FORTY FOURTH (Graduation Part V)
[a/n: gosh.. this is second to the last update.. next update will be the last, syempre second to the last nga to eh.. tapos nun epilogue na.. huhuhu.. support naman tayo jan para ganahan ako.. hehe.. k, continue reading...]
Ang ahas, kahit ikaw pa nagpalaki, ahas pa rin.
--
K E N N E T H ' S P O V
"Tito umalis na lang tayo." Pang-ilang pagmamakaawa na iyan ni Marjorie pero hindi parin ako natitinag
"Kailangan nga natin puntahan si Madison baka kung ilan na ang napatay niya." Sagot ko. Kanina pa kasi kami nakakarinig ng mga putok ng baril.
"Edi mapapahamak lang tayo kung ganon." Sagot niya "Kaya umalis na lang tayo. Hayaan na lang natin sila."
"Eh paano kung yung kapatid mo ang kaaway ngayon ni Madison? Pano kung si Rhian? Edi napahamak siya." Natahimik lang siya sa sinabi ko kaya "Tara na." at umalis na kami papunta sa direksyon kung saan namin Naririnig ang mga putok ng baril
C H E E R I E ' S P O V
Pagkasabi ni Rhian na umalis na kami ay yun na nga ang ginawa namin. Pababa na kami ng biglang nagsalita si Hansel "Si Philip? Naiwan siya."
"Hayaan mo siya. Delikado na kung bumalik pa tayo." Jeffrey
Nang makababa na kami ng hagdan ay may nakasalubong kami. Sa tingin ko ito yung mga kakampi ni Madison.
Nang makita namin siya ay sinugod siya ni Criztelyn.
"Ikaw! Ikaw may kasalan nito! Kung sinabi mo agad sa akin na si Madison ang killer hindi mangyayari ito! At sana hindi araw araw umiiyak si Ate Jane dahil sayo!" galit na sigaw ni Criztelyn at may dinukot siya sa kanyang bulsa na ballpen
Parang pamilyar ito. Nang binuksan niya ay tama nga ang hinala ko. Ito yung ballpen na may patalim sa loob. Minsan na itong nakwento sa akin ni Criztelyn na lagi niya itong dinadala for self protection.
Pinigilan namin si Criztelyn ng makitang isasaksak niya ito dun sa lalaki.
"Tito, halika na." sabi nung babae at pumanik na sila ng hagdan
Kami nama'y umalis na din.
M I C H A E L ' S P O V
"Bilisan niyo ang takbo." Utos ko sa kanila
Mula third floor ay sinikap naming takbuhin pababa ng second floor sa kabilang building ang library. Doon kasi nagmumula ang tunog ng baril. Mula sa taas ay nakita rin namin sina Criztelyn na nakiipag away dun sa kakampi ni Madison.
Nang makarating na kami ay di nga ako nagkamali.
Agad akong pumunta sa harapan ni Madison at binuhos ang asidong hawak hawak ko. Nakuha namin to sa science lab kanina. Kumuha rin kami ng ilang patalim sa dissecting kit.
Napabitaw si Stacey sa ginagawa niyang pagsakal kay Madison. Natalsikan siya ng konting asido sa kamay pero kita parin sa expression ng mukha niya ang sakit.
Napaupo na lang si Madison. Ang kaliwang bahagi ng mukha niya hanggang leeg ay nasunog. Pero hindi iyon naging dahilan para tigilan niya kami.
Ang nahulog niyang baril ay kinuha ko pero meron pa rin siyang baril sa bulsa.
Kinuha niya iyon at pinaputok. Tumama naman ito sa paa ko.
Putok lang siya ng putok ng baril. Yung iba'y nagtago muna. Sunod na tinamaan ay ang braso ni Lyn.
Samantalang kaming dalawa ni Philip na may baril ay naghahanap ng tamang tiyempo para barilin si Madison.
Natamaan namin si Jeric sa balikat.
Pinutok ko naman ang baril ko sa kamay ni Madison dahilan para mabitawan niya ang baril.
Kinuha ko ang baril na nahulog at tumakbo na kami pababa nang may makitang papanik ay lumihis kami at sa kabilang hagdan bumaba.
"Kailangan muna natin pumunta ng clinic para magamot ang sugat niyo." Sabi ko at agad na nga kaming pumuntang clinic
Naka-lock ito. Binaril ko ang pinto dahilan para mabasag ang pinto. Glass kasi ang pinto sa clinic.
Dahan-dahan kaming pumasok pero hindi maiwasan na masugatan dahil sa bubog.
Madilim sa loob ng clinic. Parang walang kuryente dahil kanina rin nung nasa science lab kami ay walang ilaw kahit buksan pa namin ang switch.
M A R J O R I E ' S P O V
"O. M. G." nasabi ko na lang pagkakita kay Madi
Nang makita niya kami ay kumuha siya ng baril sa bulsa niya at tinutok sa amin.
Dina siya nagdalawang isip na iputok ito kay Tito buti na lang nakailag ito.
Hinatak ko na muli si Tito pababa ng hagdan at sinabing "Kasi naman ikaw bakit gusto mo pa siyang tulungan. Muntik ka na tuloy."
"Eh hindi ko alam na kaya niya yung gawin." Sagot niya
"Psh. Nakakaloka ka. Ang ahas, kahit ikaw pa nagpalaki, ahas pa rin. Kahit anong gawin mo. Bahala sila magpatayan basta ako, pretty." Natatawang sabi ko
"Nagkakapatayan na nagawa mo pa ring tumawa." Sabi niya
"Whatebs." Ako "Tara tumakas na tayo. Ayokong makulong. Ayaw mo rin naman diba?"
"Sige daan tayo dun sa back gate. Nag-a-antay na dun ang tita mo." Sabi ni Tito
Pumanik na nga kami sa taas ng gate para makapunta sa kabilang bahagi na to. Akyat bahay ang peg.
"This is so hirap na." reklamo ko
Andun na nga si Tita na nasa loob ng kotse niya.
"Hello Tita Liza." Bati ko kay Tita nang makababa na ako ng gate
"No time for that sweetie. Bilisan niyo na. Sakay na." sabi ni Tita
Nang makasakay na kami ay agad na kaming pumuntang airport. Tatakas na kami bago pa makapagsumbong si Madison na isama pa kami sa makukulong.
Hindi alam ni Madison ang plano naming aalis ng bansa. Bahala siya.
============================
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
03-18-16
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro