Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EIGHTH hour in the morning

S O M E O N E ' S P O V

**1 text message from K**

Inopen ko ang text.

K: pupunta ako ha

Edi pumunta ka. Nagpapaalam pa. Eh labas-pasok ka nga sa bahay.

Di ko nga nireplyan.

Humiga ako ulit sa kama at nagsoundtrip.

Maya-maya bumukas ang pinto.

"Hoy! Ang galing mo kanina ah." sabi ko sa kaniya "Maraming natakot."

"Huh? Anong pinagkakakana mo jan?" siya at umupo sa tabi ko

"Kanina nagparamdam ka nanaman. Patay-sindi ilaw effect pa. Tas hinangin pa yung kurtina. Basta. Akala talaga nila may multo. Galing mo dude." sabi ko

"Huh? Eh hindi ko nga nahawakan yung switch ng classroom niyo kanina eh. Naiwan ko ata yung susi ng switch sa bahay." siya

"Eh ano yung kanina? Totoong may nagpaparamdam sa classroom?" natakot na ako

"Ano bang nangyari sa classroom niyo kanina?"

---------------------------------------------------------------------

12 hours ago...

A N N A ' S P O V

Nandito ako ngayon naka-upo sa isang bench.

Ang aga ko pa. Konti pa lang ang mga estudyante at ako pa lang ata ang grade 6. Halos may isang oras pa akong mag-aantay sa flag ceremony.

Ang aga ko kasing nagising. Nagising ako dahil sa panaginip ko.

Napanaginipan ko si Elle at ako. Noong bata pa kami. Noong masaya kami at walang iniintinding problema. Noong naglalaro kami ng paborito naming laro. Noong buhay pa siya.

Dahil marami pa naman akong oras kaya gumala muna ako sa school bitbit ang bag ko.

Binalikan ko ang mga lugar kung saan kami lagi ni Elle.

Nandito ako sa harap ng classroom namin. Kung saan siya mismo pinatay.

Mag-a-apat na taon na pala nang mamatay siya.

Napaluha ako.

"Elle, ipaglalaban ko ang kamatayan mo."

Biglang humangin ang paligid. Parang nandito siya.

"Miss na kita Elle. Miss na miss na kita."

Hindi o na napigilang umiyak. Umupo ako sa gilid ng court, tapat ng classroom namin at tahimik na umiyak.

'Miss na rin kita'

--

S E A N ' S P O V

Walang teacher ngayon so party time. Pangalawang subject palang eh. 8:00 pa nga lang sa orasan ng classroom eh.

Tumayo ako papunta sa upuan ni Drace. Kaso may harang eh. Bunggoin ko nga.

"Aray! Ano ba!?" talsik si Andrei eh

"Paharang-harang ka jan eh. Taba kasi." ako

Binatukan ako.

"Hindi masakit bleh :P " ako

Pero masakit talaga.

Pumunta na ako kay Drace. Nangtitrip siya kay Darlain eh. Sumali ako.

"Ano ba naman Drace!? Masyadong ano eh!?" naiiritang sabi ni Darlain kay Drace

"Ano ha!? Ano!?" kinuha ni Drace ang bag ni Darlain at hinagis sa akin

Tinakbo ko ito papuntang locker. Ihahagis ko sana sa ibabaw ng locker kaso biglang namatay ang ilaw kaya natapilok ako. Naagaw tuloy ni Darlain ang bag.

Akala ko pinatay ang ilaw pero ngayon ay binubuksan na nila ang ilaw pero ayaw bumukas. Pati pinto na-lock.

Na naman. May multo ba ulit?

Biglang namatay ang aircon.

Tas biglang hinangin yung kurtina.

Bumukas ulit ang ilaw at nagpatay-sindi.

Natakot naman ako dahil biglang gumalaw ang locker. Lumayo ako at baka madaganan ako.

Humangin ulit.

Sa bawat may nangyayari ay lumalakas ang sigawan, tilian, at iyakan.

Lagi namang may ganto pero yung humahangin, ngayon lang nangyari.

Patay nga aircon at electric fan tas biglang humangin.

Sa tingin ko. . . totoo na 'to.

Maya-maya ay may kumatok sa back door dahilan kung bakit nadagdagan ang lakas ng sigawan, tilian at iyakan namin.

--

L Y N ' S P O V

Pumunta akong CR. Maraming tao sa CR. Nagbibihis yung mga higschool. Costume ata.

Kahit naman matagalan ako wala namang teacher.

Nakapila ako sa isang cubicle, Isang tao na lang bago ako.

Hindi ko man sinasadya ay narinig ko ang usapan ng dalawang babae sa likod ko na nakapila din pagkatapos ko.

"Kilala na ba kung sino nag-hulog kay--" hindi ko narinig yung lahat ng sinabi dahil umandar na ang pila at ako na ang sunod na makaka-CR

Nakinig ako ulit "Coma daw siya eh. Nakausap ko mama niya." Sagot nung isa

"Ganun. Sana magising na siya."

"Oo nga. Para masabi na niya na hindi siya nahulog kundi hinulog ni--"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok na ako ng CR.

Kilala nila kung sino humulog dun sa babae. Paano? Sino?

Nakinig pa ako.

"Talaga Catherine? Kilala mo sino?"

"Oo Lindsay. Nakita ko. Isang grade 6 student."

"Paano mo nalamang grade 6 student?"

"Nakita ko nga eh. Pero hayaan na nating si Elise ang magsabi pagkagising niya galing coma."

Grade 6 student? Kaklase ko? Paano? Bakit? Sino?

Lumabas na ako ng cubicle.

Habang naglalakad papuntang classroom, maraming tanong ang naglalaro sa isip ko. Kaya nabunggo ko si kuyang janitor. Nahulog pa tuloy mga gamit niya.

"Ay kuya sorry po. Di po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi ko habang tinutulungan siya

"Okay lang." pamilyar ang boses niya

Tumayo na siya at nagpasalamat sa akin pero di ko nakita ang muka niya dahil naka-cap at nakayuko siya.

Magpapatuloy na sana ako ng paglalakad nang may nakita akong susi sa may paanan ko.

Baka kay kuya janitor to.

Lumingon ako sa likod ko kaso nakaakyat na siya sa hagdan malapit sa CR kung saan nahulog yung babae.

Kinuha ko yung susi. May keychain ito na heart na color red at letter K na color blue. Nilagay ko ito sa bulsa ko.

Papasok na ako ng classroom namin kaso naka-lock pala kaya kumatok ako.

Parang may narinig ako sigaw galing sa classroom.

Ano bang nangyari?

Sumilip ako sa bintana. Patay-sindi ang ilaw.

Kumatok ako ulit at pagpihit ko ng doorknob ay bumukas na ito.

Tumigil na rin ang pagpatay-sindi ng ilaw.

Lahat sila nakatingin sa akin.

"A-anong nangyari?"

----------------------------------------

S O M E O N E ' S P O V

"Ows? Talaga?" sabi niya

"OO NGA! Muka ba akong nagsisinungaling!?" ako

"Kaya ko 'yong gawin dahil nga sa switch. Yung locker kaya kong pagalawin dahil nga nilagyan ko yun ng gulong. Pero yung sinasabi mong hangin effect, paano yun eh patay nga yung aircon at electric fan eh."

Natahimik ako. Tama siya eh.

"Tsaka isa pa, wala nga sa akin yung susi ng switch. Kaya kahit kaya ko yung gawin, di ko magagawa. Alam mo, sa tingin ko, totoo na 'yang may multo."

===============================================================

Totoo nga bang may nagpaparamdam?

Paano nila nakilala kung sino humulog sa babae?

Sino nga ba humulog dun sa babae?

Para saan yung susi?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

10-17-15

©CrishaneAen❞



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro