Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY FOURTH

Dedicated to my sister cathyann0123 dahil birthday niya ngayon =)))

want dedication??

Continue reading..


D R A C E ' S P O V

Nag-iingay kami ngayon. Kakatapos lang namin mag-usapan tungkol dun sa puzzle at sa past. Basta wala akong alam dun.

Halos 2 oras na kaming wala teacher. Nung first period tsaka ngayon.

Sayang wala si Pareng Sean ngayon eh. Eto na yata yung parusa niya na hindi papasok eh. Pano ba naman kahapon nanilip sa CR ng girls. Tsk tsk. Sean talaga.

Nandito naman sina Philip, Mark, Laurence, Jimuel, Lanz, at Marion. Nandoon sila sa likod ng classroom. Nakapaikot yung upuan nila.

"Yowh. Yowh. Yowh." Bati ko sa kanila at nakipag-high five

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan nang biglang may sumigaw ng..

"ANJAN NA SI MISS!!!!" sigaw ni Jeffrey

Tumakbo na kami sa kani-kanilang upuan. Inayos yung classroom. Yung upuan ko nasa harap pa kaya BOOM!! Naabutan ako ni Ms. Pelaes na nakatayo sa gitna ng classroom. As in ako lang talaga. Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko na parang patay-ka-na-Drace look.

"Oh bakit ka nakatayo jan?" tanong ni Ms. Pelaes

Kasi po hindi ako naka-upo. "A-ah. Nagtapon lang po ako ng basura." Pagsisinungaling ko. Nasa likod kasi yung basurahan namin.

"Oh sige umupo ka na." utos ni Ms. na sinunod ko naman. Syempre mabait ako.

Tatayo na sana at babati kami ng good morning pero "No need to greet me. Sige ma-upo na kayo."

Naku, ano nanaman kaya meron?

Umupo na si Miss sa teacher's table "Sinong absent?" tanong niya at kinuha ang attendance

"Miss sinulat ko na po jan sa attendance." sabi ni Chamille, siya kasi ang secretary

"Si Marissa at si Sean?" Ms. Pelaes

"Si Marissa daw po may sakit." Natalie

"Hindi absent si Sean." sabi ni Ms. Pelaes na ikinaguluhan namin

"Po? Wala po siya eh." Philip

"Hindi na siya papasok." Ms. Pelaes

"P-patay na din po siya?" kinakabahan kong tanong

Ramdam ang kabang bumabalot sa buong classroom.

"No." nakahinga naman kami ng maluwag "Kick-out na siya."


J U L I E ' S   P O V

"Bakit kaya na-kick out si Sean?" tanong ni Natalie sabay subo ng kanin. Lunch kasi namin ngayon at sabay-sabay kami kumakain.

Nagkitbit-balikat na lang yung iba dahil walang nakakaalam.

"Ikaw Lyn alam mo kung bakit na-kick out si Sean?" tanong ko kay Lyn pagka-upo niya ng upuan. Kakadating lang nila ni Marissa. Malamang alam ni Lyn, chismosa to eh.

"Sabi nila nanilip daw ng CR ng girls. Nakapasok pa nga daw sa loob eh. Tas sabi naman nung iba nakipag-suntukan daw." sagot ni Lyn "Wait lang guys CR lang ako." sabi niya at tumayo ulit

"Guys tingin niyo makakapagtiwalaan si Lyn?" tanong ni Natalie. Isa kasi si Lyn sa napapagsuspetsahan. Silang tatlo ni Anna at Criztelyn.

Walang sumagot sa amin hanggang sa makabalik si Lyn.


M A D I S O N ' S   P O V

"Guys CR lang ako." paalam ni Rhian. Nasa canteen kami nag-la-lunch.

"Sama na rin ako." sabi ni Anna sabay tayo at sumunod kay Rhian

Kami na lang ni Lyanna ang naiwan.

"Madi, tingin mo makakapagtiwalaan si Anna?" tanong ni Lyanna

"Ewan ko. Sa sitwasyon natin ngayon wala tayong dapat pagkatiwalaan kundi sarili natin." sagot ko

"Oo nga eh. Kahit kaibigan pa natin pwede tayong pagtaksilan." sabi ni Lyanna sabay inom ng tubig


============================

Bakit nga ba na-kick out si Sean?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-16-16

©CrishaneAen❞







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro