Prologue
Duo with thexwhys! All of Cinni's lines were from Ate Cams. Thank you, Ate!
***
CHASE had been clearing the lump in his throat since he got the fresh bouquet of red roses from the flower shop. Hindi niya alintana ang pagod mula sa katatapos lang na training sa trabaho. Handa na ang lahat para sa sorpresa niya sa nobya.
Nasa likod ng sasakyan niya ang bungkos ng mga mapupulang rosas, mga lobo na kulay pula, puti, at rosas, at mga retrato nila ng nobya mula pa noong una silang magkakilala hanggang sa kasalukuyan. Mayroon din na isang malaking kulay rosas na teddy bear na may hawak na sign na nakasulat ang "Will You Marry Me?"
After seven long years — on their eight year — he wanted to make it official and turn her into his wife. Ilang taon na rin silang nagsasama sa iisang bubong. Nang magtapos sila ng kolehiyo at magsimulang mag-ipon, napagdesisyonan nilang manirahan sa isang apartment bago magpakasal.
It was not the smoothest or the most perfect relationship having bumps and humps here and there, but it was beautiful. They grew up from their mistakes and formed a stronger relationship. They had a strong bond that no one could break.
At dahil Valentine's Day — na mismong araw ng kanilang ika-walong anniversary bilang magkasintahan — gusto na niyang pormal na alukin ng kasal si Cinni. Living under the same roof was one thing, but spending the rest of their lives together as Mr. and Mrs. Dimaguiba was another.
Unti-unti, nais niyang matupad ang lahat ng pinangako niya kay Cinni. Nais niyang bumuo sila ng pamilya ng nobya. Nasa tamang edad na sila at pag-iisip. Pareho na silang nakapagtapos at magkasamang nangangarap para sa kinabukasan.
Pinarada ni Chase ang kaniyang lumang sasakyan malapit sa isang sasakyan na mukhang mamahalin. For some odd reason, it looked familiar. Sa halip na pagtuunan iyon ng pansin nagmamadali niyang sinilip ang likod ng sasakyan. Sa oras na buksan niya iyon, agad tumambad ang mga retrato at mga lobo.
'Perfect,' isip-isip niya at muling sinara ang pinto.
Gusto niyang si Cinni ang magbukas ng pinto kapag dinala niya roon. Nasa passenger seat lang din ang mga bulaklak at nasa bulsa niya ang kahon na naglalaman ng singsing.
There was no backing out now.
He was sure of her. He was ready.
Ilang malalalim na paghinga ang kumawala sa bibig ni Chase upang makaipon muli ng lakas ng loob. Kinakabahan siya pero lamang ang kasabikan na sorpresahin ang pinakamamahal na nobya.
Nagmamadali niyang tinahak ang apartment nila at kinuha ang susi. Maingat ang pagbubukas niya sa pinto dahil paniguradong natutulog pa si Cinni sa kuwarto. Nasasabik na binuksan ni Chase ang pinto ng apartment at nabigla nang marinig ang boses ng lalaki na nagsalita, "—Sex."
Confusion immediately drove into his mind. Why was there a guy in his apartment? Why was there a guy in their safe haven?
Nanlamig si Chase nang makita ang dalawang tao na prenteng nakaupo sa couch, magkaharapan at mukhang nasa sarili nilang mundo. Nangunot ang noo ni Chase nang makita ang hitsura ng dalawa. They both had disheveled hair, messed up clothes, and coffee mugs on their hands. There was a strong stench of cigarette smoke and after sex scent.
And as he stared at his lover, she was radiant, and he knew how she looked after they made love. And the look she had at that moment . . . it was a scene he was very familiar with.
Ramdam ni Chase ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Iba't ibang bagay ang mabilis na naglaro sa kaniyang isipan na agad din niyang iwinaksi.
"Babe, a-ano'ng nangyayari rito?" nauutal niyang tanong at kinakabahang humakbang palapit sa kanila. "C-Cinni?"
"C-Chase." Balisa at nagmamadaling tumayo si Cinni, hindi inaasahan ang pagdating ng kasintahan. Naglikot ang mga mata ng dalaga mula kay Chase at sa lalaking kasama nito. It was Alper — Cinni's colleague at work. "Chase, mag-e-explain ako."
Tinuro ni Chase si Alper, "Sige, magpaliwanag ka, Cinni. B-bakit nandito ang lalaking ito?" Kinakabahan siya at damang-dama ang panlalamig ng buong katawan.
It felt like his fears were overflowing. Parang binubuhos sa isang baso na puno na ng tubig at lumilikha na lamang ng kalat sa paligid.
Binalik ni Cinni ang tingin kay Alper na nananatili pa ring prente sa pagkakaupo. Lumalagok ito ng kape na parang walang komprontasyon na nagaganap sa pagitan ng magkasintahan. Parang walang pakialam sa alitan ng dalawa.
"Kasi ano . . . kasi," hirap na usal ni Cinni, hinahanap ang tamang salita na ibabato sa kasintahan.
"Kasi ano, Cinni?!" Halos mapatalon si Cinni sa kinatatayuan dahil sa paglakas ng boses ni Chase sa kaniya. Ni minsan ay hindi niya ito pinagtaasan ng boses kagaya nang nangyayari sa kasalukuyan. "Ipaliwanag mo, Cinni? Teka . . . " Tiningnan ni Chase muli si Alper. "Hindi ba ito 'yung katrabaho mo?"
Nanatiling tikom si Cinni. Naging sapat na iyon bilang kompirmasyon sa kaniyang sinabi.
"At isa pa, ano yung narinig ko? Did this guy . . . " Dinuro ni Chase ang lalaki bago nagpatuloy, "Just said sex? Did you had sex with this guy?!" Hindi pinigilan ni Chase ang pagtaas ng kaniyang boses habang nakatitig kay Cinni. Dama niya ang paninikip ng dibdib at pakiramdam na may sasabog sa kaniyang loob.
Sinalubong ni Cinni ang tingin ni Chase dahil wala na siyang rason pa upang magsinungaling. He caught her red-handed. There was no room for any form of excuses.
She took a deep breath before she muttered, "Y-Yes."
Nanlamig lalo si Chase sa kinatatayuan. Nanginginig din ang kaniyang kalamnan. Tipong gusto niyang kurutin nang kurutin ang sarili upang magising sa mismong kinatatayuan.
There was just no way Cinni said those words. It was impossible!
"W-what? W-why? Bakit, babe?" Pilit niyang pinakakalma ang sarili kahit parang nabablangko ang isip. Pakiwari niya ay mawawalan siya ng malay sa sandaling iyon ngunit pinili niyang maging sibil sa kasintahan.
Maybe she was threatened? Maybe he forced her into doing the wrong things, right? There were all those possibilities. And Cinni wouldn't do that. She wouldn't hurt him . . . right?
"I don't know! I-it just happened. I'm sorry but it happened, Chase!" Pinunasan ni Cinni ang luha tumulo sa kaniyang pisngi dahil sa takot at kaba.
"I-it. . . It just happened?" Nanlisik ang mata ni Chase. "It just happened?!" galit niyang singhal. "Anong klaseng rason 'yan, Cinni? Matinong rason ba 'yan? K-kailan pa 'to? Since when have you been having sex with this guy?" Muli niyang panduduro kahit na umiinit na ang kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Naghahalo ang kagustuhan niyang magalit at umiyak.
Nilingon ni Cinni si Alper na kalmado pa rin sa pagkakaupo. Parang nanonood lang ito ng telenobela kahit na nakatirik pa ang araw. Parang wala itong pakialamam sa pag-aaway ng dalawa.
Nagkrus ang mga braso ni Cinni bago muling pinunasan ang luha. Muli niyang sinalubong ang tingin ni Chase. "T-Three months na. Chase, look, I'm sorry."
Halos malaglag ang panga ni Chase sa narinig. "T-three months?" Dama ng binata ang panginginig ng mga labi niya. Parang umurong ang dila niya at lalong nalito sa nangyayari.
"Tangina, Cinni! Tatlong buwan?"
Batid niya ang gulat sa mukha ni Cinni dahil sa kaniyang pagmumura. He was not one to scream and swear — mula pa noon — but he had snapped. His patience that was longer than life itself became as short as a twig and snapped.
"You've been fucking for three months already?!" sigaw ni Chase at muling nilingon si Alper. His eyes burned with fury and disgust.
"And you . . . " Nagmamadaling nilapitan ni Chase si Alper at kinuwelyuhan kahit nanatili itong nakaupo. Nahulog ang hawak ni Alper na tasa ng kape ngunit hindi ito nagpatinag sa titigan. He remained calm as a leaf and this annoyed Chase more.
"What the fuck do you think you're doing to my woman? Hindi mo ba alam na girlfriend ko si Cinni? Na narito ka sa pamamahay ko? Sa bahay namin?" galit nitong singhal at nagbigay diin sa mga salitang binitiwan.
"I know. But I didn't even care," nakangisi niyang panimula. "Gusto rin naman niya, e."
Akmang susuntukin siya ni Chase ngunit pinipilit ng binata na manatiling kalmado kahit na sasabog na talaga siya. Parang dalawang lobo na handang sakmalin ang isa't isa. Chase wanted to hurt him physically, but he was trying to hold on to the remaining strands of his patience — to dear life — to get to the bottom of what was happening.
He had always been rational and calm, pero paano niya gagawin iyon sa mga sandaling iyon? Paano?
"Alper!" paninita ni Cinni kay Alper. "Umalis ka na. Mag-uusap muna kami. Please."
Tinanggal ni Alper ang pagkakahawak ni Chase sa kaniyang kuwelyo at saka tumayo. "Break up with him. Tagal ko nang sinasabi sa 'yo," saad niya na hindi pinuputol ang titig sa mga mata ni Chase.
Lalong nagusot ang mukha ni Chase sa kalituhan sa narinig. Parang hindi lang suntok at sampal ang kaniyang natatanggap pero maging mga saksak, pana at sibat ang nagliliparan sa iba't ibang direksiyon upang atakihin ang kaniyang puso at durugin nang pinong-pino.
"A-ano? Tangina! Ulitin mo ang sinabi mong, gago ka!" usal ni Chase at marahas na hinawakan ang braso ni Alper. "Ulitin mong, hayop ka!" Chase couldn't contain himself. He was a walking timebomb, ready to explode. Gusto lang niyang magmura nang magmura. Gustong niyang upakan ang lalaki pero pilit kinakalma ang sarili.
"Sabi ko, maghiwalay na kayo. Cinni and I, we're together. So, let her go, man. Hindi mo deserve." Alper smirked at him for the nth time. Unti-unting nagdidilim ang paningin ni Chase at nakakuyom ang mga kamao, handang saktan si Alper at gawin itong imbalido kung kinakailangan.
Hinawakan ni Cinni si Alper sa braso ng binata para palabasin na. "Umalis ka na muna. Mag-uusap muna kami. Please lang."
"Do it, Cinni. Ilang beses mo nang sinasabi 'yan."
Chase shook his head in disbelief. Mukhang malapit nga silang dalawa base sa pakikitungo nila sa isa't isa.
"You're not going to fucking leave without talking to me, asshole! And she is not going to break up with me! Tangina, pitong taon na kaming magkasama at ang tigas naman ng mukha mo para utusan ang girlfriend kong hiwalayan ako! Tangina mo!" aniya sabay suntok sa kanang pisngi at hindi na napigilan ang sarili. "Mapapatay kitang hayop ka!"
Bago pa makasagot, tinulak ni Cinni palabas ng apartment si Alper. "Please umalis ka muna. Mag-uusap na muna kami. Please, Alper," umiiyak na pakiusap ni Cinni. Napipilitang lumabas si Alper na nanatiling kalmado.
Nang mawala sa kanilang paningin si Alper, muling hinarap ni Cinni si Chase na ilang beses napalunok. "Chase, I'm sorry. I'm sorry. Aalis na lang ako. I'm sorry."
"S-sorry?" nanginginig niyang tanong. "A-are you serious, babe? Naririnig mo ba ang sarili mo, Cinni?" Lumapit si Chase at hinawakan ang kamay ni Cinni. "You're leaving me for that asshole?"
Napasapo si Chase ng noo. "P-pitong taon. Pitong taon ang itatapon mo para sa lalaking 'yon, Cinni?!" pasigaw niyang tanong.
Pinunasan ni Cinni ang luha niya at parang natawa at nanunuya. "And you're willing to forgive me? Chase, seven years is nothing. Let's face it. I cheated on you. I fucked him multiple times." Puno ng diin ang kaniyang bawat salita. "'Yan ba ang gusto mong marinig? Just let me go."
Hinigit ni Cinni ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chase ngunit muli iyong inabot ng binata.
"Oo, Cinni, babe. Kaya ko. I love you so much and I can't see my life with anyone else. Please don't leave me. T-teka . . . " Namamadaling kinapa ni Chase ang damit at nakuha ang munting kahon na pula mula sa bulsa. Nanginginig niyang binuksan ang kahon at kinuha ang isang singsing na may malaking diyamante na bilog.
Umiiyak siyang lumuhod sa harap ni Cinni at inaro ang singsing sa nobya. Kinalimutan na niya ang mga hinanda niyang sorpresa para sa dalaga sa sasakyan. Sa halip na siya ang magbigay, siya pa ang nakatanggap nito na hindi niya lubos na inaasahan.
Surprises.
The surprise she gave him was one for the books. It was incomparable to any pain he had felt before.
"Cinni, mahal ko, please marry me. I'm willing to forgive you and forget everything I saw. W-we'll move on with our lives without that guy and spend forever happily — you and me." Kinakapos siya sa paghinga. "Marry me, Cinni. Please . . . " desperadong niyang hiling.
"Chase, tumayo ka riyan. Please, nagmamakaawa ako, tumayo ka riyan."
"No, Cinni, not unless you say 'yes' and be my wife. Ikaw lang ang kailangan ko, Cinni. Marry me, please?" Umiiyak pa rin si Chase at hindi umaalis sa pagkaluluhod. "I can't live without you, Cinni."
Umiling si Cinni at hinawakan ang magkabilang braso ni Chase para patayuin ito. "Ayaw ko na. Hindi mo deserve ito at ayaw kong makulong tayo sa relasyong hindi na masaya. Hindi na ako masaya."
Her words were like spears slipping from the air towards her chest. They were knives chopping every piece of happiness and reasoning he had left.
"H-hindi ka na m-masaya?" Chase was taken aback. "H-hindi. Hindi 'yan totoo. Pitong taon na tayong magkarelasyon at ilang taon na tayong magkasama rito. T-that asshole . . . " Dinuro niya ang direksiyon ng pinto na nilabasan ni Alper. "T-that asshole brainwashed you, didn't he?"
"T-that asshole you're talking about . . . is making me happy."
Nagmamadaling tumayo si Chase at hinawakan ang magkabilang braso ni Cinni. Halos malaglag na ang singsing sa kaniyang kamay dahil sa pagmamadali. "No, no, no. You're lying! Mahal mo 'ko, Cinni. Mahal mo 'ko, 'di ba? I'm the one you love!"
"Pero hindi na masaya, Chase." Bumagsak muli ang luha ni Cinni sa kaniyang pag-amin.
Her words struck him like lightning and grumbled like thunder. Parang binagsakan siya ng langit at lupa. At ang kaniyang nagdurugong puso ay dinidikdik pa nang pinong-pino. Parang wala nang magprosesong salita sa kaniyang isipan.
"A-are you leaving me?" Nanginginig muli ang labi ni Chase. "Are you throwing away our seven years together, Cinni? Are you choosing that asshole over me? Over us?"
"It's not too late naman, Chase. We can still be happy, right? Puwede pa rin naman tayong maging masaya, pero hindi na magkasama?"
Napaatras si Chase, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa bawat salitang lumalabas mula sa labi ni Cinni. It was unbelievable.
"So you are throwing 'us' away? Bakit parang ang dali sa 'yo na sabihin 'yan, Cinni? Ikaw ang kasiyahan ko! You are my happiness! Sa palagay mo, magiging masaya ako kapag iniwan mo ako?!"
"You will be." Cinni smiled. "I'm not throwing us away. Binibigyan ko lang ng chance na maging mas masaya tayo, pero hindi na magkasama . . . kasi . . . ayaw ko na. I'm sorry na nag-cheat ako sa 'yo . . . but please, let us go."
"I . . . I can't let us go, Cinni. I wanted to spend forever with you. I wanted to give you the world. I wanted to make you my wife and build a family with you — with our children! Tangina naman!" hiyaw niya. "Bakit gan'on, Cinni? Bakit parang proud ka ba sa ginawa mo?! Bakit ang dali sa 'yo na iwan ako matapos ang pitong taon?"
Humikbi si Cinni. "Iyan! Iyan ang isang rason kung bakit hindi na ako masaya! You're pressuring me to build a family with you. Chase, ayaw kong magkaanak, but you're not paying attention. You're not listening! You're making me your world and it's suffocating, Chase. It's pressuring me to do something I don't even want!"
"N-nasasakal ka? Tangina, Cinni, ilang taon na tayong magkasama. Mula pa college, naging seryoso ako sa 'yo. Hindi ako nagloko kahit kailan. Hindi ako tumingin sa iba. Puta! Pumayag ako sa gusto mong mag-live in muna tayo bago ang kasal. Pumayag ako sa gusto mong makapagtrabaho tayo pareho bago isipin ang pamilya . . . Bakit kasalanan ko pa'ng gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda? Na gusto kong bumuo ng pamilya kasama ang babaeng mahal ko? Kasalanan ba 'yon, Cinni?" May diin sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Chase.
"Chase, you're making it harder for us. Hindi ko na gusto ang mga gusto mo. Things changed and our plans years ago, hindi na iyon ang gusto ko. Please, Chase, tama na. Aalis na lang ako. This is your place. I'll leave before it gets harder. Again, I'm sorry, pero tama na."
"Cinni, no . . . "
"Nahanap ko yung freedom na gusto ko kay Alper. I'm sorry, we had to go through this, pero hindi na masaya, Chase. Hindi na nakakatuwa. Hindi ko na ito gusto. Hindi . . . na kita gusto." Ramdam ni Chase ang bawat saksak na dinudulot ng bawat salitang binibitawan ni Cinni sa kaniya.
They were twisted words he never dreamt of hearing from her lips. Never.
"Cinni . . . no. Don't leave me. Mahal kita, Cinni. Please!"
Lumuhod siyang muli. He was desperate, and he didn't care about outside appearances. He just needed his woman by his side. "Take it back, Cinni."
"Chase . . . "
"Cinni, marry me," muli niyang alok sa kasintahan na patuloy siyang tinutulak palayo. "Please?"
"Chase, ano ba?" Patuloy ang pagbaha ng luha ni Cinni. "Tama na. Aalis na ako. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis na ako."
"Cinni, huwag mo 'kong iiwan!"
Akmang tatayo muli si Chase pero natumba siya sa sahig. Kung kailan dapat napakabilis niya, saka naman siya naging lampa. His head was throbbing, while his heart was bleeding.
Nagmamadaling umalis si Cinni bago siya masundan ng binata. Iyon ang huling nakita ni Chase sa kaniya hanggang sa muling makatayo. He rushed outside only to see Cinni hopped in Alper's car and drove off.
"Cinni!" Chase screamed at the top of his lungs.
Napaluhod si Chase habang humahagulgol na parang bata. Walang pakialam kahit sino pa ang makarinig sa kaniyang palahaw. Nabitawan niya ang makinang na singsing na ngayon ay nababasa na ng kaniyang luha.
"Cinni!" muli niyang sigaw.
When Cinni Ester Romero came into his life, he wanted to be the best person for her. Siya ang nagbigay ng kulay at rason upang magpursigi siya sa buhay. It was his life's vow to make her the happiest woman on the planet.
Pero sa araw na plano niyang yayain ng kasal ang dalagang minamahal niya nang lubusan, sa araw ng mga puso at kanilang anibersaryo, iniwan siya nito sa ere at pinagpalit sa lalaking kailan lamang nito nakilala. Tinapon ni Cinni ang matagal nilang relasyon nang ganoon kabilis.
Nadurog ang puso ni Chase nang pinong-pino at hindi nakaligtas ang mga pangarap na binubuo niya na kasama si Cinni.
***
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
#CheatDuology
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro