Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY FOURTH (Christmas Party Part III)

C H A M I L L E ' S P O V

Binuksan ko na yung regalo ko. Tas sunod yung prize na natanggap ko kanina.

Pagbukas ko "AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"

Sobrang takot ko dahil ang laman nito ay patay na daga. At puro dugo pa.

"Chamille anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ni Stacey na katabi ko

Pinakita ko sa kanila yung prize.

"Sino pa ang nakatanggap ng prize? Buksan niyo na nga." Sabi ni Ms. Pelaes na agad na sinunod ng mga kaklase ko

"Miss! Patay na daga din po." Sabi ni Laurence

"AYY!" biglang naihagis ni Andrei yung prize niya. Yun din ang laman.

Tatlo lang ang games kanina kaya tatlo lang kami na nakatanggap ng prize.

"Dennis, Rhian, kayo ang in-charge sa games at prize diba!? Ano to!?" galit na tanong ng aming adviser

"M-miss. D-di k-ko po a-al-lam." Umiiyak na sagot ni Rhian

Si Dennis naman ay binuksan ang ibang prize at yun din ang laman. Pare-pareho lang. "Hindi ko po alam. Ang prize na binili namin ni Rhian ay puro wallet. Hindi ko po alam ang kung paano nangyari ito." Napakamot ng ulo si Dennis

Maya-maya ay biglang namatay ang ilaw.

"Sino nanaman ang may gawa nito?" Ms. Pelaes

L Y N ' S P O V

Nang mamatay ang ilaw ay nakatingin ako sa bintana. Dun sa may switch dahil baka mangyari nanaman at nangyari nga ang pagpatay ng ilaw. Ngunit ang pinagtataka ko ay walang tao na gumagalaw sa switch.

"Sino nanaman ang may gawa nito?" Ms. Pelaes "Teka lang. I-che-check ko lang yung switch." At lumabas na si Ms

Maya-maya pa. Ang tugtog ay tumigil. Nagbago ang tunog nito at nakakatakot ang tunog na napakasakit sa tenga.

"Itigil niyo nga yan!" sigaw ni Dennis na nakatakip din ang dalawang kamay sa tenga

Agad na kinuha ni Lyanna ang phone niya. Cellphone niya ang ginamit sa patugtog at speaker ni Ms. Pelaes ang gamit.

Namatay na ang tunog.

Pagkuha ni Lyanna ng phone niya ay nag-iba ang aura ng mukha niya. Parang nagtataka.

L Y A N N A ' S P O V

Pagkakuha ko ng phone ko ay nagtaka ako.

Maraming music ang nakalagay sa phone ko. May English, tagalog, at may Korean pa.

Pero yung tumunog kanina, di ko alam na meron akong ganong tugtog. Ang file name na nakalagay ay 0.mp3. Wait, alam ko 86 ang songs ko dito eh.

Chineck ko kung ilan at 87 songs. What the!?

"Bakit Lyanna?" tanong ni Dennis at kinuwento ko ang lahat sa kanila

Pinlay(play) ko ulit yung 0.mp3 at yung tunog kanina ang tumunog. Tinigil ko na ito at dinilit(delete).

Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone ko.

**1 new message**

09876543210: Hello my dearest classmates. Were you surprise? Well, we're just getting started.

Tiningnan ko ang mga classmates ko kung sino ang naka-phone at lahat sila naka-phone.

"Sino nagpadala ng message na to?" tanong ni Rhian

So lahat kami nakatanggap ng message.

S O M E O N E ' S P O V

Natatawa ako sa itsura nila. Good thing alam ko ang number nilang lahat. Nagsisimula pa lang. May big surprise pa ako. Abangan niyo.

Maya maya ay sunod sunod na silang nawalan ng malay.

Eto na. Di na makakabalik si Ms. Pelaes dahil pati siya nainom yung pampatulog na nilagay ko sa lahat ng softdrinks.

"ANONG NANGYAYARI!!??"

============================

Paano naging daga ang laman ng prize?

Saan nanggaling tunog na narinig nila?

Kanino galing ang message?

Anong mangyayari sa kanila?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-24-15

©CrishaneAen❞


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro