Chapter 18
Kendra Rivera
Napanganga ako sa laki ng station nila Van, ang akala ko ay ang nakita ko noon ay iyon na 'yon, iyon pala ay may maganda pang mga kwarto sa loob nito, shit para akong tanga dito, parang unang beses ko pa lang 'to makita kung makapag react ako hays. Pero may mga tao naman siguro na katulad ko na kahit ilang beses na nilang napuntuhan ang isang lugar ay hahanga at hahanga pa rin sila sa lugar na iyon.
Inikot ko ang aking mata sa paligid, kay gandang pagmasdan ang mga instrumento, kaso nakakalungkot lang dahil sa sakit kong ito, namamangha ang mata ko, pangarap kong tumugtog sa entablado at maging isang sikat na singer, iyon ang naramdaman ko noon nang makakita ako ng mga instrumento, nung panahong nasa hospital pa ako.
Sana ay balang araw, makatugtog ako sa harap ng maraming tao, at ipakita na hindi ako si Kendra na takot sa musika, ang ipapakita ko ay ang Kendra na mahilig sa musika at mahal na mahal ito.
Isang buwan na kaming ganito ni Van, araw-araw ko siyang pinupuntahan dito, hindi ko lang talaga maiwasan ang mamangha, kahit ilang beses na akong nakapunta dito. Hanggang ngayon ay paghanga pa rin ang makikita mo sa mata ko kapag nakita mo ako dito.
Nakakapagtaka, kanina pa ako nandito pero walang Van na dumadating, siguro ay maghintay na lang muna ako dito, agad naman akong umupo sa isang silya.
Isang buwan, sa Isang buwan na 'yon nakilala namin ni Van ang isa't isa, napaka pikunin niya at mabilis mairita. Mabilis rin siyang magalit. Pinapakalma ko na lang siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya, hindi ko alam pero effective sa kaniya iyon. Its been One Month na rin simula nang mag practice kami nila Ryan. Malamang sa susunod na linggo na ang performance namin.
Masasabi ko lang na masaya ang nangyari samin tuwing nag pra-practice ang banda, naging close na rin kami sa isa't isa nung mga kabanda ni Ryan, kahit mukhang adik sila masaya naman silang kasama. Kaso lagi nga lang sila napapagalitan ni Van, knowing him he is perfectionist ayaw niyang may nagkakamali, at talagang pursigido siya na maging perpekto ang gagawin niyang musika. I see to his eyes how he love music and music is his passion.
Pero masasabi kong sa isang buwan namin na magkasama ni Van, ay naging magkaibigan na kami, pero hindi ko mapagkakaila na hindi na kaibigan ang nararamdaman ko kay Van, bakit kasi parang ang tagal ko na siyang kilala, bakit parang simula pa lang hulog na talaga ako sa kaniya. I realize na mahal ko na nga si Van, ang akala ko ay hindi ako dadating sa ganitong point, 'yung point na mamahalin ko siya.
Nagulat ako nang biglaang namatay ang ilaw, kasabay no'n ang paglabas ni Van na may ngisi sa labi, ayaw ko ng nga ngisi niya para talagang may masama siyang plano—hays dapat may tiwala ako sa kaniya, I know he never do things that make me mad. Kahit naman wala kaming relasyon ay ramdam ko na mahalaga ako sa kaniya.
Hawak niya ang isang guitara at dahan-dahan iyong pinatugtog ni Van, napapikit naman ako ng mariin, kulay asul na kulay ang nakikita ko, napakunot ang noo ko nang pinatugtog ulit niya ang gitara. He is crazy, hindi pa ako ganong magaling, oo kaya ko nang makarinig ng kanta pero hindi ang kantang pang masakit sa tenga I mean ang gamit niya kasi ay electric guitar—fuck baliw na ba siya.
"Hihinto mo 'yan!"Sigaw ko sa kaniya, agad naman niyang hininto ang pagtugtog at lumapit sa'kin, galit ko siyang tiningnan, pero sa ngiti niya ay nawala ang aking galit sa isang iglap, hinawakan niya ang kamay ko.
"You want to heal your disease, then sing a song for me"He said and give me his guitar, the fuck!
__
Edited
©Pretty_Georgeous
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro