SEVENTH step
Grade 6 October 2014
R H I A N ' S P O V
"Grabe nakakatakot." sabi ni Lorreign
"Bakit?" sabay naming tanong ni Anna
"May nagpakamatay." Lorreign
"Hindi yun nagpakamatay. Pinatay yun." biglang sumingit si Lyn
"Sino naman pumatay?" Anna
"Panong namatay?" Ako
"Easy lang. Isa isa tanong. Hindi pa alam sino pumatay. Nahulog daw sa hagdan. Nabagok ang ulo. Pero buhay pa naman. Nasa ospital na daw." Lyn
"Di ka naman tsismosa noh." Lorreign
"Hindi nga." Lyn
"Sino yung nahulog sa hagdan? Tsaka pano mong nasabi na pinatay? Hindi ba pwedeng naaksidenteng nahulog sa hagdan?" Ako
"Highschool daw. Babae. Di ko nakita eh. Sabi kasi parang kinaladkad galing sa classroom nila. Sabi nung huling nakakita sa kanya kahapon daw nagpapractice sila ng sayaw daw nila. Project daw nila yun. Mga 5 ata o 6 tas pauwi na sila. Nauna na daw yung mga kasama niya sa kanya. Tas ngayon nakita daw yung ibang gamit niya sa classroom nila tas may mga nakakalat na gamit niya yung mga ballpen notebook basta sabog sabog yung gamit niya na simula classroom nila hanggang sa may hagdan. Tas kanina lang siya nakita." Lyn
"Diba kahapon nasa school din sila Andrei, Natasha, Madison tsaka sila ano basta yung mga kagrupo nila. Tinatapos yung project. Grupo na lang nila di nagpapasa eh. Hindi ba nila alam yun?" Anna
"Ewan." Lyn
"Diba mga 4 lang sila natapos sabi sakin ni Natasha." Lorreign
"Sabi sakin ni Andrei 5:30 na daw siya nakauwi. Sila na nga lang daw nila Philip, Dennis, at Madison eh." Lyn
"Pero sabi ni Madison mga 6 na daw siya nakauwi. Sila na lang daw ni Dennis." Anna
"Ganun. Iba iba oras. Pero nakachat ko si Dennis sabi nya mga 6:20 na daw niya natapos. Siya na lang tumapos. Ang totoo nga daw dinala niya sa bahay niya yung project nila kasi natakot na siya kasi daw parang may narinig siyang kakaiba. Di kaya narinig niya yung pangyayaring pagpatay?" Ako
---------------------------------------------------------------------
S T A C E Y ' S P O V
Nandito kami sa hallway naglalakad. Kasama ko sila Chamille, Claudia, at Cheerie.
Lunch time ngayon at may oras pa kami bago ang susunod na subject.
Nasa harap ako. Katabi ko si Cheerie sa kanan. Sa likod naman namin sila Chamille at Claudia.
Papunta na kami sa CR. May hagdan malapit sa CR.
"Diba dito daw hinulog yung babae?" tanong ni Chamille
"Oo nga daw eh." sagot ni Cheerie "Ikaw Clau, may nakikita ka nanaman ba?"
"Uy, porket may patayan o multo si Claudia agad? Grabe." ako
At nagtawanan kami.
"Eh hindi pa naman patay yun eh kaya di ko siya makikita." Claudia
"Nga naman. Cheerie talaga eh." ako
Nag-cr na kami.
Nagsusuklay ako sa harap ng lababo habang nananalamin.
Napalingon ako sa kaliwa kung saan yung pinto. Nakabukas lang lagi ang pinto kaya kita ko ang hagdan na pinaguusapan namin kani-kanila lang.
May nakita akong babaeng nakatayo sa may hagdan. Nasa gitna ng hagdan.
Nakatalikod siya. Tapos maikli ang buhok. Nang biglang...
"Uy seryoso ka jan ah." sabi ni Cheerie
"Anong tinitingnan mo?" Claudia
"May ano kasi eh--" sabi ko habang tinuturo ang hagdan, naputol yung sasabihin ko nang biglang nawala yung babae
"Wala namang tao ah." Chamille
"Hala . Nakakakita ka na rin ng multo." Cheerie
"Ano bang nakita mo?" Claudia
Dinescribe ko yung nakita ko.
"Grabe. May multong maikli buhok." Cheerie "Nagpagupit."
"Hindi naman tayo sigurado kung multo nga yun eh." Claudia
"Tingnan na lang natin." Chamille
Lumabas na kami ng CR at pumanik sa hagdan.
"Dito. Dito ko siya nakita eh." ako
"Guys tingnan niyo oh." sabi ni Cheerie habang tinuturo ang hagdan
"May footprints." sabi ni Chamille
Bumaba si Claudia ng hagdan "Simula dito..." pumanik siya ulit "...hanggang dito."
Sa baba ng hagdan, dalawang paa ang nakabakat. Parang putik. Sa unang baitang, kaliwang paa ang nakabakat tas kanan, kaliwa, kanan, hanggang sa ika-anim na baitang. Sa pam-pitong baitang ay dalawang paa ang nakabakat.
---------------------------------------------------------------------
S O M E O N E ' S P O V
**phone ringing**
Aist. Ang ingay. Gumagawa ako assignment eh. Sino ba 'to?? Kanina pa to eh.
K calling...
Pshh. Siya lang pala.
Hinayaan ko lang. Nagring nang nagring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ba't di mo sinasagot mga tawag ko?" tanong niya
"Alam ko namang pupunta ka." sagot ko sa kanya nang di tumitingin "Buti pinapasok ka nila."
"Kilala na naman nila ako eh." siya
"Ba't ka pala nandito?" ako
"Alam mo ba yung nangyari?"
Tumahimik lang ako
"Ikaw nga. Ikaw yun. Bakit mo naman siya hinulog. Wala naman siyang kinalaman eh." siya
"Narinig niya ako. Narinig niyang kausap kita sa phone. May alam na siya" ako
"Kaya dinamay mo siya. Pano kung napatay mo?"
"Buhay pa naman siya eh."
"Aish. Bahala ka nga."
"Di mo ko tutulungan?" tumingin na ako sa kanya
Umupo siya sa tabi ko "May magagawa ba ako? Eh kailangan ko din gumanti eh."
Ngumiti ako.
============================================
Pinatay nga ba yung nahulog sa hagdan?
Ano nga yung narinig ni Dennis nung gumagawa sila ng project?
Sino ang nakita ni Stacey?
Saan at kanino galing ang footprints na nakita nila?
Sino si K?
Sino yung dalawang naguusap sa huling part at sino tinutukoy nila?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
10-02-15
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro