Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SEVENTEENTH

B E A T R I Z ' S   P O V

Thursday ngayon. Pangatlong araw ko nang absent. Kasi naman ang taas ng lagnat ko. Nag-fb muna ako. Bukas papasok na ako.

Chineck ko yung group chat naming magkakaklase.

Aba. Himala. Ang tahimik. 

Huling chat nung Monday morning at good morning lang ang nakalagay. Ano bang nangyari??

Beatriz Camille Laizon: Guyysss... tahimik ahh.. anu balita??

Seen by Natalie Nepumuceno

Beatriz Camille Laizon: Seen by Natalie Nepumuceno.. reply naman oh..

Natalie Nepumuceno: maraming nangyari

Beatriz Camille Laizon: like what??

Natalie Nepumuceno: basta.. daming tanong.. absent ka kasi eh..

Beatriz Camille Laizon: eh ilang araw akong nilagnat.. ngayon mejo okay na kaya nakapag-fb na ako at bukas papasok na ako

Aish. Seenzone.

Tanong ko na lang kay Lyn. Tsismosa yun eh.

Beatriz Camille Laizon: Lyn 'nu balita??

Ashlyn Pearl Sanchez: bukas malalaman mo pag pasok mo

Beatriz Camille Laizon: ngayon na di ako papasok bukas

Pagsisinungaling ko kahit papasok na ako bukas. PAra mapilit lang siyang magkuwento.

Ashlyn Pearl Sanchez: sinungaling.. nabasa ko sa gc papasok kna..

Beatriz Camille Laizon: tsismosa talaga.. so anu nga??

Ashlyn Pearl Sanchez: si Dennis

Hala? Anung nangyari..

Ashlyn Pearl Sanchez: tsaka maraming nangaway..

Beatriz Camille Laizon: bakit

At kinuwento ko niya ang lahat.

Beatriz Camille Laizon: cge 2log n q

Ashlyn Pearl Sanchez: aga pa ahh.. 7pm pa lng..

Beatriz Camille Laizon: para maagang pumasok bukas




60 hours ago...

D A R L A I N ' S P O V

Pagpasok ko ng gate ng school dumaan ako sa loob ng faculty building tas lumabas tas sa covered court namin na sa gilid nun ay classroom namin (shortcut papuntang classroom). Napansin ko na may pinagkakaguluhan. Pagkalapag ko ng bag ko sa tapat ng classroom ay kumanan ako.

Nakisingit pa ako sa mga tao. Laking gulat ko nang makita si Dennis nakahilata sa paanan ng hagdan na at nagkalat ang mga gamit. Naapakan ko pa ang isa sa mga iyon.

Pagtingin ko sa iyon ay isang certificate na may pangalan niya at ranking sa honor. Hala! Hindi kaya siya ang gumawa nito kay Dennis. Hindi kaya pati kay Miggy. Hindi kaya si... Criztelyn.

H A N S E L ' S P O V

Late ako. Papasok na ako sa classroom namin. May nagkakagulo. Si Rhian at Philip nanaman.

Umupo na ako sa upuan ko. As usual walang teacher. Ayaw nila madamay sa gulo eh. Ayaw ring mamatay. Sabagay sino ba may gusto? Ikaw? Gusto mo ba?

"BAKIT BA AKO NA LANG LAGI ANG SINISINI MONG GUMAGAWA NITO!? HINDI AKO AY MAY GAWA NUN KAY MIGGY! TAS NGAYON AKO RIN ANG MAY GAWA NUN KAY DENNIS! BAKIT ANONG PROWEBA MO!? BAKA PINAGTATAKPAN MO LANG ANG GINAWA MO!" sigaw ni Rhian

Anong nangyari kay Dennis?

"Nakita siya kanina sa may hagdan. Nahulog ata. Duguan yung ulo. Tas nagkalat pa yung mga gamit niya simula sa tuktok hanggang sa baba. Nasa ospital na siya ngayon. Buhay pa naman." Sabi ni Natalie, katabi ko

Nakakabasa siya ng isip?

"Hindi ako nakakabasa ng isip. Kita ko lang sa itsura mo tsaka late ka eh kaya di mo alam." Natalie

"A-ah o-okay." Sabi ko nalang.

Ang weird ni Natalie ngayon.

"BA'T MO PINAPASA ANG GINAWA MO SA AKIN!? IKAW ANG PUMAPATAY!" sigaw ni Philip

Pilit na silang inaawat pero ayaw magpaawat eh.

"IKAW! IKAW ANG PUMAPATAY! IKAW ANG HULING KASAMA NI MIGGY!" Rhian

"EH KAY DENNIS!? DIBA IKAW!" Philip

"Tumigil na kayo!" sigaw ni Jeffrey, kapapasok lang niya, late rin ata "Dahil wala ang president natin ngayon, ako muna ang mamumuno sa inyo ngayon."

"Sa tingin mo kaya mo!?" Rhian

"Bakit hindi?" Jeffrey

Inirapan lang siya ni Rhian at binigyan ng matalim na tingin si Philip tsaka bumalik sa upuan niya.

"Pag usapan na lang natin ang lagi nating pinaguusapan, ang mga nangyayari sa classroom." Jeffrey "Sino ang huling kasama ni Dennis?"

"Ako. Uwian na yun. Binayaran lang niya yung utang niya sa akin at sabay na kaming umuwi." Rhian

"Eh paano siya napunta sa school? Sino huling umuwi?" Andrei

"Ako. Paano ba naman kasi ang tagal nung service ko. Halos isang oras na akong nagaantay." Cheerie

"Ikaw lang ba talaga?" Anna

"Oo ako lang. Ewan ko lang. Paikot-ikot nga ako sa school. Sa ground, second, at third floor. Ginawa ko na rin yung assignments. Umuwi na kayong lahat. Sila Kuya Guard na nga lang ang mga kakwentuhan ko." Cheerie

"Eh paano yun nangyari?" ako

Pumasok na ang teacher namin at nagsitahimik na ang lahat.

C R I Z T E L Y N ' S P O V

Kakatapos lang ng lunch ngayon. Nasa classroom kami lahat.

"Grabe ilan na yung nabibiktima?" Jeffrey

"Diba una si Criz at Jeff? Tas si Migs. Then si Den." Sabi ni Anna

"Shortcut pa more." Lyn "BTW, ano nga ba nangyari sa inyo, Jeffrey?"

Yumuko ako

"Hindi naman sila yung unang nabiktima eh." Anna "Diba si Rhian yun? Yung na-coma pa siya. Tsaka si Claudia, yung first day pa lang."

"Oo nga noh. Gusto ko muna malaman kung anong nangyari kila Jeffrey. Ano nga ba?" Lyn

"W-wala." Sabi ni Jeffrey

"Wala? Ano kaya yun? Nakatali kayo tas duguan tas wala! Ikaw na lang tanungin ko Criztelyn. Ano ba nangyari?" Lyn

Nakayuko pa rin ako at umiling.

"Psh. Whatever." Lyn

"Ano nga ba nangyari Criz?" tanong ni Darlain

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya ng nagtataka. Alam niya namang ayaw ko 'tong pagusapan. Sa araw araw naming magkasama hindi na niya tinatanong 'yan. Yung iba maiintindihan ko pa pero siya?

"Ikaw yung gumagawa nun diba? Pinalabas mo lang na nabiktima ka din. Ikaw pa ang unang kunyaring biktima." Darlain

"Anong ibig mong sabihin?" ako

Tumayo si Darlain at habang lumalapit sa akin ay sinasabi niya na "Ikaw yung gumawa nun kay Dennis."

Tumayo na rin ako at "Hindi kita maintindihan! Ano bang sinasabi mo!?"

"Naalala mo pa yung pinagusapan natin? Kung hindi ito yun..

**flashback from THIRD month**

"Balitang balita: Dating Top 1, ngayon Top 2 nalang." siya

"Baliw." ako

"Gusto mo resbakan natin?"

"Masamang gumanti. Atsaka wala naman siyang ginagawang masama eh."

"Pero lungkot mo jan. Dapat top 1 ka ulit. Lets do revenge."

"Eh magaling naman talaga siya eh."

"Eh kung patayin natin?"

**end of flashback**

"In the first place ikaw nag-suggest! As if namang magagawa ko yun! At yung sinasabi mo? Kunyari akong nabiktima? Ha! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko, namin!" ako

"Ba't di mo sabihin, ba't di niyo sabihin ang nangyari? Baka naman kayo ang MAMAMATAY TAO!" Darlain

Inaawat na nila kami.

"KUNG MAMAMATAY TAO AKO MATAGAL KA NANG PATAY!" at sinampal siya ng pagkalakas-lakas "Wag mong ibintang sa akin ang mga bagay na hindi ko ginawa. Baka ikaw pa nga iyon eh." At sasampalin ulit sana ng pinagilan na nila ako, ilan kamay ang nakahawak sa kamay ko?

"Tama na nga." Jeffrey, kung di lang kita crush, aish tama na nga, sa situwasyon na ito naiisip mo pa yan Criztelyn, kausap ko nanaman sarili ko "Tama siya Darlain. Hindi mo alam ang hirap na dinanas namin. Kung sasabihin namin sa inyo ang nangyari, siguradong patay na kami ngayon."

============================

Ano nga ba nangyari kila Jeffrey at Criztelyn?

Tama nga ba ang hinala ni Darlain?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-19-15

©CrishaneAen❞ 







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro