TWENTIETH (Field Trip Part II)
R H I A N ' S P O V
Lunch ngayon. Sa bus lang kami nag-lunch. Kasama ko si Mommy ngayon kaya kami ang magkatabi.
Pagkatapos ko mag-lunch tumabi muna ako kila Madison, Anna, at Lyanna. Hindi pa naman umaandar ang bus eh.
"Uy musta ka na?" tanong ko kay Madison
"Okay lang. Mejo masakit lang yung tagiliran at yung mga galos pero keribels lang." Sagot ni Madison
"Bilisan mo kumain Anna." Sabi ni Lyanna
"Oo nga tapos na kami kumain oh. Ikaw na lang hindi. Daig ka pa nung mga grade 4." Sabi ko at nagtawanan kami
"Oo tapos na po." At niligpit na yung pinagkainan niya. Tumulong na rin kami.
"Okay na." sabi ni Anna "Yung tumbler ko?" at hinanap niya sa bag niya "Eto pala." At uminom
"Ay tanga." Sabi ni Madison at nagtawanan nanaman kami
Bigla na lang nahulog ni Anna yung tumbler niya at nabasa kami.
"Ano ba yan Anna--OMAYGOSH!!!" ako
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang bumula ang bibig ni Anna at nangisay.
"Uy manghingi kayo ng tulong!" natatarantang sabi ni Madison
Tumakbo na si Lyanna papunta kay Ms. Pelaes.
Bigla na lang nahimatay si Anna.
"Ano nanamang nangyari!?" sabi ni Ms. Pelaes
C R I Z T E L Y N ' S P O V
Pinauwi na kami matapos mangyari iyon. Baka daw kasi may sumunod pa.
Naglalakad na ako papuntang bahay.
Kumatok ako at agad iyon binuksan ni ate Jane, pinsan ko.
"Oh ang aga mo ah." Sabi ni Ate
"May nangyari kasi eh." Sabi ko
At pumasok na ako sa sala.
"Pano ba yan ikaw lang mag-isa dito." Sabi ni Ate
"Bakit?" ako
"Si tita at si Crisanta namalengke."
"Eh ikaw saan ka pupunta?"
"Basta may pupuntahan lang ako."
Hindi na ako nagtanong pa. Pumasok na siya sa kwarto niya. Biglang tumunog ang cellphone ni ate. Naiwan niya sa sofa.
Tiningnan ko yun.
From: Kenneth
papunta na ako.. kita na lang tayo.. mwahh :**
Lumabas na si ate.
"Ate diba sabi ko sayo wag ka nang makipagkita kay Kuya Kenneth." Sabi ko
Inagaw niya sa akin yung cellphone niya "Bakit ba!? Lagi mo na lang sinasabi yan! Ano ba kasi yung ginawa niya sayo!"
Hindi na ako sumagot.
"Oh ngayon di ka makasagot! May gusto ka ba sa boyfriend ko!?" siya
"YUCK ATE KADIRI KA!! Hindi siya yung gusto ko at ayoko sa KRIMINAL!" ako
"Anong ibig mong sabihin?" siya
Hindi nanaman ako sumagot.
"ANO BA KASI YUN!?" siya
"OO NA! Sasabihin ko na! Naalala mo pa yung nangyari ate? Yung nakulong ako sa classroom namin. Siya yun. Siya yung gumawa nun sa akin, sa amin. Naalala mo yung halos ilang linggo akong tulala? Diba alam mong nagtrabaho siya sa school namin bilang janitor? Tsaka kung ba't kami maaga umuwi galing field trip? May kakampi siya sa classroom namin. Classmate namin. At hindi namin alam kung sino yun. Tas sinasabi nila na may kakampi daw siyang dating janitor sa school pero tanggal na daw. Sabi mo si Kuya Kenneth natanggal na pero di mo alam kung bakit. Kasi napagalaman na siya yung gumagawa ng katatakutan sa classroom namin. Na kunyari may multong nagpaparamdam pero hindi. Ginagalaw niya lang yung switch ng classroom namin. Diba nakwento ko sayo yun? Yung mga nagpaparamdam sa classroom namin. Alam ko siya yun. Tas isa-isa kami binibiktima. Siya at yung kaklase namin na di namin alam kung sino. Kanina sa field trip dalawa ang nabiktima. Tas nung retreat may kaklase kaming pinatay. At nung retreat din, siya yung driver. Siya yung bumaril sa kaklase namin! Siya rin yung nag-sira ng CCTV sa retreat house para di makita yung nangyari pagbaril sa kaklase ko! Sa kanya yung baril na nakita namin! Siya! Siya yun!" sabi ko
"HINDI! HINDI TOTOO YAN! Yung kaklase mo yun! Siya yun! Walang kinalaman si Kenneth dun! Wala!" siya
"Meron ate! Meron! Sige nga. Diba nagtrabaho siya sa school namin. Natanggal siya. Paano mo masasabing hindi siya yun? Bakit siya natanggal? At nung retreat siya yung driver. Sabihin mo kung nasaan siya ng mga panahong nagaganap yung retreat. Diba di mo alam? Kasi nga totoo lahat ng sinasabi ko." Ako
"HiINDI!!" at lumabas na siya
Huminga ako ng malalim. Tama ako. Ngayon, ang aalamin ko na lang kung sino ang kakampi niya sa amin. Sasabihin ko na na si Kuya Kenneth yung janitor sa school slash driver ng bus nung retreat namin.
============================
Ano ang nangyari kay Anna?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
12-24-15
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro