Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY THIRD

[a/n: yung puzzle po sa picture...]

A N N A ' S P O V

Nandito kaming lahat sa classroom. Kakatapos lang ng flag ceremony at may kanya-kanyang ginagawa. Nang biglang...

"Guys, guys, guys!! Sorry I'm late. Pero.." biglang pumasok si Dennis at hingal na hingal, malamang sa alamang tumakbo 'to "Pero may kailangan kayong malaman." Sabi niya at dumeretso sa upuan at may hinahanap sa bag

"Eto na yung puzzle." At nilabas ni Dennis ang puzzle, naka-tape ang bawat puzzle pieces sa isa't isa para magdikit

"Everything is related to the... PAST." Basa ni Madison sa puzzle at bahagya pang napasinghap

"Ano bang meron sa past?" tanong ni Dennis

Ano nga ba? Well, marami. Pero kinalimutan na namin yun. Nagbago na kami. Sa tingin ko may naghihiganti.

Ang bumalot sa aming katahimikan ay nawala nang pumasok ang aming guro.

--

Uwian na. Hiniram ko kay Chamille yung notebook kung saan niya sinusulat yung mga nakalap na impormasyon habang isinasagawa ang aming paguusap. Marami-rami na rin.

Matapos iyon ay umuwi na ako ng bahay at nagdiretso sa kwarto ko.

Tinapos ko muna ang mga takdang aralin bago ko buklatin ang notebook.

Pinagsama-sama ko ang mga clues. Simula nung retreat hanggang yung puzzle kanina. May naghihiganti para kay Eric ngunit hindi ko alam kung sino.

Yung code. Dapat malaman na ang ibig sabihin nun. Alam ko na magtuturo ito sa kanya.

Niligpit ko na ang mga gamit ko dahil maaga pa ako bukas.

Kinabukasan

S E A N ' S P O V

Lunch ngayon.

Nandito ako sa labas ng classroom. Wala masyadong tao dito kasi halos lahat sila ay nandun sa book fair sa may open canteen.

Nakita ko siya na may kausap sa cellphone. Bawal ito pero dala-dala niya. Tsk tsk. Sa pagkakarinig ko nag-pa-plano siya tungkol sa pagpatay. Hindi masyadong klaro kasi mahina lang ito.

Sa kabila naman niyang kamay ay may kutsilyo. Isa pang bawal.

Sinundan ko siya. Pumasok siya sa CR ng girls. Nag-alangan akong sundan siya dahil alam ko naman na bawal pumasok dito pero pumasok pa rin ako.

Pagpasok ko ay walang tao. Tsk. Natunugan ako.

Sinara ko ang pinto sa CR para walang makikita sa akin tsaka ko siya hinanap.

Halos lahat ng cubicle dito ay bukas maliban sa isa. Yung isang cubicle na sarado ay tinulak ko ang pinto at nagbukas naman ngunit hindi siya ito.

"AAAHHHH!!! MANYAK! LUMABAS KA DITO!!! AAAHHH!!!" sigaw nung babae

Biglang may pumasok na babae at "Bakit ka sumisigaw Cather--AHHH!!! MAMBOBOSO!! MANYAK! RAPIST! WAAHH" sigaw nung bagong dating

Tsk tsk. Kung alam niyo lang kung ba't ako nandito. At grabe kayo makasalita sa akin ah. Hindi ako ganon. Ang sasakit ng salita niyo. Oo, bully ako pero hindi yung mga sinasabi niyo.

Napa-facepalm na lang ako. Ano nanamang gulo ang pinasok ko?

Nakita ko siya sa dulo. Hawak pa rin ang kutsilyo. Naka-ngisi siya.

S O M E O N E ' S P O V

Uwian na ngayon. Wala na masyadong tao. Nandito ako sa third floor at siguradong walang tao dito.

Maya-maya ay pumanik na sila.

"Very good girls." Sabi ko kila Catherine at Lindsay at binigay ko na ang bayad ko sa kanila

"Wag na wag kayong magkakamaling magsumbong kundi yah know." Sabi ko

Marami silang alam. Yung pagtulak duon sa babaeng nagngangalang Elise, nakita nila so they better shut up or I will shut their mouth at hinding hindi na magkakapagsalita.

"Kung hindi lang talaga namin kailangan 'to, hindi kami kakampi sayo." Lindsay

"Oo na. Wag niyo nang bayaran dahil kung gusto niyong bayaran yan, hindi pera ang gusto kong ibayad niyo kundi yang mga buhay niyo." Sabi ko at umalis na

Kung hindi ko lang rin kayo kailangan, matagal na kayong wala dito sa mundong ginagalawan niyo.

L Y N ' S P O V

"Ano bayan wala paring jeep. Puro puno." Reklamo ko

Kasama ko sina Natalie, Andrei, at Marissa. Magkakalapit lang kasi kami ng bahay eh.

"Andrei anong nangyari jan sa leeg mo?" tanong ni Natalie kay Andrei

Agad namang tinago ni Andrei ang sugat ata sa leeg gamit ang buhok niya at sinabing "A-ah. W-wala ito. Nagasgas lang ng ID ko. Kaya nga wala akong suot na ID ngayon. Buti na lang di nakita nung guard kaya nakapasok ako. Hehe." Tumawa siya na halatang peke.

"Ah. Sige." Natalie

"Oh eto na may parating na jeep." Sabi ni Marissa

Tumingin ako kay Andrei. Sa tingin ko may tinatago si Andrei.

============================

Sino ang naghihiganti para kay Eric?

Totoo nga bang may tinatago si Andrei?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-11-16

©CrishaneAen❞



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro