Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Coach

——————————————————————

"Kaano-ano mo si Donald duck?"

"Huh?"

"Haba ng nguso mo. Mag quack ka nga."

Asar na tinapunan ko ng lumpia wrapper si Khalil. Tuwang-tuwa ito sa pang-iinis niya kaya inismiran ko nalang atsaka nagpatuloy sa paggagawa ng lumpia.

Tumungab siya ng tubig mula sa petsel kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Buti sana kung hindi ka bad breath." sambit ko matapos niyang inilagay ang daliri sa gitna ng bibig niya na para bang pinapatahimik nalang ako, kasi sigurado siyang papagalitan na naman siya pag nagsumbong ako.

Bumuhakhak lang ito at sumandal sa mesa, "Balita ko muntik ka raw mapaaway kanina?" hindi na ako magtaka kung saan niya ito narinig.

Kinunotan ko siya ng noo, "Mapaaway? Ano tingin mo sa'kin basagulera? Makikipag-usap lang sana ako sa tsunggo na 'yon, baka na misinterpret nila." depensa ko.

Tumango-tango naman siya bago iniba ang usapan, "Ano, nakahanap na ba kayo?"

Umiling ako, "Pero sinusubukan namin si Ms. Tan, mukha kasing interesado siya."

Tumango siya, "Si Maddox may kakilala naman pero mukhang malabo 'yon." banggit niya kaya bigla akong na interesado.

"Paanong malabo?"

Maingat siyang kumuha ng lumpia wrapper at naglagay doon ng karne na hinaluan ko ng carrots at patatas, "Nakakatakot kasi 'yon. Hindi nga nakakausap ni Maddox ng walang mura, eh."

"Gage?" mangha ko.

"Oo, parang ikaw. Palamura." pang-iinsulto niya pa pero hindi ko nalang pinansin.

"Ba't di niyo subukang kumbinsehin? Baka sakaling pumayag."

Umiling siya, "Takot ako dun. Ikaw nalang kasi di ka naman niya kilala." nguso niya sa'kin.

"Anong connect?"

"May posibilidad pang pumayag." sagot niya agad kaya natahimik ako at napaisip.

Ganoon ba ka sama ang nangyare sa taong 'yon at kay Maddox? Kung ganoon ay huwag nalang. Kaso may isang parte kasi sa'kin na nagsasabing ito na ang sagot, pero ayoko namang magpadalos-dalos. Baka ma scam lang kami nun.

Bumuka ang bibig ko, "Ano...Try mo kayang kumbisehin si Maddox. Magkaibigan naman kayo baka papayag 'yon."

Tinawanan niya lang ako bago nilagay sa naka-pile na lumpia ang ginawa niya, "Try mo kayang ikaw ang magkumbinse baka makumbinse mo talaga." atsaka umalis na may pang-aasar na mukha.

Umagang-umaga pa lang at pagod na agad ang katawan ko dahil sa walang tulog kagabi kakaisip paano ko makumbinse si Maddox na kumbinsehin rin ang kakilala niyang binanggit ni Khalil kagabi.

Pabagsak akong umupo sa doorway at sinuot ang medyas habang nag-iisip. Hindi naman kami close ni Maddox para doon pero sapat na bang sabihin ko na pareho kaming athletes at malamang alam niya ang pakiramdam na nahihirapan sa paglaro dahil walang coach. Alam kong may pagkapilosopo ang taong iyon pero alam ko rin namang mabait siya, kaya hindi ko na pinoproblema ang paghingi ng maliit na pabor, ang tanging problema ko lang ay kung makumbinse niya ba talaga ang kakilala niya.

Naupo ako sa upuan ko at napabuga ng hangin. Naramdaman ko namang sumiksik sa akin ang mga kaibigan ko at nagtanong kung napano ako. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot, "May number ka ba ni Maddox?"

Halatang ikinagulat nila kaya pinaulit pa ako. Mukhang hindi pa ata sila makapaniwala kaya napairap ako, "May kailangan lang akong sabihin sa kaniya." paliwanag ko bago nila ako binigyan. Hindi talaga nila sana ibibigay dahil hindi nila narinig ang gusto nilang marinig, pero ba't ko namang sasabihing may gusto ako kaya naghihingi ako eh wala naman talaga?

Buti nalang at napasa ang atensyon nila kay April na mayroong number nito.

"Ba't ka may number oy!" rinig kong kutya pa nila bago ako lumabas para matawagan ito.

"Maddox." bulalas ko kaagad nang tanggapin nito ang tawag.

"Ha-?"

"Anong oras labas niyo mamaya? Magkita tayo sa gym pagkatapos agad ng klase niyo." walang paligoy ligoy kong sambit bago ito binabaan.

Hindi ko kayang tanggapin ang tanggi niya kaya binabaan ko nalang para hindi talaga makatanggi. Basta alam niya na, na kailangan naming magkita mamaya pagkatapos ng klase niya.

Bumalik na ako sa loob kasabay ng pagpasok ng subject teacher namin. Isinantabi ko muna lahat ng problema at nakinig para hindi na ulit bumagsak kung sakaling may test na naman.

Buti at maaga natapos ang klase namin kaya alas dose palang ay naglakad na ako papunta sa gym bago ako napahinto sa napagtanto.

Anong oras nga ulit ang labasan nila? Napasapo agad ako ng noo nang maalala kong hindi ko pala ito pinasagot kanina. Kagat labi akong nagsisi sa ginawa at naglakad na papunta sa gym para hintayin siya doon.

Handa na sana ako maghintay ng ilang oras sa kaniya nang makita ko itong nakaupo lang sa bench sa kabila at natutuwang pinananood ang practice ng basketball players.

Hindi niya ako namalayan kaya umupo nalang ako sa tabi niya, "Sino type mo diyan?" kasuwal kong tanong na ikinalukot ng mukha niya.

Nawala agad ito nang makita ako, "Hmm, iyon." sagot niya na may paglalarong ngiti sa bibig.

Napangiwi ako at tiningnan ang kaklase kong tinuro niya. "Eh, bobo iyan." pranka ko na ikinatawa niya.

"Tingin mo talaga lalaki tipo ko?"

Nagkibit balikat ako, "Malay natin." tinawanan niya lang ulit ito bago ako hinarap.

Napaurong ako sa kinauupuan ko nang gawin niya iyon. Sa lapit ba naman namin! Halos marinig ko na hininga niya, eh!

He smiled at my reaction, "Ano pala pag-uusapan natin?"

Umupo ako ng maayos doon at napalunok, "May narinig ako galing kay Khalil."

Tumango siya, "Ano yun?"

"May kakilala ka raw na pwede naming maging coach-" napahinto ako nang bigla agad nag-iba ang ekspresyon niya, "-bakit? Magkagalit ba kayo nun? Ayos lang, huwag nalang. Hahanap nalang kami ulit ng iba-"

Napahinto ulit ako nang marinig siyang tumawa, "Ito naman bilis magtampo." aniya na pa na parang kinikilig, tanga.

Tinaasan ko nalang ng kilay.

"Nabigla lang ako dahil ngayon ko lang ulit narinig may bumanggit sa kaniya." aniya na ikinataka ko.

Napasandal ito ng pag-upo at ginawang akbayan ang sandalan ng upuan ko pati sa kabila niya, isang binti namang ang nilagay sa paa niya, "Bihira lang kasi ang nag-uusap tungkol sa kaniya, nakakatakot kasi iyon." tawa niya.

"Pati ikaw takot?" tanong ko pero ngumise lang siya.

"Ba't naman ako matatakot doon? Eh, ikaw nga di takot kay Khalil."

Tinaasan ko ulit siya ng kilay, "Anong connect?"

Nagkibit balikat siya at tumayo, "Di ka takot kasi kapatid mo, kaya ba't rin ako matatakot sa kapatid ko?" aniya bago nagpaalam nang umalis.

Huminto siya sa kalagitnaan ng paglalakad, "Baka mamaya kukulitin ko siya tungkol sa inyo. Papayag naman ata iyon." huling banggit niya bago tuluyan nang nawala sa paningin ko at iniwan akong nakanganga sa nalaman.

Dumaan ang ilang oras matapos ang usapang nangyare sa amin kanina ni Maddox, at ngayon ay nasa gym na naman ulit ako. Dahil wala pa naman kaming captain ay ako nalang ang nakikipag-usap sa coach ng Mad Dogs tungkol sa schedule namin, kasabay ang ibang coach sa ibang sports. Medyo busy ang coach nila kaya pinilit kong bilisan rin ang pagdedesisyon.

Ayaw ko sanang magdesisyon ng akin lang dahil baka may problema iyon sa iba kong kagrupo pero wala akong choice dahil ayaw ko rin namang mainis sa'kin ang ibang coach.

"Ayos na ba 'to? Wala ka na bang papalitan dito? Dahil bukas isusubmit ko na'to." pagkonsidera ng coach ng Mad Dogs sa desisyon ko pagkaalis ng iba.

Napatango nalang ako at walang choice na binigay sa kaniya yung bondpaper. Nginitian niya ako atsaka pinaalala ang mga kakailanganin kong gawin para sa grupo habang wala pa kaming coach.

"Kamusta pala ang paghahanap niyo ng coach? Meron na ba?" halata sa mukha niya ang pag-alala para sa'min.

Inilingan ko siya, "Wala pa rin po. Patuloy pa po kami sa paghahanap, sana bukas meron na." sambit ko at walang planong ekuwento sa kaniya ang tungkol sa kapatid ni Maddox.

Tumango siya at nagbuntong hininga nalang, "Kapag wala talaga, sabihin niyo sa'kin, ha. Baka may makumbinse rin ako." aniya bago nagpaalam.

Napayuko nalang ako sa inuupuan at kagat labing nagdasal na sana'y makahanap na kami bukas. Dahil sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo lamang akong kinakabahan para sa'min. Ayokong ma disqualify kami dahil doon.

——————————————————————
nyariina
1-10-'23

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro