Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY FIFTH


A N Y O N E ' S P O V

Saturday ngayon pero nandito ako papunta sa pagkikitaan namin imbes na nagpapahinga, kumakain ng pizza, french fries, uhmm ano pa ba? burger, o kaya'y naglalaro ng online games lalo na yung LOL at COC. Bakit kasi ako ang napili nila?

"Oh nandyan ka na pala." Sabi niya "Upo ka."

Malamang uupo ako. Tsk tsk.

Lumapit na ang waiter sa amin at hiningi ang order namin pero..

"Mamaya na lang po. May inaantay pa kami." Ang galang ahh, may po pero wait, what? Inaantay? Sino?

"Sino pang inaantay natin?" tanong ko nang makaalis na ang waiter

"Yung isa pa nating kakampi." Siya

"Sino?"

"Basta antayin mo na lang."

"Nga pala, Michael. Bakit ba ako napili mong spy sa classroom eh may iba ka pa palang spy."

Sasagot na sana siya nang may umupo sa bakanteng upuan sa table namin at..

"Sean?" takang-taka kong tanong

"Siya yung spy ko kaso, alam mo na naman siguro na nawala na siya sa section niyo." Sabi niya kahit walang nagtatanong "Pinsan ko nga pala."

"MAGPINSAN KAYO!!??" gulat na gulat kong tanong

Tumawa sila sa reaksiyon ko. Pinagtitinginan tuloy kami.

"Hindi mo alam? Tsk tsk." Sean

"Di niyo naman sinabi eh." Ako

"Di a naman nagtanong." Sean. Boom basag ako.

"Okay back to the topic." Natahimik kaming dalawa sa sinabi ni Michael "Kaya ka nandito kasi ikaw ang napili naming spy dahil alam naming makakapagtiwalaan ka."

Nakaka-touch naman. Makakapagtiwalaan daw. Hehe.

"Ako talaga?"

"Shhh. Di pa ako tapos." Saway niya sa akin "So eto na nga. Kilala kasi namin yung killer--"

Hindi siya natapos magsalita dahil nagreak nanaman ako. "KILALA NIYO!?"

"Tumahimik ka nga. Kanina ka pa. Magagalit na si Boss." Sabi ni Sean na tinutukoy niyang boss ay si Michael

"Oo kilala namin. Pinagtangkaan niya ang buhay ko. At pinatay niya ang kakambal ko. Tapos ngayon siya rin ang dahilan kung bakit natanggal sa seksiyon niyo si Sean. Kailangan mo siya hulihin." Michael

"Ang hirap ng pinapagawa niyo. Sino ba yun tsaka pano ko huhulihin?" kinakamot ko pa ang ulo ko sa inis or what habang sinasabi ko ang mga katagang iyan

"Humanap ka ng ebidensya para siguradong siya nga ang killer." Michael

"Sino nga yun?"

Nagkatinginan silang dalawa. Tumango si Michael kay Sean hudyat na sasabihin ni Sean sa akin.

Sinabi na ni Sean at nagulat ako ngunit hindi na ako nagreak.

Pagkatapos namin kumain ay..

"Mag-c-CR lang ako." Michael

"Sama na ako!" Ako

"Ako rin!" Sean

Habang naghuhugas ako ng kamay sa lababo ay lumapit si Sean sa tabi ko at naghugas din ng kamay sa lababpng ginagamitan ko. Tinabig lang ang kamay ko.

"Huy may isa pang lababo dun ka maghugas ng kamay. Bastos to kitang naghuhugas ako ng kamay eh." Ako

"Sungit mo naman. Tingnan mo oh sabi Conserve Water." Turo niya sa nakapaskil na 'Conserve Water'.

"Aish." Winisikan ko na lang siya ng tubig sa inis at nagwisikan na lang kami

"Nga pala. Kung gusto mong makahanap ng ebidensya, lumapit ka kay Dennis." Naging seryoso na siya ngayon

"Bakit?"

"Alam kong kakampi siya pero ayaw niya. Binablackmail niya kasi si Dennis."

"Paano mo nalaman?"

"Alam ko lang. Alam mo namang matalino ako." At nagawa pa talagang magbiro

Binatukan ko nga.

"Aray naman ang sakit! Pero seryoso, nakita ko sila nung sinabing naaksidente si Dennis na nahulog sa hagdan pero hinulog siya. Tingin ko siya rin yung naghulog sa babaeng highschool na Elise ata pangalan nun. Tsaka tingin ko siya rin sumaksak kay Drace nun. Ewan ko lang kung may iba pa siyang kakampi bukod kay Dennis at dun sa dating janitor ng school na driver din nung bus natin nung retreat."

Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.

? ? ? ' S P O V

Tinitingnan ko ang leeg ko sa repleksiyon ko sa salamin. In short, nananalamin ako.

Meron akong scar sa leeg dahil sa kanya. Hindi ko alam na siya pala ang killer. All along akala ko makakapagtiwalaan siya. Magkaibigan kami pero lahat pala ng pinagsamahan namin ay lokohan.

Ako ang sinisisi niya pumatay kay Eric. Oo inaamin ko na ako yung nagpasimula ng pambubully sa kanya at bugbugin sa siya classroom namin ngayon. Bakit? Naiinggit kasi ako sa kanya. Siya na lang lagi ang Top 1, siya lagi ang highest sa test, siya lagi ang active sa klase na dating puro ako, siya siya siya. Puro na lang SIYA! Kaya humanap ako ng kahinaan niya at iyon ay manlaban. Hindi niya kayang lumaban sa mga nambubully sa kanya kaya pinagpatuloy lang namin ang pambubully.

Hayysss. Hindi ko naman ginustong mamatay siya. Gusto ko lang namang maipakita sa kanya na mahusay din ako, magaling at matalino gaya niya. Eh paano ko maipapakita kung lagi siya ang pinapansin ng mga teachers at classmates namin. Pag sinabing matalino, siya agad ang iniisip ng mga teachers. Tas pag natataasan ko siya or ako ang highest sa mga seatworks or tests, sasabihin ng mga classmates namin kay Eric 'Okay lang yan' 'Kaya mo yan' 'Bawi next time' 'Mas matalino ka pa rin' 'Magaling ka parin' puro papuri. Eh pag siya naman ang highest 'Ang galing mo talaga!' 'Kaya ikaw ang Top 1 eh' 'Paturo naman' at kung ano-anong papuri pa din.

At dahil dun kaya siya naghihiganti. Akala ko makakapagtiwalaan siya. Akala ko kaibigan siya. Akala ko lang. Puro akala. Tama nga na 'Maraming namamatay sa maling akala.' Malay mo bukas makalawa patayin na niya ako. At tama nga na walang dapat pagkatiwalaan kahit kaibigan pa yan. Ang tangi mo lang pagkuhaan ng lakas ng loob ay ang sarili mo. Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo kasi kahit kaibigan pa yan, kahit siya pa ang pinaka-close mo sa buong sambayanang daigdig ay hindi mo namamalayan na sinasaksak ka na niya pala patalikod. Yung akala mong makakapagtiwalaan pero hindi pala.

Aish. Nakakatawa. Ang dami ko na bang hugot? Yaan niyo na. Makikilala niyo rin kung sino ang tinutukoy ko. At kung sino ako.

[a/n: Alert Alert! May bagong characters.. Sino kaya yun? Yung Anyone po ay kahit sinong makakapagtiwalaan sa klase nila...]

============================

Sino si Anyone's POV?

Sino si Michael?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-23-16

©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro