Prologue
Prologue:
Where It All Began
.........................
Kylie's POV
Monday na naman, first day sa school na hindi ko nakikita ang dahilan kung bakit doon pa ako pumapasok. Pa'no ba naman kasi e, marami namang ibang school na pwede kong pasukan.
If you're wondering kung bakit ayoko do'n sa Xavier International School na 'yon ay dahil sa sobrang dami ng plastik na kaibigan, cheaters, and playboys... tama, andaming manloloko do'n. Good thing hindi ako affected.
"Anong oras na?" Mahinang bulong ko at tumingin sa alarm clock ko. Okay, 8:03 a.m. wait, 8:03?! Wahhh! Malelate ako kapag nagtagal pa ako dito.
Agad akong bumangon at pumasok sa banyo ng kwarto ko. Thank you, Lord at nahanda ko na ang susuotin ko ngayon, hindi kasi uniform ang suot kapag first day.
"Nicole, anak?" Narinig kong tinawag ako ni Mama Liezl sa labas ng banyo ko.
"Ma, nasa loob po ako ng banyo." Sigaw ko para marinig ako ni Mama. Haist, first day tapos late ako. Makakaapekto naman 'to sa grade ko.
"Kapag tapos ka na bumaba ka na ah? Nakahain na ang almusal do'n." Paalala ni Mama bago ko narinig ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Pagkatos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko dala dala ang gamit ko.
"Good morning, star." 'Yon ang unang sinabi sa 'kin ni Papa Robin. At nabasa niyo 'yon, star ang tawag sa 'kin ni Papa at minsan gano'n din si Mama. At nakalimutan ko nga palang sabihin na only child lang ako.
"Good morning po, Mama, Papa." Bati ko at umupo sa upuan na lagi kong inuupuan kapag kumakain kami. Tumingin ako sa cellphone ko at 8:20 a.m. na. Ang bilis kong nakapag-ayos pero malelate pa rin ako, 8:35 a.m. kami dapat nasa room na.
"Malelate ka na naman, Nicole. Bilisan mo na lang ang pagkain at ihahatid ka na ng driver natin." Sabi sa 'kin ni Mama. Naglagay ako ng bacon at eggs sa plato ko at 'yon ang kinain ko. Bilisan mo, Kylie!
"Ma, ako na lang po ang magda-drive, Mama, Papa, kayo ko naman po e." Sabi ko at uminom ng tubig. Patapos na ako kumain dahil binibilisan ko talaga.
"Sure ka, anak?" Tanong ni Papa at tumango lang ako. T'saka pa ako natapos kumain ng almusal. At kailangan ko pang mag-tooth brush, kaya minadali ko na lahat 'yon.
"Ma, Pa, punta na po ako sa Xavier ah?" Paalam ko at saka ako humalik sa pisngi nina Mama at Papa.
"Ingat ka, anak." Paalala ni Mama at ngumiti lang ako bago umalis.
__________
Sa wakas! Nalarating na rin ako dito. Dali dali akong pumasok sa school at tumakbo papunta sa room ng biglang...
"Kylie!" Tawag sa 'kin ni Daniel, ang pinsan ko. Tumigil ako at humarap ako sa kanya na nakataas ng kilay.
"Nagmamadali ako, DJ. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya at ngumisi siya sa 'kin.
"Alam kong nagmamadali ka. Just thought I'd say hi.... hi." Sabi niya at hindi ko siya napigilang batukan.
"Loko loko ka, DJ. I hate you!" Sabi ko at tumawa naman siya bago ulit ako napatakbo papunta sa room. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon, sana hindi siya sagutin ni Kathryn, magiging karma niya 'yon.
Pagkarating ko sa room ng first year college na ang section ay 1YC- Daisy ay 'yon ang room na papasukan ko. Dahan dahan akpng pumasok dahil nasa loob na ang professor namin.
"You're late, Ms..." Narinig kong sabi ng prof namin.
"Padilla po." Sagot ko at tumango naman siya. Umupo ako sa bakanteng seat at mukhang ako na talaga ang pinakahuli.
"Ngayong kumpleto na kayo, section Daisy. Iaayos na natin ang sitting arrangement." Sabi ng prof at ang iba naman ay nagprotesta pero wala nang nagawa dahil buo na ang desisyon ni prof. Alphabetical order daw ang sitting arrangement.
Nagsimula na ang pag-aayos ng sitting arrangement at pagkatapos ay kasunod ata ako ng isang lalaki, kasi lalaki, babae, lalaki, babae ang arrangement.
"...Madrid, then Padilla. Since wala naman ditong N at O nagsisimula ang apelyedo." Sabi ni prof na hindi ko pa talaga alam ang pangalan.
And oh great, magiging katabi ko naman ang hearttrob, casanova at playboy ng school na 'to. Si Ruru Madrid, kilalang kilala talaga siya sa buong school at hindi ko siya kilala dahil crush ko siya ah, kilala ko siya dahil lagi siyang kinukwento ng kaibigan ko, si Gabbi.
"You're lucky." Bulong sa 'kin ng katabi kong 'to. Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay.
"Pa'no mo naman nasabi 'yan? Minamalas nga ako e." Pagtataray ko sa kanya. Hindi lang naman ako pabebe na naghihintay sa move niya, hindi ko kaya siya type.
(A/N: Sinabi ba namin na pabebe ka, inay? Hahaha)
"Kasi katabi mo ako. Alam ko naman na may gusto ka sa 'kin.... dati pa." Ngumiti siya ng pilyo at labas ang dimples.
Okay, fine, no'ng bago pa lang ako dito sa school nagkagusto ako sa kanya. Kasi nga gwapo siya at mukhang mabait, 'yon ang first impression ko. Tapos malalaman ko na playboy at manloloko si Ruru. No thank you na lang. Ayokong mabasag ang puso kong umaasa 'no.
"Noon 'yon at hindi na ngayon." Inis na sabi ko sa kanya at ngumisi lang siya sa 'kin. Ang cute niyang tingnan kapag labas ang dimples. Wait, bakit naiisip ko 'yon? Erase, erase, erase. Hindi ko 'yon sinadyang isipin, pramis.
"Cute ako 'no?" Sabi ni Ruru sa 'kin at ngumiti naman ngayon na mas lalong nagpapakita sa lalim ng dimples niya. Aww... hindi mo 'yon iisipin, Kylie, stop it!
"Che! Bahala ka d'yan." Pagtataray ko ulit sa kanya at humarap na ulit sa harap. Hayys, this is going to be a long, annoying year.
.........................
A/N: Sana nagustuhan niyo ang bago kong story about Kyru. Okay lang ba amg prologue nito? Isigaw niyo naman ang thoughts niyo sa comments.
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro