Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOURTEENTH (Retreat Part III)


"Huy Stacey, over makareact." Philip

Sumigaw kasi si Stacey nang kalabiti  niya ito.

"Kala mo ni-re-rape." Drace

Magkasama si Philip at Drace. Galing silang dining area at pagbaba ay naligaw din. Hanggang sa mapadpad sila kay Stacey.

May hawak na flashlight si Drace dahil napulot niya ito.

"Nakakainis kayo! Ba't niyo ako ginulat?" Stacey

"Malay ba namin." Drace

"Naliligaw nga kami eh." Philip

Napagdesisyonan nilang magsama-sama papuntang session room.

Nang dahil din sa sigaw ni Stacey ay natunton sila ng mga gurong naghahanap sa kanila kaya sabay-sabay silang pumuntang session room.

Habang papuntang session room...

Ang hawak ni Drace na flashlight ay nakatapat sa lapag. Nang biglang may nakitang isang pares ng paa ay dahan-dahan niya itong iniangat hanggang makarating ito sa ulo.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!! MULTOOOOO!!!!!"

"Uy wait lang lang." sabi ni Madison ng magtakbuhan ito

Si Madison ang nakita nila at hindi multo.

"Naligaw po ako. Galing po kasi akong dining room. Kasi hinahanap ko yung panyo kong nahulog. Nahirapan mo akong maghanap kasi madilim na." sagot ni Madison ng tanungin siya ni Ms. Pealaes

At sabay-sabay na silang nagpunta sa session room.

Naayos na rin ang kuryente kaya napagpatuloy na ang dapat gawin.

Rewind => =>

"Asan na yung ballpen na yun?" sabi niya habang hinahanap yung ballpen na may patalim sa loob

Kinuha niya ang cellphone niya nang mag-vibrate ito. Hindi niya ito binigay kanina nang magkuhaan ng gadget. Tinatago niya naman. 

K: Nasira ko na yung mga CCTV kaya kung may gagawin ka ay di nila makikita. Papatayin ko na rin yung switch maya-maya

Napangiti siya sa nabasa.

Naghahanap pa rin siya ng ballpen.

Nang makakita ay agad niya itong pinulot at binuksan "Hindi ito yun." at tsaka hinagis ang ballpen kung saan

Hindi kasi ito yung ballpen na may patalim

Nang mag brown out ay kinuha na niya ang dalang flashlight.

Matagal siyang naghanap. Hanggang...

May nakita siyang pigura ng tao. Iniwan na lang niya ang flashlight dahil baka magtaka sila kung saan niya nakuha ang flashlight. Ninakaw lang kasi niya ang flashlight. Baka masira pa ang plano niya.

Back to reality..

Mag-na-nine o' clock na sila natapos. Dumiretso na sila sa kani-kanilang kwarto. Nagayos sa sarili at natulog na.

11:00 PM

Nagising si Claudia. Mag-c-cr sana siya. May CR naman sa loob ng kwarto nila. Di na kailangang lumabas pa sa CR na ginagamit nila pag nag-be-break sa retreat.

 Kaso nakita niyang bukas ang pintuan at ilaw ng Cr at may nakitang anino. 

Katapat lang kasi ng higaan niya ang CR kaya kitang kita niya.

"Ayos may kasama ako." bulong niya sa sarili habang bumabangon

Nang makatayo na si Claudia ay biglang namatay ang ilaw sa CR pati na rin sa kanilang kwarto dahilan kung bakit wala siyang makita.

Samantala ang nagmamayari ng aninong nakita ni Claudia ay sinamantala ang dilim. Alam niyang hindi siya nakikita ni Claudia. Yun ang alam niya. Lingid sa kanyang kaalaman na may iba pang gising. Naglakad na siya papuntang higaan niya at nagkunyaring tulog.

Si Claudia naman ay kakapakapa hanggang makarating sa CR. Binuksan na niya ang mga ilaw. Wala siyang nakitang tao. Wala na rin ang anino.

Kinabukasan...

Day 2

Tapos na ang kanilang retreat at mag-la-lunch na lang sila at uuwi na.

Bago silang mag-lunch ay pinakuha ang kani-kanilang  gamit sa kani-kanilang kwarto. Binigay na rin ang kani-kanilang gadgets.

Sa kwarto ng mga babae...

Dalawa na lang sila sa loob. Si Julie at si Criztelyn. Nang may parang tao sa loob ng CR. May naririnig kasi sila. Nagtinginan pa ang dalawa.

Nauna nang lumabas si Julie. 

Si Criztelyn naman ay sumilip muna sa CR para masiguradong walang tao tsaka lumabas.

Matapos mag-lunch ay...

"Sige mag-picture muna kayo. Alam ko namang gustong gusto niyo ito eh." sabi ng kanilang adviser na agad namang ikinatuwa ng mga estudyante "May mabibili din kayong souvenirs jan."

Selfie dito. Selfie doon.

Bili dito. Bili doon.

Ang saya nila ay biglang naglaho nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril na ikinagulat ng marami. Na nanggagaling sa 2nd floor kung saan naroroon ang dining area.

Pumanik na ang iba. Gulat na gulat sa nakita.

"MMMMMMMMMMMIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!"

=====================================

Kanino ang patalim na ballpen?

Kaninong anino ang nakita ni Claudia?

Sino ang isa pang gising bukod ay Claudia at sa nagmamayari ng anino?

May tao ba talaga sa loob ng CR na narinig nila Julie at Criztelyn?

Ano ang nangyari kay Miggy?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

12-05-15

©CrishaneAen❞





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro