Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

----------------------

"Cap, nandito na naman sila, makikihati raw ng court."

"Sabihin mong hindi pa tayo tapos."

"Eh-nakapasok na sila."

Mabilis na lumipad ang mata ko sa mga lalaking maingay na pumasok sa court. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko at napahampas nalang ng malakas sa bola.

"Hey, hey, hey!" nakalipad ang dalawang braso habang pilyo ang ngiti na tinungo ako.

"Magaling pa ring wing spiker si Kotaro." bulong ko.

"May sinabi ka?" taka pero nakangiti niyang tanong.

Napaingos at naghalukipkip ako. "Akala ko ba pinag-usapan na natin 'to?"

"Ha? Ang alin?" pagtataka niya habang nasa bibig pa rin ang ngiti.

"Girls, 4-6 pm. Boys, 6-8 pm."

"Ah, 'yon."

Tinaasan ko siya ng kilay at naiiritang tinitigan. Suot niya na ang jersey niyang sa junior high pa kaya medyo humubog ang katawan niya rito dahil sa sikip. Di ko napigilan ang pag ngiwi doon sa kaisipang hindi ako magiging komportable kung ako ang nasa lagay niya. Bumaba ang tingin ko sa shorts niya at napairap nang makita ang bakat sa gitna nito. If I know, sinadya niya lang ito para nasa kaniya ang tingin ng mga kababaehan. Napakurap naman ako sa napagtanto at binalik ang tingin sa mukha niya.

"Masyadong late na kasi 'yon kaya hindi namin susundin." aniya atsaka ngumiti pagkatapos nun. Napahinga naman ako ng maluwag doon. Buti nalang at hindi niya napansin ang ginawa ko kanina.

Napaubo ako nang wala sa oras sa napagtanto dahil sa rason niya. "At anong gusto mo, ang magsikipan tayo dito sa loob?"

Nilibot niya ng tingin at paligid at nagkunot ng noo. "Malaki naman ang court, ah?" kamot batok niya.

"Isa lang ang net." mabilis kong sambit.

"May dala kami." bawi niya.

"Kulang ang bola."

"Siyempre, mayroon rin kami." turo niya palikod at doon ko napansin na nag-uumpisa na palang maglaro ang mga hinayupak niyang kasama.

"Marumi ang c.r." walang panlaban kong sinabi, halatang hindi nagpapatalo.

I saw his side smiles before he looked at his team, "Lalaki kami. Nakakaihi kami kahit saan." mas lalo akong nainis doon. Gusto ko nalang baliin ang matangos nitong ilong na hinaharangan ang tingin ko.

"Wala akong pake." sabi ko nang wala na akong magawa.

Mabilis siyang ngumise at tumalikod pagkatapos akong kindatan. "Wala rawng pake si Cap, magsimula na tayo." sigaw niya sa mga kasamang kanina pa nagsisimula.

"Hoy!" taranta ko para pigilan siya.

"Oh?" lingon niya.

Nagkaisa ang dalawang kily ko, "Hindi pwede. Kami ang nauna dito." pagmamatigas ko pa rin. Aba, bakit hindi, eh mas malaki ang karapatan ko lalo na at schedule namin sa pinagkasunduan.

"Share kasi." kamot ilong niya.

"Ayoko." pagdadamot ko.

"Please?"

"Ayoko nga!"

"Eh, anong gusto mo? Ako?"

Mabilis ang pagbato ko sa bola pero mas mabilis siyang nakailag. "Yie, ikaw ha." asar niya bago pinasa pabalik sakin ang bola.

Umingos ako nang magsimula silang mang-asar, kasama pati iilan sa mga teammates ko. Sinamaan ko ng tingin ang captain nila at kasabay nun ang paglitaw ng magandang ideya sa isipan ko.

Tinapon ko sa kaniya ang bola, "Three sets. Kapag nanalo kami, susundin niyo ang oras. Kapag nanalo kayo, pwede na kayong makihati sa'min."

Tahimik naman siyang ngumiti at bago ko paman mabawi ang sinabi ay pumayag na siya.

"Walang iyakan, ha?"

----------------------
nyariina
3-17-'21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro