Chapter 2: Labrador
----------------------
Sabay kaming lahat na napatingala sa pintuan nang pumasok si Khalil na basang-basa.
"Bata ka! Ba't ka sumulong sa ulan?!" gulat na sabi ni mama at dali-daling kumuha ng tuwalya.
Tinaggap niya naman iyon at pinahid sa mukha, "Baka kasi 'di huminto. Kapag mamaya pa ako mauwi, edi tulog na kayo. Kung tulog na kayo, edi mababasa pa rin ako kung sa labas matutulog. Kaya ito nalang ginawa ako." biro niya na hindi ikinatuwa ni mama.
"Tanga 'to. Magbihis ka na doon." nilingon ni mama si Clarity, "Paghandaan mo ng pagkain 'tong kuya mo. Nabasa rin pati utak." utos niya rito. Hindi na umangal si Clarity at sumunod agad.
Sabay kaming umupo ng kambal ko sa hapagkainan kaya napatingin ito sa'kin, "Trip mo?" taka niya.
Nginuya ko ang kinuha kong pagkain, "Natandaan mo ba yung aso mong kaklase?" paninimula ko.
"Si Labrador? Oh, bakit? Jowa mo na?"
Napaingos ako doon at umirap nalang. Kung hindi lang ito kumakain, eh. "Gage, hindi."
"Ano meron sa kaniya?," tanong niya sa pagitan ng kinakain.
Nagkibit-balikat ako, "Captain ng men's volleyball sa school."
Bigla itong nasamid sa narinig at nanlalaki ang mga matang tiningnan ako, "Gago?" hindi makapaniwalang sambit niya kaya tinanguan ko nalang.
Maya-maya pa ay bumulwak ang tawa niya atsaka may kung anong tinitipa sa cellphone. Nang matapos ay saka naman niya ako tinawanan na ikinangiwi ng mukha ko.
Umiling lamang siya atsaka ako kinamusta.
"Ba't parang mas deserve mong tanungin niyan kesa sa'kin?" tumawa lang ulit siya habang panay kain.
"Ayos lang naman, maraming magaganda doon sa pinagtatrabahuan ko." balita niya.
I scoffed, "Mukhang kinareer mo na pagka-construction worker mo. Eh, bumalik sa pag-aaral, wala ka bang balak?"
Inilingan niya lang ako habang kinikitkit ang buto ng manok, "Saka na kapag tapos na kayo nila Clarence ng high school."
"Edi, sobrang behind mo na nun."
"Ayos lang, makakapagtapos pa rin naman." walang pakealam niyang sambit.
Napabuntonghininga ako, "Pwede naman kasing mag-aral ka at mag part time job. Sa ganoon ay tuloy-tuloy pa rin pag-aaral mo atsaka sabay tayo maggraduate." suhestiyon ko. "Isa pa...pareho sana tayong captains."
Napatingala lang ito sa akin ng saglit bago ngumiti, "Nagtatrabaho ako para makapag-ipon para rin sa inyo. Wala naman talaga sa akin na mahuli sa inyo kasi kahit hindi ako nag-aaral ay araw-araw naman ako may natutunan. Kagaya ng pag-ayos ng linya sa kurente o di kaya kapag may short circuit." pahayag niya na ikinataas ng kilay ko.
"Akala ko ba semento lang yung hinahalo mo?"
Napaturo ito sa gilid ng noo niya, "Nakalimutan mo atang mas matalino ako sa'yo."
Sa asar ay napatid ko ang binti niya, kung saan malapit sa akin. Narinig ko ang impit niya kaya napakunot ang noo ko. Ilang segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko bago siya binulongan, "Na aksidente ka, no?"
Alam niyang hinding-hindi niya ako matataguan ng sekreto kaya wala siyang nagawa kundi magsabi ng totoo.
"Gage ka, tas balak mo pang magtago sa'min niyan. Ano, nagamot mo na ba 'yan?," nguso ko sa binti niya at naghandang tumayo para kukuha ng medicine kit.
"Siyempre, noong isang araw pa'to, eh." sambit niya bago ako sinenyasan na huwag na kumuha baka pa magka-ideya sila mama sa nangyare.
Wala akong nagawa at napabuntonghininga nalang bago siya inasar, "Tanga talaga."
"Mine!" sigaw ni Caitlyn sa likod ko kaya binigyan ko siya ng espasyo na mai-receive ang bola.
Lahat naman kami ay napatingala at mabilis na pumosisyon para tanggapin 'to. Nang umabot ito sa mga palad ng kakapasok lang na first year student ay akala namin na e set niya para mahampas namin papunta sa kabila, iyon pala ay dump ang ginawa niya.
Lahat kami ay napanganga nang madagdagan niya ng puntos ang team namin. At imbes na mainis si April na nasa kabilang team ay tila'y tuwang tuwa pa sa mapanglinlang kilos ng baguhan.
Natawa nalang din ako doon at hinintay ang pito bago tinapon ang bola paitaas at tumalon para ihampas ito papunta sa kabila. Napansin ko na parehong ayaw tanggapin ang bola ng dalawang baguhan sa harapan nila April kaya wala siyang choice na e receive ito para bumalik sa amin.
Nakita ko ang pagsimangot nito ngunit dahil baguhan ay pinilit nalang nitong intindihin muna. Napatango naman ako doon at napagdesisyonan na sa labas ng court nalang namin iyon pag-usapan.
Ilang ulit nagpabalik-balik ang bola, pagkadagdag ng puntos sa parehong grupo, at ang lalong pag-init ng ulo ni April. Kaya nang sumenyas na siya ay saka naman kami nahinto sa paglaro at pinanood nalang sila mula sa kabila.
"Ikaw!" turo niya sa baguhan, "Pingkaw ba mga braso mo? Ba't pinipili mo lang iyong erereceive mong bola? Takot ka bang mabalian?," singhal niya na may dalang tawa para maitago ang inis.
Napaatras ng bahagya ang baguhan, "Sorry po, ate. Hindi pa lang po ako sanay tumanggap ng hampas."
"Kaya nga tayo nagpapractice para masanay ka. Sayang naman yung apat na araw na practice niyo, 'di ba, kung hindi mo pa naman pala kaya tumanggap ng ganoong hampas." walang nagawa si April kundi sapuin ang noo bilang pagpunas ng pawis. "Wala akong pakealam sa ngayon kapag hindi mo matanggap ng maayos ang bola, ang importante ay marunong kang humarap." tugon niya bago ulit nagsimula ang laro pagkatapos ng ilang minuto.
Oras ang lumipas at isang puntos nalang para magwagi kami sa araw na'to. 3 sets lang naman sana ang laro na'to kaso umabot ng oras dahil kada magkamali ang mga 1st years ay agad kaming nag-t-time out para bigyan silang chance na matuto. Kaya imbes na game practice ay naging discussion tuloy. Pero ayos lang basta lang may matutunan ang mga susunod sa yapak namin.
Huminga ako ng malalim at pinag-iinat ang mga paa habang dala-dala ang bola. Nang makita kong tatlong metro ang layo ko mula sa end line ay inihanda ko na ang sarili para sa isang puntong magsisilbing kapanalunan namin. Isang pito ang umalingawngaw sa tenga ko bago ko binigay ang buong lakas na ihagis ang bola paitaas, tumakbo at tumalon para mahampas ito. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng impact nito sa kamay ko dahil sa vibration na iniwan, at sa pagkakataong iyon ay alam kong ni isa sa kanila ay walang makakatanggap ng maayos nun.
Kasunod ng pagbagsak ni Maxine ay ang pamilyar na tunog ng bolang hindi nila naligtas.
"Woaaaah!" sabay-sabay na sigaw ng mga ka grupo ko pati na rin ang mga nanonood sa amin.
Kumalas agad ako sa yakap nila atsaka dinapuan ng tingin ang kabila. Nakita ko namang umiiyak ang kanina'y napagalitan ni April pero buti nalang at wala lang kay April ang pagkatalo at nakangiti lang na pinapatahimik ito.
"Ga-graduate nalang tayo, pero di mo pa rin matanggap ng maayos ang serve ko." pang-aasar ko kay Maxine na libero sa amin.
Nabugwak niya ng kaunti ang tubig na iniinom bago ito nimugmog at nilunok. "Alam mo naman sigurong mas matutuwa ako kapag di ko matanggap kesa sa matanggap ko." pabirong napairap ako doon at tumango-tango sakaniya, "Kasi ibig sabihin nun ay mas mahihirapan ang mga kalaban natin kung nagkakahiwalay lagi kamay ko sa tuwing tinatanggap mga hampas mo."
Natawa ako at panay iling, "Oo na, oo na. Ikaw na pinakamagaling na libero." pagsakay ko sa kaniya.
Pareho kaming napatingala sa biglang nagsalita mula itaas namin. Napakurap ako at kunot noo itong pinasadahanan ng tingin, takang-taka kung bakit siya nandito at bakit basang-basa ito.
"Ikaw yung captain, 'diba?" tanong niya nang makalapit pa sa amin.
Tumango naman ako, "Bakit?"
Tumalon siya pababa at inilagay ang bola ng volleyball sa pagitan ng giliran at braso niya para makipagkamayan sa'kin, "Maddox pala, bagong team captain ng Mad Dogs."
Patuloy pa rin ang pagtataka ko kahit sa pagtanggap ng kamay nito hanggang sa pagbitaw namin. "Aah-oo.." tanging sambit ko lang tsaka siniko si Maxine para magsalita.
"Ah-kilala mo naman ako, diba? Nagkalaro tayo kahapon." natatarantang sambit ni Maxine.
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito at inalala kung kailan namin ito nakalaro kahapon. Doon ko naman natandaan na nauna na pala akong umuwi sa kanila kaya hindi na ako nagtangka pang magtanong.
Mabilis naman akong tumalikod nang marinig silang nag-uusap at pasimpleng umalis doon dahil hindi ko kayang makipag-usap sa hindi ko naman kilala. Ngunit ayaw ata ng tadhana ito dahil bigla na naman akong tinawag ng team captain sa kabila, kaya walang choice akong lumingon sakanila.
Hindi ako nagpahalata at pekeng nginitian ito habang pinapanood ang paglapit.
"Ikaw yung nag last serve kanina, 'di ba?" napatango ako doon at ngiti niya nama'y lumawak, "Ang galing nun! Sarap sa tenga ng hampas!" tuwang-tuwa siya sa komplimentaryo niya sa'kin.
Bigla naman akong na awkward at pasimpleng hinanap sa mga mata ang kung sinong kaibigang pwede ko ipakilala rito at iwanan silang dalawa matapos makita si Maxine na tumakbo paalis. "Ah, talaga? Haha-salamat." tugon ko at agad na pinagpatuloy ang usapan para hindi ito mabastos, "Maddox..." Sambit ko sa pangalan niya habang nag-iisip.
Nakita ko ang pagkurap niya at paghintay sa sasabihin ko. "Balita ko,..." hinto ko bago nakaisip ng pwedeng pag-usapan, "...na malakas ka rin daw manghampas ng bola, iyon nga raw ang ginawa mo noong palaro, eh." natawa ako doon at maya-maya napatigil sa napagtanto.
Mabilis ko siyang tiningala at nakitang nakangiti lang pabalik sa'kin, he chuckled first before responding, "Ah-yun!, Pahamak kasi yung pinanood kong laro bago yung game namin, eh. Ang sarap pakinggan ng spikes, kaya ayun, nadala ko hanggang sa basketball court." natawa kami pareho doon.
Hindi ko rin alam kung dahil ba ito sa sinabi niya o sadyang panakip ko lang sa kahihiyang sinabi sa kaniya. Nasabi ko na bang hindi ako marunong makipag-usap sa hindi ko kilala?
Nakahinga naman ako ng maluwag nang bigla akong tawagin ng coach namin. Nakita ko ang mga mukha ng mga ka teammates ko na nanonood lang sa amin, naghihintay kung kailan kami matapos sa pag-uusap para makapag-umpisa kami sa meeting.
Mabilis naman akong napalingon kay Maddox at magpapaalam na sana kaso naunahan niya, "Sige, una na rin ako, mukhang tumigil na rin ang ulan."
"Sige."
"Bukas ulit, cap." paalam niya sa akin at tumakbo na paalis ng court.
Wala naman akong nagawa at tumango nalang rin bago tumakbo papunta sa kabila ng patutunguhan niya. Hinggil sa kaalaman ko ang gulong dala ng bagong team captain sa kabila matapos ang araw na iyon.
----------------------
nyariina
8-11-'22
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro