Grade 6 September 2014
09-01-14 Lunch
"Anong nakita mo ulit sa panyo??" tanong ni Lorreign
Break time kasi namin ngayon at pinagkekwentuhan namin yung nakita ni Claudia.
"May nakasulat na letter L sa panyo na parang dugo ang pinangsulat." Claudia
"L?? Ano naman ibig sabihin nun?" Philip
"Love☺☺" Lyn
"Puro na lang love. Bahala nga kayo jan. Kakain na nga ako." Jimuel
"L? Teka, L." Julie
"Hala L!" Drace "Eh ano ngaun?"
"Si Elle." Lorreign
"Hala oo si Elle." Julie
"L? May ganun bang pangalan?" Sean
"Eh letter yun eh. Niloloko tayo ng mga toh pre." Drace
"Hindi kasi. Elle as in E-L-L-E." Julie
"Ah Elle. Sino yun?" Drace
--------------------------------------------
"Tara na kasi. Bilisan mo na jan" Criztelyn
"Wait lang ha. Kumakain pa kasi eh." Ako
"Ambagal mo. Bilis na kasi hanapin na natin si crushie ko." Criztelyn
"Bilis na kasi hanapin na natin si crushie ko." Ginaya ko yung sinabi nya pero parang nangiinis
"Tignan mo si Cheerie oh. Inawan na talaga tayo. Hindi na siya sumasabay sa atin." sabi ko nang makita sa di kalayuan ang table nila Cheerie
"Yaan mo siya. Bilisan mo na lang jan." Criztelyn
"Eh yan na pala eh." Ako, habang nakaturo sa likod niya
Lingon naman siya.
"Lingon ka naman." Ako
"Che. Bahala ka nga diyan Darlain. Basta ako iiwan na kita." sabi nya at umalis na para hanapin yung crush niya
"Uy wait." sabi ko sa kanya at nagmamadaling inayos yung pagkain ko
"Bilisan mo. Sundan mo na lang ako." sigaw nya
Nagmadali akong magayos pero pinalibutan ako ng mga bullies.
"Ayy si Darlain." Miggy
"Oh ano!?" Ako
"Hahaha. Polka dots. Andaming spots sa legs at sa braso." Laurence
"Hahahha parang dalmatian." Mark
"Hahahahahahah" at tawanan na sila ng tawanan
"Haha Funny." ako
"Uy." Philip
"Oh bat ka nandito. Nandon ka kila Claudia ah." Miggy
"Yaan mo na sila. Tara dito na lang tayo kumain. Walang nang bakanteng table eh." sabi ni Philip habang umuupo sa table kung saan ako nakaupo
"Hoy nandito pa ko eh." ako
"Sige dito na lang tayo. Hoy umalis ka nga." Mark
Nag walk out na ako at umirap
"Irap irap kapa jan. Kala mo di ko nakita yun ah." Miggy
"Kala mo maganda ka ah." Laurence
"HahahahahHHH"
================================
09-02-14 Flag Ceremony
"Uy nagbrown out sa inyo?"
"Ah oo."
"Sa amin din eh."
Usapan ngayon ang brownout kagabi. Sana nga ngayon wala nang pasok eh kasi magbabrownout din ata ngayon eh.
Naglakad na lang ako papunta sa mga kaklase ko.
Nakita ko sila Madison at Rhian sa isang bench. Tumabi ako sa kanila.
"Hello." Rhian
"Good morning." Madison
"Parang di naman good ang morning ni Lorreign eh. Nakasimangot. Anu bang problema?" Rhian
"Kasi ano eh..." hindi natuloy sasabihin ko dahil lumapit si Anna at tinanong kung pwede ba siyang samahan ni Rhian.. tumango naman si Rhian kaya kaming dalawa na lang ni Madison
"Ano ulit yun?" Madison
"Napanaginipan ko si Elle." Ako
"Hala. Anong nangyari sa panaginip mo??"
"Yung mga ginagawa natin kay Elle. Sino sino ba ang nakakaalam ng ginawa natin kay Elle? Ako, ikaw, si Rhian.."
"Si Anna tsaka si...."
-----
MAPEH time
Excited na kami kasi PE namin tuwing Tuesday. MAPEH ang fourth subject namin eh.
Kaso wala pa kaming teacher.
Kaya lumabas ako para sunduin ang teacher namin sa MAPEH.
Pumunta ako sa faculty.
Dumaan muna ako ng CR kasi naiihi ako.
Yung unang cubicle walang lock.
Yung pangalawa, maputik.
Yung pangatlo, walang flush.
Enebeyen!?
Kaya sa fourth cubicle na lang ako.
Habang umiihi, may narinig akong umiiyak.
Kaya nagmadali ako.
Sa sobrang pagmanadali, nahulog ko ang panyo ko.
Kinuha ko ito at may nakita ako sa paanan ng pinto ng cubicle na 'to ay may dalawang paang duguan nakaharap sa akin.
Tumayo ako.
Kung bubuksan ko ang pinto, makikita ko ang muka niya. Baka duguan din.
Pero naglakas loob ako.
Kaso binuksan ko na, pero ayaw bumukas.
Naka-unlock na eh.
"TULONG! TULONG!"
Umiiyak na ako.
"Rhian, Rhian. Remember me?"
"E-e-eric. I-ikaw ba y-yan?"
At maya maya ang nagbrown out.
"Oo ako nga."
At nakita kong tumagos siya sa pinto ng cubicle.
Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan.
-----
"Asan si Rhian?" Dennis
"Pumunta kay miss." Jimuel
Ang ingay dito sa room. Waka pang teacher eh.
Yung mga lalaki naglalaro ng basketball daw. Yung papel na lukot lukot, yun yung bola. Yung basurahan yung ring.
Yung iba daldalan lang.
Yung iba bully kay Darlain.
Pero lahat ng iyon tumigil dahil sa isang pangyayari.
"BROWNOUT!!!!" sumigaw kami at tumili
Kaya yung mga nakaupo malapit sa pinto at bintana ay binuksan ito kasi mainit.
Kaso ayaw bumukas eh.
Kahit yung iba tumulong para buksan kaso ayaw talaga eh.
Yung ibang section nakita namin nakabukas na ang bintana't pinto pero kami hindi.
"Uy ano bayan! Ba't ayaw bumukas."
Maya maya gumagalaw ang locker at nahuhulog ang mga gamit sa ibabaw ng locker.
Natakot kami. Ang ingay nanaman namin.
Tas biglang nahulog at nabasag ang orasan na nakasabit sa wall.
Nadagdagan ang takot namin.
Ang president at vice president pinapakalma na kami kaso natatakot na talaga kami eh.
Gumalaw ang teacher's table.
Ang lockers di parin tumitigil.
Nahulog ang mga gamit sa bookshelves.
Lumakas ang sigawan, tilian, at iyakan namin.
"Claudia huhuhu may nakikita ka nanaman ba huhuhu?" ako, katabi ko lang kasi siya eh
"W-wa-wala Lo-lorreign. Wala. P-p-pero nata-ta-ta-takot na a-ako." Claudia
"Ako kasi huhuhu meron eh."
Nakikita ko si Elle na duguan. Nasa mismong harapan ko.
================================
Sino nga ba si Elle?
Sino ang mga kasama ni Cheerie?
Ano ang ginawa nila kay Elle?
Sino pa ang kasama nila?
Sino si Eric?
Abangan sa susunod na kabanata
Find out next chapter ==>>
Wait for my next update...
V o t e
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T
(if there's something opinions, violents reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
©CrishaneAen
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro