Chapter 5: Earlier
----------------------
Linggo ngayon at sa umaga naka-schedule ang practice namin. Wala kaming sinayang na oras at panay pag-eensayo lang para kahit papaano ay hindi kami ma behind bago kami magkaroon ng bagong mag sub kay coach.
Pasado alas onse na nang matapos kami at makapagpahinga bago kami aalis para kumain ng tanghalian. Nakaupo kaming lahat sa sahig habang pinag-uusapan ang tungkol sa pwedeng mag-sub kay coach. Maraming mga pangalan na sinuggest ang iba ngunit kinailangan pa rin naming mamili ng nararapat sa posisyon.
"Ba't nga pala tayo ang namomroblema nito?" taka ni Rose.
"Hindi." sambit ni Marian bago umupo ng matuwid, "Kasalukuyan ring naghahanap ang school ng pwedeng mag-sub kay papa, iyon nga lang ay wala pang tumanggap."
Nahulog ang balikat ng lahat sa narinig. Wala kaming magawa kung ganoon. Hindi naman sobrang laki ng school at lalo ng public lang ito. Umaasa lang sa gobyerno at sa mga funds. At kung hindi lang siguro namin dinala ang pangalan nito at nagtop 2 sa palaro ay malaking posibilidad na mas walang maglakas-loob na maging coach namin.
"Eh, yung captain sa kabila? Hindi ba't napagtanungan 'yon ni Khalil?"
Lahat kami ay napatingin doon kay Maxine nang mabanggit niya 'yong tungkol sa isang araw. Napatingin ako sa sahig at naalala ang sagot ni Maddox doon. Tama, sinabi niya nga na susubukan niyang tanungin ang iba niyang kagrupo, baka may kilala rin ang mga 'to. Iyon nga lang ay wala na akong narinig pa mula sa kaniya matapos 'yon.
"Ano, cap? May meron raw ba?"
Nagkibit balikat ako at umiling, "Hindi ko alam, wala namang nabanggit sa'kin si Khalil tungkol doon." sagot ko bago narinig ang malakas na ingos ni April.
"Aysus, siyempre walang pakealam yung Maddox na 'yon." irap niya, "Sinabi niya lang 'yon bilang respeto kasi kapatid ka ng kaibigan niya, lalo pa't captain siya sa kabila. Pero sa totoo niyan, wala." negatibong komento niya na ikina-irap ni Maxine.
"Oy, baka wala talaga siyang kilala. Ikaw naman." halukipkip nito sa tabi ko.
Tumaas ang isang kilay ni April at bahagyang pumasulong mula sa pagkakaupo, "Sure ka? Ba't di niya masabi sa'tin?"
Nagkibit balikat naman si Maxine, "Baka nakalimutan lang niya."
"Aysus, nilalabanan pa. Ang sabihin mo, may crush ka dun." turo niya dito kay Maxine kaya napakurap ito.
"Oy! Wala ha!" depensa niya.
"Halata kaya!" ulat niya habang nakaturo pa rin kay Maxine. Doon na natahimik at nahiya si Maxine.
"T-talaga?" utal nitong tanong bago napasinghap ang iilan sa amin, at nangunguna na doon si April na may patakip bibig pa.
"Gage! May gusto nga! Hahaha!" kutya niya kaya sumunod ang iba.
Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Sa edad namin ay normal lang na may jowa na, meron ngang mas bata pa sa'min na pumasok nun. Ang hindi normal at laging ikinagugulat ng lahat ay ang magkaroon ng crush na palihim lang. Ewan ko ba at parang baliktad pa ata.
"Luh, cap! Paano ba 'yan ikaw nalang sa'min dito ang walang crush?" sa pagkakataong 'to ay sa akin naman napunta ang kutya.
Panay pamimilit nila sa'kin na umamin kung sino ang nagugustuhan ko pero panay iling lang ako, kasi sa totoo niyan, wala naman talagang interesado sa mga mata ko sa ngayon.
Kung hindi normal ang magkaroon ng crush ay mas lalo na ang walang nagugustuhan.
Pagkatapos ng practice ay dumiretso agad kami sa karenderya upang makapag-tanghalian. Buti nalang at linggo kaya katamtaman lang ang dami ng customer. Hindi na ako nag-abala pang tulungan sila dahil nandoon naman si Clarity atsaka Vannesa, habang ang dalawa naman na kambal nila ay nagbabantay rin sa bunsong kambal namin.
"Ate, pupunta ka ba ng centro mamaya?" tanong ni Vanessa sa'kin nang matapos akong kumain. "Papabili rin sana ako ng colored pencils, ate. May commission ako ulit, eh, at naubusan ako ng mga kulay."
Pinunas ko ang basa kong kamay sa suot at binilang ang pera na binigay ni mama sa'kin kanina para pambili ng karne at iilang gagamitin sa pagluto. "Hindi ata kasya pera ko, Van. May extra ka ba diyan na pwede kong ipambili?" umiling naman ito at napasimangot.
"Hindi ka ba makakautang muna sa mga kaibigan mo, ate?" nahihiya nitong suhestiyon, "Babayaran ko naman agad ate kapag makabenta na."
"Talaga? Baka ma-scam ka na naman niyan." mabilis itong nag-iling.
"Teacher ko po ang bibili!" excited niyang bulong.
Bahagya namang umuwang bibig ko at napatango-tango. "Hindi nag deposit?" walang muwang na tanong ko na ikinatawa niya.
"Ate, grade 8 pa lang ako! Natural na hindi magdedeposit, eh, walang tiwala!" bulong niya pa rin para hindi marinig ni mama na numero unong hindi suportado sa pinanggagawa niya.
Wala akong nagawa doon at tinanguan nalang siya. Ayaw ko naman itong e-discourage lalo na at sa pagd-drawing ito mahusay kaya babawasan ko nalang muna ang inipon ko para sa colored pencils niya na sobrang mahal.
Gumayak na ako palabas para pumunta ng centro. Maglalakad lang sana ako kasi hindi naman sobrang layo, ngunit hindi rin malapit, kaso sobrang tirik naman ng araw kaya pumara nalang ako para makasakay.
Binaba ako ng driver sa harapan mismo ng mall na katapat lang ng dry market. Inuna ko munang bilhin ang mga inutos ni mama sa'kin bago ako tumawid sa kabila para bilhin ang pinabili ni Vanessa.
Napasok ako sa national bookstore at agad ring hinanap ang pwesto kung saan nandoon ang mga lapis at iba't-ibang coloring materials. Mabilis kong hinanap ang pamilyar na mga pangkulay at agad namang dinala papuntang counter.
Nang makapila ay maingat akong napakapit sa katabing shelf ko nang bigla akong natulak sa babaeng nasa unahan ko lang. Napagtanto ko agad na hindi niya iyon sinadya nang marinig kong nagsorry ang nasa harapan niya pang mga babae, na sa tinging ko'y mga estudyante rin.
Napatingala ako sa harap ko nang marinig itong magmura ng mahina.
"Mga tanga." mahina lang iyon ngunit rinig na rinig ko, pati na sa isang babaeng nakabangga sa kaniya.
The student was about to burst when she suddenly saw the face of the woman behind her. Napatikom nalang ito ng bibig at humarap ng walang imik. Nagtaka ako sa nangyare sa kaniya at pasimpleng sinusulyapan ang babae sa harap ko.
Doon ko lang napagtanto na mas matangkad pa pala ito sa'kin. Medyo kulot ang mga buhok nito at may maayos rin na postura sa pagtayo. Hindi ko mawari kung anong klaseng athleta ito kasi suot nito ang makapal na jacket na pinaresan ng dolphin shorts at pares na adidas sa paa.
Hanggang sa maghiwalay kami ng counter ay doon ko naaninag ang mukha nito.
Hindi katulad ng ibang babae ay seryoso ito at malimit lang kung ngumiti base sa ekpresyon nito sa mukha. May matangos itong ilong at may hati rin sa gitna ng baba niya na nagsilbing patunay na hindi siya isang simpleng pinoy lang. Halatang may lahi rin.
Ngunit ang ikinapukaw ng interes ko ay ang kulay ng buhok nito na alam ko ay nakita ko na kung saan, hindi ko lang talaga maalala kung kanino.
Pinilit ko nalang itong kinalimutan at itinuon ang atensyon sa mga pinamili. Napanganga naman ako nang makita ang presyo ng colored pencil ni Vanessa.
"May sale po kami sa brand na'to, Miss. Baka gusto mong bumili pa ng isa?" suhestyon niya na ikinatuwa ko.
Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa at agad na kumuha ng isa pang ganoon para makaless kapag man bibili ulit sa susunod.
Mabilis lumipas ang araw at lunes na naman. Bagsak ang balikat naming tatlo ni April at Caitlyn pagkalabas ng classroom. Wala naman kasing sinabi si ma'am sa amin na magpa long quiz ito kaya halos wala rin kaming nasagot dito. Kabagong school year, bagsak agad kami. Pero first long quiz pa naman 'yon, makakagraduate pa naman ata kami, 'di ba?
Dumiretso muna kami ng gym upang mailagay ang mga gamit para mamaya. Pagkarating ay nasilayan namin ang Mad Dogs na nagppractice doon. Alas dose pa lang ng tanghali kaya hindi nalang muna namin pinakealaman at nilagay na ang mga gamit sa locker room.
Pagkakain ay panay chika lamang kami at natigil 'yon noong lumabas si Demi, ang bunso namin.
"Hala! Ang cute!" puri nila.
"Hindi ba may kambal rin 'to?" karga ni Maxine sa kaniya.
"Si Dustin. Tulog ata." sagot ko at pinaghanda ito ng pagkain niya.
"Grabe ng lahi niyo no, puro kambal."
Nginitian ko na lang sila at sinimulan na ng pagpapakain kay Demi. At dahil lahat sila ay naaaliw dito ay binigay ko na sakanila ito para hindi masayang ang oras na makatulong kina mama.
Nauna ang mga kaibigan kong bumalik sa school habang ako naman ay nag-aayos ng pang volleyball. Minsan lang talaga akong nagsusuot ng cycling kapag nagpapractice lang kami, pero matirik ang araw ngayon kaya hindi ko kayang mag leggings.
Pagkalabas ay nagsisi naman agad ako kung ba't ko suot 'yon. Hindi pa naman ako sanay magdala ng payong. Winalang bahala ko nalang muna at tumakbo na papasok sa school.
Pagkapasok ay agad naman akong napatigil at napaangat kilay sa nakita.
"Haba." ngiting aso ni April habang pinadausdos ang mga titig sa paa ko.
Hindi ko 'yon pinansin, "Ba't nandito pa sila?" tanong ko.
Umirap naman siya bago nag-inat, "Malay ko sa kanila." aniya na halatang may tinatagong inis sa kabila.
Napamaywang ako doon at hinanap sa mga mata ang captain nila. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pang puntahan ito.
"Maddox." sambit ko sa pangalan niya na makalapit.
Dahil naglalaro ay bahagya siyang nagulat dahil doon pero hindi sapat para mapahinto sa paglalaro. Napahalukipkip naman ako doon at naghintay nalang na matapos ang laro o di kaya ay mag time out. Mabuti nalang at hindi matagal ang paghihintay ko atsaka kinuha ang pagkakataong makausap ito nang mag-time out ang kabila.
"Cap!" may ngiti siyang tinawag ako. Lumapit naman ang iba niya pang kasama para makisawsaw sa usapan namin.
"Kanina pa ba kayo dito?" tanong ko at tumango naman ang mga kasama niya. "Ba't hindi pa kayo tumigil? Kanina nakita ko sa labas ang basketball team, doon naglalaro. Ibig sabihin ay hindi niyo rin sila pinapalit."
Napakamot lang ng noo si Maddox. "Aah-kakarating ko lang rin, cap. Kaya hindi ko alam na kanina pa pala sila naglalaro."
Lumipat naman ang ko sa mga kasama niya at saktong kay Dominic ito tumama, "Sorry, Kad. malapit na kasi laro namin kaya kailangan namin makapagpractice sa gym mismo." rason niya kaya sumagot rin ako.
"Kayo lang ba ang mayroong laro?" tanong ko pabalik na ikinatigil nilang lahat.
"Oo nga! Kanina pa kayo dito, eh! Natapos na kayo kanina pagkarating namin kaso di pa rin kayo nagpapalaro." singit ni April na di ko namalayang nakalapit na pala sa amin.
Nagsi-sang ayon naman ang iba pang kasama ko ngunit natahimik rin nang marinig ang isang kagrupo ni Maddox na nagsalita.
"Eh, wala rin naman kayong coach kaya paano kayo makakapaglaro? Anong gamit?" bulalas nito, mahina lang pero sobrang lakas naman sa pandinig ko.
Biglang bumulwak ang sarkastiko kong tawa na ikina atras nila April at ikinagulat naman nila Maddox. Naramdaman ko ang paghila ni Maxine sa kamay ko pero winaksi ko lang ito at dahan-dahang nilapitan ang lalaking nagsabi nun.
Mariin ko siyang tinitigan kaya napatigil siya sa pag-inom, "Ulitin mo nga ang sinabi mo." utos ko na ikinailang niya.
"Ah-hi-hindi. Hindi 'yon ang ibig kong sabi-,"
"Iyon ang ibig mong sabihin! Narinig namin, choi!" putol ni April, halatang naasar rin sa sinabi nito.
Nakita ko ang pag-akbay ni Maddox sa kaniya at pasimpleng pinayuko ang ulo nito, "Mahilig kasi 'to magjoke." pekeng tawa niya, "Mag sorry ka." bulong ni Maddox na may halong pagbabanta.
Mabilis naman itong nagyuko gamit ang katawan at nagsorry sa amin. Kahit nainsulto ay nilabanan ko nalang ito atsaka binalik na kay Maddox ang atensyon.
"Last set niyo nalang 'to." wika ko at hindi na sila hinintay pa na sumagot.
Ayoko ng gulo at mas lalong ayaw ko makipag-usap na walang patutunguhan. Totoong hindi kami makapaglaro kapag walang coach pero wala silang karapatan magdesisyon para sa'min.
Inis na sumulyap ulit ako sa kanila ng panghuling beses at mas nang-init ang ulo sa ngiti sa labi niya.
----------------------
nyariina
8-16-'22
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro