ELEVENTH
dedicated to you beautifulSKYLE..
ayan na na-dedicate ko na ha..
want dedication??
continue reading..
D A R L A I N ' S P O V
"Yehey, nakakausap na kita nang maayos." Sabi ko kay Criztelyn
Simula kasi nung nangyari yun lagi na lang siyang tulala tas pag tinatanong siya kung bakit ganon ang nangyari sa kanila kung bakit sila nakatali ni Jeffrey, ang sinasabi niya 'Kuya Kenneth'. Pinagtataka lang namin ay kung sino yung Kuya Kenneth na yun. 'Di pwedeng kapatid niya kasi siya yung panganay.
At dahil nabanggit ko na rin si Jeffrey, tulala din siya at bigla bigla na lang sisigaw. Hindi rin siya makausap ng maayos. Pagtatanungin siya kung anong nangyari, ay grabe, nananakit. Kung anong makuhang gamit ay ibabato sayo. Ang brutal niya.
Kaya hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa nangyari kundi sila at kung sino man ang gumawa sa kanila nun.
"By the way, diba this November is our retreat?" ako
"Marunong ka palang mag-english. Kelan pa?" siya
"Criztelyn naman. Nagtatanong ako ng maayos."
"Oo na. Oo na. Uuwi na ako ha."
"Hoy!"
Tingnan mo 'to. Next week ko na siya ulit makikita. Sembreak na eh.
--
November 2014
M A DI S O N ' S P O V
"Oo, malapit na ako." Sagot ko sa kabilang linya bago binaba
Napagdesisyonan kasi naming sabay-sabay na bisitahin ang puntod ni Elle. Kami lang naman na naging kaklase niya ang pupunta.
Subukan lang ng mga pumatay sa kanya dumalaw. Baka di ko mapigilan ang sarili ko. Kahit araw-araw ko silang nakikita.
Magkikita daw kami sa labas ng sementeryo dahil yung iba hindi alam kung saan ang puntod Elle.
Habang naglalakad dala-dala ang bulaklak na iaalay ko sa kanya ay naalala ko kung paano siya namatay...
Sa gitna ng kaguluhan, biglang may pumuntang guard at sinaway kami. Hindi niya nakita si Elle dahil madaming nakaharang yung iba nagsialisan na. Hinatak na nila ako dahil baka daw bumalik yung guard at baka isumbong pa kami sa teacher.
Ihantay namin silang makalabas para makapasok kami at iligtas si Elle.
Nang makapasok kami...
Laking gulat namin nag makita si Elle na walang buhay.
Nakatayo siya sa tabi ni Elle at Umiiyak. Siya na lang ang naiwan sa kanila.
"W-wa-la a-kong kasa-la-nan.." Umiiyak niyang sabi.
Siya. Siya ang pumatay.
Andito na ako sa harap ng sementeryo.
"Kompleto na ba tayo?" tanong ko
C R I Z T E L Y N ' S P O V
Andito kami sa sementeryo kasama ang mga pamilya at kamaganak ko. Dinalaw namin yung lolo ko. Hindi ko na siya naabutan. Namatay daw siya dahil sa sakit na cancer.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa kaliwa ay nakita ko ang ibang mga kaklase ko na pauwi na. Sino kaya dinalaw nila?
Maya-maya naman ay nakita ko si Lyn na may dalang basket ng putting rosas papunta kung saan galing ang iba kong mga kaklase.
Umalis na kami sa puntod ng lolo ko at pumunta kami sa puntod ng tita ko. Papunta kami sa pinuntahan ng mga kaklase ko. Baka madaanan ko si Lyn.
Nang madaan na nga kami..
Walang Lyn ang nakita ko kundi ang hawak niyang basket ng bulaklak ang nakita ko na dala niya kanina na ngayon ay nakalagay sa isang puntod.
Nakalampas na kami doon at dumeretso na sa pupuntahan namin.
--
Nang makauwi na ako ay nag-facebook agad ako.
Habang nag-i-scroll sa news feed ko ay nakita ko yung picture ng mga kaklase ko. Picture nila sa sementeryo.
"Kanina lang to ah."
Kinlick ko ang picture nila. Sa likod nila ay may puntod.
Ito yung puntod na nakita ko na pinuntahan siguro ni Lyn dahil sa bulaklak na nakita ko.
Ibig sabihin ba ay iisa lang ang dinalaw nila?
Zinoom (zoom) ko yung picture sa puntod.
Confirm. Iisa lang ang dinalaw nila. Sino?
Si Eric Lloyd L. Enriquez ang dinalaw nila. Yun ang nakasulat sa lapida.
? ? ? ' S P O V
Dumalaw ako sa puntod ni Elle. Hindi ako sumabay sa kung sino man dumalaw. Nakita ko kasi yung iba naming kaklase at may iba pang sumunod. Nakita ko rin mga kamag-anak niya.
Iniwan ko ang bulaklak na iaalay ko sa kanya tapos kong magdasal. Hindi na ako nagtagal.
Sinasabi nila na ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Elle pero hindi naman talaga ako. Oo ako ang pasimuno sa pambubugbog sa kanya pero hindi ko nga siya pinatay. Aksidente lang ang nangyari. Hindi nila alam ang nangyari.
S O M E O N E ' S P O V
"Oh musta dalaw niyo?" tanong niya
"Ayun. Di nga kami kompleto eh." Ako
"Eh si.."
"Subukan lang niya dumalaw. Ang kapal naman niya. Baka mapatay ko siya agad."
"Easy lang. Planado na natin ang pagpatay sa kanya."
=====================================
Ano nga bang nangyari sakanila Criztelyn at Jeffrey?
Sino ang pumatay kay Elle?
Sino si Eric Lloyd L. Enriquez?
Upcoming event⇛⇛ Retreat
New character: ? ? ? [Sino kaya iyon?]
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
11-14-15
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro