Chapter 32
Happier
——————————————————————
"I'm so proud of you, Crisceana! Sa wakas at may makakalaro na si Amelia!" hagikhik ni Dona sa kabilang linya.
Natawa naman ako doon, "Come on, don't think of something like that. Lumabas lang ang scandal namin ni Yael, bata na ang iniisip mo."
"Matatanda na rin naman kayo. You two have your own decent jobs and you can already live together na. Not to mention kung gaano siya ka paborito ng lolo mo."
I rolled my eyes, "He even stole my cousins from me. Lagi na siya yung kasama, lalo na si Loki na bigla nalang lumalapit at sumasabay sa mga bandila." I ranted remembering how he spent more of his time to my cousins than me.
"Bandila? Anyways, huwag kang magselos dahil normal lang iyan lalo pa't mga lalaki. Hinihingi niya lang ang tiwala ng mga pinsan mo, siyempre ikaw lang yung kaisa-isang babaeng may dugong Silverio sa henerasyon niyo."
"Mabuti nalang at umalis agad si Pacholo dahil baka turuan pa niya si Yael na mambabae." natawa naman siya atsaka nagpaalam.
"I'll get going, Crisceana. May mga aplikante pa akong haharapin ngayon. Don't worry about the issue, okay? Totoo naman 'yon kaya huwag mo nang alalahanin pa." she chuckled, "Send my regards to Jarvis and your Grandpa. Bye!"
Saktong maibaba niya ang tawag ay siyang pagdating sa hindi nakarehistrong numero. I stared at it for seconds before answering. Hindi ko ugaling sumagot sa tawag ng hindi ko kilala pero may pakiramdam lang ako na kilala ko'to.
Mabilis pa sa alas kwatro kong nailayo ang cellphone mula sa tenga nang marinig ko ang tili ni Beviene sa kabila. "Ate! I'm so happy for you and kuya Yael! You've finally considered your feelings!"
Tumaas ang dalawang sulok ng labi ko. It has been weeks since I last saw her. Noon ay akala ko talaga na hindi na kami magkakausap pa, mabuti nalang at may lahing anghel silang mag-ina. Nahihiya tuloy ako nang mapagbintangan ko silang masasama. "Thank you, Beviene. How are you doing there?"
"We're doing fine, ate. How about you po?"
"Didn't really bother much about the news. Has the semester already started in Callenhood?" tanong ko nang maalalang nasa kolehiyo pa ito.
The voice in the line halted so I thought it was just a minor signal interruption. "Ah—I'm not doing college, ate..."
Napaurong ako doon, "Wha—why?"
I could almost hear her gulps as she answered, "I don't feel like going..."
Bigla akong hindi mapalagay lalo na sa kay daddy, "Do your parents know about this? Paano sila pumayag?"
"Yes po, ate. I forced them po." doon ako natawa.
Despite my suspicion, hindi ko nalang muna ito pinaubaya. Maybe she has her reasons and other dreams she wants, "With your innocent face, I wouldn't doubt kung paano mo sila napapayag." she also giggled.
Dumapo naman sa isipan ko ang bagay na gusto kong tanungin mula sa kaniya pero bago paman ako makapagtanong ay nagpaalam na itong magbaba ng tawag nang marinig kong may kung sinong bumukas sa pintuan niya. My lashes could only flutter as I stared at my phone.
Humugot ako ng hininga bago iniling nalang ang iniisip. I'm getting paranoid again, kaya hindi mawala-wala ang anxiety ko. Tumayo ako sa kama upang bumaba na. Nang makarating ako sa tanggapan ng bahay ay nakita ko naman si Jarvis na nagsusulat ng bagong kanta.
"Morning, si Loki?"
Nagkibitbalikat lamang siya, "Nasa mga bandila na naman siguro." natawa ako nang marinig ang tawag niya sa kanila.
"I'll go to work na. Ikaw, dito ka lang ba?"
His attention was still on his guitar and notebook when he nodded, "Yeah, the usual."
Tinanguan ko lang siya at nagpaalam na. Ever since he's home, lagi nalang niyang itinutuon ang sarili sa pagsusulat ng mga kanta. Araw-araw ibang mga kanta ang maririnig ko mula sa kaniya. It's a great escape, though, but I don't want him to only put his attention on one thing. Minsan kasi ang tinuturing nating pahinga ay siya pang kadalasang nagpapagod sa atin.
When I got out, smile automatically formed. Maingat kong inangat ang suot na cowboy hat atsaka nakangiting pinuntahan ang taong nakasakay sa kabayo nito.
"Hindi ba mabibigatan si Uno kapag tayong dalawa ang sasakay sa kaniya?"
He simpered, "Sinabi ko bang sasakay ka?"
Mabilis na naglaho ang ngiti ko at siya nama'y pinagtawanan ako, "Kidding, apple. As far as I can remember, hindi ka naman mabigat noong ako ang sinakyan mo."
I gasped at his boldness and felt my cheeks burned, "You bighead!" I hissed pero pinagtawanan niya lang ako bago tumalon atsaka ako hinapit sa bewang.
Ysmael is very considerate of the public. He respects others as much as he respects me kaya naman ay hinding-hindi niya ipinapakita sa mga tao ang pagkaharot niya. Baka kasi mandidiri o di kaya ay mahihiya kapag nasaksihan kami. That's why he'd always put respect in his actions, and I admire him for that.
"I missed you." pagtapik niya lang sa buhok ko bago ako pinangko pasakay sa kabayo.
I felt his arms embraced me as he held the reign. Bigla naman akong namula doon lalo pa't naalala ko ang nangyare sa gabing 'yon.
"Swerte ka muna ngayon, Uno. Mamaya ako naman." bulong ni Ysmael sa tenga ko kaya napalingon ako. At sakto tumama ang pisnge ko sa bibig niya kaya mabilis niya itong hinalikan.
Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Nasa daan pa rin ang tingin nito at panay ngiti lang, "Feel that?" bigla niyang tanong na ikinalukot ng noo ko.
It only took me seconds before I felt something hard underneath my leg. Wala sa sariling napakapit ako sa saddle na inuupuan at inabante ang sarili upang dumistansya sana ngunit napadausdos ako pababa dahil sa takbo ni Uno.
Ysmael only chuckled and slowly fixed himself. He was also trying to distance ourselves but we'd always end up in the same position. Napailing nalang siya atsaka ako kinausap.
"I'm sorry. Ngayon lang ako nagpa-angkas ng tao sa harapan. I didn't know it would affect me this much. But of course, sa'yo lang naman ako nagkakaganito." he apologized ngunit may pumantig sa tenga ko.
"So, sino ang pinaangkas mo sa likuran?"
Hindi agad siya nakasagot doon at tumikhim muna, "Sina Anna, mga kapatid ko, ang ibang bandila." dahil malapit lang ako sa leeg nito ay narinig ko ang paglunok nito.
"Sino pa?" duda ko atsaka siya tiningala.
Pasimpleng napapababa siya ng tingin sa akin atsaka pabalik sa daan, "...si Olivia..."
May kung ano sa dibdib ko ang sumakit. Napaawang labi nalang ako sa kaniya at napaiwas ng tingin. I swallowed hard to prevent my jealousy from coming out.
I shouldn't be feeling such a thing, I shouldn't feel threatened anymore. Olivia is someone from his past and she's no longer around. Sapat na iyon para maging kampante. Pero mahirap kalabanin ang emosyon, especially when it'd start to doubt about myself. Katulad ng paghahambing sa'ming dalawa. What if she's better than me? What if she knows him more than I do? Nakakatakot isipin 'yon lalo pa't alam ko kung gaano siya kamahal ni Ysmael.
I was almost drowned in my doubts when a warm arm gently hugged my stomach. Napaigting ako at napalingon kay Ysmael.
He welcomed me with a kiss and smiled afterwards, "I love you."
One phrase was enough to fade my doubts. One phrase that clear off my uncertainty. Napatango ako bago isinandal ang ulo sa dibdib niya. I smiled and breathed the good air around us.
Binati kami ni Hailee pagkapunta ng rancho. Ilang araw na ang nakalipas at nasa mga mata pa rin ni Hailee ang pangkukutya. I could only roll my eyes and dragged her inside.
Sa loob ay naabutan naman namin si Kepter na tutok na tutok sa mga kakasilang lang na mga baboy. It was a new batch of babies. Nakakalakad na kasi ang una at saktong may bagong nanganak ay siyang pumalit sa nauna. But, of course, the piglets inside were only the ones that are sick and have some deformations.
Nakita kong nagsimula na ang dalawang betirinaryo sa pag-uusap kaya nagpaalam na rin akong umalis upang libutin ang rancho.
I found Jigo running the horse around while some were cleaning the stalls. Nangangamoy pa ito nang makalabas ako kaya tinawanan nila ako nang makita ang nakalukot kong mukha.
I stroll around riding Uno before I caught a sight of chance. Katuld ng ibang mga batang kabayo ay nakikisabay na rin ito sa kanila. She was smaller than them despite being the older one. Pero maayos na iyon kesa sa hindi makakahalubilo sa iba.
It went on for hours until lunch was served. Sabay kaming lahat na trabahante sa rancho na nananghalian. Nakasanayan na namin 'yon nang magbagong taon at nakakatuwa lalo pa't nadagdagan na ang mga kakilala ko.
And one more thing I'm happy about is my controlled anxiety. Hindi na ito masyadong umaahon sa tuwing may ibang lalaki sa paligid. I don't know what happened but I just found myself letting go of the fear. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. It's as if I woke up one day and found myself healed.
Napatunghay ako sa taong nasa harapan ko, nakangiti habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. "Done?"
Bumaba naman ang tingin ko sa screen bago naglabi, "I'm just saving the records. Upo ka muna, malapit na 'to."
Nang sabihin ko iyon ay hindi ko na siya pinansin at binilisan ang kilos. Sa halip na sina Francisco at Leonora ay siya na ang naging taga-hatid at sundo ko. I don't really like the idea because it would only add pain in his butt, pero siya mismo ang nagboluntaryo nun lalo pa't nalipat sila Francisco sa kamay ni Jarvis. In the end, pinayagan ko nalang.
"I'm finished." anunsyo ko bago nag-inat at tumayo.
Agad rin naman siyang kumilos atsaka ako niyakap muna at mahigpit na kumapit sa pintuan. We stared at each other for a moment because he slowly ate our gap. Napaatras naman ng bahagya ang binti ko atsaka may sariling utak ang mga palad na yumakap sa leeg niya.
It took minutes before we stopped, panting for air, and smiled. Yumuko siya ng kaunti ang iginaya ang sariling kamay sa tiyan ko.
He knocked, "Tao po, may nabuo na po ba diyan?" bigla akong natawa doon kaya sumunod na rin siya.
A halt came into my mind when I thought of something. After that night, we never really got to talk about what will happen. Nahihiya akong pangunahin siya doon. Nakikita ko kasi na dinahan-dahan niya lang ang kung ano mang namamagitan sa amin. He's determined but he never tells. I also need assurance lalo pa't nakasalalay ang hinaharap namin dito. I just don't know how to start it. Biglaan kasi ang pangyayare.
"You okay?" tanong niya nang makapasok kami sa loob ng sasakyan, hindi niya iyon nagamit kanina dahil hiniram raw ni Kepter.
Tipid naman akong tumango, "Why not?"
"Mukha kasing may malalim kang iniisip." he said, wearing his seatbelt.
Napangiti nalang ako sa kaniya atsaka sumunod sa pagsuot ng seatbelt. Napalabi ako at humarap sa daan. Biglang natahimik ang paligid namin kaya nagkunot noo ako na lumingon sa kaniya.
I could only flutter my eyes when I saw him intently staring at me, "W-why?"
Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko habang nanatili ang tingin sa akin. Marahan niya itong pinisil atsaka ko nakita ang pagyuko nito palapit. "Tell me what's wrong..."
"There's nothing...really." tugon ko. Natatakot kasi ako na baka sabihin niyang minadali ko siya.
"Apple, you can't solve a problem if you stay quiet."
Huminga lamang ako ng malalim at nag-iling, "Wala talaga. Baka ikaw ang may problema?" pagbibiro ko.
He only puffed a laugh while eyes remained serious. Doon ako napalunok. "Did I upset you again?"
Mabilis akong umiling, "Of course, not! What made you think I was upset?"
Nagkibitbalikat siya, "I'm a flawed human being. Sometimes I'd say something unintentionally that someone wouldn't like. Kaya naman ay baka may nasabi rin ako o nagawang hindi mo nagustuhan. So, tell me, have I done anything to hurt you?"
Mariing napakagat nalang ako ng ibabang labi dahil sa sinabi nito. Good God, why do Ysmael have to be this kind? Nahihiya na ako sa kabaitan niya, tingin ko kasi hindi ko deserve.
Binigyan ko muna siya ng halik bago sinabi ang umaaligid sa isipan ko. Napakurap siya at nag-awang labi doon. I got a little nervous that he might get mad or something, but I got a smile in return.
"I was really waiting for you to ask me that." masaya nitong sambit.
"What? Why are you waiting? Hindi ba't ikaw ang magtanong dun?"
"I just thought that you needed a little more time to prepare. Biglaan pa naman. Ayaw kong madaliin ka. But at the same time, I'm also monitoring you and the little bean inside your stomach—well, I hope. Kaya ay kinakati na ang bibig kong makipag-desisyon sa iyo." he reached for my cheek and caressed it, "I want to take you to your castle but I couldn't do that without your decision."
Unti-unting kumurba ang aking labi sa narinig. "So, what's your plan?" tanong ko ngunit nag-iling lamang siya.
"I should hear about yours first before we decide. I want to consider both our plans. Gusto kong komportable ka sa plano. Like, if you really want to live with me, and if so, saan naman? But, of course, time is required; starting a family is difficult even if we have the financial means and the support of our relatives. Kaya ang gusto ko lang munang malaman ngayon ay kung ano ang gusto mo."
Manghang napatitig nalang ako sa kaniya. His face was sincere and I was speechless. I knew this man was nice but I never thought I'd be this lucky. Bigla tuloy akong nainggit kay Olivia.
Was it feasible to meet him if I had stayed a bit longer the last 12 years?
"I want us to be happy." sambit ko bago dumukwang upang hagkan siya.
After I distanced myself, all I could see was happiness in him. I didn't express my true desires to him explicitly but he sure knew what it was.
He clicked his tongue before his hand found mine. Binuksan niya na ang makina at nakangiti lang. When the car went out of the ranch, he reached for my hand and kissed the back of it.
Labas na biloy niyang sinabi, "Let's get happier then."
——————————————————————
nyariina
8/21/'21
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro