Chapter 2
Chapter 2
Engagement
Hindi pa agad kami nagkaroon ng formal engagement ni Castiel. At saka pa lang nangyari ang aming engagement party kasabay na rin ng kaniyang 19th birthday.
"Mommy!" I immediately went to my mom and I hugged her. I miss my parents!
"Daddy!" Pagkatapos ay si Daddy naman ang niyakap ko.
"We miss you, hija." Daddy said.
Ngumiti ako sa mga magulang ko.
"Good evening, po." Nakasunod naman sa tabi ko si Castiel at bumati rin sa mga magulang ko. He greeted my parents politely.
"Happy birthday, hijo." Nakangiting bumati sa kaniya si Mommy.
Pagkatapos ay binigay na rin nila ni Daddy ang gift nila para kay Castiel. And I saw that Castiel happily received it.
And just shortly after my parents arrived ay nagpatuloy na rin akong inayusan para sa party mamaya.
Ngayon lang din kasi dumating sina Mommy sa mismong araw na ng engagement party namin at birthday ni Castiel dahil busy rin si Daddy sa work niya.
At nang pareho na kaming handa ni Castiel ay lumabas na rin kami para harapin ang mga bisita. I think people already know that this was just a business marriage. However, we want to show it to them that we have a good relationship after all.
Inimbita rin ni Castiel ang mga kaklase niya since it's also his birthday.
"We're all gathered here tonight to celebrate the birthday of my grandson, Castiel Villarama, and his engagement with Karla Hasmine Montes. The daughter and heiress of the Montes Real Estate, the largest real estate company in the country." Madam Villarama announced it.
Kung dati ay maliit lang din ang sinimulan na real estate business ng mga Villarama, pero nang napunta ito kay Daddy ay pinalago pa niya ito. Now it's the biggest in the country and also known as one of the huge real estate companies in Asia. At kilala na rin sa iba pang panig ng mundo. Ganoon kalaki ang nagawa ni Daddy kaya naman from Villarama Real Estate ay naging Montes Real Estate na ito ngayon. Bilang si Daddy na rin ang may hawak ng pinakamalaking share sa kompanya.
Kaya sobrang proud din ako kay Daddy. He's an amazing man. Tapos sobrang bait pa niya sa amin ni Mommy. He's the best for me and my mom. And I know to his employees and business associates as well. Because he's a good leader.
Sa mansyon lang din ginanap ang party. At talagang importanteng mga tao lang ang inimbita na mga kakilala rin ni Daddy sa business. Except lang din siguro ang mga kaklase ni Castiel.
"Castiel!"
We heard someone calling him. Lumingon kami sa tumawag at nakita ang mukhang mga classmates na nga ni Castiel. Tumango ako kay Castiel at nagpasya na lumapit na muna kami sa kanila dahil tapos na rin naman naming harapin ang ibang mga guests. At sina Daddy at Madam na lang muna ang kumakausap din sa kanila kasama si Mommy.
"Castiel..." Isang babaeng kaklase ito ni Castiel nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila.
Medyo marami rin pala sila. I think Castiel is also friendly. Mukhang marami nga siyang mga kaibigan.
"Pakilala mo naman kami sa fiancée mo." Ngumiti sa akin iyong isang lalaking classmate ni Castiel.
Nakita kong nagtanguan naman ang iba pa niyang mga kaklase sa sinabi ng classmate nila.
And then Castiel proceeded to introducing me to them.
"Guys, this is my beautiful fiancée, Karla Hasmine Montes...and soon to be Karla Hasmine Villarama." He said like he's acting cool though he just looked like a fool...
Kunot ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya. At narinig pa naming naghiyawan naman ang mga kaklase niya pero natahimik din agad nang may sumaway sa kanila. This is still a formal party after all. At sila lang ang mga kabataan na nandito. Most of the guests here were adults and business partners to the Villaramas.
"Nice to meet you..." I smiled to them.
Pagkatapos ay tinawag ako ni Mommy kaya nag-excuse muna ako sa kanila to go to my mom. May isang amiga rin pala si Mommy roon sa party na mukhang nakilala niya lang din dati sa mga business conference na in-attend nila ni Daddy. At tagarito rin pala ito sa Cebu. At gusto akong ipakilala ni Mommy.
"Here she is. This is my daughter, Karla Hasmine Montes."
"Hello, hija. You're so beautiful! Nagmana ka sa Mommy mo."
And Mommy just laughed a bit. She's obviously flattered by the little compliment. Tumingin lang ako sa kaniya bahagya.
"Kung hindi ka lang engage sa apo ng mga Villarama, hija. Pwede rin sana kitang ipakilala at ireto sa anak ko. You're just of the same age, hija. Kaka-graduate lang din ng anak ko sa De La Salle..." Ngumiti ito sa akin.
Ngumiti na lang din ako.
Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako sa kanila ni Mommy nang busy na rin naman silang dalawa muli na mag-usap. I was about to go back and look for Castiel or Haniel, because I haven't checked on him yet. Simula pa kanina. I have to see kung okay lang din ba siya. Baka na bored na 'yon sa party.
But instead of finding Haniel, nakita ko si Castiel na may kausap na babae. It's the same girl from earlier that was introduced to me too from his group of classmates.
"I know that you're only doing this for the sake of your family's business, Castiel." I heard her say.
"Erica..." Castiel called her name...
Nakita kong humawak din siya sa braso ni Castiel. "My feelings for you haven't changed..." she said.
Umatras ako, and didn't listen further. It's not good to eavesdrop...
Tinalikuran ko sila at nakita ko na rin si Haniel na kasama si Daddy. Lumapit ako sa kanila at inasikaso ko na muna si Haniel.
At nang matapos ang party ay nagpasya akong kunin na ang regalo ko rin para kay Castiel for his birthday. Kanina habang abala pa kami sa party naisip ko na personal ko 'tong ibibigay sa kaniya. Pero iniwan ko na lang din sa kwarto niya ang regalo. May note naman doon at makikita niya na galing sa akin.
Pagkatapos ay nagpaalam na rin sina Daddy na babalik na ng Manila that same night. They just arrived not long ago. Ganito ka busy si Daddy for managing such a huge company.
"Talaga po bang aalis na kayo ngayon, Dad? Hindi po ba pwede na bukas na lang, Mommy?"
"I'm sorry, hija. Kung wala lang urgent matter sa company, ay sa susunod na araw pa naman talaga dapat ang balik namin ng Mommy mo." Dad said.
"We'll just visit you again, Hasmine." Niyakap ako ni Mommy.
At yumakap na lang din ako sa kaniya. Kailan naman kaya ang sunod na balik nila rito? Sa kasal ko na ba? I sighed. Wala na rin akong magagawa. Alam naman namin kung gaano ka busy ang trabaho ng pagiging isang CEO.
"Ingat po kayo Mommy, Daddy." In the end I can only bid them farewell.
"Ikaw rin, hija. Magpakabait ka lang dito."
Tumango ako kay Mommy at hinawakan pa ang kamay niya na nasa pisngi ko pa. Before she and daddy went in the car and left.
Paglingon ko ay nakita ko naman si Castiel na nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam na sa kanila nina Madam at Haniel na aakyat na ako sa kwarto ko at magpapahinga na.
Tinanguan naman ako agad ni Madam at mukhang naawa rin siya sa akin na siguro dahil kailangan kong malayo sa tabi ng parents ko na kinalakihan ko, just to be here with them...
Bahagya ko na lang din silang nginitian at tumuloy na ako pabalik sa kwarto ko.
Until just after some time that I was inside my room I heard a knock on my door. I let him in and it was Castiel. At dala niya ang regalo ko para sa kaniya.
"Is this your birthday gift for me?"
Tumango naman ako sa kaniya. "Uh, yeah... Happy birthday." Binati ko na lang din siya at tipid na nginitian.
He sighed in front of me. Pagkatapos ay umupo pa siya sa kama ko.
"What are you doing? Matutulog na ako. Bumalik ka na sa kwarto mo." I told him.
Umiling naman siya. "Why can't you give this to me personally and greet me a happy birthday? Bakit iniwan mo lang 'tong gift mo sa room ko?"
Bumukas lang ang bibig ko pero wala rin akong nasabi sa kaniya.
At mukhang naghintay pa siya sa sasabihin ko. Pero nang makita niyang mukhang wala na akong sagot sa kaniya ay tumayo naman siya at mukhang handa nang umalis. "Okay. Thank you for this. I'll just open it in my room and see what you prepared here for me." Bahagya na siyang ngumiti nang inangat ang naka-wrapped ko pa na regalo para sa kaniya. It's just a simple pair of shoes, anyway. Because I learned that he played basketball. "I'll let you rest now. Good night, Hasmine..." He said.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang tumango. "Good night..." sabi ko lang.
Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa pinto. Sinarado ko naman ang pinto ko nang makalabas na siya. And I let out some sigh...
[Hi, readers! You can read more chapters of my ongoing stories in Patreon and Facebook VIP Group. Kindly message me on my Facebook account Rej Martinez to join VIP Group. Thank you very much for your love and support to Rej Martinez's stories! Happy reading!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro