Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Unforeseen

----------------------

Nagising ako sa malakas na tunog na nagmula sa ilalim ng umaalog kong unan. Napaungol ako bilang reklamo sa kung sino man ang tumatawag nito. Pikit mata kong kinuha ang cellphone ko at sinagot itong may bahid pa na antok, "Hello?"

Mabilis naman akong napaupo sa higaan nang marinig ko ang ibinalita ni Marian sa'kin.

"Ano, buhay pa ba siya?!" taranta kong tanong habang natataranta ring nagbibihis.

"Para ma bangga lang sa nagbabardagulang mga aso, eh!" sagot niya na natatawa.

Inipit ko naman ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang nahihirapang magsuot ng medyas. "Eh, may gout 'yon! Baka mas lalala yung paa niya!"

"Oo, kaya nga sinugod dito sa hospital, eh. Kasi umiyak kanina dahil sa sakit. Namaga tas isama mo pa yung sugat niyang nakuha pagkabangga ng mga aso sa kaniya." tawang-tawa naman si Marian sa huling sinabi niya.

Hindi na ako nag-abalang pumasok sa silid nila mama at kinatok nalang para magpaalam, "Ma? Aalis muna ako, na hospital si coach. Balik agad ako pagsikat ng araw." mahina kong paalam at dali-dali nang gumayak palabas.

"Ano, nandiyan na ba sila April? Papunta na ako." imporma ko bago binaba ang tawag at sumampa sa bisiklita ni Vicson.

Pagkarating ay agad ko namang nahanap si Marian na kakapasok lang ng elevator kaya sumama na rin ako na ikinagulat niya. "Ang bilis mo." saad niya habang binibilang ang pera na hawak niya.

"Ano, kulang ba pera niyo? Gusto mo bang umutang muna sa'min?" suhestiyon ko na ikina-iling niya.

"Magpapadala naman si mama bukas sa'min, kaya ayos lang." tumango ako at sumunod sakaniya pagkabukas ng elevator.

Nang makapasok kami ay agad naming pinuntahan ang kama ni coach at nahuli siyang nakatingin sa isang papel na sa tingin ko ay test results niya.

"Pa, nabili ko na gamot mo," pag-imporma niya sa ama niya at nilagay ito sa side table, "Ano 'yan pa? Results mo? Ang bilis namang na process. Ano raw sabi diyan?" sunod-sunod niyang tanong pagkatapos akong bigyan ng upuan.

Napansin ko agad ang pagkalukot ng mukha ni coach at hindi ko man tanungin ay alam kong mas malalim ang problema nito sa nakuhang resulta.

"Pa?" tawag ulit sakaniya ni Marian.

Napakurap ito at tumingala sa anak atsaka napangiti ng hilaw, "Ah-pasensya na, nak. Napoproblema kasi ako dito sa results ko."

Nabahala kaming dalawa ni Marian at tinanong kung ano ang nakasulat. Napakamot noo naman si coach at natawa, "Eh, 'yon na nga problema ko. Hindi ko rin alam ang nakasulat dito." natatawa niyang sagot.

"Paano ba naman kasi 'tong doktor dito, binigay pero di naman pinaliwanag ang nakasulat. Akala niya ata Diyos ako." aniya na ikinatawa namin.

"Tatawag nalang ako ng doktor, pa. Teka lang-oh! Huwag na pala nandito na si Maxine." sambit niya nang masilayan ang paparating na Maxine at April.

"Coach!" sigaw ni April na ikinagalit ng mga nurse na nandoon. Napatakip agad siya ng bibig at nahihiyang nagtungo papunta sa kama ni coach. "Hala, gago, ang panget na ng paa mo, coach." nandidiri niyang tinitigan ang pula at namagang paa ni coach.

Natawa lang si coach at napangiwi nang masagi ito sa dalang paper bag ni Maxine, "Ay, sorry po!" aniya bago tinanggap ang papel mula kay April.

"Ah-ang taas naman po ng uric niyo, kaya po siguro sobrang lala ng paa niyo." imporma niya bago kinuha ang cellphone at may hinalungkat, "Ito po, mga bawal niyo pong kainin." pinakita niya ang screen kay coach at nagpatuloy pa siya sa pagsasalita bago may dumating na doktor at mas ipinaliwanag ng maayos sa amin ang kalagayan ni coach.

Pagkaalis ng doktor ay walang ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita. Malumbay ang mga mata ni coach na tumingala sa amin at kasabay nun ay ang desisyon niyang hindi namin matatanggap.

"Oh, kamusta raw coach niyo? Nakauwi na ba?" inilingan ko lang si mama at pabagsak na naupo sa upuan.

"Magleleave siya." bulalas ko na ikinagulat nilang lahat.

"Bakit raw ate?" singit ni Vicson na paborito si coach.

"Ayaw niyang lumala ang paa niya kaya mas mabuti raw na umiwas muna siya sa pagtatakbo atsaka pagtayo ng matagal." nalungkot naman sila sa iminungkahi ko kaya hindi na sila nagtanong pa.

Naramdaman ko ang pagkalabit ng kambal ko sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay, "Eh, paano iyan, 'di ba may laro pa kayo laban sa Carmen High School?"

Doon naman ulit ako nakaramdam ng kaba at tanging nagawa ko nalang ay ang mapakagat ng ibabang labi habang nakikipagtalo sa sarili kung ipagpatuloy ko pa ba 'to o hindi.

Lahat kami ay wala sa sarili na nagpractice sa hapong iyon. Nang malaman ng iba ang nangyare ay bumakas agad sa mukha nila ang pag-aalala dahil sa paparating na laro namin sa makalawa ng Septyembre. Kung tutuusin ay hindi pa kami handa para doon, lalo na ngayon na walang gagabay samin sa laro. Mahigit dalawang linggo nalang iyon, at sa loob ng mga araw na iyon ay kailangan kaming makahanap agad ng bagong coach para hindi macancela ang laro.

"Ano raw sabi ni Sir Camero?" bungad agad ni April pagkarating ni Maxine sa gym.

"Hindi niya na kaya, eh. Marami raw kasi siyang inischedule na laro sa kabila, baka raw hindi niya tayo matuonan ng pansin dahil doon." napatango naman ako samantalang si April ay umingos.

"Baka nasabi niya lang 'yon kasi ayaw niya talaga tayong makasali ulit sa Palaro ngayong taon." pag-iisip niya ng masama.

Nagkibit-balikat nalang si Maxine, "Sino pa kaya ang pwede? Baka may kakilala kayo?" pag-aalala niya ulit.

Dumungaw si Rose sa'kin na nasa tabi lang namin nagsasapatos, "Si Khalil, di pa ba 'yon pwede mag coach?" suhestiyo niya na ikinangiwi ko.

"Iyon sanang mature, no?" pilosopa kong sagot kaya natawa siya.

Bumalik kami sa pag-iisip at sinulat ang mga may potensyal na maging coach namin. Binura naman namin ang mga pangalan na may pagdadalawang-isip kami at sa huli ay nakasulat ng apat na mapagtanungan namin.

"Kami nalang tatlo nila Marian at Rose ang pupunta sa kanila, dito nalang kayo ni April kasi mas takot sa inyo yung mga bata kesa sa'min." tukoy ni Maxine sa mga bagong salta na first year high schools.

Nang gumayak sila ay nagsimula na rin naman kami ni April sa pagturo ng iba. Kasalukuyan naming tinuturo sa first years ay ang basics pa, more on yung right positions, kung paano magreceive ng hampas, at pagbasa sa kilos ng kalaban. Mabuti nalang at pareho kaming determinado nila kaya hindi umabot ng dalawang oras ay natapos kami sa pagtuturo.

Pinapahinga muna namin ang first years at kami naman ni April ay nanood ng laro ng iba pa naming teammates. Kahit papaano ay nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa pagka-independent sa teammates namin, lalo na ang grade 11 na siyang susunod sa yapak naming mga grade 12.

"Sino sa tingin mo ang susunod sa captain?" tanong ni April sa'kin.

Tinungab ko ang tubigan ko at nimugmog ito para mabawasan ang init sa mukha ko bago ito nilunok, "Jarvey siguro kasi marunong makinig sa mga kasama." panghuhusga ko.

Sumang-ayon naman siya at tinuro si Kayla, na kasalukuyang ace namin, "Gusto ko si Kayla para pag may hindi makinig sa kaniya ay isang spike niya lang ng bola." sabi niya sanay tawa kaya natawa nalang rin ako.

Lumipad pareho ang mga mata namin nang bumukas ng malawak ang pintuan ng gymnasium. Medyo nagulat ang ibang kasama ko nang magsitakbuhan papasok ang mga basang paa, paakyat sa bench at ang malakas na pagsara nila sa pinto. Napatayo ako ng wala sa oras nang makita ang naiwang maruruming basa galing sa sapatos nila. Ayaw ko namang ipagdamot ang gym pero sana ay pinahid muna nila ang mga sapatos doon sa malaking rug na nakahiga lang sa harap ng pintuan.

"Wow, kayo ang naglinis?" bulong ni April habang asar na asar na nakatingin sa mga lalaking kakapasok lang.

Hinanap ko si Sir Camero pero mukhang totoo ang sinasabi nitong sobrang busy kaya pati sa practice nila ay hindi laging nakakapunta.

Hindi nalang ako nakialam sa kanila, at hahayaan nalang na manatili sila sa loob dahil malakas rin ang ulan sa labas, baka ano pa mangyare sa kanila.

Sinesenyasan ko 'yong team ko na magpatuloy lang sa laro nang bigla kong mapansin si Maddox na naglalakad papunta sa pwesto namin.

Nakangiti lang ito sa mga bumabati sa kaniya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang face towel na nasa balikat niya. Nang marating ako ay huminto ito at binigyan ako ng malawak na ngiti.

"Hi, Cap!" bati niya kaya tinanguan ko, "Hihingi sana ako ng pabor na dito muna kami maglaro habang umuulan pa? Sayang rin kasi ang oras kapag tumunganga lang kami." maingat niyang paalam kaya di nalang ako umangal.

"Patapusin mo muna kami, at saka na kayo sumunod." sambit ko lang na ikinatuwa niya naman bago nagpaalam at nag thumbs-up sa mga teammates niya.

Hindi ko na iyon pinansin at bumalik na sa naglalaro. Habang nanonood ay hindi ko mapigilang maisip sila Maxine. Nag-aalala ako na baka lahat ng pwedeng naming maging coach ay tumanggi sa alok namin. Napabuntonghininga nalang ako at pinilit na huwag mag-isip ng masama at hayaan nalang sila Maxine doon.

Hanggat sa matapos at magsimula ang laro ng mga lalaki, ay hindi pa rin mawala ang kaba ko. Lalo lamang itong bumigat nang maitanong ko sa sarili ko kung ano ang mararamdaman ko kapag wala talagang tatanggap sa amin.

Napapikit ako at napakagat ng ibabang labi. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ngunit imbes na makalma ay napaigting ako sa gulat nang umalingawngaw ang sobrang lakas na pagtama ng bola sa sahig. At kasabay sa pagmulat ko ay siyang pagsinghap ng mga tao sa loob bago ko naramdaman ang sakit ng pagtama nito sa mukha.

----------------------
nyariina
8-12-'22

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro