Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Game

Halos lumabas na ang dibdib ko sa kaba na kahapon ko pa dinadala. Nang malaman ko ang tungkol sa kapatid ni Maddox ay hindi na ulit ako mapakali. Narinig ko kasi mula kay Marian kung gaano ito kahusay maglaro, bukod doon ay ace rin ito noong highschool pa kaya mas kinabahan lamang ako.

Kapwa ka-teammates ko rin ay nataranta nang sabihin ko iyon sa kanila. Karamihan ng mga juniors namin ay tuwang-tuwa dahil kapag raw manalo kami ay may bago na kaming manager at makakalaro na kami kalaban ang iba't-ibang schools.

Iyon nga lang ay hindi ko alam kung gaano ito kalakas maglaro. Wala naman akong alam kung sino ang kapatid ni Maddox kaya mas lalong wala akong kaalam-alam kung paano ito maglaro. Gustuhin ko mang manood ng laro nito sa Youtube ngunit hindi ko naman alam kung ano ang pangalan, atsaka nakakahiya naman kung tinanong ko ito kay Maddox, baka akalain niya pa na excited ako. Kaya mabuti nalang at wala akong number nito.

"Ano, ready na ba ang lahat? 5pm raw dadating! Kaya maghanda kayo! At juniors—" pagkukuha ni Marian sa atensyon nila, "—walang uuwi hangga't hindi niyo malaman kung sino ang mananalo! Bukod sa susuportaan niyo kami, e-take advantage niyo na rin ang pagkakataong ito na mapanood ang seniors niyo, at seniors namin na maglaro! Kailangan may matutunan kayo, hindi lang puro cheer at kilig. Maliwanag?" nagsitanguan naman ang lahat sa kaniya.

Imbes alas nwebe ay biglang binago ni Maddox ang oras. Sabi niya ay busy raw ang kapatid niya, hindi na rin naman ako nagtanong kung bakit dahil labas naman ako doon, ang sa akin nalang ay ang pumayag dahil kailangan na namin ng coach. Akala pa nga namin ay pinagti-tripan lang kami pero mukhang seryoso naman talaga si Maddox, kahit papaano ay hindi naman siya ganoon ka gago.

Mabilis na nagsitayuan ang iba nang makita naming pumasok ang mga volleyball players na lalaki.

Dali-dali namang nagtungo si Maddox sa puwesto ko na ikinatili ng lahat. Kusang lumayo ang mga kasama ko sa akin at kahit sa malayo ay ramdam na ramdam ko ang makahulugang tingin nilang lahat. Hindi ko nalang pinansin dahil wala naman akong dapat e-explain sakanila. Maniwala sila sa gusto nilang paniwalaan basta pagod akong magpaliwanag.

"Ano, ready na ba?" tanong niya sa'kin bago ako tinapunan ng cold compress.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Anong gagawin ko dito?"

"In case lang 'yan! Ibigay mo sa kung sino matamaan ni ate ng bola mamaya!" ngiti niyang sambit atsaka sumuno ng dalang saging latik.

Ate. So, babae ang magiging coach namin kung sakali man.

"Gusto mo?" anyaya niya kaya inismiran ko.

"Kapag sinabi kong oo, bibilhan mo ako?"

Natigilan siya doon, "So, gusto mo talaga?" ulit niya kaya napairap ako bago umiling, kasi totoong ayaw ko naman talaga. Baka masuka ko lang dahil sa kaba, sayang naman.

"Weh? Oh, ito, oh. Iyo na lang." atsaka niya kinain ng buo ang isa sa dalawang saging latik.

"Ayaw ko nga sabi, eh." nang inilapat niya sa bibig ko ang natira.

"Iyo na, sige na! Kumain ka para mag energy mamaya!" kumbinse niya pa na mas ikinapikon ko.

Kung hindi lang sana sa mga kutya ng mga kaibigan ko ay hindi ko sana talaga tatanggapin. Pero ayaw ko namang mapahiya ito kaya walang choice na kinain ko nalang.

"Oh, diba, masarap?" inikutan ko nalang ito ng mata at tahimik na kinain ang binigay niya.

Pumasok tuloy sa isipan ko kung bakit ko ito hinayaan na tumabi at makipag-usap sa'kin. Hindi ko naman ito kaibigan, lalo pa't ayaw ko rin sa taong 'to. Pero dahil may utang na loob naman ako sa kaniya, kaya saka ko nalang ulit ito iiwasan kapag matalo kami mamaya.

"Malakas manghampas si ate kaya kapag tingin mo ay di mo kayang saluhin ito ay pabayaan mo na." advice niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ano tingin mo sa'kin, mahina?"

Mabilis siyang nag-iling, "Hindi, ah!" atsaka biglang tumahimik. "Sorry kung iyon ang dating sa'yo ng sinabi ko." aniya na may bahid na hiya.

Iwinaksi ko nalang iyon sa isipan atsaka siya tinanong tungkol sa ate niya. "Ano pa kailangan kong malaman tungkol sa ate mo?"

Naintindihan ko na kasi kung bakit niya iyon sinabi.

Napamaang ito at tinitigan ako ng ilang segundo, "Be better than her."

"Ha?" ako naman ngayon ang napamaang.

"Jump higher if she jumps. Move faster if she has the ball. Make sure your eyes are focused but all around at the same time. Study their moves and learn their weaknesses. At panghuli, huwag mong ipagdamot ang bola, kasi ayaw ni ate iyan."

Pagkatapos na pagkatapos niyang sambitin ang lahat nang iyon ay saka namang pagsinghap ng karamihan sa loob nang masilayan ang mga pumasok.

Napakurap rin ako sa gulat nang maanigan ko ang pamilyar na mukha na kahapon lang ay nakita ko.

"Oh! Nandito na pala sila, tara ipakilala kita." masayang sambit ni Maddox bago marahan na hinablot ng braso ko.

Halos taranta ko naman itong inagaw at tinaasan siya ng kilay, "Anong pakilala? Magjowa ba tayo?" inis kong sambit sakaniya.

Malakas naman itong humalakhak sabay yakap pa ng tiyan niya na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

"Bakit? Kailangan ba muna kitang majowa bago maipakilala sa ate ko?"

Doon naman ako natauhan. Teka nga, ba't ko nga ba inisip iyon na dahilan? Eh, kailangan naman talaga ako nito makilala dahil ako ang team captain at magiging coach namin ito.

Halos mapuno ng init ang buong mukha ko sa mga napagtanto. Hiya na inirapan ko lamang ito bago siniko, "Ipakilala mo na ako. Bilis." utos ko kaya natatawang sinunod niya naman ito.

"Ate!" tawag niya sa atensyon nito.

Halos maestatuwa ako sa kinatatayuan ko nang bumaling ang mga ito sa amin. Lalo na ang babaeng pamilyar. Nang matitigan ko iyon, doon ko na napagtanto.

"Siya ba?" bulong ko habang papalapit sa kanila.

"Halata ba?" bulong rin ni Maddox bago nakipag-apir sa mga kasama ng kapatid niya.

Mariing tinitigan lang ako ni Madeleine, nakakatandang kapatid ni Maddox.

Wala siyang imik na sinuri ang kabuuan ko, na para bang inenspeksyon ang buong pagkatao ko. Kabado man ay wala sa sariling tinitigan ko lang rin ito, habang nagdadasal na sana'y pansinin na ulit kami ni Maddox, hayop 'yon, ipakilala raw ako tapos ngayon nang-iwan.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang mahagilap ko ang pagbuka ng bibig ng ate niya sa harap ko.

"Kakambal ka ni Khalil, diba?" unang bati niya sa akin kaya tumango ako.

"Kadness Morales. Team captain ng women's volleyball." nilahad ko na ang kamay ko.

Mabuti nalang at tinanggap niya ito. Nagdadalawang-isip pa naman akong makipagkamayan dahil unang impresyon ko sa kaniya ay sadista at nag-iignora.

"Madeleine Jazz Labrador. Ate ng jowa mo." sambit niya pa nang tanggapin ang kamay ko.

Halos mabilaukan naman ako doon pero buti hindi, napasigaw nga lang. "Hindi! Iyan?" turo ko pa kay Maddox na ngayon ay nakatingin na sa'min, halatang nagtataka kung bakit ako sumigaw.

"Hindi ko jowa, iyan! Kaibigan lang iyan ni Khalil, pero hindi ko jowa." halos matanggal na ang leeg ko kakailing sa kaniya.

May multong ngiti ito sa labi na agad rin namang naglaho bago tumango. "Kuwento mo iyan." sabi niya pa na para bang hindi naniniwala atsaka ako tinalikuran upang pumunta sa ibang miyembro ko.

Mabilis ko namang hinablot si Maddox, "Anong sinabi mo sa ate mo, ha? Ba't kita naging jowa?!" pabulong ko.

Natawa siya doon, "Talaga?" tila ba'y natutuwa pa.

Inis na hinampas ko ang matigas nitong braso, "Gago ka!" pabulong ko pa rin dahil ayoko namang marinig nilang nagmumura ako sa kapatid ng magiging coach namin.

"Ayaw mo nun? Mas may chance na pumayag siyang maging coach niyo." ngiti niya pa kaya halos mapunit ko na ang suot nitong tshirt dahil sa inis.

"Joke lang! Wala akong sinabi, promise!" gumuhit pa siya ng kruss sa dibdib atsaka inangat ang kanang kamay sa ere, "Cross my heart pero walang mamatay!" mabilis na siyang kumaripas ng takbo atsaka ako iniwan.

Napabuntong hininga nalang ako sa nangyare. Hindi ko na dapat inisip iyon dahil may mas malaking problema pa akong haharapin ngayon.

Humugot ako ng maraming hangin bago ko sinuyod ang daan patungo sa gitna ng court. Bukod sa maglaro ay wala na akong alam kung ano ang magiging kalabasan ng hapong ito. Pero kung ano man iyon, ay sana naman ay mapapakinabangan naming lahat.


Tahimik akong nag sign of the cross habang pinakatitigan ang dalawang grupo sa harap. Nagpasya akong huwag munang pumasok sa first six dahil gusto ko sanang manood muna. Para malaman ko kung gaano kalakas ang magiging coach namin.

Napanood ko na sila kahapon ngunit magkaiba kapag nasa buhangin at nasa mismong court. Kung malakas sila kahapon, ay sigurado akong may mas ikalalakas pa sila.

Narinig ko pa nga ang pag-angal ng ibang teammates atsaka ng mga male players nang malaman nilang hindi ako kasali sa first six. Todo angal ang mga ito, kesyo raw takot daw ako.

Oo, takot ako. Takot akong sumulong sa digmaang walang kaalam-alam tungkol sa mga kalaban.

Team captain ako kaya alam ko ang ginagawa ko. At itong ginagawa ko ngayon ay para sa teammates ko. Kailangan nilang malaman ang nangyayare sa labas ng court.

Malaking lunok ang ginawa ko pagkarinig ng sipol. Palatandaan na magsisimula na ang laro.

Umayos na ako ng upo at maiging pinanood ang laro. Kami ang unang nag serve kaya nasa amin ang pabor. Walang kahirap-hirap naman itong sinalo ng kabila at binalik sa amin na pahampas. Mabilis ang pngyayare, kaya hindi kaagad ito nailigtas ng grupo namin.

Naghiyawan sa loob habang si April naman ay dismayado sa sarili. Malapit kasi sa kaniya ang bola kaya sinisisi niya ang sarili. Mabilis naman akong tumayo at binigyan sila ng suporta.

"Kasisimula pa lang!" sigaw ko kaya bumalik naman agad sila sa puwesto.

Ninakaw ng kabilang grupo ang serve kaya naman ay hindi ko ito pinalampas. Kailangan kong masaksihan sa personal kung gaano siya kalakas sa laro. Kasi mamaya, sigurado akong makakaharap ko rin ito.

Sumipol na kaya kalmadong umatras si Madeleine habang nasa harap ang mga tingin. She was so focused that she didn't even bother looking at the ball when she throw this on the air. And with a high jump, she made a loud explosion inside the gym.

Gulat na gulat ako sa nangyare. Sa sobrang lakas at bilis nito, ay nakita ko nalang na tumama na ito sa sahig at tumalon pa papunta sa gawi ko.

Mabilis ang kamay kong hinawakan ito upang maiwasan ang pagtama sa mukha ko. Naghiyawan naman ulit ang mga tao sa loob, habang ang mga kaibigan ko naman ay nag-alala sa akin.

"Hindi ako natamaan." sambit ko sabay angat pa sakanila ng bola.

Bumalik na ulit sa posisyon nila habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyare.

'Be better than her...'

Anong better, eh, halos hindi ko nga makita ang lipad ng bola! Gago 'tong Maddox! Pinaasa pa ako, akala ko pa naman ay kayang-kaya ko 'tong ate niya.

Tuloy parin ang laro at habang lumalaki ang puntos ng kabila ay lumiliit naman ang pag-asa namin na magkaroon ng coach.

4/12. Iyan ang kailangan naming habulin para makapanalo. Pero mukhang malabo dahil wala pang sampung minuto ay halata na sa mga mukha ng teammates ko ang pagkapagod.

Napakagat labi ako doon. Ganito ba talaga kami kahina? O sadyang mahusay lang ang kalaban namin?

Kung ikokompara ko ay kasing-galing ang mga ito sa manlalaro na nakikita ko sa national TV. Yung palo, galaw, bilis, at higit sa lahat ay disiplina sa loob ng court—kuhang-kuha nila.

Lalo na yung Madeleine. Kung ang kagaya niya ang magiging coach namin, sigurado akong mas gagaling pa kami at mas tataas ang possibilidad na manalo sa lahat ng laro. Bukod doon ay makakagraduate rin ako ng walang paghihinayang.

Ramdam ko ang pagkabuhay ng pag-aasam sa sistema ko. Gusto kong manalo kami. Gusto kong maturuan kami ng kagaya ni Madeleine. Oo. Gusto kong manalo kaya kailangan kong pumasok.

Mabilis na sumipol ang referee kaya halos maiyak na sila sa tuwa na lumapit sa akin.

"Ayoko na!" iyak ni April sabay yakap sa'kin. "Pumasok ka na, please! Hindi ako panatag pag wala ka."

Sumang-ayon naman ang iba, "Ang hirap magblock kapag ako lang, cap! Lakas nila manghampas, eh!" reklamo pa ng isa sa pinakamatangkad sa team.

"Inuuna niyo kasi ang takot niyo kaya kayo nahihirapan." sambit ko kaya lahat sila ay natahimik.

"Nakita ko na kung paano sila maglaro, at nahanap ko rin ang laki ng pinagkaiba natin sa kanila. Pero hindi naman iyon bago dahil alam natin lahat na ang layo na rin ng narating nila. Ngunit kailangan nating pakatatandaan na kailangan natin ng kagaya nila upang maturuan tayo. Hindi ko alam kung paano natin ito maipapanalo pero gusto kong malaman niyo na kung makita lang sana nila ang totoong lakas natin, ay baka may posibilidad pa na tanggapin nila tayo. Wala naman sigurong coach na gustong magturo sa mahihina." pagpapagaan ko sa loob nila bago kinuha ang bola sa kamay ni Maxine.

"Sinong gusto magpahinga?" tanong ko na ikinatuwa naman ng lahat—pero pinag-aagawan rin nila April.

Sa huli ay nanalo si Aila sa makapagpahinga.

Naghiyawan ang mga lalaki nang maglakad ako papasok. Ramdam na ramdam ko rin ang titig ng nasa kabila kaya binalik ko rin ito sa kanila. Halos nanghina ako nang magtama ang mata namin ni Madeleine. Nakita kong ngumiti ito sa akin kaya nahiya akong nag-iwas ng tingin.

Nakikita ko kasi si Maddox sa kaniya at baka hindi ko mapigilan ang pag-irap. Mahirap na baka bawiin pa yung posisyon niyang maging coach namin.

Nagsimula na ulit ang laro. Dahil sa amin naman ang huling puntos ay ako na ngayon magmagseserve. Kilala ako na may malakas na hampas pero nahihiya akong gawin iyon dahil sa nasaksihan ko kay Madeleine kanina.

Walang-wala ang hampas ko sa kaniya.

Imbes na tumalon ay pinagbutihan kong huwag muna magsayang ng enerhiya dahil ayoko agad mapagod sa unang set ng laro. Gusto kong maglaro at matuto, kaya kailangan kong obserbahan sila ngayon sa loob ng court.

Unang serve palang ay binigyan agad nila kami ng spike. Mabuti nalang at inasahan ko iyon kaya mabilis na nasagip ko naman ito. Nagtatalunan sa saya ang iba roon, yung iba ay namangha naman dahil hindi raw nila inakalang masasagip ko ang ganoon ka lakas na spike.

Sanay na ako sumalubong ng spikes. Ngunit may kasakitan ito ngayon dahil may dalawa kaming kalarong lalaki. Oo, unfair sa amin dahil hindi pareho ang lakas sa magkabilang team pero kahit paman puro babae lang sila ay hindi pa rin kami mananalo.

Hanggang palaro lang kami, yung iba sa kanila nasa TV na.

Nagkaroon kami ng puntos dahil doon kaya mas naganahan yung iba sa paglaro. Bumalik ang dating sigla at tiwala nila sa sarili kaya naman ay naramdam ko ang paggaan ng hangin sa loob.

"Ayos lang iyon!" rinig ko pa ngayon ni April nang hindi agad masalo ni Marian ang bola.

Nakangiting tumango naman si Marian sa kaniya bago bumalik sa pwesto na magaan at masaya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon. May pag-asa na kaming makapuntos ulit, at kung pagpalaan, ay makahabol rin.

Ganoon pa rin ang nangyare, mas marami pa rin ang puntos ng kabila pero ang ipinagkaiba sa kanina at ngayon ay may dalawang puntos nalang na pagitan namin sa kanila. Medyo nakakakaba at overwhelm pero nahihiwagaan na rin ako sa kung paano nangyare iyon.

Napatingin ako sa gawi ni Maddox na nahuli kong kunot noong pinanood ang kapatid niya. Kumabog bigla ang dibdib ko. Posible kayang may napagtanto rin siya?

Pareho kaming team captains kaya mabilis naming naamoy ang pagbabago sa laro. Pero ano naman iyon? Base sa reaksiyon ni Maddox, sa tingin ko ay meron nga talaga, ngunit hindi ko lang alam kung ano.

Dahil doon ay nawalan tuloy ako ng focus sa laro. Nakakasalo pa ako at block, pero nawawalan ako ng timing at strategies dahil sa iniisip. Naramdaman iyon nila April kaya mabilis akong umiling upang hindi sila mabalaka.

Habang pinagpatuloy ang laro ay naramdaman ko ang unti-unting pagbabago ng paligid. Ang paghina bigla ng mga hampas, at pagbagal ng mga takbo, at ang lalong paggaan ng hangin. Those were only little differences but I could not help but bother.

Napatingin ako sa kabila. Ano kaya ang balak nilang gawin?

Mabilis kong sinagip ang bola papunta sa setter atsaka namang tumakbo upang maabot ko pa ang bola sa pagtalon.

Pagkahampas na pagkahampas ko nito ay tila ba'y bumagal ang buong paligid pagkaharap ko sa net. Dalawang pamilyar na mata ang nakatitig sa akin, ang pares na braso ay nakataas at handang protektahan ang panig nito. Kahit mabilis ang pangyayare ay tanaw na tanaw ko kung paano niya kadaling naharangan ito gamit ang isang kamay.

Ngunit dahil sa lakas rin ng hampas ko ay nagawa ko pa rin itong palampasin sa kamay ni Madeleine atsaka mahulog sa sahig ng kabila, at iyon ang ikinatanto ko.

Pagkabalik ko sa sahig ay doon naman kumudlit ang inis sa puso ko. Inis at dismaya sa kaalamang sinadya nilang papuntosin kami sa pamamagitan ng paghina.

Nahalata agad nila Maxine ang pagkainis ko kaya bahagya silang lumayo sa akin nang matanggap ko ulit ang bola mula sa kabila.

Malinaw sa mga mata ko ang mga ngiti nila at tawa kaya mas ikinainit pa ito ng ulo ko.

Ang sama nila! Ano ba ang tingin nila sa amin? Mahihina? Bakit hindi nila seseryosuin 'to? Bakit kailangan pa nilang iparamdam sa aming kung gaano sila kalayo abutin? Paano nila makikita ang galing namin kung laro-laro lang pala 'to para sa kanila?

Nahuli ako ng kapatid ni Maddox na nakatingin sa kaniya. Ang masama na tingin na pinupukol ko ay nagsilbing rason upang patigilin niya ang ka grupo niya sa pagtawa.

They immediately went serious when they spotted Madeleine's eyes on them. Tila ba'y may sariling komunikasyon ang kanilang mga pagtitinginan. At ilang segundo lang ay lahat ng ito ay napatingin sa akin.

Ganyan. Panoorin niyo akong hampasin ang bolang 'to patungo sa inyo para malaman niyo kung gaano kami ka desperadong magkaroon ng coach.

Wala akong sinayang na segundo nang matapos ang sipol. Mabilis akong umatras atsaka hinagis sa ere ang bola bago ko ito tinalon at inambahan ng pinakamalakas kong hampas. Ang tunog na dulot nito ay ang rason kung bakit natahimik bigla ang buong gym, kahit sila Marian ay hindi mapigilang mapalingon sa akin ng gawin ko iyon.

Mabilis akong tumakbo at sinenyasan sila na magfocus kaya ginawa nila agad iyon. Nakita kong sinalo ng lalaki ang serve ko na ikinatukod niya naman ng tuhod. Medyo gulat pa siyang napatingin sa akin. Binigay niya ito papunta sa babaeng nasa harapan ng net kaya naman ay dali-dali rin akong napatakbo palapit roon.

Alam ko na ang mangyayare dito. Ito ang pinakauna nilang ginawa kanina na siyang ikinatakot ng teammates ko.

Pero ngayon na nandito na ako, pipilitin ko ang sarili kong huwag silang hayaan na makapasok sa loob.

Pagkatalon na pagkatalon ni Madeleine ay sumunod naman ako. Sa pagkakataong ito ay ginawa ko ang utos sa akin ni Maddox.

'Jump higher if she jumps...'

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Madeleine nang masilayan ako sa harap niya. Hinanda ko na rin ang sarili kong maproktektahan ang base. Gamit ang kaliwang kamay ni Madeleine ay ginamit niya ito sa paghampas ng bola na nasa harapan namin.

Alam ko kung gaano ka lakas iyon, alam ko rin na mauuwi sa sugat ang kamay ko kapag pinilit kong harangan iyon. Pero sa ginawa nila kanina, gusto kong malaman nilang hindi kami basta-basta. Oo nga't may marami pa kaming kailangangan matutunan pero gusto kong makita nila na sila mismo ang dapat gumawa nun sa amin.

"Hala!" rinig kong singhap ni Marian na nasa tabi ko.

Halos lumipad palikod ang braso ko pagkadapo ng bola sa kamay ko. Pagkabalik ko sa sahig ay doon naman ako napakuyom dahil sa sakit na naramdaman ko. Hindi pa tapos ang rally kaya kailangan ko agad bumalik sa katinuan at ipagsawalang-bahala ang kirot na nararamdaman.

Ngunit bago paman ulit ako makabalik sa katinuan ay nakita ko nalang ang paparating na bola sa mukha ko.

Kasabay ng singhapan ay ang napakalakas na nagpagtama nito sa mukha ko.

Mabilis akong napaupo sa sahig kaya dali-dali rin naman nila akong pinalibutan. Panay alala sila sa akin habang nilalabanan ko naman ang ulirat kong himatayin.

Pero dahil sa pagod ay hindi ko na ito nakayanan pa. Ngunit bago paman ako tuluyang himatayin ay malinaw na narinig ko kung paano siya nagmaktol sa harap ng kapatid niya.

"Ate naman! Kailangan ba iyon?"

——————————————————————
nyariina

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro