Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY SIXTH

M A R I S S A ' S P O V

Bakasyon na. Nandito kami ngayon ng pamilya ko sa province namin. Nakikituloy lang kami sa tita ko. Pupunta kami ngayon sa sementeryo para bisitahin daw yung lolo't lola ko.

Ilang oras din ang biyahe at nandito na kami.

Sinusundan ko lang sila nang biglang nahulog yung wallet ko. Dinampot ko ito mula sa nahulugan nitong puntod at nagulat ako kung kaninong puntod ito. Kay Miggy. Hindi na ako nagtaka kung bakit dito dahil alam kong parehas kami ng province.

Ilang hakbang na ang layo ko nang may mapansin akong kakaiba.

Miguel E. Victorio

Born: September 5, 2002

Died: April 17, 2010

Diba dapat November 2014 ang nakalagay sa died?

Tinawag na ako ng mommy ko kaya sumunod na ako. Nang magkasabay na ako ng lakad sa kanila ay lumingon ako ulit at nakita ko si Miggy mismo na nakatayo sa harap ng puntod niya. Nagtaasan ang balahibo ko.

Maya-maya ay napalingon siya sa akin at nagulat din siya nang makita ako.

"Rissa what's wrong?" tanong ni Mommy

"W-wala po." Lumingon ako ulit at wala na siya

N A T A L I E ' S P O V

Andito kaming magbabarkada sa mall. Nag-sho-shopping kami. Sayang nga si Marissa lang ang kulang sa amin.

Bumili kami ng mga stuffs. Si Lyn nagpa-bangs para matakpan ang sugat niya sa noo. Siya lang sa amin ang may sugat sa mukha. Ako kasi sa kaliwang braso kaya nag-long sleeves na lang ako ngayon.

Kumakain kami sa isang fast food.

"Guys, guys tumatawag si Marissa." Sabi ni Lyn

"Edi sagutin mo." Sabat ni Lorreign

Ni-loudspeaker ni Lyn kaya rinig naming lahat. Kinuwento niya ang lahat ng nangyari sa kanya.

"Srsly? Nakita mo si Miggy?" takang tanong ni Julie

"Atsaka yung sinasabi mong date ng pagkamatay niya, for real?" ako

"Oo nga. Pinicturan ko pa. Send ko sa inyo." Sabi ni Marissa "Sige bye na."

"Wait--" magsasalita pa sana si Lyn kaso in-end na ni Marissa yung call

"Guys, guys." Hingal na hingal na sabi ni Andrei, galing sila sa CR ni Julie at Beatriz

"Oh, asan sila Juls?" tanong ni Lorreign

"Si Julie." Andrei

"Bakit anong nangyari kay Julie?" ako

"Sundan niyo ako." At tumakbo na kami papuntang CR

Buti na lang ubos na namin yung pagkain.

Pagdating namin sa CR ay bumubula yung bibig ni Julie. Inaasikaso siya ni Beatriz.

Kasama namin ang killer.

S O M E O N E ' S P O V

Ohh tingnan mo nga naman. Nagshoshopping din kayo.

At pumasok sila sa isang fast food kung saan ang bagong pinagtatrabahuan niya.

Agad ko siyang tinext.

To: K

Yung mga kaklase ko nanjan. Lasunin mo.

From: K

Seryoso? Baka matanggal nanaman ako sa trabaho ng dahil sayo.

To: K

Sige na. Kahit isa lang.

Di na nagrepy. Yaan mo na nga.

Mga ilang minuto pa ang lumipas. Mag-c-cr sana ako at saktong nandun sila. Si Julie bumubula ang bibig.

Lumabas na ako ng CR. Sa ibang CR na lang ako pupunta.

Nilason niya nga.

--

Nandito na ako sa bahay.

"Hay nako ate! It's so hot talaga here sa Philippines." Sabi niya sabay upo sa sofa katabi ko

"Hoy Nicolyn tumigil ka nga jan. Porket galing kang ibang bansa ganyan ka na maka-asta." Sabi ko

"Ano ba Erica Lydia!? Bago na pangalan ko. Marjorie Faina na hoy! At ikaw ang bago mong pangalan ay--"

"Oo na, MARJORIE! Wag mo na rin akong tawaging Erica." At tinuon ko na lang ang atensyon ko sa tv

Nakakainis talaga to. Ang arte arte talaga ng kapatid kong di ko naman ka-dugo.

============================

Totoo nga ba ang nakita ni Marissa?

Sino ang naglason kay Julie?

Ano ang magiging role ng bagong karakter na si Nicolyn at sa susunod pang chapters?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-24-15

©CrishaneAen❞


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro