
Chapter 30: Chase
***
"CONGRATULATIONS to the newlyweds! Congratulations, Mr. and Mrs. Flores! Cheers!" masayang usal ng M.C. sa entablado.
"Cheers!" sambit ng mga bisita at tinaas pa ang kani-kanilang mga champagne at wine glass.
Napangiti si Chase habang tuwang-tuwa ang mga panauhin sa kasal nina Crisostomo Flores at Katherine Jesse Smith.
His eyes moved to the stage where his distant cousin and his wife stood tall. Malawak ang ngiti sa mukha ni Crisostomo habang mahigpit ang hawak sa baywang ng kaniyang banyaga na misis.
Kaedad niya si Crisostomo at sa pagkakaalam niya, magkaedad naman sina Katherine at Clary.
Sunod na dumako ang kaniyang paningin sa buong lugar. Magmula pa lamang sa simbahan na napakaganda ng pagkakayos, ang reception ay nakatema rin ng iba't ibang shade ng turquoise.
Malawak ang entablado kung nasaan ang upuan ng mag-asawa. Sa tabi naman nito nakaupo ang nanay ni Crisostomo, at ang mga biological at adoptive parents ni Katherine — dalawang Pilipino na dating magkasintahan at dalawang Australyan na mag-asawa at nakaiintindi ng Filipino.
Nagmukha pa itong mesa ng panel para sa thesis dahil limang indibiduwal ang nakaupo roon.
Nasa katabing mesa nila naman ang napangasawa ng nanay ni Katherine at ang dalawang half-sisters niya. Batay sa kaniyang narinig sa ilang bisita, nagtagal ang pagpaplano sa kasal dahil sa iba't ibang gusto ng mga magulang nila. Hindi lamang isa pero tatlong pares ng mga magulang ang kanilang kinailangang kausapin.
Marami rin na larawan nina Crisostomo at Katherine sa paligid. Mula sa prenup sa isang hacienda na pagmamay-ari ng tatay ni Katherine sa Batangas hanggang sa pagbabakasyon nila sa Australia ay nakapaskil sa venue.
"Kuya!"
Nabigla si Chase nang biglang may umakbay sa kaniya. Pagtingin niya ay si Clary pala na suot-sut ang kulay peach na gown.
"Clary, ano'ng ginagawa mo rito?"
"Magre-retouch sana ako ng makeup. Nasaan si Mama?"
"Ayun o . . . " Tinuro ni Chase ang mesa ng mga kababaihan na may kalayuan sa mesang kinauupuan niya. Kasama rin niya ang ibang mga panauhin na hindi niya kilala kaya tahimik lamang si Chase.
"Mga kamag-anak din ba natin?" tanong ni Clary.
"Hindi ko siguro. Baka sa part ni Papa."
"Ooh . . . hindi naman nga natin kilala lahat. Pero, Kuya, ang ganda ni Ate Kath, 'no?"
Tumango-tango si Chase. "Hindi na masama. Hindi naman siguro pipiliin ni Crisostomo ang basta sino na lang, 'di ba?"
Napangisi si Clary sa sagot ng kapatid. "Sabagay. Parang ikaw lang, Kuya. Ang cute nga nilang dalawa. Sana lahat sinusuwerte sa lovelife, 'no?"
Inakbayan ni Chase si Clary at pinisil ang ilong. Nayamot si Clary at pinalo ang kamay ng kapatid. "Kuya!"
"Saka mo na isipin 'yang lovelife na 'yan. Magpokus ka muna sa pag-aaral, hm?"
Pinaningkitan ni Clary ng tingin ang kapatid at saka pinagkrus ang mga braso. "Alam ko naman, Kuya! Hilig mong magpaulit-ulit. Basta naiinggit ako! Ang ganda kaya ng kasal nila! Sana kapag kinasal ka, Kuya, mas maganda pa."
Naiiling na natawa si Chase. "Puntahan mo na si Mama r'on kung kailangan mong mag-retouch. May sayaw pa yata kayo?"
"Oo, Kuya! Gandahan mo ang pictures at video ko, ha? Papalitan ko ang picture ko sa Facebook!"
"Oo na!"
"Thanks, Kuya!" At nagmamadali na itong umalis at nagtungo sa kinaroroonan ng ina.
Muling naupo si Chase at napatitig muli sa bagong kasal na nagsasayaw na sa gitna ng mga bisita. Tama si Clary, talagang makikita kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
May bahagi sa kaniya na naiinggit sa kamag-anak dahil dalawang proposals na niya ang napaso. Doon niya naiisip na baka hindi nga para sa kaniya ang magkaroon ng nobya at ikasal kahit na maalaga at mapagmahal siya.
Ngayon pa ba na tutulak na siya sa ibang bansa upang tuparin ang kaniyang pangarap?
The only thing left for him to do is tell his family about it.
Desidido man siya na gawin iyon, hindi pa niya nababanggit kina Clara at Clary. Napakaraming nangyari at parang musmos siyang natatakot kung pahihintulutan ba ng magulang o hindi.
Katulad ng sabi ni Eleanna sa kaniya noon, walang kasiguraduhan kung kailan ang balik sa Pilipinas. Pero kung hindi niya gagawin ngayon, mas nasisigurado niya na mas lalaki ang pagsisi niya. At gusto niyang baguhin iyon.
Nais niyang mabago ang naging takbo ng buhay niya.
***
ILANG araw ang nakalipas magmula nang bumalik ang pamilya Dimaguiba mula sa baysanan sa Batangas. Katatapos lang din ni Chase makipagkita kina Santi at Eleanna dahil pinakilala na sa kaniya ang buong EX Studios na makakasama nila sa mga proyekto sa ibang bansa.
Sinabi na rin sa kaniya ni Eleanna na sa Singapore sila magsisimula. May malaking exhibit na nakaplano at kalahati sa kikitain ay mapupunta sa Cancer Research Institute.
Parang bata si Chase na nasasabik sa papalapit na field trip. Iyon nga lang, field trip iyon na hindi alam kung kailan matatapos at makababalik.
Pagbalik ni Chase sa bahay nila, naabutan niyang kumakain ng merienda ang ina at kapatid. Una siyang napansin ni Clary na kakasubo pa lamang ng turon sa bibig.
"Ma, narito na si Kuya!" saad ni Clary at kumaway sa nakatatandang kapatid.
"O, anak, kain ka."
"Sige, Ma . . . " Kinakabahan siyang lumapit kay Clara at tumikhim. "Ma, may kailangan ho akong sabihin."
"Ano 'yon, Chase? May problema ba?" takang tanong ng kaniyang ina.
Muling napalunok si Chase lalo na nang napuno ng pag-aalala ang ekspresyon ng kaniyang pamilya.
"Ma, aalis ako."
Natigilan silang dalawa at sinuri ang mukha ni Chase. Sa halip na makita ang malungkot na mukha ng binata, mas mukhang payapa at kalmado siya.
"Saan ka pupunta, anak? Baka gabihin ka sa biyahe?"
Mahinang napatawa si Chase sa sinabi ng ina. Lumuhod si Chase sa harap ng kaniyang ina at hinawakan ang kulubot na kamay ni Clara.
"Ma, gusto kong gawin ang matagal ko nang pangarap."
"Ano'ng ibig mong sabihin, anak? Saan ka ba pupunta?"
"Gusto kong magbiyahe sa iba't ibang bansa at maging isang photographer, Ma. May natanggap akong sponsorship sa photography. Puwede naman, 'di ba?"
Nagbigay ng isang malambing na ngiti si Clara at hinaplos ang mukha ng anak. "Oo naman, hijo. Kung 'yan ang magpapasaya sa 'yo, sige. Sususportahan kita sa kung ano man ang gusto mo, anak. Ang tagal mo na rin na inuna kami ni Clary, panahon naman para sa sarili mo. Kailangan mo ba ng pera?"
Napangisi si Chase. "Hindi, Ma. Sapat ang ipon ko mula sa pagtatrabaho. Hindi ko rin ibebenta ang apartment para may dagdag kita rin para sa inyo."
"Naiintindihan ko. Gawin mo ang ano ang magpapasaya sa 'yo, anak." Pinatong ni Chase ang kamay sa kamay ng ina na nasa pisngi niya.
"Thank you, Ma."
"Wala 'yon, anak! Halika na't maupo ka rito. Kuwentuhan mo kami ng iyong plano." Nakangiting tumayo si Chase at pinagpagan ang pantalon bago naupo sa tabi ng ina.
"Alam mo, Ma, ang nag-offer sa 'kin ng sponsorship ay kakilala n'yo pala."
Nagtagpo ang kilay ni Clara sa sinabi ng panganay na Dimaguiba. "Ha? Sino naman 'yan, anak?"
"Ma, 'yong anak ni Tita Elaine Dimatulac, si Eleanna."
"Elaine Dimatulac?" Namilog ang mga mata ni Clara sa pagkamangha. "Totoo ba? Naku, napakatagal ko na hindi nakikita ang mag-ina na 'yan! Kumusta naman sila?"
"Ayos lang naman ho. Alam mo, Ma, natuwa pa nga ako kasi naitago niya 'yong picture nila ni Papa. Tapos sabi niya, meron daw kaming picture n'ong Mama niya na magkasama?"
"Aba, siyempre! Ako ang kumuha n'on!" pagmamalaki ni Clara. "Minsan lang ako payagan ng Papa mo na hawakan ang kamera niya dahil baka masira ko raw. Kung nagkataon nga na matagal silang lumipat, baka si Elaine pa ang kinuha kong ninang sa binyag ni Clary," kuwento ni Clara.
"Ang taray ng mga apelyido kaya yata naging friends sila ni Papa! Dimaguiba tapos Dimatulac . . . parang pang-gangster lang. Walang makapagpapatumba," pagbibiro ni Clary.
"'Yang kalokohan mo talaga, Clary," anas ni Chase.
"Ang cool kasi, Kuya!" Clary exclaimed.
"Nasaan na pala ang picture, Ma?" tanong ni Chase sa ina.
"Naku, hindi ko na sigurado, anak. Baka napahalo na sa gamit ng Papa mo sa bodega o baka nakahalo sa lumang mga photo album. Ang tagal na rin n'on, e. Kung hindi mo nabanggit, hindi ko maaalala."
"Mayaman ba 'yon, Ma?" sabat ni Clary sabay kagat sa turon. Namulos pa ang balat sa mesa kaya kaniyang pinagpagan.
"Aba, oo! Baka nga kung nabubuhay ang Papa n'yo, baka subukan niyang ireto si Chase at Eleanna. Malapit talaga sila, e!"
"Ay, wow! May pa-arranged marriage pala kung nagkataon si Kuya! Puwede na pang-teleserye!" bulalas ni Clary. "'Di ba, Kuya? Tapos imagine, ikaw ang pag-aagawan nila. Then, ako 'yong evil but vvery pretty sister mo na pahihirapan 'yong girl na lalandi sa 'yo. Ay bet!"
"Ewan ko sa 'yo, Clary," naiiling niyang hayag.
"Pero, Kuya!"
"O?"
"Kasama mo ba si Ate Summer?" tanong ni Clary matapos uminom ng juice.
Natigilan si Chase. Mag-iisang linggo na siyang nakabalik sa puder ng pamilya ngunit hindi pa rin niya nababanggit ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Summer.
Pinili nina Clara at Clary na hindi magtanong kung hindi pa komportable si Chase. Pinagsabihan lamang niya ang mag-in — lalo na si Clary — na huwag kokomprotntahin si Summer.
Knowing what Clary called Cinni before, Chase did not want to risk his sister calling Summer names. Hindi tama iyon lalo na dahil hindi rin naman alam ni Clary ang buong kuwento kung bakit nangyari sa ganoong paraan ang nga nangyari.
Basta naroroon lamang sila lagi kung kailangan at handa na si Chase magbahagi sa kanila.
Umiling si Chase. "Hindi. Ano kasi . . . W-wala na kami ni Summer," pag-amin niya.
"O? Bakit, Kuya?"
Ngumiti si Chase at nahihiyang umamin, "Kailangan namin pareho na mag-grow. She deserves to be happy . . . and it's not with me."
"Wow, English! Magpapa-cheeseburger si Kuya!"
"Ang takaw mo! Kaya ka nananaba!" pagbibiro ni Chase sa kapatid.
"Luh! Mama, si Kuya, o! Mataba raw ako. Nakakainis!" Akmang ibabato ni Clary ang kinagatan niyang turon ngunit ginulo na lamang ni Chase ang kaniyang buhok. Lalong nainis si Clary sa kaniya.
"Kuya, kakalbuhin kita!"
"Chase."
Napahinto si Chase sa pang-aasar nang tawagin siya ng ina. Pinatong ni Clara ang kamay sa likod ng anak at hinaplos ito.
"Pareho n'yong deserve ni Summer na maging masaya."
"Oo, Ma. Salamat." Malambing ang kaniyang naging ngiti sa ina at kapatid.
"Mag-soul searching pala si Kuya. 'Yon talaga ang purpose nitong pa-sponsorship na peg niya, Ma. Sure na 'ko!"
"Mukha nga." Clara chuckled.
"Ma, naman!" Napailing si Chase. Pinagkakaisahan na siya ng ina at kapatid. "Ikaw, Clary, mag-aayos ka. Baka mamaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo."
"Hay naku, Kuya! Hindi ako si Clary kung hindi ako madaldal! Anak kaya ako ni Mama!" pagmamayabang pa niya.
"Sus, dinamay mo pa 'ko, anak!"
"Gan'on talaga, Ma! Hindi lang kasi ganda ang namana ko sa 'yo!" sambit ni Clary. "Pero, Kuya."
"O?"
"Kuya, sasama ako sa sunod, ha? Or libre mo na 'ko ng ticket para sa isang bakasyon? Please?"
Hinawakan pa ni Clary ang kaniyang braso. She was giving her older brother the puppy-eyed look. Lumapit si Chase at pinisil ang magkabilang pisngi ni Clary kaya napasigaw ito sa hapdi.
"Kuya!"
"Oo naman, bunso. Kapag gr-um-aduate ka na, 'yon na ang ibibigay ko sa 'yo."
"Puwedeng sa Korea, Kuya?"
"Basta makapagtapos ka, sige."
"Yehey!" Tumayo si Clary at lumapit sa kapatid at niyakap mula sa likod. "Thank you, Kuya!"
"Basta ayusin mo ang pag-aaral mo, hm? Kailang maka-graduate!"
"Oo, Kuya! Promise!"
"Huwag muna magbo-boyfriend!"
Nanlaki ang mukha ni Clary at kinurot ang tagiliran ng nakatatandang kapatid. "Kuya! Kainis ka!"
Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid at nilakipan ng halik ang tagiliran ng ulo. Masaya siya at nakahinga nang maluwag sa nangyari nitong nakaraan.
Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at nilabas na ang maleta. Kailangan na niyang magplano sa mga gamit na dadalhin. Parang bata talaga siya na dadalo sa isang field trip at dapat masigurado niyang wala siyang makalilimutan.
Nag-message na rin siya kay Eleanna na kailangan nilang magplano kung kailan makapapasyal sa bahay nila. Maybe he could try and locate the photo Clara took when he was a kid — the photo with Eleanna's mother. Baka sakali na may maalala pa siya mula sa pagkabata kahit 'di sila gaano nagkakasalamuha ni Eleanna. There was still a story to unravel from their childhood he wished to learn.
Pagtingin niya sa salamin, hindi niya mapigilan na mapangiti. He doesn't look stressed and dried out anymore. There were no dark circles around his eyes anymore. He looked better than the Chase of yesterday.
At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Chase ang totoong kalayaan. He felt free that he could finally spread his wings and put himself first before anyone else.
It was time to go, and he had no regrets whatsoever.
Chase was on his way to self-redemption and self-love. Chase was going to chase his own dreams and happiness.
Finally.
***
P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0
W A T T P A D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro