Chapter 33
She was me
——————————————————————
Masayang nagsama-sama lang kami ng mga bandila sa ibaba ng malaking acasia sa rancho. May dala silang mga pagkain at inumin. Drinking wasn't allowed inside the ranch, lalo pa na mayroong ibang turista. But when I heard that Grandpa lets them ay napatango nalang ako.
It wasn't surprising, though. Malinaw ko kasing nasasaksihan kung gaano sila kalapit kay Grandpa. Akala ko pa noon si Ysmael lang but I was wrong because almost everyone from their group is close to Grandpa. Nagtaka tuloy ako kung paanong ang lapit nila sa isa't-isa.
"Baka may matutulog na naman bigla, ha?" paririnig ni Indiana kay Pacholo na nananahimik lamang sa tabi.
Nakita kong sinamaan niya lang ito ng tingin at tinaasan ng gitnang daliri. Indiana and the others laughed. Ganoon rin ako kahit hindi ko maiwasan ang magduda sa pagkatahimik ng pinsan ko ngayon.
Is he perhaps traumatized from what Ysa did? Kasalanan niya rin naman 'yon, eh, kaya dapat lang.
"Oh, Cholo, himala at wala kang dalang baso ngayon." bungad ni Grandpa nang makarating.
Nagsibuhakhakan ang lahat na pumalibot bago mas lumakas nang itinaas ni Pacholo ang isang bote ng beer at tumungga pa. "Tingin niyo sa'kin, weak? Sapakan ko kayo nito, eh."
Grandpa smacked his head when said that. Hindi rin niya nagawang mainis dun dahil si Grandpa ay may gawa, kung ibang tao 'yon, panigurado akong hindi niya palalampasin.
"Dinala ko nga pala si Belle kasi kakagaling lang namin sa mini forest, bumili ng mga fertilizers." anito kaya napalingon ako sa likuran nito para makita ang taong nagngangalang Belle.
Mabilis naman kaming napasinghap at tumingin kay Pacholo na walang pakealam na umiinom. His back was on Ysa that's why he didn't see her.
"Belle." he mocked, "Belly button. Anabelle. Barbel. Belle log na bola. Betlog." natawa siya doon, "Rum-belle. Dumbelle. Belle-lat." at nakaalpas ang isang malakas natawa mula sa piangsasabi.
Nang dumaan si Ysa sa gilid niya ay doon lang niya ito napansin. Bahagya siyang napangiwi at tinaasan ito ng kilay, "Ganda ka?"
Ysa's expression didn't even change a bit and remained her glares at Pacholo. "Oo."
Impit na nagtatawanan ang mga bandila habang si Pacholo naman ay napatakip ng bibig at diring sinisiplatan si Ysa. "Feeling kasi nahalikan."
Doon naghugis ang kunot sa noo ng babae. Her stares at Pacholo were deadly na tila ba'y nagpipigil lang siyang sapakin na naman ito dahil nandiyan si Grandpa.
"Namula, oh! As if pang hindi nagustuhan, kinilig naman." at bumuhakhak.
Sinabayan siya ng mga bandila at nakita kong napailing nalang si Grandpa at walang pakialam na nakipag-usap kina Jigo.
"Tanginang mukha 'yan. Lahing kabayo." mura ni Ysa kaya napatigil si Pacholo.
I knew that it hit his ego. Ayaw niya sa terminong iyon lalo na kapag pinagkaisa ito sa pangalan niya. Kaya bago pa man siya makapagsalita ay malakas na hinampas siya ni Loki sa likuran at tumabi. Tahimik na nagtiim bagang nalang si Pacholo habang masamang tiningnan si Ysa na ngayo'y nakipag-usap na kay Kaito, ang Hapon na bandila.
I could only shake my head and puff out a laugh. Pag-angat ko ng tingin ay saka ko naman nasilayan si Ysmael. Marahan niyang tinapik ang ulo ko bago ako tinabihan.
"Mukhang ayaw nila sa isa't isa." komento niya kina Ysa.
I giggled, "Obvious ba?"
He only sniffled and laughed with me. "Magbestfriends 'yan."
Ilang oras ang lumipas at mas lumakas ang ingayan sa rancho. We were settled far from the wide ground kaya hindi ganoon kalakas ang boses namin sa gawi ng iilang mga turista.
Like the other day, sumisimsim pa rin ng alak si Ysmael habang kumakain ng nilutong chips at sinawsaw pa sa malagkit na ube. Napangiwi nalang ako doon.
"Are you still in your mind?"
Taas mga kilay na tiningnan niya ako habang nahinto sa ere ang kinakain. "Bakit?" aniya at kinagat.
"Masarap?"
Inangat niya ito, "This one? O ako?"
Umingos lamang ako, "That one. Ba't ka kumakain niyan?"
"Kasi masarap." he shrugged kaya mas nalukot ang mukha ko.
Sa pagkakaalam ko ay si Rich yung naglilihi, pero mukhang pati si Ysmael rin.
"Bobo! The economy's downfall is not just attributable to Filipino citizens! Government officials are also at fault! If they weren't so self-centered and deceptive, then the succession of our country will constantly rise!" duro ni Ysa sa mukha ni Pacholo na ngayo'y kaharap niya na.
Umingos ng malakas si Pacholo at tinampal ang kamay nito, "It is, nevertheless, the obligation of every Filipino citizen to educate themselves! They must not be complacent about the state of the country! They should not depend on what the officials say! Kailangan may desisyon at alam rin sila sa mga nangyayare, kasi kung wala patuloy lang na babagsak ang bansang ito!" tumalsik pa ang laway nito sa mukha ni Ysa kaya panay hagikhikan ng mga bandila sa kanila.
Marahas na hinablot ni Ysa ang suot ni Pacholo at ginawang pampunas sa mukha. Napangiwi ito at babawiin na sana pero mukhang nagbago ang isip at pinabayaan nalang ang dalaga.
It was apparent in their faces how drunk they were. Bukod sa pamumula ay malinaw rin ang pasuray-suray ni Ysa, kaya kahit na lasing rin si Pacholo ay irita niya lang itong hinihila sa suot upang tumayo ng maayos.
"But there are hindrances! Alam mo 'yon! Poverty! Kaya huwag mong sisihin ang mga tao dahil wala kang alam sa buhay nila!"
"Wala naman akong sinisisi, ah? Opinyon ko lang 'yon!" atsaka sinundot ang sentido ni Ysa.
Umungol ang dalaga sa ginawa nito at galit na tinulak si Pacholo paupo. "Ba't ka nananakit?! Sinaktan ba kita?!"
"Ikaw nga 'tong panay turo sa'kin! Ang sakit na ng dibdib ko! Ang sabihin mo ay gusto mo lang makapasok sa puso ko kaya idinadaan mo sa tanginang problema ng bansa!" salubong na ang mga kilay nito. Napuno ng buhakhakan ang paligid sa sinabi nito, pati sila Grandpa ay natawa na rin.
"Hindi ko gusto ang mukhang kabayo!" singhal ni Ysa.
Tumirada naman ng buhakhak si Pacholo, "Pero sinasakyan mo yung kabayo."
That was the time that the others have to set them apart. Mukhang wala kasing balak magpatalo. It was actually surprising that Ysa, being so cold, could act like that. Siguro dala na rin sa alak at galit kay Pacholo.
Naramdaman ko bigla ang mainit na hininga ni Ysmael sa tenga ko kaya napalingon ako dito. May bahid na tukso ang ngiti nito na tinitigan ako.
"Do you want to escape?" mahina niyang tanong.
"Why? Gusto mo na bang magpahinga? I can usher you to the office." tumango siya kaya nagpaalam ako sa kanila.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang makahulugang tingin ng mga bandila kaya napatirik nalang ako ng mga mata. Tinawag pa kami ni Pacholo pero nang lumingon ako ay kita kong naghihilaan na sila ng buhok ni Ysa.
Mabilis kong inayos ang higaan sa opisina atsaka pinasahan ng tuwalya si Ysmael. He immediately went into the comfort room and later on went out yawning. Napahagikhik naman ako doon.
"Sleepy?" tumango siya atsaka ako ginapos sa mga braso.
Napatili ako noong dinala niya ako sa pagkakahiga at mabilis ni itinanday ang isang paa sa bewang ko. I immediately inhaled deeply and pushed him a little when I felt my chest suffocated.
He noticed it and instantly shoot up. "Okay ka lang? Masakit ba dibdib mo?" pag-aalala niya kaya umiling ako at ngumiti.
"No, I'm fine. Hindi lang talaga ako sanay sa masisikip."
Tumango siya atsaka inaya ang ulo ko sa dibdib at sabay kaming bumalik sa pagkakahiga. This time, he let me hug him. Marahan niya lang hinahimas ang likuran ko habang pareho kaming nakatitig sa kisame.
"Apple..." bulong niya.
I brought my stare to his face, "Hmm?"
Nakaharap ito sa bubong at bahagyang nakakunot ang noo, "Gusto mo ba akong sakyan?"
Malakas ko siyang napalo sa dibdib nang tanungin iyon. Panay tawa naman siya at hinila ako pabalik sa pagkakahiga, "Ibig kasing sabihin nun ay kung ano nasa isip mo. Ito naman kung ano ano nalang iniisip."
Iningusan ko lang ang pagkakahalay niya, "I'm thinking nothing. You?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Ikaw naman lagi nasa isip ko—aray!"
"May langgam kasi lumalabas sa bibig mo." sarkastiko kong sambit na ikinatawa niya.
Mas inilapit niya ako sa dibdib niya at hinalikan sa noo, "Are you feeling comfortable with me?"
Kumunot ang noo ko, "Of course."
"Mabuti naman dahil akala ko ako lang." he rested his chin on my head while I hugged his back, "Sa tuwing kasama kita, kahit sa trabaho man, tingin ko kasi nakakapagpahinga ako. Isang sulyap ko lang sa'yo, bumabalik agad ang lakas ko. Ang sarap lang sa pakiramdam, eh. Hindi ko 'to kailanman naramdaman noon."
Biglang sumilip ang mga luha ko nang sabihin niya iyon. "Really...?"
Tumango siya, "You already know I was in love with Olivia. I did love her but not the type of love that I could see my future with her. Hindi naman sa girlfriend lang ang gusto ko noon. Pero masyado pa kaming bata, limitado pa mag-isip. Kaya 'yong nasa isipan ko ay kasiyahan at mga pangarap lang."
Imbes na magselos ay napaawang labi nalang ako sa kaniya. Ysmael knows what living really is. Umaakto siya sa hanggang kaya niya lang.
"Noong mga panahong 'yon, isa lang rin 'yong gusto ko kaya nag-girlfriend ako." he confessed.
"What is it?"
Napalabi siya bago huminga ng malalim, "I didn't want to be left alone. I was not independent to everything, kaya nangangailangan rin ako ng kasama sa paglakbay."
Tumango ako, "And that's when Olivia came?" he nodded so I continued, "Then, what happened when she...left?" may pag-aalanganing tanong ko.
He only smiled, "That's when I learned that sometimes, we need to fight our own battles alone."
Mabilis akong napaatras sa pagkakahiga sa sinabi niya. He was taken aback when I did that at marahan akong inilapit ulit sa kaniya. Napalunok at pekeng natawa nalang ako. "Nothing, it's just...It's the same reason why I went back home."
His eyes suddenly glistened, uncertain what to say so he decided to kiss my lips, "That's...great." komento niya. "But did you achieve it?" paninigurado niya.
I bitterly smiled, "No...Not really." yuko ko.
His hand pulled my face gently, "How come?"
Mahina kong sinuntok ang dibdib niya at natawa, "Hindi mo ako pinapayagan, eh." he also laughed but with a hint of confusion.
"Paanong hindi?"
I shrugged, "Lagi ka kasing nandiyan sa tuwing nasasaktan ako, sa tuwing umiiyak, at sa tuwing kailangan ko ng karamay. You might not directly taught me how to be strong but you at least taught me how to have a strong mind, kahit paman panay pang-aasar lang ang alam mo."
His body shake as he laugh, "I'm sorry. But really, gusto ko lang makitang nakangiti ka dahil ang ganda mong tingnan. Hanggang sa napagtanto ko nalang kung bakit ka parating nakasimangot. So, that's when I started to always piss you off, para kahit papaano ay maligaw ko ang isipan mo sa ibang bagay."
"That's why I'm grateful for that. You might have lied to me when you introduced yourself as a bodyguard but you possessed and offered me much more than that."
Mahigpit niya akong niyakap kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Bahagyang niluwagan niya naman nang marinig ang paghinga ko.
"Yael...?" I looked up at him.
"Hmm?"
"I want to know your story too...gusto ko lang makilala ka ng husto." ngumiti ako pero napawi rin agad iyon nang maramdaman ko ang pagkahinto niya.
Napakurap ako at nakaramdam rin ng kakaiba sa reaksyon niya. I'm not dense enough to not know what he's acting.
Mapaklang natawa nalng ako at umiling, "Maybe next time. I can wait." sambit ko at nilunok nalang ang bumara sa lalamunan.
Naiiyak ako hindi dahil sa pagdadalawang-isip niya kundi sa tiwala niya na hindi pa buo. And I'm waiting with bated breath to see when will that trust fill.
Hindi ko na siya tiningala pa at pumikit nalang. Baka makita niya akong naiiyak, ayaw ko namang mapilitan siya dahil naaawa. I'll let him take his time like he always does to me.
Napaungol na bumangon ako sa pagkakahiga. Wala na si Ysmael sa tabi ko kaya may pakiramdam akong lumabas ito ulit o di kaya ay nagtrabaho.
Panay hikab ko nang makalabas sa silid. My gaze wandered around the surroundings before my brows furrowed. Madilim sa opisina at tanging lamp lang ng mesa ko ang nakabukas. I walked towards to see if Ysmael is in his office but it was dark.
Napakunot naman ang noo ko nang makitang bahagya itong nakabukas. I thought Ysmael would be inside but when I shove myself in, there was no one.
Babalik na sana ako sa labas nang may naanigan akong kalat sa sahig na nasa harapan ng cabinet nito. Hindi ko nalang binuksan ang ilaw dahil may sinag pa rin naman na pumapasok galing sa bintana nito.
Nagpungko ako at inisa-isa ang pagpulot ng mga papel at nilagay ito sa maliit na kahon na mukhang pinagkunan nito. Maingat upang hindi makunot. Mukhang napag-iwanan o nakalimutan ata ni Ysmael ito.
Pinagpag ko na ang kahon binuksan ang nakaawang na cabinet. I assumed that it was where the box was stored. I slowly moved it to place it inside, but something caught on the bottom and dropped to the ground.
Nahihirapang niyakap ko ang kahon sa isang kamay para makuha ang nahulog. It was upside down but I knew it was a polaroid upon holding it.
At labis nalang ang pagkagulat ko sa nasaksihan. My heart was pounding so loudly that I was gasping for air. It was simply a photograph, and it had been shot a long time ago, but the woman's face was enough to make me feel threatened.
Nagsibalik ang mga alaala ko noong panahong nahuhuli kong tinitigan ako ng mga bandila, ang paalala ni Anna, at ang litong mukha ni Ysa. Every piece just came up and answered the confusion I had a long time ago.
Kasabay ng pagbagsak sa yakap ko ay ang pagbukas sa ilaw sa opisina ni Ysmael. When my gaze landed on him, tears then stream out from my eyes.
Malinaw ang gulat sa mukha niya bago napalitan ng kaba nang makita ang hawak ko. He hesitated to approach me but eventually summoned the guts to do so.
Napatingala nalang ako sa kaniya at hindi mapigilan ang hikbi dahil sa litrato nilang dalawa ni Olivia.
He looked so guilty. Kaya mas lalo akong nanlumo. Ang daming tanong na umiikot sa isipan ko ngunit isang tanong lamang ang kaya kong sabihin. Isang tanong na alam kong puno't dulo ng lahat.
"Olivia...who was she? Why...why does she look like me?"
——————————————————————
nyariina
8/25/'21
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro