Epilogue
***
CINNI and Summer's photos and other details about them were gone from Chase's phone. Wala na kahit isang retrato o mensahe mula sa mga dating nobya ang naiwan sa kahit anong social media accounts o kahit sa phone niya.
Chase decided to reset everything to be able to properly start anew.
Nang umalis si Chase, binago niya ang lahat. Bukod sa wala na ang stress sa pag-aasikaso sa hotel bilang supervisor o kahit ang pagtulong sa pagpapaaral kay Clary, mas natikman ni Chase ang kalayaan at oras para sa kaniyang sarili.
Mula pa noong nasa nag-aaral pa lamang siya, ginampanan niya ang tungkulin bilang panganay na anak. Tinulungan niya si Clara para sa kanilang pamilya at pinilit na makapagtapos.
At dahil maagang namulat sa trabaho, naisantabi niya ang pangarap. Wala siyang ubang pinagpilian dahil sapat lamang ang kinikita niya. Kaya noong makakita ng oportunidad na makakuha ng dariling apartment dahil sa gusto ni Cinni na mag-live in siya, ginawa niya.
Now, the place he once called as his safe haven had turned into a rental place - an investment. At ang pagbubukas ni Eleanna ng pinto habulin niya ang sariling pangarap.
Kung hindi niya aksidenteng nakita si Eleanna, baka hinanap siya ng dalaga para mabigay ang pagkakataon na iyon. Nasa plano na ni Elanna mula pa noon na hanapin ang pamilya nila, ngunit dahil madalang ang paggamit nina Clara at Chase sa social media, hindi sila magpanagpo. Samantala, hindi naman kilala ni Eleanna si Clary upang makakonekta rito.
Ngayon, nakapag-aaral na siya at kumikita sa photography - bagay na matagal na gustong-gusto niya mula pa pagkabata.
Malaki talaga ang naging papel ng tadhana sa kaniyang buhay. Dahil sa mga sandaling iyon, napapangiti na lamang siya sa layo na ng kaniyang narating.
Binuksan ni Chase ang pinto ng hotel room at sakto naman na kalalabas lamang ni Eleanna sa silid-tulugan. Para itong bata na walang kaayos-ayos.
"Kadarating mo lang?" tanong ng inaantok na si Eleanna. Magulo pa ang suot nitong pantulog at yakap-yakap ang unan.
Kumuha sila ng family suite dahil lima silang magkakasama roon - si Chase, Eleanna, Santi, Richie at Anaise. Dahil sa dalas nilang pumunta sa iba't ibang lugar, madalas silang magsama-sama sa iisang hotel room at nakasanayan na niya ang mga hitsura ng kasama.
Nakabase sina Richie at Anaise sa Pilipinas ngunit ayon kay Richie, may tinatakasan daw si Anaise kaya pinili nitong magtungo at magtago pansamantala kasama sila. Hindi na binusisi pa ni Chase ang kuwento pero mukhang ang mapapangasawa dapat nito ang iniwan ng babae.
Ang iba naman nilang kasama na nag-aasikaso sa museum ay sa katabing hotel nanunuluyan. Mas nakilala niya ang mga ito nang magsimula na ang biyahe niya kasama si Eleanna.
"Oo, nanggaling ako sa simbahan," aniya.
Napaisip si Eleanna at saka tumango. "Ah, today nga pala 'yon. Ang aga mo talaga. Aalis ka pa ba mamaya?"
Humikab itong muli at kinusot ang mata. Hindi nito inabala na ayusin ang buhok o ang damit. Sa palagay ni Chase ay hindi pa ito naghihilamos katulad ng dati.
"Oo, sabi nina Santi may oras naman daw ako bago ang exhibit. Tatawagan ko rin si Mama para mangumusta. Mukhang may kailangan ding ikuwento si Clary sa 'kin."
Nagtungo si Chase sa kusina at naglagay ng tubig sa takure. Naupo si Eleanna sa stool, hindi kinukubli ang pagkaantok.
"Na may boyfie na siya? Ano ka ba, Chase? Matanda na ang kapatid mo," usal niya.
"Bata pa 'yon. At isa pa . . . late ka na namang natulog 'no? Gusto mo ng kape?"
"Yes, please. Wala akong time mamayang mag-paint. Bakit kasi sunod-sunod pa ang kinuhang schedule nina Santi. Sasantohin ko mga 'to mamaya."
Natawa na lamang si Chase sa pagmamaktol ng dalaga at nagpatuloy sa paghahanda.
"Nas'an na nga ba ang pugita na 'yon?"
"Umalis para bumili ng pagkain natin mamaya. Makikipagkita na rin sa organizers sa museum. Bibili na rin daw ng souvenir si Anaise, sabi kagabi. Mukhang pinauuwi na ng mga magulang niya," ani Chase.
"Lugi si Richie, dapat tinanan na talaga niya si Anaise. Bagay pa naman sila," usal ni Eleanna.
"Hayaan mo na sila, El. Mga bata pa mga 'yon."
"Luh! Grabe ka, Chase! Ipapaalala ko sa 'yo na same age tayo! Kaya kapag sinabi mong mas bata sila, parang sinabi mo na mas matanda tayo!" litanya ni Eleanna.
"Totoo naman, e. Ilang taon kaya tanda natin sa kanila."
"Kadiri ka, buwisit!"
Natawa na lamang si Chase. Sa ilang taon niyang pagsama kay Eleanna, bukod sa naging guro niya ito, naging matalik niya itong kaibigan. Hindi rin naman ito mahirap pakisamahan dahil magkaugali si Clary at Eleanna. Parang kapatid ang turing niya sa dalaga.
"Siya nga pala, may napili ka na bang theme sa exhibit mo?" tanong ni Eleanna.
"Wala pa," kaswal niyang sagot nang kuhanin ang dalawang sachet ng 3-in-1 na kape.
"Shuta ka, Chase! Patapos na ang sponsorship ko sa 'yo! Dapat magawa mo na 'yong sariling exhibit mo. Trip na trip mo yata akong huthutan ng funds kahit na mas malaki 'yong nakuha mo sa last auction!" dagdag pa ni Eleanna.
"Kapag nakita ko na ang muse ko, gagawin ko na."
Nagulat si Chase nang biglang tumayo si Eleanna, tumingala at tinaas ang mga kamay sa ere. Nanatili ang unan sa isa niyang kamay.
"Lord, parang awa niyo na po! Ibigay n'yo na po ang muse na hinahanap at hinihintay ni Dimaguiba! Baka maubos na ang pang-sponsor ko ay hindi pa rin niya ginagawa ang solo exhibit niya! Please, Lord!"
Lalong napahagalpak ng tawa si Chase. "Mukha kang tanga r'yan, El. Pramis."
Nagmulat si Eleanna ng mga mata at akmang ihahagis ang unan kay Chase. Sakto naman na humuni na ang takure kaya hindi naniyon tinuloy ng dalaga.
"Bilisan mo na sa kape ko! Kaya hindi ako makahanap ng jowa kasi hindi ko malustay ang pera ko sa ibang bagay. Bakit kasi naisip ko pa 'tong sponsorship na 'to. Buwisit!" reklamo pa ni Eleanna.
Alam ni Chase na nagbibiro ang dalaga. Hindi totoo na naiinis siya sa sponsorships. Sa katunayan, may mga bagong programa siyang inaalok sa mga nangangarap maging photographer at painter. Naglilikom din sila ng pondo sa iba't ibang lugar kapag nagkakaroon sila ng exhibit.
Isa na rin si Chase sa pinagkakatiwalaan ni Eleanna. At kapag naayos na nila ang mga legal na bagay, mas magiging legal ang EX Studio. Hindi lamang para sa mga exhibit, pero upang gumawa ng komunindad na nais mag-aral ng propesyonal na photography at pagpipinta.
Dahil sa koneksiyon ni Eleanna, ang trabaho mismo ang lalapit sa kanila. It was a win-win situation.
At kahit ilang beses magparinig si Eleanna na gusto na nitong magkaroon ng kasintahan, hindi iyon totoo. May naghihintay kay Eleanna sa Espanya ngunit hindi nila magawang pormal dahil abala pa si Eleanna sa paghabol sa mga pangarap.
At ni minsan, hindi nagkagusto si Chase sa dalaga. She was his sponsor, mentor, and great friend. That was it. Nothing romantic blossomed between them.
Nang matapos ihanda ang kape at mag-almusal, nagpalit na si Chase ng mas komportable na damit. He wore his white T-shirt and black jeans. Maganda at maaraw sa Perth kaya hindi niya palalampasin na hindi kumukuha ng mga larawan.
Naglagay ng sunscreen si Chase sa kaniyang braso habang nakatingin sa salamin. Napatingin siya sa tattoo sa kaniyang braso. Isang hourglass na korteng infinity sign. It was a huge tattoo he got done in Singapore.
Noong una, nakikita niya bilang dumi sa katawan ang tattoo. Pero dahil sa mga tattoo nila ni Cinni, iba na ang pagtingin niya sa mga ito. It was a way to express himself.
Akala niya ang tatloong tattoo na ginawa nila ni Cinni na magkasama ang mapupunta sa katawan niya ngunit ito ang pinakamalaking tattoo na nasa braso niya.
Noong una ay gusto niyang itago ang dalawang tattoo sa kaniyang katawan, ang magkasikop na mga kamay at ang susi sa kaniyang daliri, ngunit pinili niyang hindi iyon itago. He decided to settle with something new and different for himself.
His hourglass and infinity tattoo signified time that Chase thought stopped infinitely, but had actually started falling slowly like the crumbs of sands in the hourglass. It was about the chances and risks he took. Mabagal man ang patak, pero sigurado.
He was rarely coddled up at the hotel. Samantala mas naging abala naman si Eleanna sa pagpipinta magmula nang dumating sila sa Australia.
Unti-unti na niyang naaabot ang pangarap. Dahil sa sponsorship na binigay ni Eleanna, nagkakaroon na siya ng pangalan.
Sa halip na itago ang kaniyang pangalan sa publiko, buong pangalan ang gamit niya - Chase Eric Dimaguiba.
No aliases. No nicknames. Just him.
Alam niyang ikatutuwa ng kaniyang papa ang mga nakakamit niyang tagumpay.
Kung hindi niya tinanggap ang sponsorship, hindi niya maaabot ang pangarap at hindi siya magiging masaya.
Pero may munting puwang pa rin sa kaniyang puso. Hindi naman nawala iyon.
Sa kaniyang paglalakbay sa iba't ibang lugar, lagi siyang nasa likod ng lente at suot ang bag na may logo ng EX Studios upang hindi siya mapagkamalan na stalker.
At sa likod ng kamera, mabilis ang kaniyang mata at kamay upang kumuha ng mga larawan mula sa estranghero, hanggang sa mga gusali, grafitti, halaman, hayop at kung ano-ano pa.
But what he desired most was to find his muse.
Nakalakad siya sa overpass na nakakonekta sa train station at Art Gallery ng Western Australia kung saan gaganapin ang kanilang exhibit. Sa kaniyang paglampas sa istasyon ng tren ay nakarating siya sa ikalawang palapag ng mall.
Kahit na bago pa lamang sila roon, natutuwa siya na hindi siya nahirapan na makabisa ang lugar. Lumapit siya sa railings at dumungaw sa baba. May mga batang naglalaro sa fountain sa baba.
Malakas ang musika sa labas ng Myers sa ground floor at maraming magkakasintahan at pamilya na kumakain sa labas ng mga café.
Napapangiti siya habang naiisip ang araw na iyon - it was Valentine's Day.
Napakaraming nangyari sa araw na iyon at hindi niya malilimutan ang kahit ano. Nakadaan na rin siya ng simbahan kanina upang ipagtirik ng kandila si Charlie.
Wala na rin siyang balita kay Summer. Ang huling narinig niya ay lumipad na ito sa Canada upang magsimulang muli. Narinig niya iyon ilang buwan magmula nang umalis din siya sa M.H. Hotels. At katulad noong araw na maghiwalay sila, hiling niya na maging masaya ang dating nobya.
Kinuha ni Chase ang kamera at kinuhanan ang kung ano-anong mahuli ng kaniyang mga mata. Maging ang mga anino ay hindi nakatakas sa kaniya.
Doon napagpasiyahan ni Chase na bumaba na sa hagdan upang makuhanan ng retrato ang malaking cactus na eskultura.
(Bosx Jo: This place is real. Madalas akong pumunta rito kaya may pa-piksyur😊)
Kakaunti lamang ang tao sa paligid ng eskultura. Sa kaniyang pagkakaalam ay walang pangalan talaga iyon ngunit nabansagan na lamang na cactus dahil sa kulay berde at sa kakaibang hugis.
Muli niyang kinuha ang kamera at inabala ang sarili. Napakarami niyang nagiging paksa at alam niyang mabibingi na naman si Eleanna sa kaniyang magiging kuwento pagbalik sa hotel.
Pero mas malamang na yayayain niya ang dalaga at ang ibang kasamahan nila na mag-street photography. He did his research and already knew of various places around the city of Perth. Hindi man kasing sikat ng Sydney, may ibubuga pa rin.
Sa hindi niya alam na kadahilanan, naisip niya si Cinni. Iniisip niya kung kumusta na kaya ang dating nobya.
Masaya na kaya ito? Nakapag-asawa na kaya? Nakapag-travel na rin ba katulad niya? Narating na rin kaya ni Cinni ang Australia katulad ng naging pangarap nila? Natupad na kaya ang mga hiling niya?
Napangiti si Chase sa sariling mga naiisip. It had been happening frequently the past weeks.
Minsan naiisip niya na baka kaya wala siyang nakitang muse ay dahil si Cinni talaga ang nag-iisang muse niya.
Sa tuwing nape-pressure siya kay Eleanna para sa exhibit, dumadaan si Cinni sa isip niya. It had been so long already and he knew he was happy with how things turned out between them already. Basta masaya at nasa maayos na sila na kalagayan.
Perhaps, nobody could replace Cinni as his muse.
And could anyone blame him for that? May mga tao na nagiging inspirasyon ang mga tao na hindi nila nakuha . . . ang mga tao na hindi nila naging end game. At hindi siya naiiba sa mga iyon.
Binaba ni Chase ang kamera at kinuha ang panyo. Pinunasan niya ang namamawis na noo bago muling kinuha ang kaniyang kamera.
Nang iharap ni Chase ang kamera sa tawiran sa Wellington Street, parang bumagal ang kaniyang kapaligiran.
Bumagal hanggang sa huminto ang oras at nakisabay pa ang kaniyang puso.
Marahan niyang binaba ang kamera at saktong tunog sa pedestrian lane upang tumawid na sila. Ilang beses siyang napalunok.
Sa kabilang kalsada, naroroon ang babae na nakasuot ng maikling overalls. Maikli ang itim na itim nitong buhok. Karga-karga niya ang isang cute na bata na kulay dilaw ang damit at nakahawak sa kaniyang sombrero.
Ilang beses napalunok si Chase kahit parang baradong-barado na. Parang nanikip ang kaniyang dibdib. Hinigpitan niya ang hawak sa kamera sa takot na maipatak iyon kahit na ang mata niya ay nakatitig sa harapan.
Parang humina ang tunog ng lahat ng bagay sa paligid. Nag-slowmo ang lahat kahit na ang kaniyang bawat paghakbang.
Hindi makapaniwala ang binata na naroroon ang babaeng kinabaliwan niya noon. Ang babae na malaki ang naging bahagi ng buhay niya at naging dahilan upang magbago siya.
From being a lost boy, he grew up to be a man.
At gaya noong una niya itong nakasama, ramdam niya ang pagharumentado ng kaniyang puso.
Sa dami ng lugar na magkukrus ang kanilang landas, hindi iyon inaasahan ni Chase. Kasama pa nito ang munting bersyon na napakaganda.
Kung hindi siya nagkakamali ay kaarawan ng batang babae na kasama nito. He would have loved to see her and his Charlie become friends.
But above all else, Chase was staring at his muse, and she was, too.
They were the same pair of eyes that followed, loved, supported, broke, left, and forgave him.
At gusto na lang niyang matawa muli. Mukhang wala talaga siyang takas sa araw ng mga puso. Mukhang may madadagdag muli sa mga espesiyal na kaganapan sa araw na iyon.
At parang isang kaseta, may kumiliti sa kaniyang dibdib at nagulo ang kaniyang sistema nang marinig ang boses nito na binigkas ang kaniyang pangalan.
The same voice that called him years ago in their classroom back in college. The story he thought had ended seemed like it would not have a continuation, but a new beginning.
"Chase."
END.
***
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
W A T T P A D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro