Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY SEVENTH

[a/n: long time no update.. but its here na.. kaway kaway.. buhay pa ba mga readers  ko?? malapit nang matapos to guyysss.. malalaman niyo na kung sino si SOMEONE, ANYONE, AT ???]

--

Monday na at nag-practice na sila ng dapat nilang i-practice; tungkol sa graduation at sa baccalaureate mass.

Wala ng nag-open ng topic tungkol sa pinunit at sinira na notebook ni Darlain dahil may umamin na.

A N Y O N E ' S P O V

"Bakit mo inamin na ikaw ang may gawa nun?" tanong sa akin ni Dennis

Recess namin ngayon at nasa CR kami ni Dennis. Ni-lock pa namin ang mismong pinto para siguraduhing kami lang dalawa.

"Eh ano gusto mong sabihin ko? Na may killer sa section natin? At siya ang gumagawa ng kababalaghan tuwing may nangyayari sa classroom?" sagot ko at hindi na siya sumagot

"Nga pala, may binabalak nanaman siya sa graduation." Tinutukoy niya yung killer

"Ano nanaman yun?"

"Hindi ko pa alam basta sasabihan na lang kita para matapos na ito."

"Sige."

Sa graduation niya pa talaga binalak ah. Sa graduation, ang araw na pinakatatandaan dahil ito ang huling araw ng pagiging elementarya namin kaso sa situwasyon namin ay iba. Pinakatatandaan ito dahil ito na siguro ang huling araw ng paghihirap namin at maari ding.... Huling araw ng buhay namin.

A N N A ' S P O V

Tahimik lang ako habang kumakain ng recess. Sila Madison, Lyanna, at Rhian kasi nakapila pa sa canteen. Ako kasi may baon.

Tinitingnan ko ang mga kaklase ko. Sino kaya sa kanila ang killer?

Marami na ring pagkakaibigan ang nasira. Bakit ko alam? Nakikita ko sa mga kilos nila na hindi na sila ganoon ka-close gaya ng dati. Tsaka minsan naririnig ko ang usapan nila.

Maraming nagbago sa section na ito.

Dumating na sila Madison at umayos na ako ng upo.

--

Matuling lumipas ang mga araw. Napapalapit na ang araw ng graduation.

Dapat na nararamdaman ng mga magkakaklase ay tuwa o excitement dahil malapit na ang graduation ngunit ang seksiyong ito ay hindi. Sila ang natatakot dahil isang araw may nagtext sa kanilang lahat at nangyari ito habang nagrerecess sila sa isang araw ng kanilang graduation practice. Pwede kasing magdala ng gadgets habang nagpapractice sila. Wala na naman kasing klase.

Nang matanggap nila ang text message ay sinikreto nila ito at hindi sinabi sa kanilang adviser o sina man. Tanging sila lang na magkakaklase.

Ready for the big day?

Yan ang mga naka-saad sa natanggap nilang text message.

Big day? Isa lang ang nasa isip nila sa katagang iyon. Ang graduation ay ang tinutukoy na big day. Isa nanamang dahil upang madagdagan ang kanilang takot sa darating na graduation.

L Y N ' S P O V

Katatapos lang ng practice at uwian na namin.

Kasalukuyan akong nag-a-antay ng jeep pauwi.

Nang makasakay na ako ng jeep ay sumakay din si Marion.

Konti lang ang pasahero sa jeep.

Ilang sandali pa ay nagsalita si Marion. Katapat ko siya nakaupo. "Sila Rhian oh." Turo niya kaya lumingon ako sa likod

Nakita ko si Rhian na lumabas ng McDo at sumunod si Madison. Parang nag-aaway sila.

"Bakit kaya sila nag-aaway?" sabi ni Marion

"Marami ng pagkakaibigan ang nasira dahil sa situwasyon ng section natin." Sagot ko kahit hindi ako sa kanya nakatingin

Sunod ay lumabas sina Lyanna at Anna tas bigla silang nanahimik. Sumakay na lang ng tricycle si Rhian at umalis na.

"Wow ang deep nun ahh. Di ko ma-dig. Hashtag hugot." Sabi niya

Totoo naman eh. Kahit nga amin. Alam ko na pinagdududahan ako ng mga kabarkada ko na ako yung killer. Siguro ganon din sila Madison.

L Y A N N A ' S P O V

Nag-CR lang kami ni Anna tas paglabas namin nakita naming lumabas din si Rhian. Sumunod naman si Madison. Bumalik kami ni Anna sa table namin para kunin yung sundae, sayang naman kasi eh may fries pa, at lumabas na rin kami. Para kasi silang nagaaway.

"Bakit naman nag-aaway yun?" tanong ko kay Anna

"Lumabas na lang tayo para malaman natin." Sagot niya

"Huy, ba't kayo nag-aaway?" tanong ko nang makalabas na kami

Tumigil sila at nang may dumaang tricycle ay nag-para si Rhian.

"Anyare dun?" ako

"Ewan ko." Sagot ni Madison at nag-para naman ng jeep.

"Anu yun?" tanong ko kay Anna pero paglingon ko ay wala na si Anna na kasunod ko lang kanina

Nakita ko na lang itong naglalakad pauwi at nakalayo na.

"Ano bang nangyayari?" napakamot na lang ako ng ulo

============================

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

02-11-16

©CrishaneAen❞


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro