
FORTY THIRD (Graduation Part IV)
Kahit ang maliliit na bagay ay may malaking tulong.
--
R H I A N ' S P O V
Nandito ako sa isang faculty. Naghahanap ng mga ballpen, ruler, o kahit ano na pwedeng maging weapon kay Madison.
Madilim dito at ang tahimik. Ayaw kasing bumukas ng ilaw tsaka baka mahuli pa ako rito.
Napakatahimik kaya nung narinig kong may mga yabag na papalapit sa pinto ay agad akong nagtago sa isang table ng teacher.
Maya-maya pa'y narinig ko itong bumukas.
Siniksik ko pa lalo ang sarili ko sa sulok sa ilalim ng table nang biglang "Bulaga!"
"Ahh--" hindi ko natuloy ang aking tili dahil tinakpan niya yung bibig ko
Pinukpok ko siya at sinabing "Walanghiya ka Philip gugulatin mo pa ako! Aatakihin ako sa puso neto eh."
Natatawa siya at sinabing "Ikaw naman magtatago ka kita pa ang paa."
Tumayo na ako dahil masakit sa likod pagmananatili pa ako sa ilalim ng lamesa.
"Tse. Maghanap na lang tayo ng pang-protekta o panlaban. May nakita na akong ballpen oh. Sayang lang may tinta pa." sabi ko at naglakad ulit kung nasaan ako kanina bago pa magtago
Tumalikod ako ulit para ipakita sa kanya ang ruler na basag ang dulo at nakakasugat ito kung sakaling itusok sa balat. Gayun na lang ang gulat ko nang nasa likod ko lang pala siya.
"Uhm, Rhian. Sorry ha. Kasi akala ko ikaw ang bumaril kay Mig- este Michael." Sabi niya
"Hindi, okay lang yun. Sorry din." Sabi ko at naiilang na ngumiti dahil sobrang lapit namin sa isa't isa "Ah. Ito oh. Ruler. Basag na yung dulo. Pwede tong panlaban kay Madison."
Ngumiti na lang din siya at lumapit sa akin para kunin yung ruler nang biglang bumukas ang pinto ng faculty. Sabay kaming Napalingon doon at nakita sina Beatriz at Julie.
"Naku anong ginagawa niyo jan ha?" sabi ni Beatriz
"Ang sweet naman nila. Tara na nga Beatriz at sa ibang faculty na lang tayo o kaya dun sa canteen." Sabi naman ni Julie
"Oo nga sa canteen na lang. Maraming kutsilyo dun. Tara! Ba-bye!" sabi ni Beatriz at sinara na ang pinto
"Maghanap pa tayo." Sabi ni Philip at lumayo na at naghanap
Ilang sandali pa'y bigla kaming nakarinig ng putok ng baril.
"Teka, parang malapit lang yun ah. Parang sa taas." Narinig kong sabi ni Philip kaya nilingon ko siya
"Parang sa library." Sabi ko dahil yun lang naman ang alam kong nasa taas ng faculty
"Tara!" yaya ni Philip at lumabas na kami sa faculty tsaka pumanik sa hagdan papuntang library.
Nakita namin si Madison sa mismong pinto ng library na nakatalikod sa amin na nakatutok ang kanyang baril sa isang... bomba!?
Agad kong tinusok yung kamay niya ng ballpen na hawak ko dahilan kung bakit sa sahig niya lang naiputok ang baril.
Agad niya naman akong tinutukan ng baril at inagaw ni Philip ang baril. Nagpumiglas si Madison pero habang nagaagawan sila sa baril ay naiputok ang baril sa mga hita ni Madison dahilan kung bakit ito napahiga.
Hindi ko na sinayang ang pagkakataon kaya dinaganan ko siya at pinagsasakal.
"Tumakbo na kayo!" sigaw ko sa mga kaklase
Nakita ko naman silang lumabas na ng library pero si Philip ay nananatili paring nakatayo.
Mabilis ang pangyayari. Tinulak ako ni Madison at siya naman ang nasa ibabaw ko at sakal sakal ako. Nakita ko si Philip na tinututok na ang baril kay Madison nang bigla itong tumayo at may kinuha muling baril sa bulsa nito at tinutok sa akin. Ilang baril meron siya?
Habol parin ang paghinga ay pilit akong tumayo ngunit muling bumagsak nang barilin niya ako sa binti.
Nakita ko namang tumalikod si Madison sa akin at kay Philip niya naman itinutok ang baril.
S T A C E Y ' S P O V
"Chamille wag ka ngang mataranta jan. Hindi yan nakakatulong. Maghanap na lang tayo ng pwedeng pangprotekta sa sarili natin." Sabi ko kay Chamille
Nandito kami sa Computer Laboratory at kanina pa natatakot tong si Chamille. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Itong bangko?" sabi ni Chamille
"Chamille naman. Ang laki niyan oh." Ako
"Eh itong earphone?" sabi niya
Magsasalita sana ako nang makarinig nanaman kami ng putok ng baril. Malakas ito gaya ng kanina kaya alam naming sa labas lang ito ng computer lab.
"Gamitin na lang natin to at lumabas na tayo dito. Baka mamaya ay na-lock na tayo dito eh." Sabi niya at inabot sa akin ang hawak niyang earphone
"Paano ito makakatulong sa atin?" tanong ko
"Basta." Sabi niya at binuksan ang pinto at tinulak ako palabas
Nakita ko sila Rhian, Madison at Philip sa labas tapat ng library.
Si Madison at Philip ay kapwa nagtututukan ng baril. Si Philip ay nakaharap sa amin samantalang kapwa nakatalikod sa direksiyon namin.
Tumakbo ako papunta kay Madison at pinulupot sa leeg niya ang earphone. Tama si Chamille may tulong ito. Kahit ang maliliit na bagay ay may malaking tulong.
Pinutok ni Philip ang baril na hawak niya kay Madison ngunit nawalan na ito ng bala.
Kahit masakit na ang kamay ko ay pilit ko paring hinihigpitanan ang pagkakapulupot ng earphones sa leeg ni Madison.
A N D R E I ' S P O V
"Uy okay na siguro tong mga kutsilyo na nahanap natin." Sabi ko
"Hindi. Dat maraming kutsilyo." Sagot nila at patuloy pangnaghahanap
Nandito kami sa canteen nagtatago. Kasama ko sina Lorreign, Julie, Beatriz, Laurence, Lanz, Mark, at Marion.
Madilim dito. Ayaw kasing bumukas ng ilaw tsaka baka mahuli pa kami rito.
Napakainit din to think na nakagala pa kami.
Nandito kami sa kaloob-looban ng canteen which is yung kusina kaya napakarami talagang kitchenware.
"Guys Naririnig niyo ba yun?" biglang tanong ni Beatriz
"Nahihibang na to." anang Lorreign
"Hindi. Meron nga talaga. Tumahimik lang tayo." Sabi naman ni Marion
"Guys, sisilip lang kami ni Mark sa labas ah." Bulong ni Laurence at ganun nga ang ginawa nila
"Uy, sila Dennis lang pala ito." Sabi ni Mark
Lumabas na kami sa kusina at nakita sila Marissa, Natalie, Claudia, at Dennis.
"Guys, kailangan nating pakawalan yung mga teachers, staffs, tsaka yung mga parent and guardians natin." Sabi ni Dennis
"Paano? Eh bihag sila ng mga kampon ni Madison, diba?" tanong ko
"Nakita namin na umalis sila." Sabi ni Marissa
"Kaso may tatlong naiwan. Puro itim nga lang suot nila eh. Di kita ang mga mukha." Si Natalie
"Pwede natin magamit tong mga kutsilyo." Sabi ni Lanz
At dahil don, napagdesisyonan na naming lumabas ng canteen at pumunta sa stock room. Nagtatago lang kami sa likod ng mga puno at bushes dahil nga may tatlong nilalang na nasa labas ng pinto.
"Parang may mali eh." Sabi ni Claudia
"Shh. Wag kang maingay. Tingnan mo nga oh may mga baril na nakapulupot sa katawan nila." Marion
"Ano naman yun?" Dennis
Binalewala lang ni Claudia ang mga sinabi nila at umalis sa pinagtataguan namin. Ilang beses namin itong pinigilan pero wala paring pake.
Mula sa pinagtataguan namin kita namin si Claudia. Lumapit ito sa mismong tapat ng stock room at nakakapagtaka lang na hindi kumilos ang tatlo.
Dahil don ay tinanggal ni Claudia ang mascara ng isa at nakakagulat na mannequin lang pala ito. Sunod ay tinanggal niya ang mascara nung dalawa. Mga panakot lang pala ito.
"Oh ano na guys? Tara na." sabi ni Claudia at lumabas na nga kami sa aming pinagtataguan
Kinuha rin namin ang mga armas na nakapulupot sa mannequin bago tuluyang pumasok sa stock room.
============================
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
03-18-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro