Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY FIFTH (Graduation Part VI)

a/n: gosh.. makakatapos din ako ng istorya.. epilogue na next.. owemdzi, mamimiss ko ang TCOA6G.. continue reading

--

C H A M I L L E ' S P O V

Kaming mag-ka-ka-klase ay tulong-tulong naming tinanggalan ng mga tali sa kamay at paa ang lahat nang nasa stuck room gamit ang mga nakuha naming patalim.

Dumating na ang mga pulis. Nandito pa rin kami sa loob ng school sa may garden para kuhaan ng statements.

Dinakip na rin si Madison pero dahil bata pa ito ay hindi ito nakulong pero mapupunta daw ito sa DSWD. Pero sa ngayon ay dinala muna ito sa ospital.

Si ate Elise ang tumawag sa mga pulis.

"Ate Elise, pano mo nalaman na may nangyayaring kaguluhan dito kung wala ka naman dito?" tanong ko

"Diba nahulog ako sa hagdan dito sa school? Si Madison ang naghulog sa akin. Tas yung dalawang classmate ko ay binayaran ni Madison para ma-kick out yung Sean ba yun, basta yung classmate mo. Tapos nun sabi ng dalawang classmate ko sina Catherine at Lindsay na may binabalak daw nga si Madison sa graduation niyo. Nang papunta na ako sa school niyo narinig ko na lang yung mga putukan kaya tumawag na ako ng pulis." Sagot niya

Sasagot pa sana ako ng hilain ako ni Stacey.

"Aray naman. Bakit ba?" ako

"Tara picture daw tayo." Sabi niya

"Talaga lang ha? Sa kabila ng nangyari?" ako

"Oo, tsaka umalis na yung mga pulis. Dahil daw buhay pa tayo kaya magpicture tayong lahat na magkakaklase." Nakangiting sagot niya

C L A U D I A ' S P O V

Matapos naming magpicture na magkakaklase ay nagkayayan nang umuwi.

Masaya ako dahil natapos na ito. Natulungan ko rin ang batang lalaki.

Kasama ko ang tita at pinsan ko.

Dahil siksikan sa gate ay di muna kami umuwi.

Nandito lang kami nakaupo sa may bench nang matanaw ko sa dikalayuan ang batang lalaki.

Hindi na nakakatakot ang itsura nito.

Nakangiti itong kumakaway sa akin at ganun din ako sa kanya habang unti-unting naglalaho.

Alam kong nananahimik na ang kaluluwa niya. Makakatawid na siya sa kabilang buhay. Masaya ako dahil natulungan ko siya kaya nakangiti ako ngayon.

Pero ang ngiting iyon ay mabilis nawala.

Kung si Eric ay wala na, eh sino pala ang babaeng una kong nakita sa aming silid-aralan nung unang araw ng pasukan?

---------------------------------------------------------------

Masaya na ang mag-aaral sa ika-anim na baitang nang sa wakas ay naka-graduate na sila.

Inulit ang kanilang graduation at ngayon ay wala nang nanggulo.

Si Michael at Sean ay uulit ng ika-anim na baitang ngunit dumalo parin sa graduation day.


Sa wakas ay matatahimik na sila. Matatahimik nga ba?

===========================================

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

03-24-16

©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro