Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Maddox

----------------------

Ramdam na ramdam ko kung paano kumulo ang dugo ko matapos kong masalo ang bola na kakahalik lang sa'kin. Napatiim bagang ako at pilit ang pagpipigil na mapamura sa kung sino man ang hinayupak na nagspike sa bola ng ganoon kalakas.

Kung tutuusin ay sobrang layo ko na sa pwesto nila. Pangalawang row mula sa unang baitang na mga upuan. Narinig ko ang mga nagtatakbuhan papunta sa gawi namin, pati na rin ang mga tanong ng teammates ko sa'kin. Ngunit ang pumantig sa tenga ko ay ang pamilyar na boses, na sa tingin ko'y salarin sa nangyari.

"Kung alam mo naman na walang tao dun sa pinaghampasan mo, ba't mo nilakasan ang pag-spike?" giit ko habang nakatitig sa kaniya ng masama.

Napakamot siya ng buhok, "Nasanay kasi ako sa labas na hindi gaano kalaki yung talon ng bola." rason niya na nagpakalma ng kaunti sa dugo ko.

Napaingos nalang ako ng tahimik atsaka siya pinabalik, "Masarap panoorin yung mukha ng kalaban na di makasagip sa bola, pero isipin mo rin yung nasa labas ng court." sambit ko kahit alam ko na sa actual game ay wala nang pakealaman 'yon, lalo pa't kung sino ang nasa loob ng court ay siyang masusunod.

"Sorry, cap!" paumanhin niya sabay ngiti bago tumakbo pabalik sa laro.

Nagpatuloy na sila sa laro at sa pagkakataong 'to ay ngayon ko lang napagtuonan ng pansin kung paano maglaro ang captain nila. Napakunot ang noo ko at umayos ng pagkaupo. Pinanood ko ang galaw at ang bilis nito. Napatango naman ako nang walang makitang mali rito, ngunit kahit na naglalaro ay panay ngiti pa rin nito. Na tila ba'y kahit anong gawin mo ay hindi mabubura iyon. Napasandal nalang ako sa inuupuan habang iniisip kung sineseryoso ba talaga niya ang laro, o sadyang laro lang rin ang nasa isipan niya.

Pinanood ko rin ang ibang mga lalaki. Sa paaralan namin ay mas kilala ang women's volleyball team kesa sa mga lalaki, ngunit ngayong nakita ko ang bagong line-up nila ay medyo napanatag ako na sa taong ito ay posibleng makakapasok na sila sa top teams.

Hindi ko alam kung bakit pero mukha kasing mas lumakas sila ngayon kesa last year. Siguro baka lumaki lang ang katawan nila o sadyang nabigyan na ng pagkakataon na makalaro ang dating bench players lang.

Hindi ko mapigilang sumang-ayon sa ginawa nila. Kung sino man ang nakaisip nito ay hindi mapagkailang marunong talaga kung paano talunin ang kabilang team.

Mag-isang oras ang lumipas at hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa laro nila. I was never a fan of watching men's volleyball, kasi hindi naman ako na-eexcite sa palakasang hampas. I would rather watch long rallies of women's volleyball than those of men. Hindi ko kasi ma-take in yung sakit na mararamdaman ng player kapag matamaan ng ganoong hampas.

And maybe that answers why I chose to be a wing spiker instead of libero.

Nawala ako sa pag-iisip nang may mapansin ako sa laro ng captain nila. It was the second time he did it, kaya hindi ko mapigilang maghintay ulit sa set ng setter nila. At nang makita ko ang pag-atras ni Maddox doon ay saka ko lang napagtantong iniiwasan niyang maka-spike sa gawi namin.

Napahalukipkip ako doon at pinakatitigan lang siya na nagkamot batok lang sa setter nila. Time passed and he would keep on doing that, saka lang siya nag-sspike ng malakas kapag nasa kanan na siya naka pwesto.

And that was when I realized his flaws.

Hindi ako nagpaligaw-ligaw pang puntahan ang team captain nila nang matapos sila sa laro. Kinabahan pa nga ang mga teammates ko baka raw gagantihan ko sa aksidenting nagawa niya kanina. Inikotan ko lang sila ng mata bago kinalabit si Maddox.

"Oy, cap!" bahagyang nagulat pa siya nang makita ako.

Sinenyasan ko siya papunta sa gilid ng pintuan para sana walang ibang makarinig sa pag-uusapan namin. Nakita ko namang panay tingin ng iba sa'min pero di ko nalang pinansin atsaka siya hinarap.

"Alam mong mali ang ginawa mo kanina." panimula ko.

Napahinto siya ng pagpupunas ng pawis niya atsaka ulit nagsorry sa'kin. Mabilis akong umiling sa inisip niya, "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"Ah-ano pala?" taka niya.

Huminga ako ng malalim bago siya tinaasan ng kilay, "Don't let others feeling affect you inside the court." napakurap siya doon, "Sinadya mo kanina na hindi tanggapin ang sets papunta sa'yo dahil natakot ka na baka may matamaan ka na naman, when in fact, that thing is normal and it always happen." ani ko at nagsisi sa sinabi ko sakaniya kanina.

Baka sabihan pa akong hypocrite dahil dun.

Napangiti nalang siya ng hilaw at maya-maya ay natawa ng maliit, "Sorry, cap. Kabado lang ngayon kasi may mga nanonood." aniya na parang hindi naman sincere sa sinabi.

Tinaasan ko lang ito ng kilay, "Hindi ba't mas maraming nanonood sa inyo lagi kasi nasa labas kayo nagp-practice?"

He chuckled, "Oo! Pero iba yung kagaya namin ang manonood. Nakakakaba kaya baka magkamali kami tas kayo pa yung nakakita." he reasoned out.

Napaismid nalang ako sa narinig, "Iisang school ang dadalhin natin kapag may laro na. Kaya no need na ma-threaten kayo sa'min."

Sumang-ayon na siya doon atsaka ako tinitigan na ikinailang ko, "Ano?" irita kong sabi kaya siya napatikom ng bibig.

"Kamusta mukha mo? Masakit pa ba?" pagpaalala niya sa ginawa niya sa'kin.

Inirapan ko lang atsaka sumagot, "Normal sa'kin ang matamaan ng bola."

"Ng ganoon kalakas?"

Hindi na ako sumagot at tinalikuran na siya. Napapansin ko kasi na may mapang-aasar na ugali si Maddox at kung maaari ay ayokong masali sa biktima niya. Mula ilang metros ay narinig ko siyang tumawa at nagpaalam.

"Oh, anong nangyare?" bungad agad sa'kin ng teammates ko.

Kinunotan ko lang ng noo atsaka umiling, "Wala naman." sagot ko bago binalikat ang bag at handa nang maglakad pauwi.

Nagsiunahan naman silang sumunod sa'kin habang pinipilit pa rin akong sabihin kung ano talaga ang nangyare. Wala namang importanteng nangyare sa amin, tinuruan ko lang naman yung captain sa kabila, kaya ba't ko pa sasabihin.

At hanggang sa makalabas ay doon ko lang ulit nasiplatan ng tingin si Maddox. Nang makita ang pamilyar niyang ngiti na ay walang dahilan na lumuwag ang damdamin ko. Medyo na weirdohan ako doon ngunit ikinibit balikat ko nalang.

"Oh, Kad! Ang aga niyo atang natapos magpractice?" bati sa'min nila mama nang pumasok sa karenderya.

"May laro kasi yung basketball team kanina sa ibang school kaya nagamit namin yung oras nila. Mano, pa." sagot ko naman pagkatapos ay nagmano.

Sumunod naman yung iba kong mga teammates na nagmano kina mama at naupo na rin para kumain ng snacks. Tinulungan ko si papa na maghain ng mga binili nilang fishballs, kikiam, isaw, at squid. Hindi na nila kailangan pang magsabi kung ano ang gusto nila kasi araw-araw naman kami halos tumatambay dito kapag matapos na ang practice. Iyon naman ang dahilan kung bakit saka lang si papa nagbubukas ng maliit niyang stall kapag malapit na ang labasan para raw may matira pa para sa'min bago siya magsara.

Maingay silang kumakain doon habang ako naman ay panay tulong lang kina mama at lola sa pagluluto at pagserve sa mga kumakain sa karenderya.

Hindi naman ganoon kalaki ang karenderya namin. Nasa walo lang ang mesa sa loob at apat na upuan kada isa nito. May mga electric fan naman para kahit na diretso yero ang bubong nito ay hindi masyadong maiinitan ang customers namin.

"Oh! Ang aga mo?" gulat na tanong ni papa kay Khalil na kakapasok lang.

Natahimik bigla ang mga kasama ko at maya-maya pa ay nagsitilian. Naintriga naman ako doon at natawa nalang nang makitang kilig na kilig si April nang makita ang kambal ko, habang si Khalil naman ay walang nagawa kundi matawa sa kaniya.

"Kaninong t*ti ang bumuntis sa mukha mo?" bastos niyang biro kaya napagalitan kay mama.

Habang yung mga kasama ko ay panay tawa, ako naman ay napairap nalang at iningusan siya. Imbes naman na ako ang sumagot ay pinabayaan ko nalang na si April, total pangarap naman nun na makausap ang kambal ko.

Nang marinig ko ang malakas na buhakhak ni Khalil ay doon ko na nalaman na alam niya na kung bakit ako nagkapasa sa mukha.

"Oy gage!" narinig ko ulit niyang tawa, "Ma! Nandito na nakabuntis kay Kadness!" sigaw ulit at sinabayan pa ng pang-aasar na tawa.

Bigla namang tumalon ang puso ko doon sa pinagsasabi niya at mabilis na napalabas mula sa kusina. At ang akala ko'y biro lang ay totoo pala.

"Hi, cap!" bati ni Maddox kasama ang dalawang lalaki na sa tingin ko'y kaklase kasi hindi ko naman ang mga ito nakita kanina sa gym.

Kunot ang noo kong pinanood sila habang ginagaya ni Khalil paupo sa natirang mga upuan. Nasaksihan ko rin ang tuluyang pagtahimik ng mga kasama ko pero hindi ko na iyon ikinagulat kasi kapag may gwapo ay automatic na tumatahimik naman talaga sila, lalo na ngayon na may dalawa pang mga kasama sila Maddox at Khalil na may mga lahi rin.

Pumasok na ulit ako sa kusina at sa pagkakataong ito ay nagsuot na ng mask para hindi makita ni Maddox ang malaking pasa sa mukha ko. Hinanda ko ang inorder nila at nagdadalawang-isip pa sa ginawa kasi una sa lahat ay mukhang hindi sanay ang dalawang kasama ni Maddox na kumain sa ganitong pagkainan. Pero wala akong nagawa at binigay na lamang 'yon sa kanila at sinama na rin doon ang pagkain ni Khalil.

Nawari ko na baka si Khalil talaga ang nag-imbita sa mga 'to na dito kumain para makapagkuwentuhan ulit sila gaya noong pumapasok pa ito.

Bigla kong nasaksihan ang pagkakaisa ng grupo ko sa grupo ni Khalil kaya maingat na pinapakinggan ko nalang sila habang busing-busy sa ginagawa sa kusina.

"Paano na 'yon, eh, ang daming naka schedule sa inyo na laro next month?" nag-aalalang tanong ng kambal ko.

"Ayun na nga yung kinabahala namin. Walang ni isang teacher na may alam sa volleyball ang gustong mag-sub. Nandiyan sana si Sir Camero kaso hindi niya na kaya maghandle, eh." pag-aalalang sagot ng grupo ko.

"Kayo, Mad, wala na ba kayong kilala na pwedeng mag-sub kay coach?" tukoy ni Khalil sa coach namin.

Narinig kong tumahimik lahat sila ng ilang segundo bago nagsalita si Maddox, "Subukan kong tanungin teammates ko mamaya. Baka may kilala sila." aniya bago ulit sila nag-uusap-usap, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na narinig magsalita si Maddox.

Hanggang sa matapos at makaalis sila ay panay asikaso parin namin sa kusina. Tumulong na rin si Khalil para raw mas mapadali.

"Ma, may naghihingi ng sabaw!" sigaw niya mula sa labas kaya mabilis naman akong naglagay sa bowl nito at inabot sa kaniya.

"Yung pulubi sa harap ng school humihingi. Mukhang maghapon na namang hindi nakakain." sambit niya at walang pag-aalinlangang kumuha ng isang plastic na kanin at dalawang lumpia na parehong nilagay niya sa plato para ibigay sa pulubi.

Hindi naman na ako nangialam pa kasi ganiyan naman kami lagi kapag may pulubi na lumalapit. Kahit maliit lang itong negosyo namin ay hindi naman namin ipinagkait sa iba ang kung ano ang meron kami. Kung kaya naman namin tulungan, ay bakit hindi?

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng mga plano nang bigla na lamang akong siniko ng kambal ko mula sa likod at tinapon sa harap ko ang isang pamilyar na gamot. Naibaba ko ang plato para mahawakan ito.

"Anong gagawin ko nito?" taka ko.

Kibit-balikat niyang pinasok sa ulo ang damit niya, "Kainin mo siguro." pambara niya na hindi ko ikinatuwa. Tumawa ito sa naging reaksyon ko at kinuha ang gamot, "Siyempre, gamot sa pasa 'yan. Sabi ko na nga ba mas matalino ako, eh." pabulong ang huling sinabi niya.

Tinadyakan ko nalang ang binti niya na may sugat bilang ganti. Pero mukhang nasa kaniya ngayon ang swerte dahil maling binti niya ang natamaan ko. Kaya tuwang-tuwa ang mukha ng karaho at nakailag agad bago ko pa man matamaan sa binigay niyang pampahid.

Pinakatitigan ko ito ng ilang sandali bago siya tinaasan ng kilay, "Ba't ka bumili nito? Ang mahal!" reklamo ko sa kaniya.

"Gage, ikaw bilhan ko niyan para sa pasa mo? Di ko nga nabilhan ng gamot 'tong binti ko, eh! Mukha mo pa kaya." ngiwi niya bago natawa sa sinabi.

Inirapan ko ulit at binuksan ang gamot, "So, kanino galing 'to? Pinulot mo lang?"

"Karpentero ako, hindi basurero. Kaya hindi ko 'yan pinulot. Bigay sa'kin yan ni Maddox. Sabi niya sorry raw." aniya bago tinawag ni mama.

Naiwan naman ako doon at maingat na nilagay ito sa mukha agad. Habang ginagamutan ang sarili ay hindi ko naman maiwasang mapaisip ng ilang sandali.

Hindi ko alam bakit naiilang ako sa lalaking 'yon. Dahil ba nakikita ko si Khalil dito? Pareho na may mapang-asar na ugali at maingay rin. Ngunit kahit ganoon pa man ay may malambot rin pala itong puso kagaya ng kapatid ko. Bakit kaya hindi sila ang naging magkambal?

Natawa nalang ako doon sa naisip ako at nagpatuloy sa pagpahid ng gamot bago ko ulit napansin ang brand ng gamot na binili ni Maddox.

I could only scoff in jealousy, "Yaman."

----------------------
nyariina
8-14-'22

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro