Chapter 1: New Captain
----------------------
Mariin akong napapikit habang pinipigilan ang mainis sa kanina ko pang hinihintay na kapatid. Nasa gilid ako ng pintuan nakatayo at nakahalukipkip siyang pinanood na panay hanap sa kaniyang nawawalang pangkilay.
Napansin ko naman ang tatlo ko pang mga kapatid na prente lang na nakaupo habang hinahalungkat ang kaniya-kaniya nilang cellphones. Halatang nababagot na rin sa kakahintay sa walang katapusang paghahanda ni Clarity.
Hindi ko na mapigilan pa ang inis nang makitang wala pa itong suot na uniporme, "Clarity, ano ba? Kanina ka pa namin hinihintay! Gusto mo atang lahat tayo ma late, eh!"
Doon siya natigilan sa paghahanap at takang sinulyapan ako, "Ha? Hinihintay niyo ako?"
Napanganga ako doon, "Gage?"
Natawa siya atsaka winagayway ang kamay, "Ate nakalimutan mo atang overpopulation ang school natin. Panghapon pa ako, si Clarence yung pang-umaga." aniya nagpatikom ng bibig ko.
Humarap naman ako sa dalawa pang magkambal at tinaasan ng kilay, "Eh, kayo? Di ba kayo nahati?"
Umiling si Vannesa, "Di naman kami magkaklase, eh. Bobo si Vicson."
Napataas ng kilay ang kambal nito, "Stem ka nga pero bottom ranker." pranka ni Vicson bago nakumutan ng buhok.
Napahinga nalang ako ng malalim atsaka sila tinawag baka maabutan pa kami ng tanghali kapag mag-away ang dalawa.
"Ma, alis na kami!" sigaw ko bago sumunod ang mga kapatid ko.
"Mag-ingat kayo doon. Nasa ate niyo na ang baon!" nag-oo naman sila atsaka kami lumabas.
Bumungad naman agad sa amin ang busy na kalsada at mga estudyanteng naglalakad papunta sa skuylahan na nasa harapan lang ng bahay namin. Hindi naman talaga kailangang ikabahala ang pagkaka-late sa klase kasi kung tutuusin, ilang metros lang ang layo ng bahay patungong gate ng school. Kaso hindi ko ugali ang ganoon, kaya naman ay kahit pwede namang hindi kami magsabay pumasok ay pinipilit ko pa rin para hindi nila maugali ang pagiging kampante kapag late. Buti nalang at sinusunod pa rin nila ako.
"Ate, sila Maxine, oh." turo ni Clarence sa mga ka teammates kong kakapasok lang.
Mabilis kong binigay sakanila ang kaniya-kaniyang baon at inayos ang buhok ni Vicson bago nagpaalam sakanila para sumabay sa mga kaibigan ko.
"Kad!" tawag ni Marian na siyang una nakahanap sa'kin. Nagsitinginan naman ang tatlo pati ang ibang studyanteng malapit sa'min.
"Ba't ang aga mo?" ani April na nakaakbay sa'kin kahit pa man na mas matangkad ako.
"Siyempre, nasa likod lang bahay namin." sagot ko naman sa biro niya.
"Exactly! Sobrang aga mo for someone who lives near!" at nagtawanan pa sila kaya napailing nalang ako.
Nadaanan namin ang gym kaya doon na muna nila nilagay ang kanilang mga gamit para mamaya sa practice namin. Nang makalabas sila ay saka ko naman tinanong tungkol sa pagkakahati ng schedule.
"Ah, oo! Kakadeklara lang ng dean kahapon kasi diba sobrang dami na ang nag enroll dito sa EEU. Kaya ang ginawa nila ay hinati at imbes walo na subjects ay anim nalang sa isang araw, pero more than six parin talaga 'yan, ha!" paliwanag ni Maxine.
Nagbaba naman ako ng tingin kay April, "Pang-umaga naman tayo, diba?" tanong ko at bumungisngis lamang siya, halatang hindi rin alam.
Naghiwalay na kaming lima nang makarating sa building. Kaklase kaming tatlo ni April at Caitlyn kaya kasabay ko pa rin sila hanggang makapasok. Nakahinga naman kami ng maluwag nang makitang maraming tao, kaya ibig sabihin ay pang-umaga nga kami.
Habang hinihintay ang guro ay napag-usapan namin ang kambal ko na si Khalil.
"Kamusta yung bebe namin? Tagal ko nang hindi nakita 'yon, eh! Kahit ilang beses ko pang bumisita sa bahay niyo lagi siyang wala!" iyak ni April na gustong-gusto si Khalil.
"Edi, puntahan mo sa construction at nang makita mo ulit." bara ko kaya natawa si Caitlyn.
"Sayang naman ni Khalil, sana tinapos niya nalang muna 'tong high school."
Napakibit-balikat ako, "Desisyon niya 'yon. Wala akong magagawa."
Tumango ang dalawa at malungkot na ngumiti, "E-text mo nalang ako kapag nasa buhay niyo siya at pupunta ako." ani ulit April na ikinabuhakhak naming tatlo.
Lumipas ang ilang oras at ala una na. Kakalabas pa lang namin kasi 'di naman namin alam na ala-una na rin pala ang labasan namin, kaya ayun, nakipag-unahan sa ibang studyante na makapwesto sa karenderya namin.
"Grabe, para akong lumaklak ng suka dahil sa asim ng tiyan ko ngayon." bungad ni Maxine na kakarating lang rin.
Kaniya-kaniya nilang binuksan ang baong kanin kaya mabilis akong kumilos at binigyan sila ng sabaw atsaka mga ulam na lagi naming kinakain.
"Mamaya mo nalang kami tulungan, Kadness. Kumain ka muna diyan!" sigaw ni mama mula sa kusina nang makita akong sineserbahan ang ibang studyante.
"Sige, Ma! Binilisan ko lang ang pagkain!" sigaw ko pabalik at naglagay na rin ng sariling kanin bago bumalik sa pwesto.
"Wala ng pray-pray! Magdasal nalang kayo ng inyo!" ani April pagkatapos nag-sign of the cross na pinagpawisan na sa gutom.
Nabugwak tuloy ni Marian ang sabaw kaya mas lalo kaming natawa. Nagsimula na kaming kumain lahat, at tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang namumuo sa karenderya. Napalibot ako ng tingin at doon ko napansing punong-puno na pala ito kaya sobrang init rin sa loob.
Inabot ko yung dalawang ceiling fan at dalawang stand fan rin para naman mabuhayan ang mga kumakain. Nang medyo nawala yung init ay saka rin ako tumayo at nagpaalam sa mga kaibigan na tutulong muna.
Nagboluntaryo naman sila na tulungan ako pero di na ako pumayag, "Huwag na! May tryouts ngayon, diba? Dapat nandoon kayo! Susunod nalang ako kapag makalugar na."
"Eh, ikaw yung captain namin, dapat ikaw yung nandoon." suhestyon ni Marian.
Umiling ako, "Basta nandoon lang si coach, ayos na."
"Paano pag di mo magustuhan ang mga makapasok?" taas-kilay namang tanong ni Maxine.
"Mapagpractisan naman 'yan, eh, kaya hindi 'yan problema. Basta hanapin niyo lang yung marunong makisama sa iba." huling sinabi ko bago na ako bumalik sa loob para tumulong, "Basta mamayang alas kwatro may practice, ha!" dagdag ko pa bago tuluyan silang nawala sa paningin ko.
Dalawang oras pa ang lumipas bago kami nakapagpahinga. May isang mesa nalang ang ginagamit, at kapag matapos silang kumain, ay makalinis na ako.
Dagsa ang mga tao kanina, mostly ay mga estudyanteng nabigla sa late lunch. Mabuti nalang talaga at hindi naubusan ng ulam, kasi nakakaawa naman yung iba na pupunta pa ng ibang lugar para makakain.
Nang matapos ako sa pagwalis at arrange ng mga upuan ay nahagilap ko si papa na dahan-dahan na inaayos ang maliit niyang stall sa labas ng karenderya.
"Magsisimula ka na, Pa?" tanong ko sa kaniya at boluntaryong kinuha sa freezer ang nga lulutuin niyang street foods.
"Oo, kanina pa may nagtatanong kung kailan ako magbubukas dito, eh. Mukhang kilala narin itong maliit nating pagkukunan ng puhunan." nakangiti niyang sambit atsaka ako pinaalis dahil magsisimula na raw siya.
Hindi na ako nakialam pa at pinabayaan nalang siyang magluto. Tumatawag naman iyon kapag kailangan niya ng tulong kaya nagpahinga nalang muna ako habang hinihintay ang oras.
Habang nagpapahinga ay pabalik-balik rin naman ako sa kusina para tulungan sila mama at lola na nagluluto ng ulam para mamaya sa karenderya. Tanghali at gabi kasi ito bukas at tanging silang dalawa lang ang nagtutulungan sa pagluto. Kaya ngayong nagkataong bakante ako ay ilalaan ko nalang rin ang oras para maibsan ang pagod nila. Mahirap na, dahil bukod kay Khalil ay dito lang rin kami kumukuha ng puhunan.
"Diba may practice ka pa?" tanong ni mama na nakatingala sa orasan, "Pasado alas kwatro na, oh."
Napintig naman ang tenga ko sa narinig at dali-daling nag-ayos para umalis. "Ma! Alis na ako! Di ko natapos yung pancit!" imporma ko bago tumakbo papuntang harapan ng school.
Doon ko lang naramdaman ang pagkainis na pinadlockan nila ang likurang trangkahan nito. Kung sana bukas 'yon, hindi ko na sana kailangan pang ikutin ang paaralan bago makapasok. Akala siguro nila pang day care lang 'to kaliit.
Binalewala ko nalang ang inis ko at hingal na hingal na pumasok sa gym kung saan may maraming tao ang lumalabas.
Bumagsak ako sa tabi ni Caitlyn at nanghihinang binuksan ang baong tubig.
"Himala, na late ka?" asar ni April.
"Kasi malapit lang ang bahay namin." tumawa siya kaya napairap ako at tinungab ang tubigan.
Nangunot ang noo ko habang pinapakinggan ang pinag-uusapan ng ka teammates namin. Nilingon ko si Maxine na tumabi, "Akala ko nakapagpalit na sila?" naiintriga kong tanong.
Nagkibit balikat siya, "Pake ko sa kanila?"
Natawa ako doon, "Hulaan ko, si Dom, no?"
"Hindi." singit ni April at pumwesto sa sahig sa harapan namin, "Si Maddox raw. Yung poging kano ng stem." pahayag niya bago kumuha ng kinakaing pandesal ni Maxine, "Balita ko, ang lakas raw nun manghampas ng bola. Parang ikaw lang," lingon niya sa'kin.
Lalong kumunot ang noo ko, "Maddox? Ba't di ko 'yan kilala?"
Pareho silang nagtataka akong tiningnan, "Seryoso ka?" natataka na si April.
Tumango ako nang hindi ko maalala ang pangalang iyon. "Nakita ko na ba 'yan?" pilit ko pa ring tinandaan ang mga mukha ng mga manlalaro sa mga lalaki.
"Hoy! Si Maddox! Taga-stem! Yung sikat sa transferee sa grade 9 tayo! Yung payat noon ba!" paglalarawan ni Maxine at halos maalala ko na ang mukha nito.
Huminga ng malalim si April atsaka sinambit ang nakaraang di ko kayang maalala ulit, "Iyon bang sinabi mong nahulog yung retainer sa sabaw niyo!" sabay buhakhak nilang dalawa habang napangiwi naman ako sa natandaan.
Hindi ko alam kung maririndi ba ako sa tawa nila o mandidiri sa naalala. Alin man sa dalawang iyon ang alam ko lang ay gulong-gulo na ang utak ko.
"Teka nga,..." pagpapatigil ko sa kanila, "Yung aso ba yung tinutukoy niyo? Si Labrador? Yung kaklase ni Khalil noon?," nagtawanan sila bago tumango. Mas lalo namang naguluhan ang utak ko, "Paanong naging captain sa volleyball ang basketball player? Gage?"
Sa pagkakataong ito ay nagbuhakhakan na sila kaya napaisip nalang ako ulit baka kasi mali ang pagkaalala ko.
"Sa sobrang focus mo sa volleyball, di mo man lang napansin ang nagtrend noon sa basketball." natatawa pa rin na si Maxine.
"Huh?" litong-lito akong napatingin sa pagpito ng coach namin. Ibig sabihin ay magsisimula na ang practice.
Dahan-dahan na silang tumayo at nag-ayos habang patuloy pa rin sa usapan. Sa pagkakataong ito, si April na ang sumagot, "Usap-usapan ay tinanggal ito dahil sa nangyare noong Palarong Pambansa. Na imbes na e-shoot ay hinampas niya ang bola papasok sa ring."
----------------------
nyariina
8-11-'22
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro