Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY SECOND


C R I Z T E L Y N ' S P O V

Isang oras na lang at uwian na pero parang wala kaming teacher sa panghuling subject kaya eto kami ngayon. Meeting daw. As always. Naka-upo sa floor na nakaform ng circle. Kaninang umaga kasi hindi namin nagawa dahil tuwing first subject namin to ginagawa kasi yung first subject teacher namin may sakit daw kaya di pumapasok at syempre walang nag-sa-sub pero kanina pumasok na. So ngayon yung last teacher subject naman ang wala.

"So guys, any clues about the killer?" tanong ni Rhian

"Nosebleed." Sabi ni Drace na nakalagay ang isang daliri sa ilalim ng kanyang ilong kaya lahat kami nakatingin ng masama kay Drace

"Seryosong usapan nagbibiro ka diyan." Saway ni Andrei sa kanya

"Sorry naman. Sige na nga any clues about the killer?" sabi ni Drace at ginaya ang tono ng pananalita ni Rhian

Nagkatinginan kaming lahat na tila bang nagaantay kung sino ang nakahanap na clues.

"Wala ba kayong kahit anong bagay na magtuturo sa killer? Yung code na binigay sa atin may nakaalam na ba?" tanong ulit ni Rhian "Kung tatahimik lang kayo talagang hindi natin siya makikilala. Magsalita kayo wag kayong matakot!"

"Yung susi na may keychain." Sabi ni Lyn "Na sayo pa rin yun diba Philip?"

"Huh? Diba binalik ko na sayo?" Philip

"Huh? Diba tayo-tayo yun nila Cheerie nung nabuksan yung switch. Kinuwento na namin yun sa inyo diba guys?" Lyn

"Oo nasabi niyo na. Pero nakanino yung susi?" Dennis

"Guys, sa pagkakaalam ko.." pabitin na sabi ni Jimuel kaya lahat kami Napatingin sa kanya at inaantay ang susunod na sasabihin "Si Miggy ang nagtago nun."

"Pano na yan?" Lyn

"Ano bang nakalagay dun?" Rhian

"May keychain siya na letter K na color blue at heart na color red." Cheerie

K?

Sinusulat ni Chamille lahat ng pinaguusapan namin kahit dati ginagawa niya ito bilang secretary ng section namin para daw mapagsama-sama ang mga clues na magtuturo sa killer.

"Guys ano pang pwedeng clue?" Rhian

"Wait lang." sabi ko sabay tayo at may kinuha sa bag ko

Umupo ako ulit at nilagay sa gitna ang kinuha ko.

"Anong gagawin namin sa ballpen?" Philip

Kinuha ko ito at binuksan. Nagulat sila.

"Saan mo nakuha yan?" Dennis

"Nung retreat. Bago mag-brown out. Dun sa session room." Sagot ko

"Ok. Ano pa?" Rhian

Muli, katahimikan ang bumalot sa amin. Nagkatingin ulit kami. Nagaantay ng magsasalita.

"Sige na. Uwian na naman. Bukas na lang natin ulit ito ipagpatuloy." Dennis

Palabas na kami ng magsalita si Natalie "Guys nag-text yung killer."

Napatingin kaming lahat sa kanya. Yung iba sumilip sa phone niya. Pinakita niya rin ito sa iba.

Look under your chairs.

Yan ang naka-saad sa text message.

Agad naman kaming pumunta sa upuan namin. May nakita akong naka-tape sa ilalim ng upuan kong isang puzzle piece. Tinanggal ko ito.

"Guys nag-text ulit. Sabi 35 puzzle piece must be collected." Sabi ni Natalie

May dalawang excess na upuan sa likod para sa observer at tiningnan nila ito.

Kinolekta ni Dennis ang mga puzzle pieces at siya na daw ang mag-bu-buo nito ngunit kulang pa ito ng isa.

Naghahanap pa kami ng isang piraso.

Napatingin naman ako sa teacher's table. Lumapit ako duon at tiningnan ang ilalim nito. Sunod naman ang upuan ng mga teacher. Hindi ako nagkamali.

"Guys nasa ilalim ng teacher's chair." Sabi ko habang pinapakita sa kanila ang isang puzzle piece

Matapos nun ang kanya-kanyang uwi na kami.

--

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakatapos ko lang gumawa ng assignments at nakakalat pa ang mga gamit ko sa study table.

Habang nililigpit ko ang mga gamit ko at ilalagay na sa bag ay may nahulog na papel. Kinuha ko ito. Ito yung unang code na binigay ng killer. VIRXZ.

Nilapag ko ito sa study table at in-analyze. Nag-iisip ako ng paraan para ma-solve ito.

Gumawa ako ng paraan para ma-solve ito.

Nakaubos din ako ng halos isang oras at na-solve ko naman. Hindi pa ako sigurado kung tama ba pero sigurado ako na ito yung na-solve ko. Huh? Ang gulo. Ewan.

D E N N I S ' P O V

Ang hirap i-solve ng puzzle dahil karamihan ay puro puti lamang. Yung iba may lines na itim. Isa pang nagpapahirap dito ay puro square lamang ang shapes.

Una kong pinag-connect-connect ay yung may mga linya dahil alam kong letters ito.

Naayos ko na pero... ano ibig sabihin nito?

[a/n: yung puzzle ay yung nasa picture po..]

============================

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-10-16

©CrishaneAen❞





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro