
"Ayoko din." Tugon nito at tumalikod. "But it's your chance, you have one week to convince me for interview."
Bago pa ako maka-get over sa sinabi niya ay nakaalis na siya
Convince?
"KYAHH!" Napatili na lang ako
Bakit iba ang sinasabi nila ngayon sa Xillian na nasa harap ko? Mabait naman siya at mukhang hindi Criminal.
One week, may isang linggo ako para kumbinsihin siya, gagalingan ko.
Para sa Promotion ko kaya ko ito!
A/N: GO BING
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro