Iced Americano
ajaehee.jpeg
at dyan lang sa tabi tabi
ajaehee.jpeg Getting my daily dose of Vitamin C. Vitamin Coffee 😂 Saan pa ba may masarap na kape? Para naman makatikim ako ng mix ng iba. Any suggestions? 😊 Medyo nagsasawa na din ako dito sa usual namin e hihi. Thank you in advance! ❤️
"Saan sunod mong klase?" nilingon ko ang katabi kong si Yulhee. Inayos nya ang kanyang buhok at ibinalik ang tingin sa kinokopyang notes. "Building 3, Second floor." sagot ko at ibinaba ang cellphone ko. Tinignan ko ang mga taong nakatambay dito sa café. Puro magjojowa at mga studyanteng kagaya namin.
Ahhhhhhh magjojowa. Nakakairita.
Sumimsim ako sa kape. I clenched my fist while neglecting the fact na kahit naiirita ako sa mga magjojowa, gusto ko din magkajowa! Taon na ang binibilang ko utang na loob pero hanggang ngayon wala pa ding naga-approach sakin! Guys, ititinda ko na sarili ko sa live, pa-mine na lang! 🙄
"Paano ka magkakajowa eh kada may lumapit sayo, tinataboy mo." diretso pa din sya sa pagsusulat nya habang sinabi nya yon. I gave her a sharp glare, "Alam mo naman kung bakit. Hindi kasi sila pasok sa standard ko. Atsaka kadalasan naman sa kanila, jojowain lang ako para lang may masabing may jowa sila. Pag sala sa babaero, sobrang waley naman. Hayyyyy." sagot ko. Tinignan ko sya and then she just gave me a "what the fuck gurl ano ba talaga gusto mo?" look.
"What? They just don't fit in my standards." depensa ko. Padabog nyang isinara yung kwaderno nya saka nagcross arms. Oh no.
"Screw your standards. Alam mo kung puro standard mo ang susundin mo, say hello to Matandang Dalaga life. No one can fit in your standards and everyone will suck up on that! Kung puro ka standards maiiwan ka ng panahon. Alam mo bang ang tao di nila nakakatuluyan yung gusto talaga nila? Ang nakakatuluyan nila sa ending yung salungat sa mga bet nila. Kaya kung ako sayo, wag kang maarte. Di ka yummy." ayan, dinakdakan na namab ako. Sinbi ko lang naman na di sila pasok aa standards ko e. Daming alam ng duwendeng to.
" I can almost hear what you are thinking, Jaehee. Bahala ka sa buhay mo." sabi ni Yulhee. Well, ewan ko. Gusto ko nv jowa pero pag nandyan na, ayaw ko naman. Kamote, buang na ata ako.
"Tara na baka malate pa tayo sa klase natin." yaya ko at dinala na lang yung kape ko. Nagligpit naman sya ng gamit nya saka kami umalis.
"Okay, by next week gusto kong makita ang progress ng miniature nyo. If hindi kayo nakaabot hanggang Structure 4 man lang or 5, say goodbye to Uno. Understand?" hindi ko na inintindi yung sinasabi ng prof namin. Panis ka sakin Ma'am, Structure 7 na ako tapos pipinturahan ko na lang. Baka ngumanga ka dyan Madame pag nakita mo. Charot HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Natapos din ang klase kong puro sulok ng kisame at bubong ang topic. Bakit ba kasi ako nag-engineering? Ewan ko din talaga minsan sakin eh!
Agad kong nilabas yung phone ko ng nagsisimula ng magsilabasan yung mga blockmates ko. Wala na akong klase after nito at pwede na akong umuwi. Kaso hihintayin ko si Yulhee para may kasabay naman akong maglakad pauwi. Kakalungkot pag mag-isa lang. Hayyyy, kailan kaya ako magkakajowa na maghahatid sa akin sa bahay? Yung tipong maghihintay sa labas ng classroom ko tapos sasabihing, "Sabay na tayo umuwi." o di kaya ay "Ihahatid na kita."
SHET, SANA ALL 😭
May mga comment na akong nakita doon sa post ko kanina sa Memopost account ko. Tinignan ko lahat.
"Try mo doon sa cafe sa 11th street masarap don."
Nakapunta na ako doon and the coffee there isn't half bad pero di sya yung tipong babalik balikan ko yung lasa.
"Blue Cheese Café sa Sakura Street. Sulit!"
Sulit? Sulit pero maliit? No way. Pakiramdam ko nag-aksaya lang ako ng pera nung nagpunta ako doon.
"Sa may 6th Street yung Endevour Café. Masarap doon. I highly recommend! 😊"
Ekis. Sobrang tamis ng timpla nila doon. Yung mga pumupunta doon ay may pangarap magkaroon ng high level ng blood-sugar nila at magkadiabetes. Ultimo Espresso shots, may tamis. Dapat don, Diabetic Wonder ang tawag. Tsk.
Lahat ng suggestions nila, napuntahan ko na e. Oo, ganon ako kaadik sa café. People may find it cliche pero gusto ko yung ambiance ng café kesa sa parks. You get to chill and at the same time, observe people. Tsaka plus points din kung maganda ang interior ng café. Mas feeling ko at ease ako kapag ganon. Potek na yan pati ba naman kapehan, may standard ako. Tssss. Kakainis din naman pala yung sarili ko minsan!
Nilike ko na lang lahat ng comment nila pero I'm still hoping to find something that is really worth it. Yung tipong babalik balikan ko.
Nagscroll down pa ako sa iilang comments and napukaw ng isang comment doon ang atensyon ko.
"Why don't you try Neo Culture Treats? Kakabukas lang nila and all of their coffees and pastries are good. I was one of those people who tasted everything in that café. It won't hurt to try naman ano? 😊 Sabihin mo sakin kung ano review mo."
Taray, inutusan pa ako. Charot! Sige nga maitry ko nga today tutal wala naman na akong klase at wala na din naman daw gagawin si Yulhee pagkatapos ng klase nya.
Ganoon nga ang ginawa namin. After ng klase ni Yulhee, nagkita kami sa may malaking puno malapit sa gate. Nigoogle namin ang location noon and we found out na one block away lang pala sa bahay naming dalawa. Bali sa mapa, sa gitna sya ng blocks namin. Block 1 ang bahay namin, Block 2 yung café at Block 3 naman ang bahay nila Yulhee.
"Sigurado kaya yung nagcomment sa post mo na, masarap don?" si Yulhee habang naglalakad na kami palabas ng gate. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. "Tignan natin, lagi na naman tayong nagtatry eh. At least alam na natin kung saan talaga tayo makakain ng mga bests naman ng bawat isang café." sagot ko.
"Nga pala. Nabalitaan mo na ba?" simula nya.Tinignan ko si Yulhee atsaka nagkunot ng noo. "Ang alin?" bato ko. Tumango tango sya na para bang "Ahhh di pa nga nya alam." Tumigil ako at hinintay syang tumigil. Two steps more at nilingon nya ako. "Ikakasal na yung kaisaisa mong ex." sagot nya. Ah, yun lang pala eh....
"ANO?!" napaiktad sya sa pagtaas ng boses ko at automatic nya akong hinampas. Mamaaaaa nanghahampas na naman sya! Bakit ko ba kasi laging nakakalimutan na mabilis tong kamay nito? Ang sakit feeling ko humiwalay yung kaluluwa k— joke! Ang OA pero masakit promise! 😂
"Oo ang ex mong si Jeon Wonwoo ay tatay na. Kaya ayun, ikakasal na sya. Shotgun Wedding." sagot nya sakin at hinintay nya pa yung reaction ko. Ah, naalala ko na kung bakit ako nagkastandard sa lalaki. Kasi dati nga pala nain love ako sa taong kaya kong ibigay lahat pero niloko ako. Kaya ayun, nagkastandard ako. Haha!
"Ah, edi congrats sa kanya. At least nahanap na nya yung para sa kanya." tumuloy na kami sa paglalakad. Hindi na sya nagsalitang muli maging ako din di na nagsalita. Pero yung utak ko, dirediretso sa pagdakdak. Oo nga no, kasalanan nya nga pala kaya buang ako ngayon hehehehe. Pinagpalit nya ako sa pinsan ko. Okay lang. Matagal na yon. Okay lang. Repeat until true.
CHAROT HAHAHAHAHAHAHA! Pero I admit it still upsets me sometimes. Di ko lang kasi maisip na ipagpapalit ako, sa kadugo ko pa. Nung naging sila nung pinsan ko, saktong lumipat sila ng bahay kaya nagkalayo na talaga kami ng bahay at kalooban. I detached myself from her but not from her entire family dahil kahit anong tumbling ko, kapatid pa din ng tatay nya ang tatay ko. At pinsan ko pa din sya kaya no choice ako. Pamangkin ko ang anak nila. Ang saya.
Nagising na lang ako sa katotohanan ng isakbit ni Yulhee yung jamay nya sa braso ko. "Andito na tayo." sabi nya at nginitian ako.
"Nakalagpas na pala tayo sa bahay namin? Di ko namamalayan! HAHAHAHAHAHA" sabi ko at nung iangat ko ang tingin ko, nag-aalalang mukha ni yulhee ang bumungad sakin. I stared at her, "Bakit?" tanong ko. Hindi sya sumagot. "Tara na andito na tayo teh. Ano pa tinutunganga mo dyan?" natawa pa ako pero di napawi yung ganong mukha nya.
"Your eyes are bloodshot. Hindi tayo papasok hanggat di ka nakakakalma. Sabi ko na e dapat di ko na lang sinabi sayo para di maspoil yung mood mo. Or di kaya sinabi ko na lang sa isang araw. I'm sorry." sabi nya at niyakap ako.
Taenang yan sa daan pa kami nagdrama.
"Baliw tara na! Okay lang ako." hinila ko na sya papasok. Baka next week pa kami makapasok mung hihintayin ko syang gumalaw.
Labas palang ng café, nabonggahan agad ako. Bakit di ko alam to? Pero according sa nagcomment bago lang daw ito so paano nga diba? HAHAHAHAHA bonak.
Pagpasok namin ng café, bumungad samin ang nakakalulang aircon. Be ba't sobrang lamig?? Gigil sila sa aircon be? Galit na galit sa lamig? Juskoday!
"Welcome!" bati nung isang crew. WOW
LORD, NASA LANGIT NA PO BA AKO? BAKIT MAY ANGHEL?
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit ni Yulhee sa braso ko. "Shet, ang pogi naman non." bulong nya sakin. Niguide naman kami nung crew sa may counter. Binasa ko yung nameplate nya.
Yuta yan yung nakalagay sa nameplate nya. Omg YUTANGINA AMPOGI MO NAMAN KOYAAAAA
The whole café was breathtaking. Pero alam mo kung ano yung mas breathtaking? Yung nga crew dito anak ng tinapa requirement ba dito na lahat sila pogi?! No wonder puro babae ang laman ng café na ito. Medyo malaki din sya para sa kakastart lang at maganda. I also like the interior design and the smell of the shop. All things are just right.
"Hello, anong order nyo?" bungad sakin nung Kuyang pogi sa cashier. He's so fair skinned and he has rosy cheeks. A deep brown hair and gwapong mukha. Ang gwapo nya talaga. Wait ilang beses ko na bang sinabing ang gwapo nya? Hala basta ang gwapo nya! May tatlong lalaking nag-aasikaso doon sa likod nung counter. The three of them has their own roles one us mixing drinks and the two of them are organizing the orders.
Nginitian ko yung cashier. "One Iced White Latte and... ano sayo, Yul?" nilingon ko yung babaeng titig na titig dito kay Kuyang nasa counter. Siniko ko na. "Ano sa'yo?" ulit ko. Nagising sa ulirat si gaga saka sumagot. "Ah... ano... Chocolate Matcha Fusion na lang. Tsaka isang slice ng Matcha Crepe." ngiti nya doon kay Kuya. I read his nameplate habang nagtatap sya doon sa screen.
Jaehyun. Pati pangalan ang gwapo ahek 😍 Charot kailangan kong umayos nakakahiya. Dalagang Filipina dapat ganorn. Cheret!
Tipo to ni Yulhee e. Bago pa tumulo ang laway nya na parang tigreng hayok, pinalayas ko na sya sa tabi ko at pinaghanap ng upuan. It's almost full kaya habang nagtatap pa sya doon sa screen, chinika ko na si Jaehyun.
"Matanong ko lang, kailan kayo nagbukas?" I asked politely with a kind tone and smile. He smiled back, "Two days ago lang. Third day palang po namin." sagot nya. RINIG NYO BA? RINIG NYO BA YUNG MGA ANGHEL NA KUMAKANTA SA BACKGROUND O AKO LANG? PERO SHET MAS POGI PAG NGUMINGITI BE! OH MY GOD BUTI NA LANG NAGBREAK KAMI NI WONWOO KUNG HINDI IKAKASAL NA AKO!! BWAHAHAHAHAHAHA
THANK YOU LORD!
"Ah, I see. Good luck for today and to the future days. Baka mawili kami dito." I smiled. Mukha mo, Ahn Jaehee ikaw ang mawiwili dahil crush mo tong kahero jcnsucndkchfks. Anyway~
"Thank you. 257 lahat and tatawagin na lang po ikaw pag ready na. Anong name nyo po?" aabi nya ng nakasmile. Tangina yung puso ko teka langgggg!!!
"My wife. De charot, Jaehee. Ahn Jaehee." natawa naman sya sa joke ko. Ay hindi pala joke yon. Sige okay lang na isipin mong nagjojoke ako pero para sakin trulaley yon. 😂
"Okay, Ms. Jaehee. Here's your receipt and just wait for your order. Thank you. Next po." sunod sunod nyang sabe. Ay teka be, nagmamadali? Nagmamadaling jowain ako? Charot. Ayoko na buang na ata talaga ako.
Pinuntahan ko na si Yulhee sa table nya. Doon sya pumwesto sa may labas dahil ouno na daw doon sa loob. Dun sya pumwesto sa lugar kung saan kita pa din ang buong counter. Kaya kami magbest friend e HAHAHAHAHAHAHA
"Uy, teh! Yung barista ang pogi din!" bungad nya sakin habang hinihila ko yung upuan para makaupo na ako. "Bilis ng mata ah?" asar ko sa kanya. Yung gaga parang tuwang tuwa sa buhay nya. "Aba syempre! Kung saan may snack, ATTACK!" natawa naman ako sa kagagahan nya. Tinignan ko nga yung barista nila and hell, he really is a good looking one. Buf he seem... cold. And I don't like cold guys. It frustrates me kahit na tinitignan ko lang naman sila.
Or is it just because it reminds of someone named Jeon Wonwoo who looks cold but is a total jerk on the inside? Hmp!
"He's cold. I don't like those kind of guys. I don't like guys with dull looking eyes and a bad boy feature." sabi ko ng wala sa isip. Yulhee smacked my right hand, "You and your stupidity. Hindi lahat ng lalaki kagaya ni Wonwoo. So stop blabbing nonsense and just carry on with your life. You never know. Baka mamaya, sya pala yung para sa'yo." nagkibit balikat pa sya. Napailing na lang ako.
"I just want to have a peaceful afternoon Vitamin C, okay? Let's cut the Wonwoo thing. I din't want to taste bitterness in my coffee today." sabi ko at nanahimik na. She did the same thing then checked her phone.
Ilang minuto pa ay tinawag na ang pangalan ko. I got up and went to the receiving area. Ang laki pala nung crepe cake, di na ako bumili kasi sabi ko baka mabitin ako. Hihingi na lang ako kay Yulhee.
"Here you go Ma'am." sabi nung matangkad na Kuyang pogi.
Johnny. Oh, parang nursery rhymes lang. Pero hot na nursery rhymes ganorn. Charrrr!
"Thank you." sabay ngiti. Nung iaangat ko na yung tray, muntik ng matapon yung crepe. Buti na lang hawak pa nya yung tray at di pa nabibigay sakin ng buo. He then offered me for his assistance. Pero dahil isa akong dakilang pabebe, syempre hinayaan ko na sya.
Grabe ang tangkad naman nito hindi makatarungan. Hanggang itaas lang ng siko nya yung tuktok ng ulo ko. Pinagpala naman to masyado.
"Thank you." sabi ko ng maibaba nya yung tray. Nginitian nya ako, "You're welcome. May kailangan pa ba kayo?" He asked in a friendly way. IKAW. Charot di ko masasabi yan baka naman aabihin nya feelinger ak—
"Ikaw." napalingon ako kay Yulhee na ngising ngisi ngayon. Aba, ang bruha kirindot! Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at napalingon naman ako dito kay Big Johnny. Tumawa lang sya, "I'm busy. Maybe later?" banat nya pabalik. Napanganga na ako.
REALLY? RIGHT IN FRONT OF MY COFFEE?? ANG LALANDIIIIIIIII HAHAHAHAHAHAHA
"Joke lang haha.." oh ano Jung Yulhee? Nakatapat ka ano? 🤣
Nginitian nya kami nd he said goodbye. Pero he stared at Yulhee intently. Mukhang magkakajowa na ata kami by the end of the year ah? Charot.
"Napakalandi." asar ko sa kanya and I gave her a playful smile. Nginitian nama nya ako pabalik sabay sabing, "Well, I learned it from the Master." she winked. This bitch? Ako pa ha?
Nagtawanan kaming dalawa. Sinimulan kong tikman yung order ko and Oh my gulay, ang sarap! Kasing sarap nung nagtimpla. De joke pero seryoso ang sarap nya. Nung kape. Yung kape please lang. Tinikman ko din yung crepe and it tastes so good. Grabe sinong gumawa nito? When we get closer itatanong ko tong mga bagay na to.
We were busy talking about the café and such ng biglang bumuhis yung ulan. Buti na lng ubos na yung crepe kaya pwede naming dalhin na lang tong mga inumin namin. Pinapasok nila kaming mga andito sa labas dahil lumalakas yung hangin. Nahuli kaming pumasok and doon ko lang nakita kung sino yung may hawak nung pinto. It was him! The cold barista!
Nagtagpo ang mata naming dalawa. His eyes were expressionless so as his face. He is really cold para sakin. It's like I'm looking at a giant iceberg with no curves or streaks at all. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanya at nagpasalamat sa paghawak nya sa pinto para makapasok kami. Pumwesto ako agad doon sa nakita kong empty seat at niyaya si Yulhee.
When I finally sat there at pinatong yung kape ko, I accidentally glanced at him. Only to find out that he was also looking at me. Kung nakakalusaw lang ang tingin, malamang tubig na ako ngayon. Tinungo ko ang ulo ko at nagkunwaring nagtitingin sa cellphone ko. Busy si Yulhee sa oagpupunas ng balikat nya samantalang ako ay walang pake sa hitsura ko. I just feel awkward and uneasy cause that guy was staring at me. Do I have something on my face? Wala naman ata. Or maybe it's just me who thinks that he is looking at me.
Tinunghay ko ulit yung ulo ko and saw him being busy on the kitchen again. Oh, so akala ko lang. Feelingera ka Jaehee. Binalik ko na lang ang tingin ko sa kaibigang nagrereklamo dahil nabasa daw ng kaonti ang gamit nya.
"Ay gurl, I saw his name." masayang sabi nya pa sakin. Nacurious naman ako, "His? Who?" I asked, puzzled. She rolled her eyes and said, "The barista, duh!" sabi nya woth her most sarcastic tone. Tumuwid na lang ako ng upo ko at sumimsim nung kape ko.
"Taeyong. His name is Taeyong." sabi nya at nilingon si Taeyong na ngayon ay nakatingin na namang muli sa akin.
Oh boy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro