Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Abigail Zianna Morales

Napatulala ako sa sinabi ni Leo kanina, fuck, paano naman ako napunta doon sa lungga ni Russel? I mean paano siya nagkaroon ng R&A station na 'yan? Naguguluhan ako, at isa pa bakit parang ang tagal ko nang walang maalala I mean ngayon ko lang na realize 'yung sinabi kanina ni Leo na twenty-five na daw ako samantalang twenty-three pa lang ako.

At ngayon ito, ang bahay ko na punong-puno ng alikabok, parang ilang taon ng hindi natirhan dahil sa alikabok, nang i-check ko ang phone ko kanina, nakita ko ang date, tatlong taon na advance. At ang phone ko may alikabok na rin siya.

Fuck ano bang nangyayari? Did someone curse me para mangyari 'to, I contact my manager at laking gulat nila nang tumawag ako, ang akala daw nila patay na ako dahil tatlong taon akong hindi nagpakita. And this day I lost my career this is bullshit! May ikakasama pa ba ang balitang ito.

Napatigil lang ako kakaisip anng tumunog ang telepono ko, I answer the call.

"This is Abigail Zianna Morales, who's this?"

"Hello Abby, ako ito ang tita Marie mo, matagal na kitang tinatawagan, nagpapasalamat ako at sinagot mo, matagal ka ng hininhintay ng nanay mo hija"Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Tita, pinalayas na niya ako tapos ngayon ay hihintayin niya ako, pinalayas niya ako sa bahay dahil hindi niya tanggap na isa akong singer.

"Tss I'm busy"I just simple said, papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita si Tita na kinatigil ko.

"Nandito kami ngayon sa hospital Abby, apat na taon na siya dito, apat na taon ka na niyang hinihintay"Its makes me stop, parang dinudurog ang puso ko, fuck I need to see my mom.

Pagkatapos i-text sa'kin ni Tita ang address ng hospital ay sumakay na ako ng taxi, pagkarating ko sa hospital ay dumeretso agad ako sa room number na tinext ni Tita.

Napaluhod ako nang makita si Mama, pumayat na siya nalalagas na rin ang buhok niya, kitang-kita ko rin sa mukha niya ang paghihirap, gusto kong suntukin ang sarili ko, kung sana ay hindi na lang ako lumayas 'di sana ay maalagaan ko pa si mama.

"Mama sorry, hindi ko alam"Umiiyak kong sambit habang yakap-yakap ang payat na katawan ni mama, ramdam ko na ang mga buto niya, fuck this is my fault.

"Hindi Abby kasalanan ko ang lahat kung sana ay sinuportahan na lang kita sana ay nandito ka sa tabi ko, pasensya ka na Abby anak kung hindi kita pinayagan sa gusto mo, hindi iyon dahil sa tatay mo kung 'di gusto kong magkaroon tayo ng bonding time dahil alam kong may sakit na ako"Lalo akong napagulgol sa sinabi ni mama, putangina ang tanga-tanga ko para hindi malaman ito, sana pala ay pinakinggan ko na lang si mama, sana ay inalagaan ko na lang siya.

"I love you Abby anak ko, lagi mong alagaan ang sarili mo ah, sa totoo lang ay gustong-gusto ko ang boses mo anak, palihim kitang vinivideohan noon, nasa cabinet ko ang mga CD na ginawa ko para sayo anak, mahal na mahal kita Abby."Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni mama ang tanging gusto ko lang ay yakapin siya, gusto kong damahin ang pagmamahal ni mama, babawi ako sa kaniya.

Naputol ang pagiyak ko nang tumunog ang hindi ko inaasahang tunog, para akong nabingi sa kinakatayuan ko, hindi ko namalayan na hinihila na ako ni Tita Marie sa gilid, kasabay no'n ang pagpasok ng mga doctor at nurse.

"1,2,3 Clear"Parang tumigil ang mundo ko habang ginagawa iyon ng mga doctor, hanggang sa marinig ko na ang diretsong linya.

"Time of death 5:35 PM"Hindi na ako makagalaw lalo na ng inanunsyon ng doctor iyon, fuck! Gusto ko pang bunawi kay mama, gusto ko pa siyang alagaan, gusto ko pang iparamdam kay mama na mahal na mahal ko siya, gusto ko pang mag kwento kay mama, punyeta! Guto ko lang makasama ang nanay ko!

"Tama na Abby, ikaw na lang ang hinihintay niya, bayaan mo ng magpahinga ang nanay mo, ilang taon na niyang tiniis ang sakit niyang iyan para sayo Abby"Mahinahon na wika ni Tiya, ba't hindi ko man lang napapansin na may Cancer pala si mama, kasalanan ko 'to, mas pinili ko kasi noong sumama kay papa, mas pinili ko si papa na sinaksatan si mama kase kay mama na mahal na mahal kami.

Punyetang buhay 'to! Kung kailan gusto ko ng bumawi kay mama saka pa siya namatay! Gano'n ba talaga ang buhay, bakit ba kailangan ko laging masaktan.

"Uuwi na lang ako Tita"Nanghihina kong wika, agad namang tumango si Tita, napaiyak ako lalo nang ilabas na si mama sa loob ng kwarto, may tabon ng kumot ang kaniyang katawan.

"Mama mahal na mahal kita...."Huli kong wika bago umalis sa hospital, para akong patay na zombie na naglalakad, wala akong pakeealam kung pagtingin o magbulungan ako ng mga tao basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang ilaw, ang ilaw na galing sa kotse....
Iblis tumakbo ako ay humarap pa ako sa kotse ay nakangiting dinadama ang ilaw nito.

Walang silbi ang buhay ko, walang-wala, wala na ang aking mahal na si Leo wala na rin ang nanay ko. Wala na lahat sa'kin, pati ang career ko bilang Rose Gold wala na rin dahil tatlong taon na daw akong nawala.

Ang saklap ng buhay, hindi ko ine-expect na paggising ko ngayon ay tatlong taon na ang nakalipas, kung iisipin pang tele novela ang nangyari sa'kin, pero sana tele novela na lang ito, hindi totoo puro kasinungaling na lamang, kaso ito ang realidad.

The reality I want to escape, this is the reality ang masakit na realidad, I want end up my life and this is the time to do this.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang palapit na palapit na sasakyan, ganito pala talaga pagmagpapakamatay ka na nagiging slow motion ang lahat.

"Fuck! Don't leave me hurting baby....."

__
Editing
©Pretty_Georgeous

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro