Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Iced White Mocha

"This is the last day of our reporting. So by next week, we will start the mixed group project naman. Remember, you will be pairing up with students from other courses. They're under my class din so make sure you'll be friendly and nice. Understood? Okay, you are dismissed." tumayo ako agad para mag-ayos ng gamit ko.

Sa wakas, lunch break na at after noon, vacant na namin.

Medyo naiintriga ako dito sa susunod na project namin. Building relationships daw ang gusto ni Miss doon. Baka ibang relationship ang mabuo ah? Oh my God!




"Hoy, anong nginingiti ngiti mo dyan?" nagulat ako sa biglang pagsulpot nitong si Yulhee. Yung totoo, kabute ba to? Nagkibit balikat na lang ako at isinakbit ang bag ko.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway habang nakikinig lang ako sa kakadakdak nya tungkol sa professor nyang terror daw. I don't know why but my head is just in the clouds. Sa totoo lang, ilang beses lumabas sa isip ko yung barista na yon. He kinda reminds me of Wonwoo sa totoo lang. But he's a bit different in a way that I cannot tell what exactly it is.

"Hay nako! Anong kakainin natin for lunch? Doon na lang kaya tayo ulit sa NCT? May rice menus naman sila eh!" at ayon nilingon ko na sya. "Sige." sagot ko ng wala sa sarili. She then looked at me na parang may gusto syang iparating. "Ano?" I muttered. Inakbayan nya ako habang natatawa, "Gusto ko din makita si Taeyong noh? Yieeeeeeee~" asar nya sakin at sinusundot sundot pa tagiliran ko. Eh kung binibigwasan ko kaya to?!


"Dami mong alam. Ang haba ng vacant ko kaya sige pumunta na lang tayo sa gusto mo. Yun yung point ko." sagot ko pero di nya pa din iyon tinatanggap at patuloy pa din sya sa pang aasar sakin. "Ah! Basta, feeling ko gusto ko syang makita or si poging sa cashier? Yun yung mga tipo mo diba? Yung good boy na mukha talagang di gagawa ng masama sayo." tumawa pa sya. Binatukan ko na najijirits na ako e. "Bahala ka sa buhay mo! Bilisan na lang natin at gutom na ako." padarag ko syang hinila at yung gaga tawang tawa. "Hmp! Guilty!" asar nya pa din.





Pagdating namin sa café, di ganoon karami ang tao. Nagtaka lang ako kasi lunch time pero di ganoon kadami pero okay na din. Para naman di masyadong crowded dito. More opportunities para makasilay ako sa bagong crush kong...... wala sya dito.

BAKIT WALA SI JAEHYUN DITO? NASAAN KA NA?


"Ay, wala yung crush mo." simpat ng katabi kong kanina ko pang gustong ichoke slam. Sinamaan ko sya ng tingin at napaiktad naman sya at ngumiti. "Joke lang. Hahanap na ako ng upuan, pareho na lang tayong food." diredoretso nyang sabi at naglakad na papalayo sakin. Tsk, walang inabot na pangbili ako na naman magbabayad nito. Tapos sasabihin nya babayadan nya pero ang ending hindi na. Ni wala manlang thank you after. Hmp! Kung di lang kita mahal! 🙄


Lumapit na ako sa counter at tumingin sa menu nila. Sinulyapan ko yung matangkad na kuyang nakatayo doon at nakangisi sya sakin. Yung mga pormahan nya, parang yung tipo ng lalaking kakabahan ka kung bukas ikaw lang ba talaga yung jowa nya or may kasabay ka. Ganorn. Sorry kuya I judged you too early SORRY PO 🙏 Pero uy, ang gwapo nito. Feeling ko mas bata to sakin....



I smiled at him, "Dalawang order nung Beef Steak and mushrooms tapos dalawang order din ng Apple and Orange punch. Tsaka isang Chicken Pot Pie. For dine in." ngumiti ako sa huli at itong si Kuya nakangiti lang the whole time na nagtatap sya doon sa screen. Para pa syang nahihiya hiya sakin pero I just keep smiling at him. "Ah, Ma'am penge na lang pong number mo." nanlaki yung mata ko sa sinabi nya pero agad syang ngumisi. Ano daw?!

"De biro lang po, 346 po lahat." ngumiti sya sakin at nagkamot ng batok. Hay nako sinasabi ko na nga ba. Inabot ko sa kanya yung card ko. "Thank you." sambit ko. Nahihiyang ngiti pa din ang ibinigay nya sakin. I stared at him, he's wearing a white shirt and black pants tapos may bandana syang itim sa ulo at has a lot of rings in his fingers. Tinignan ko na din ang name plate nya.

Hi! I am Lucas yun yung nakasulat doon. Ang gwapo nitong si Koya na to. Pero lakas talaga ng kutob kong mas bata to sakin.

Nilingon ko yung likod ko at nakitang walang nakapila na sunod sakin so I decided to talk to him for a bit.

"Ngayon lang ata kita nakita dito." pasimula ko habang inaasikaso nya pa din yung payment ko. "Ah.. ngayon lang po ako nagfront desk e. Madalas po si Jaehyun hyung yung nandito or si Doyoung hyung po." sagot nya at nahihiya yung hitsura nya. Shet, ang pogi talaga. "Ah ganun ba? Do you mind if I ask you what year are you in?" tanong ko ulit. Napatingin na sya sakin na medyo nangingisi pa. "First po, Mechanical Engineering." sagot nya. Ay iba din. Kaya naman pala yung aura mga talagang pogi, inhinyero pala.

"Oh, so yung shop na to owned nyo lahat magkakaibigan?" I blurted that out of curiosity. "Opo. Pwedeng ako naman po magtanong?" I was caught off guard. Shet, ang sleek! Pero sige it would be unfair on his part.

"Sure, go ahead." sabi ko at ngumiti. Nilingon ko muna yung likod ko at nakitang wala pa din namang nakapila. "Ano pong pangalan nyo and what year at course?" dirediretso nyang sabi. Di na ako nakailag haha!

"Jaehee. Ahn Jaehee. 3rd year, Architecture. I am guessing we go to the same University?" tanong ko at tumango sya. "Actually, kilala po kita. I mean by face lang kasi nakikita po kita lagi sa Building B." sagot nya at tumango tango. "Ah... talaga ba?" sagot ko lang. So, taga Building B sya? Akala ko Building E ang mga Engineering? Baka may klase sya don. Okay, I'm taking too much of his time.

"Sige, ahm... punta na akong waiting area a. Naiistorbo na ata kita sa trabaho mo." sabi ko at nagsimula ng humakbang palayo doon. "Ay hindi naman. Wala naman ding nakapila eh. No worries po!" sagot nya ng nakangisi. I stepped aside at kinuha yung wallet ko. Nilingon ko yung buong oaligid at napansing ibang tao naman ang mga nandito. So, rotational sila ng duty ganon? Ilan ba tong mga to parang feeling ko madami sila.


Busy ako sa pagtingin sa paligid na nakaligtaan ko na yung mga taong nagtatrabaho din sa gilid ng counter. Yung mga nag-aabot ng orders.


"Beef Steak and Mushrooms po!" sambit nung nagsalita. Nagulat ako ng bahagya at lumapit doon. Di ko alam kung bakit din kumakalabog tong dibdib ko na para bang may inaabangan akong tao. Iginala ko ang mata ko saglit pero wala si Taeyong doon sa usual spot nya. Baka off naman nya today? Oo, baka nga.

Huminga ako ng malalim at binitbit ang tray ng pagkain namin. Nakakailang hakbang palang ako ng biglang bumukas yung pinto at doon, pumasok ang isang Taeyong na naka-ID pa at nag-aayos ng buhok. May hawak syang jacket at saktong paglingon nya sa may gawing counter, nagtama ang mata naming dalawa.


He was expressionless he still looks intimidating. I've never met someone who has cold stares as much as he have. Mas malamig to kesa kay Wonwoo. Nilagpasan nya ako at dumiretso doon sa may entrance ng kitchen. Di ko alam kung bakit ko sya sinundan ng tingin. Pero there's one thing I know, napatigil ako dahil sa kanya. Anong nangyayare sayo Jaehee? GAGA KA.



Nagtama din ang tingin namin ni Lucas na nakatayo na pala doon sa may staff room malapit sa kitchen. Nakita nya kaya ako? Shocks! Nakakahiya.



"Ma'am tulungan na po kita." offer sakin nung matangkad from last time. I immediately flashed a smile at natuwang nakita ko sya ulit. "Uy, hello. Andito ka pala! Thank you! Wag mo na ko i-Ma'am. Jaehee na lang." nginisian naman ako ni Johnny at hinanap na namon kung nasaan si Yulhee. Nagulat sya ng makita kaming dalawa ni Johnny na nakatayo na doon sa harap nya.

Itong gagang to, halata.


"Kung may kailangan pa kayo, tawagin nyo lang ako. Enjoy your meal girls." untag ni Johnny bago sya dumiretso sa may kitchen. Saktong pagpasok nya, labas naman ni Taeyong na ngayon ay nakabihis pangtrabaho na. Nagtatali sya ng apron ng magtama na naman yung tingin naming dalawa. Bago pa ako makangiti, umiwas na sya ng tingin at pumunta na doon sa may counter.



Suplado. Hmp!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro