Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9:
Star
.........................

Kylie's POV

Hanggang ngayong paggising ko may lagnat pa rin ako. 'Yong ibang tao, okay lang sa kanila na magkasakit, para daw hindi na pumasok sa school at humiga lang sa kama.

Pero ako, feeling ko wala akong kayang gawin, may sipon, nanghihina ang katawan, at laging nilalamig.

Kaya paggising ko, nakasimangot agad ako.

"Star!"

Si Papa ba 'yon? Weird, si Mama ang laging gumigising sa 'kin at hindi rin naman nila ako ginigising kapag Sabado.

Dahan dahang bumukas ang pinto. At nakita ko si Ruru, nakasilip lang siya sa 'kin at unti unting ngumiti.

"Good morning, star."

Kumunot ang noo ko. "Star?"

"Yes, star." Ipinakita niya sa akin ang nakakasilaw niyang ngiti, and his pearl white teeth. Kahit medyo gago 'tong lalaking 'to, tama pa rin ang mga babae sa school namin, gwapo siya.

Parang nakakahawa ang ngiti niya at napangiti din ako. "Good morning." Sagot ko sa kanya.

"Wait lang, ah. Kukunin ko lang ang almusal mo." Sabi ni Ruru at bago pa man ang makapagsalita ay umalis na siya.

At ako naman, ngiting ngiti pa rin. Walang ibang tumatawag sa 'kin na star kundi ang parents ko.

Pero parang nasisiyahan ako na tinawag ako ni Ruru na star. Pero kailangan ko din sabihin sa sarili ko na alam ko naman na madaming babae sa school namin na natawag niya na ng mga sweet names, hindi lang ako.

Hayss, bakit ba ako pumayag sa gusto niya?

Para hindi ka na niya guluhin kapag natapos na ang lahat.

Oo nga pala.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Ruru na may dalang tray kung saan nakapatong ang bowl ng lugaw, gamot at tubig.

"Si Mama ba ang nagluto n'yan?" Itinuro ko ng bowl at umiling siya habang nakangiti.

"Ako."

"Ikaw?" Napatingin ako sa mga mata niya, tumango lang siya bago pinatong ang tray sa bedside table. "Sigurado ka bang wala kang nilagay d'yan na kahit anong nakakasuka?"

"Hindi ako gano'n kasama." Umupo siya sa kama ko at nagkatitigan lang kami.

"Talaga?" Ngumiti lang siya at kinuha ang bowl na may kasamang kutsara.

Hinipan niya ang lugaw na nasa kutsara. Makiki-share ba siya sa lugaw ko?

Pero ang hindi ko ine-expect, inilapit niya sa bibig ko ang kutsara.

"Ayaw mo?"

Tumingin muna ako sa kanya bago ko kinuha ang kutsara sa kanya.

"Hindi mo na ako kailangan subuan, 'no. Hindi naman basag ang mga buto ko." Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman maging sweet sa girlfriend ko e." Ngumuso siya at napangiti naman ako sa gesture na 'yon.

"You're too kind." Ngumiti ako sa kanya. Alam ko naman na paglalaro lang ang ginagawa namin at sa oras na matapos na ang lahat ay babalik na sa dati ang lahat. Which reminds me.

"Hindi mo ipinaliwanag sa 'kin kung bakit natin 'to ginagawa." Dahan-dahan kong sabi sa kanya habang kinakagat ang loob ng pisngi ko.

"Right."

"So? Explain." Utos ko sa kanya, bago ko sinubo ang lugaw.

"It's complicated." Sagot naman niya habang nakatitig lang sa 'kin at nakangiti.

"What? E kung gano'n, dapat hindi ka nalang nag-offer ng fake relationship." Umiling-iling ako sa kanya.

"Pero pumayag ka naman?" Ngumisi si Ruru, napasimangot lang ako.

"Sana naman ay naaalala mo ang deal  natin. Kapag natapos na 'to, hindi mo na ako kukulitin, 'di ba?" Sabi ko naman at tumingin siya sa 'kin na parang nag-iisip.

"Kailan ko sinabi 'yon?" Aba, iniinis ako nitong fake boyfriend ko ah. 'Yong ngisi niya ang nagsasabi na nagbibiro lang siya, pero naiinis pa rin naman ako e.

"Nagustuhan mo ba 'yong lugaw?" Tanong niya. Oo nga pala, hindi ko nga natikman ng ayos kanina.

"Patikim ulit ako." Kumuha ulit ako ng isang spoonful at hinipan ko ito. Si Ruru naman ay nakatitig lang sa 'kin, parang kinakabahan tuloy ako.

Paano kung hindi ako masarapan tapos madi-disappoint ko lang siya kasi nagpakahirap siyang magluto.

Pero nagbago agad ang isip ko nang isubo ko ulit ang lugaw. Wow, ang sarap naman.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, "Paano ka natutong magluto?" Tanong ko sa kanya.

"Tinuruan ako ng Mommy ko, no'ng close pa kami." Lumiit ang kanyang ngiti at na-guilty tuloy ako dahil sa tanong ko.

Pero curious pa rin ako eh, "Hindi ba maayos ang relationship mo sa Mommy mo?" Tanong ko sa kanya, sana lang hindi siya magalit sa kakatanong ko.

"Pati sa Daddy ko gano'n rin, they're workaholics, and very focused on our business. Gusto nilang maging gano'n din ako." Bumuntong hininga siya, ngunit bumalik ang ngiti niya. Kaso ang ngiti na 'yon ay hindi umabot sa mga mata niya.

Kalahati na lang ang natitira sa lugaw kasi ang bilis ko kumain eh.

"Star?"

"Hmm?" Tinawag niya ulit akong Star. Kinikilig ako! Pero hindi ko 'yon ipapakita sa kanya 'no.

"You're very lucky to have parents that care for you." Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kanang kamay.

"Nakakaroon din kami ng mga problema, Ruru."

"Pero mahal ka pa rin nila." Kung tama ang nakikita ko, may isang luha na tumulo mula sa mata niya bago siya tumungin pababa. Tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko.

"Mahal ka rin ng parents mo. Iba lang ang way nila ng pagpapakita no'n."

First time ko siya makitang umiyak... well, lumuha.

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti ulit, 'yong ngiting makikita mong hindi nagpapakita ng saya.

Lumapit ako sa kanya ng kaunti at gano'n din siya. Muli niyang pinatong ang dalawa niyang kamay sa mga pisngi ko.

Kung magki-kiss kami, okay lang sa 'kin.

Pero may nagbukas ng pinto kaya naman lumayo kami sa isa't isa.

"Star, okay na ba ang pakiramdam mo?" Si Mama.

.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.

P.S. Sorry for not updating XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro