Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TENTH day of October

TENTH day of October

A N N A ' S   P O V

Uwian na namin. Kasama ko si Madison. Hinahanap namin si Elle dahil sabay-sabay kaming uuwi.

Nakita namin si Lyanna na tumatakbo palapit sa amin. "Si Elle.... Pinagtutulungan.. nila.." hingal na hingal niyang sabi sa amin

"Ha? Ano? Sinong nila?" sunod-sunod naming tanong ni Madison

"Sundan niyo na lang ako."

Tumakbo kami papunta sa building ng school na di ginagamit. Ginagawa pa lang kasi ang building na to dati.

Pumasok kami sa isang kwarto na classroom namin ngayon. Wala itong ilaw at di pa ayos ang mga gamit. Amoy pintura pa din ito. Wala pa din itong mga pinto. Dahil nga ginagawa pa ito.

Nakita namin na pinagtutulungan nga nila si Elle.

"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Madison

Napatigil sila.

"Ba't kayo nandito!?" sigaw niya "Paalisin niyo nga yan! O kaya bugbugin niyo rin!" utos niya sa mga kasama niya

Lumapit aming tatlo para pigilan sila pero tinulak lang nila kami. Sila Lorreign at Andrei ay lumapit sa amin. Pinipigilan din nila.

Ayaw talaga nilang tumigil kahit lima na kaming pumupigil sa kanila.

Naaawa na ako kay Elle.

Bigla akong nagising dahil nag-alarm yung cellphone ko.

Panaginip. Napanaginipan ko nanaman siya.

Umaga na pala at October 10 pala ngayon. Birthday ni Elle.

C H E E R I E ' S P O V

Wala pang masyadong tao dahil maaga pa. Apat nga lang kaming grade 6 at ako pa lang babae. Ako, si Miggy, si Philip at si Jimuel.

Iniwan namin ang bag namin sa labas ng classroom namin dahil bawal pumasok sa classroom pag wala namang klase.

Habang nag-lalakad...

"Uy guys, anong oras lang ba?" tanong ni Miggy

"Wait, nasa bulsa ko relos ko." Sabi ni Philip

"Ano bayan!? Relos nasa bulsa." Ako

"Oo nga." Jimuel

"Pwede suotin."Miggy

"Wait, eto na." Philip. Paglabas niya ng relos niya galing bulsa ay may nahulog na susi na may keychain na heart at letter K, "6:05 pa lang."

"Isang oras pa. Pero ano yan?" Miggy sabay turo sa susi

"Ah eto." Pinulot na ni Philip yung susi "Kay Lyn to eh. Nakita kong nahulog sa bag niya nung uwian. Isosoli ko sana kaso nakauwi kaagad eh kaya ngayon ko na lang isosoli."

"Para saan kaya yan?" Jimuel

"Di naman pwedeng sa locker kasi maliliit lang naman ang mga lock ng locker natin eh." Miggy

"Baka sa bahay nila." Ako

"Baka sa kotse nila." Miggy

"Baka sa pinto." Ako

"Baka sa susian." Miggy

At nagtalo kami kung para saan pwede ang susi.

"Tigil na nga kayo!" Philip

"Baka dito." Turo ni Jimuel sa isang switch na nakadikit sa poste

"Uy baka makuryente ka jan." ako

"Try natin." Philip habang binubuksan gamit ang susi

"Bahala kayo kayo jan makuryente." Ako

"Nabukas!" sabay-sabay naming sabi nang mabukas ang switch

"Tingnan niyo oh may mga section kada switch." Miggy

"Section natin oh." Philip sabay turo sa isang switch

Pipindot sana si Jimuel sa switch ng section namin pero "WAG!!!" sabi namin kay Jimuel

"Ayaw naming mamatay ka." Miggy, umaarteng umiiyak, ang drama

"Mamamatay agad." Jimuel at pumindot

"WAAAAGGGG!!!!"

"Oh. Wala namang nangyari." Jimuel

"Meron! Ayun oh." Turo ni Philip sa classroom namin

Bumukas ang ilaw. Pinindot ulit ni Jimuel at namatay ang ilaw sa classroom.

"Baka wala talagang multo. Kundi may gumagalaw nitong switch at tinatakot tayo." Miggy

Ni-lock na ulit ni Philip yung switch

"Pero sino?" Ako

"Si Lyn?" Philip

"Bakit anong meron sa akin?" nagulat kami nang biglang nagsalita si Lyn, kararating niya lang

"Sayo to diba?" pinakita ni Philip yung susi

"Napulot ko lang yan." Lyn

"Eh kanino yan?"

D A R L A I N ' S P O V

Wala pa si Criztelyn. Maaga yung pumapasok eh. Malapit nang mag flag ceremony wala pa rin siya.

Dumaan na ang flag ceremony at wala pa rin siya. Baka absent.

Pagpasok namin sa classroom ay nagsigawan sila.

'Di ko alam kung bakit kaya nakipagsiksikan ako.

Napasigaw din ako sa nakita ko.

Si Criztelyn na nakatali sa upuan sa may dulo ng classroom at walang malay.

Nandito din si Jeffrey na nakatali din pero sa may locker siya nakatali at wala ring malay.

At pareho silang duguan.

"Ano bang nangyayari?" sabi ng adviser namin at napatigil din siya sa nakita niya nang makapasok siya

S O M E O N E ' S P O V

"Nakita mo yung reaction nila?" ako "Gulat na gulat. Well, simula pa lang yan *laughs* Salamat sa tulong mo."

"Uy ba't ang tahimik mo?" ako

"Natanggal ako sa trabaho." Siya

"Hala! Bakit!? Paano na yan!?"

"Nalaman nilang ako yung gumagawa ng katatakutan sa classroom niyo."

"Eh paano na yan? Wala nang Tutulong sa akin."

"Wait. Diba sa November na retreat niyo?"

"Oo, bakit? Anong pinaplano mo?"

Ngumiti lang siya.

=====================================

Sino yung nangbugbog kay Elle?

Kanino yung susi?

Sino gumawa nun kay Criztelyn at Jeffrey?

Upcoming event⇛⇛ Retreat

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

10-31-15

©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro