
TWENTY SEVENTH
C L A U D I A ' S P O V
Gabi na. Nagising ako sa dahil nauuhaw ako. Bababa na sana ako sa kusina namin. Hinahanap ko lang ang tsinelas ko. Sinilip ko sa ilalim ng kama ko pero wala. Nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko nanaman siya, ang batang lalaking laging nagpapakita sa akin.
"AAAAHHH!!!" sigaw ko at dahan dahang lumayo sa kanya
'T-tulungan m-mo k-ko.' Pagmamakaawa niya
"W-wag kang Lalapit." Sabi ko sa kanya dahil wala na akong uurungan. Napasandal na ako sa headboard ng kama ko.
'T-tulungan m-mo k-ko.'
"Tama na!!!" pinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng tuhod ko at nakatakit ang dalawang kamay sa aking tenga
'T-tulungan m-mo k-ko.'
"AAAAAAHHHHHHHHH!"
Biglang pumasok sa kwarto si tita. Wala na akong mga magulang at si tita lang ang nagpalaki sa akin.
"Claudia. Shh. Tahan na. Andito na ako." Pagpapatahan si tita
Alam niya na nakakakita ako ng mga bagay na hindi niyo nakikita. Bata pa lang ako ay nakakakita na ako ng mga ganoong bagay.
Dinilat ko na ang mga mata ko at wala na siya sa harap ko. Nilibot ko ang tingin ko sa aking kwarto at nakita ko siya sa sulok na duguan at nagsabing 'T-tulungan m-mo k-ko.'
S O M E O N E ' S P O V
Kakagising ko lang. Umagang umaga ang ingay ingay.
"Oh my dear sister! You're awake na pala ahh. GOOD MORNING!!" sigaw ni MARJORIE na ang bagong pangalan
"Ate! Asan na ba si tito? Day off niya ngayon diba?" tanong ni Marjorie
"Nasa girlfriend niya ata." Sagot ko
"Eram nga ng phone mo. I-te-text ko lang si tito." Sabi niya sabay kuha ng phone ko
"May cellphone ka diba?" inis na tanong ko
"Di pa ako na kakabili ng sim card." Sagot niya. Oo nga pala galing siyang ibang bansa "Ano name ni tito dito?"
"K."
"Nagtitipid ka talaga ng letters. Pati sa akin yung number ko ang nakaregister na pangalan N. Dapat MF." Sabi niya pero sa phone lang nakatingin
Hayy. Alam kong naguguluhan kayo. Ikukwento ko sa inyo lahat.
Ang pangalan ko DATI ay Erica Lydia L. Enriquez. Kapatid ko si Eric Lloyd/Elle.Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Si Marjorie naman ang dating pangalan ay Nicolyn Arcega. Yun ang pangalan namin bago kami ampunin. Nagkakilala kami sa ampunan. Buwan lang ang tanda ko kay Marjorie.
At pano naman ako napunta sa ampunan?
Ganto kasi yun. Yung tunay kong mga magulang, naghiwalay sila. Napunta ako sa mother ko at yung kapatid ko naman sa father. Wala na akong balita kina Eric. Ilang taon pa ang lumipas ay pumanaw ang nanay ko sa kadahilanang lumala na ang kanyang sakit dahil walang perang pangpaospital at panggamot.
Naging palaboy ako sa kalye. Kung saan saan natutulog. Hanggang sa mapunta ako sa ampunan. Doon ko nakilala si Nicolyn. Naging matalik kaming magkaibigan. Hanggang sa may bumisita sa aming mag-asawa na balak ampunin si Nicolyn. Akala ko magkakahiwalay na kami pero pinilit ni Nicolyn na hindi siya magpapaampon kung di ako aampunin. Kaya ayon. Inampon kami nina Mommy Faye at Daddy Matthew. Napalitan na rin ang pangalan at apelido namin.
Pinagaral kami sa eskuwelahan kung saan nagaaral si Eric. Dapat ngayon ay highschool na ako kaso noon gusto ko maging kaklase ang kapatid kong si Eric kaya yung bagong birth certificate ko kung saan nakalagay ang bagong pangalan ko ay bago din ang birthday ko. Nalaman ko na doon nagaaral si Eric dahil nakita ko siya sa mga pangalan ng scholar na doon nagaaral kaya pinilit ko silang doon ako magaaral.
Sa kasamaang palad, namatay sina mommy at daddy dahil sa car accident. Papunta daw kasi sila sa lola namin, nanay ni mommy, kaso di na sila umabot. Umuulan kasi nun at nabangga ang kotseng sinasakyan nila. Kaya ang kapatid ni mommy ang nagalaga sa akin, at iyon si Kenneth, si Tito Kenneth.
Si Marjorie kaya siya galing ibang bansa ay dahil ang nagalaga sa kanya ang kapatid ni daddy na nasa ibang bansa at kaya siya nandito dahil pasko naman at gusto niya din akong makasama.
"Oh ate! Nandito na si Tito." Sabi ni Marjorie
============================
Sino ang nakita ni Claudia?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
12-24-15
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro