Chapter 7: Madeleine
——————————————————————
"Papayag naman ata 'yon..."
Ata... maaaring hindi, maaari ring pwede. Napabuntonghininga na naman ako kakaisip sa sinabi ni Maddox. Hindi ko alam na kapatid niya lang pala ang tinutukoy ng kakambal ko. Pero base sa mga narinig ko, mukhang mahihirapan nga kami sa pagkumbinse nito.
Itinuwid ko ang dalawang binti at inunat ang katawan bago napagpasyahang lumabas ng bahay. Birthday ni April ngayon at balak niyang ecelebrate ito sa beach. Kami lang atang magkakaibigan ang kasama niya kasi mamaya pa namang gabi yung totoong celebration ng debut niya. Balak niya pa atang masunog bago ang party niya.
"Oh, saan punta mo?" bungad ni Khalil na mukhang kakauwi lang.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ba't ngayon ka lang?"
Lumapit agad ito sa dispenser at uminom ng maraming tubig bago ako sinagot, "Nagkayayaan lang uminom kaya doon na ako natulog kina Maddox." pumintig ang tenga ko doon.
"Kapal ng mukha nito." tugon ko nalang bago umalis nang walang paalam.
"Hoy! Saan ka nga?" rinig ko pang sigaw niya pero hindi ko na pinansin at kinain na ang daan patungo sa bahay ni Marian, kung saan namin napagkasunduang magkita-kita.
"Happy birthday!" sabay naming sigaw nang dumating na si April.
Mabilis itong napatakip sa ulo habang panay tingin sa paligid niya, nagbabakasakaling gawin na naman namin sa kaniya ang ginawa namin noon.
"Wala oy! Mahal na yung itlog at harina ngayon!" tawang tawa na si Caitlyn na siyang nasa driver's seat.
Pumasok na si April na hindi naniniwala kay Caitlyn. Tinawanan nalang namin atsaka na nag umpisang bumyahe patungo sa paliguan.
Pagkarating ay agad naming nilapag sa puting buhangin ang dalang picnic blanket ni Maxine at nag umpisa ring inayos ang mga pagkain sa gitna nito. Caitlyn brought out her car's pillows for us to sit on it. Ako na ang nag karga sa isang kahon na kung saan namin nilagay ang ibang bagay katulad ng mga salbabida, volleyball, lotions, at kung ano pang dala ni Caitlyn.
Sa aming lima ay si Caitlyn talaga ang may kaya. Sa pagkakatanda ko ay isang negosyante ang daddy niya at kamag anak niya pa ang Mayor ng Everett Valley. Pero ni minsan di namin naramdaman ang ma discriminate dahil sobrang bait at humble naman ng pamilya niya.
Medyo makulimlim ang panahon ngayon kaya mas inuna namin ang maligo bago kumain para masulit namin ang pagbabad sa tubig. Matapos kumain ang nagkayayaan naman namin ang maglaro. Mabuti nalang talaga at katamtaman lang ang taong naliligo ngayon kaya halos kaming lima lang ang tanging nag iingay dito.
Nagboluntaryo si Caitlyn na mag referee dahil ayaw niyang sumakit ang binti niya mamaya habang mag dadrive siya. Kakampi ko ngayon si Maxine, sa kabila ay kalaban naman namin ang debutant at si Marian.
Sa una ay laro-laro lang sa amin pero biglang naging conpetitive si April kaya nabuhayan rin ang loob namin ni Maxine upang taluhin ang dalawa.
Back then when we were just newbies, walang araw na hindi kami nag-aaway-away sa tuwing naglalaro. We were all competitive and immature. Walang usapan na hindi nauuwi sa pagkakainitan. Although we all knew each other back then before we entered volleyball. But looking at us now, hindi ko akalaing sobrang laki pala ng impluwensya ng hindi namin pagkakasundo noon.
Caitlyn whistled, right arm pointed at us. Kaya pareho kaming napatalon ni Maxine doon. The sand was really hard to jump on, lalo lamang bumibigat ang katawan namin kaya hindi ako nag expect na makapuntos kami.
I mean, Maxine and I barely go to beaches, hindi kagaya ni Marian at Caitlyn na halos linggo-linggo nalang naliligo. As for Marian, iyon raw ang turo sa kaniya ni Coach para alam niya paano bumalanse ng katawan tuwing naglalaro siya sa court. Kay Caitlyn naman ay sadyang nakatira siya malapit sa dalampasigan kaya hindi niya maiwasang maglaro kapag wala siyang magawa.
"Hindi lang tayo mapapagod nito! Uuwi rin tayong walang paa!" sigaw niya nang halos higupin ng buhangin ang paa niya pagkatalon.
Panay tawanan lang kami sa tuwing may isa sa aming tatlo ang nadadapa. Medyo nakaramdam na rin ako ng sakit sa katawan matapos ang ilang set. Sa huli ay natalo kami ni Maxine at bumalik sa pwesto namin na pawis na pawis.
"Ang saya no? Next time kapag pareho tayong lima na vacant, punta ulit tayo dito para magpractice." suhestiyon sa amin ni Marian habang tumutungga ng tubig.
Mabilis na nag-iling si April at hinihingal pa rin na sumagot, "Ayoko. Baka ito lang dahilan sa pagkamatay ko." aniya na ikinatawa naming lima.
Nabaling ang atensyon ko sa mga kakarating lang sa mga tao. Nasa apat lang sila at tingin ko ay pumunta lang sila dito para maglaro ng volleyball base sa suot at dala nila.
Narinig kong natahimik ang apat at sinundan rin sila ng tingin. "Tagal ko nang di siya nakita, ah." sambit ni April.
"Dito sila naglalaro tuwing linggo, minsan nga nakakalaro namin ni Papa." sagot ni Marian na may kunot sa noo, "Pero di ko kilala ang isa diyan."
"Ako di ko kilala lahat." tawa ni Maxine.
"Yang amerikana. Sino 'yan?" tanong ni Marian sa amin nagbabakasakaling kilala rin namin.
Kinunotan nalang siya ng noo ni April at iningusan, "Di mo kilala si Madeleine?"
Nag-iling si Marian kaya tiningnan niya kaming tatlo, kaya inilingan rin namin. Napanganga ito at napaayos ng upo. "Seryoso kayo?"
"Malamang! Eh, foreigner 'yan! Paanong makilala namin ang taga ibang bansa?" ikot mata ni Maxine.
"Bakit artista ba 'yan? Or?" tanong naman ni Caitlyn na pilit inaalala kung sino man ang babaeng iyon.
Napatingin naman ulit ako sa foreigner at napakurap nang maaninagan ko ang pamilyar na mukha nito. Kung hindi ako nagkakamali, sa tingin ko ay ito yung babaeng nakita ko noong bumili ako ng art materials ng kapatid ko.
Napataas ang dalawang kilay ko sa napagtanto. Volleyball player pala siya kaya pala halos pare-pareho ang built namin. Mas matangkad nga lang siya at maputi. Pero bukod doon, mas halata namang matagal na siyang player kesa sa akin.
"Tingin niyo, hindi ba't may kamukha siya?" pilit pa ring pagpapaalala ni April kung sino ang babaeng iyon.
Nagkibit-balikat sila habang ako naman ay hindi nalang pinansin ang mga 'to at ngumuya ng pagkain.
"Alalahanin niyo kasi!"
"Eh, kung sabihin mo nalang kaya? Tanga 'to." inip na si Maxine.
"Eh—kapatid kasi iyan—aray!" impit niyang sigaw nang biglang may tumamang bola sa likuran niya.
Nagtawanan ang tatlo habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata nang makita at marinig ang impact ng bola sa likuran ni April.
Bigla akong kinalabutan doon at natakot na baka nabalian ng buto si April. Nakita naman namin ang isang lalaking patungo sa amin para kunin yung bola. Hindi naman niya nakalimutang magsorry doon kaya naman ay naging maayos lang ang lahat, maliban nalang sa likuran ni April.
"Do you want to take me to the nearest hospital?" the concerned guy asked her.
Imbes na sumagot ay nauna pa ang kilig ni April kaya di ko tuloy mapigilang matingnan siya ng masama. Mabuti nalang at agad niya yung nakita kaya sumagot agad siya. "It's fine! I'm fine! My back hurts a lot but I can manage."
"Okay, but if anything goes wrong, please do tell us." he politely said at bago paman ito makaalis ay hindi na napigilan ni April ang maghingi ng number nito.
"You know, just in case of emergency." sagot niya pa sa lalaki na nakangise.
Natawa nalang rin ako doon at napailing sa ginawa niya. April is the biggest flirt among us but I tell you, she's also the biggest scaredy cat when it comes to commitment.
Nang makaalis ay agad na nagtanong ako kay April, "Yang Madeleine, ano position niya?"
Bumuka ng bahagya ang bibig niya, "Sa pagkakatanda ko setter iyan pero mas magaling siya magblock..." sumilip siya doon, "..pero ewan anong nangyare sa kaniya at huminto bigla." malungkot niyang sambit na para bang kilalang-kilala niya 'to.
"Dati rin iyang ace sa school! Sila yung last batch bago dumaan ang ilang taon at binuksan ulit yung volleyball team ng school." Imporma niya.
"Tagal na nun, ah!" kumakain ng grapes na si Marian.
"Oo, matanda na rin kasi siya hindi nga lang halata."
Napatango-tango kami bago napatingala nang maramdamang may biglang pumatak sa mukha. Mabilis naman naming niligpit ang gamit at prinotektahan iyon gamit ang katawan. Bahala na mabasa kami basta wag lang iyong mga pagkain namin.
Imbes na magtambay pa ay napagdesisyonan nalang naming umuwi at magbihis dahil may debut pa mamaya si April, at imbitado rin kami. Hindi naman ganoon ka engrande yung handaan, simple lang, nandoon lahat ng pamilya niya atsaka ibang mga kaibigan niya rin.
"Hoy, gago, ba't ka nandito?" bungad ni Maxine kay Kobe na isang ka teammate ni Maddox.
Umingos ito at tinaasan siya ng kilay, "Kayo lang kaibigan ni April?" kaya nakatanggap naman siya ng hampas mula kay Maxine.
"So, nandito rin 'yong iba?"
Nakamusot itong tumango habang minamasahe ang brasong hinampas ni Maxine. "Cap, hinampas ako!"
Sabay kaming lahat na lumingon nang may narinig kaming tawa. Naangat ang dalawang kilay ko nang makita ang porma ni Maddox.
Buti sa porma niya marunong siyang mag-ayos, sa ugali hindi.
"May table na kayo? May bakante pa sa pwesto namin." aya niya sa amin.
Sumunod naman kami at naupo na. Napansin kong tatlo lang sila na inimbitahan ni April. Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha nila at kahit papaano ay hindi ko pa rin mawari paano nila naging kaibigan si April.
Mabilis pa sa alas kwatro na napaiwas ako ng tingin nang mahuli ako ni Maddox na nakatingin sa kaniya. Kita ko ang pagngise nito at dahan-dahan na paglipat ng upuan papunta sa tabi ko.
Napakunot ang noo ko, "Ginagawa mo?"
Umiling siya, "May sasabihin lang."
Napaharap ako ng tingin upang pakinggan siya. Nanatiling nakangise lang ito na para bang hinintay akong mapikon. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nainip pero mabuti nalang at nagsalita na siya dahil baka 'di ko na talaga kakausapin hanggang matapos ang gabi. May pagkagago rin 'to no.
"May nahanap na kayong coach?" Medyo pabulong pero sapat lang na makuha ang interes ko.
"Wala pa." matabang kong sagot pagkaalala.
Tumango siya, "Ako meron na." aniya na nagpapitik ulit ng leeg ko paharap sakaniya.
"Oh, chill, baka magkahalikan tayo." ang lapit kasi ng mga mukha namin noong tingnan ko 'to pero wala naman akong pakealam dahil hindi naman iyon ang interes ko. Pasimpleng umatras nalang ako noong makita kong wala siyang planong gumalaw.
"Pumayag kapatid mo?" pagbalik ko sa usapan.
Tumikom ang bibig niya bago unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi. Napatitig ako sa ngipin niya. Halatang nagpa braces ito noon. "Ano raw sabi?"
"Napanood niya raw kayong maglaro, ewan kung kailan." sumandal siya nang lagyan ng mama ni April ng lumpia sa mesa namin. "Thank you po." aniya.
"Talaga?" patuloy ko, atsaka sinundan ng mga titig ang kamay nitong nasa lumpia ang puntarya.
Tumango siya ulit, "Pangit niyo raw maglaro." pagpipigil niya ng tawa, "Sabi niya iyon oy! Di ako gumagawa ng kwento!" depensa niya nang sumama ang tingin ko.
"Paanong pangit? Baka hindi kami iyon." depensa ko naman atsak nilagok ng diretso ang tubig na nasa harap ko.
"Oy! Tubig ko 'yon!" sambit niya kahit puno ang bibig.
"Edi, tubig mo." iyon nalang ang nasabi ko dahil sa hiya. Aba! Ba't kasi nilagay sa harap ko! "Pero seryoso, hindi kami iyon. Ano, tubig o juice?" patuloy ko sa pag depensa habang pinapapili siya kung anong gusto niya.
Hindi naman kasi kami pangit maglaro! Paano kami nakalaro ng pambansa kung hindi kami magaling?
Nagkibitbalikat siya na natatawa pa rin, "Kilala ka niya." kumagat muna ulit siya ng lumpia bago ako sinagot, "Tubig lang! Salamat!" at pinunas ang mga daliri sa laylayan ng telang ipinagtakip sa mesa.
Napakurap ako doon sa unang sinabi niya atsaka natawa sa ginawa. Bago paman ako makapagsalita ay inunahan niya na ako, "Papayag lang siya kung matalo niyo raw sila bukas, sa gym, alas nuwebe raw." aniya pagkatapos tumungga ng tubig at walang paalam na umalis sa tabi ko.
——————————————————————
nyariina
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro