Chapter 9
Chapter 9
Illegitimate Child
At mukhang narinig pa yata ni Castiel na nag-usap kami ni Neil dahil nasa tabi ko lang din siya. Even when he's busy talking with my other friends ay nakuha pa rin niyang makinig sa usapan namin ni Neil.
Nang makauwi na kami sa bahay ay tinanong niya ako. Hindi rin kami talagang nag-stay ng late sa bar na pinagkitaan at saktong kumain lang din ng dinner, and had some alcoholic beverages but we decided to go home after catching up for a while dahil ang iba sa amin ay may mga trabaho pa rin naman talaga kinabukasan. Iba na talaga when you're adults and working.
"Does your friend Neil had feelings for you back then?" He asked me.
At ewan ko rin ba kay Neil kanina na mukhang naglasing pa at kung ano tuloy ang lumabas sa bibig niya nang makainon na, at nasabi pa niya ang tungkol sa pagkakagusto niya sa akin dati, and even in front of Castiel.
Nagulat tuloy pati ang iba pa naming mga kaibigan sa sinabi niya tungkol sa amin.
I'm sure Anna would also ask me again about it tomorrow at work if I won't be able to reply to her messages tonight.
Umiling naman ako kay Castiel. "I'm sorry about it. Neil doesn't mean anything. And he was just drunk." I tried to calmly answer him.
Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. "How...about...you?" Unti-unti naman niya akong tinanong nito.
My lips parted a bit. "What do you mean?"
He sighed. "Did you like him back then, too?"
Umawang pa lalo ang mga labi ko sa tanong niya.
"Or do you still have feelings for him now..." He added another question for me.
At nang makabawi ako ay umiling lang din muli ako sa kaniya. And I realized na ngayon ko lang din ito masasagot sa sarili ko. I didn't have answer for Neil back then, because hindi ko naman talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
Back then I did not know about my own feelings yet. I was only so focused with inheriting my father's position. Kaya nga puro sa pag-aaral lang din ang focus ko noon at halos hindi rin ako makalabas kasama sila ni Neil noon at ang mga kaibigan namin dahil mas pipiliin ko pang mag-study na lang sa bahay.
I didn't have time for other things before. Kaya naman hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko nang umamin sa akin si Neil noon.
Tiningnan ko naman ngayon si Castiel sa harapan ko. He was still standing in front of me and waiting for my answer.
Until he sighed. "I'm sorry. It's getting late. Let's rest for tonight. And... you don't really have to answer my question." He said it as if regretfully.
Tumango naman ako sa kaniya at tinalikuran na rin namin ang isa't isa pagkatapos para magtungo sa bathrooms at makapaghanda na para sa pagtulog...
And the next day we were called at the office early in the morning. Nagkaroon ng kaguluhan sa company when Hazel Villarama started confronting Daddy after she learned about their investigation. At nang malaman din ito ni Madam Villarama ay agad din siyang lumuwas pa-Manila.
"Please go directly to the CEO's office, Ma'am, Sir." Sinalubong kami ng secretary ni Daddy nang dumating kami ni Castiel sa office.
Nandito din ngayon si Hazel Villarama at si Madam Villarama sa opisina ni Daddy. We hurried to my father's office.
At ito na nga ang naabutan namin ni Castiel doon nang dumating kami...
"Mama, totoo ba? Na pinapaimbestigahan ninyo ako tungkol sa pagkawala nina kuya?"
"Hazel—" The Madam tried to stop her daughter.
"No! How could you? He's my brother! And his wife was my best friend. How could you think cruelly that I will do something so evil to both of them?"
"Lower your voice, Hazel. You cannot blame me. Maaring malaki rin ang interes mo sa negosyong naiwan ng ama mo. At hindi ka pa rin marunong lumugar. Hindi mo matanggap na hindi para sa 'yo ang kompanya dahil anak ka lang sa labas." Madam Villarama said this loud and clear.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Nang bumaling din ako kay Castiel ay nakita kong nanlalaki rin ang mga mata niya. He obviously didn't have an idea about this, too. Inabot ko na lang ang kamay niya at hinawakan. Napatingin siya sa akin sa ginawa ko at tinanguan ko naman siya. I tried to reassure him before we completely entered my father's office.
Naabutan kong laglag ang panga ni Hazel habang nakatingin sa supposed na ina niya. But then now we learned that she's actually an illegitimate child...
Probably anak siya sa labas at ibang babae ng pumanaw na si Senior Villarama. Kaya rin siguro madali para kay Madam Villarama ang pagdudahan siya at ang motibo niya sa kompanya...
Napabaling din sa amin ni Castiel si Hazel Villarama nang makita niya kaming dimating noon. Before she strongly faced her mother again. "Anong motibo, Mama? Wala akong hangad na kung ano sa kompanya kundi ang mapabuti ito dahil alam kong mapupunta rin ito kay Castiel, sa pamangkin ko—"
Umiling naman si Madam. "You're an illegitimate child, Hazel. You should know your place!"
"I know that, Mama! I know that very well. Wala namang araw noon pa man na hindi mo iyan pinapaalala sa akin. But my concern for my brother and his wife, and their children is genuine. Stop making me look bad just because of your personal issues!"
Isang sampal galing kay Madam Villarama ang dumapo sa pisngi ni Hazel Villarama. Napahawak naman si Hazel sa pisngi niya pagkatapos.
Naramdaman kong lalapit na sa kanila si Castiel para pumigil kaya naman humigpit ang hawak ko sa kamay niya and made him stay beside me.
"Alam namin ni Harold na kinakausap mo na ang mga miyembro ng board para pumanig sa iyo at hindi nila tatanggapin ang apo ko bilang bagong chairman! That's how dirty you play your game of betrayal, Hazel!"
Umawang muli ang labi ni Hazel at umiling siya. "I don't know what you're talking about, Mama..."
"Stop calling me that! You are not my daughter! At sampid ka lang sa pamilyang ito! Give my grandson back what's rightfully his!"
At sa huli ay unti-unting tumango si Hazel Villarama. She looked at her father's wife. "I will." Pagkatapos ay bumaling siya sa amin ni Castiel na nandoon pa malapit sa pintuan. "I will have a meeting with the board immediately, and we will have Castiel as the new chairman." She said.
And after that she left my father's office...
Nang maiwan naman kaming apat lang doon ni Daddy, si Madam, ako at si Castiel ay huminga si Madam Villarama nang makaalis na si Hazel Villarama roon...
"If it's not her, it must really be her husband, Tony Corpuz." Dad said.
Bumaling ako kay Daddy. "What do you mean, Dad?"
Tumingin din sa akin si Daddy. "We also found new leads, and it all pointed to Tony Corpuz, Hazel's husband."
My eyes widened a fraction.
"Ang mga sampid na iyan! Ang kakapal din naman talaga ng mga pagmumukha nila na mangialam sa kompanya na nararapat lang para sa anak ko at mga apo ko."
Bumaling din ako kay madam sa sinabi niya.
After talking for a bit more we were dismissed. And now we're inside the car and Castiel was quiet.
"Are you okay?" I asked him.
Hindi rin madali ang pinagdadaanan niya ngayon. Ang gulo sa pamilya nila.
Bumaling siya sa akin at umiling. "I'm fine..." And then he sighed. "But I'm just thinking if... I'm really fit for the company of my grandfather..."
Umiling naman ako sa kaniya. Pero may dinugtong pa siya.
"To be honest, I'm not yet sure if I'm ready to lead the Villarama group..." He said.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Don't worry too much. I am here with you. And I'll be with you through it all, Castiel." I told him confidently.
Nagkatinginan kami. Pagkatapos ay unti-unti na siyang tumango sa akin.
After all, this is my purpose why I married him...
(Read more updated chapters of The CEO's Wife in Patreon and the Facebook VIP Group! Message now to join! Thanks!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro