Chapter 8
Chapter 8:
Rain
.........................
Kylie's POV
Naglalakad na ako pauwi sa bahay namin galing kina Sanya. Nagpaturo kasi siya tungkol sa Math kasi mahirap na talaga ngayon ang lesson namin.
And just my luck, umulan agad nang napakalakas kaya kailangan kong tumakbo. Bakit kasi hindi ako nagdadala nang payong? Tumakbo ako kasi wala namang mga waiting shed dito at malapit na rin naman ang buhay namin.
Huminto ako sa gilid nang kalsada dahil sa dami nang sasakyan. Lord naman, napakamalas ko ngayong araw. No choice, tumakbo lang ako kahit may mga driver pa ba sumisigaw at bumubusina sa akin.
Makakalampas na sana ako ng kalsada nang may sobrang bilis na sasakyang na papalapit sa akin. Sa sobrang takot ko ay tinakluban ko ang mga mata ko at hinintay ang isang masakit na pagtulak.
Pero walang dumating na masakit. Narinig kong lumabas ang driver ng sasakyan at papalapit na sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka ba nasa gitna ng saan, miss?" Tanong niya sa akin at dahan dahan kong inalis ang mga kamay ko sa pagtatakip ng aking mga mata.
"Kylie?"
Malabo ang paningin ko, pero alam ko na si Ruru 'yon, boses pa lang eh. Nanghihina ang katawan ko. Feeling ko parang nahihirapan akong huminga.
"Okay ka lang ba?"
Lumalapit siya sa'kin at ngumiti naman ako gamit ang lakas na natira sa katawan ko. Bakit parang pagod na pagod ako? Dahil ba sa ulan?
Hindi din ako makapag salita. Gusto ko na lang umuwi. At 'yon, hindi ko kayang gawin kasi bumagsak na ang katawan ko.
..........
Ruru's POV
"Salamat, Ezekiel. Pasensya ka na rin sa abala. Kung wala ka do'n siguro hindi pa makakauwi dito si Nicole." Paulit-ulit na ang pasasalamat sa akin ni Tita Liezl.
"Walang anuman po, Tita." Sagot ko at ngumiti, masasabi ko na napakabait ng Mama ni Kylie, pero ang Papa niya sa tingin ko ay may hindi siya gusto tungkol sa akin.
Lumabas na rin si Tito Robin galing sa kwarto ni Kylie, naglakad siya papunta sa amin ni Tita Liezl at umupo sa sofa.
"Kumusta ang anak natin?" Tanong ni Tita kay Tito Robin. Kanina kasi sinabi nila sa'kin na tawagin ko na lang silang Tita at Tito instead of sir and ma'am.
"Gising na si star, pero kailangan niya munang magpahinga. Pwede mo siyang tingnan kung gusto mo, Hon." Sagot naman ni Tito at tango lamang ang isinagot ni Tita Liezl bago tumayo at naglakad papunta sa kwarto ni Kylie.
"Ezekiel, may importante akong itatanong sa'yo." Seryosong sabi sa akin ni Tito Robin, alam ko na tungkol 'yon kay Kylie, kung ano man ang mayroon kami, kung seryoso ba ako sa kanya o kung ano pa man. At alam kong kailangan kong magsinungaling.
"Ano ba ang relasyon mo sa anak ko?" Tanong niya at sa totoo lang, wala. Wala kaming kahit ano man na nasa pagitan namin. It's just me and her faking everything at nagpapasalamat ako dahil pumayag siya, kahit alam niyang wala siyang makukuha.
"Boyfriend niya po ako." There goes one lie, mahirap din palang magsinungaling sa isang taong wala namang naging kasalanan sa'yo. Ang swerte ni Kylie, growing in a family na sinusuportahan ang mga bagay na gusto niyang gawin.
Kumunot ang noo ni Tito Robin. "Sinagot ka na niya." Hindi siya nagtatanong, hindi ako sinagot ni Kylie, parang inipit ko lang siya sa sitwasyon, pero pumayag siya kaya kapag may nangyaring kung ano man, it's on her.
"Opo, Tito."
"Mahal mo ba ang anak ko?" Tanong niya ulit, parang kinakain na ako ng konsensya ko, hindi ako nakasagot agad.
"Kung mahal mo nga ang anak ko, hindi mo siya sasaktan." Sabi niya sa akin at tumango lang ako.
"At kung saktan mo man siya, mababasag ko siguro ang bawat buto sa katawan mo." Pagbabanta ni Tito at bago ako makapagsalita ay lumabas na si Tita galing sa kwarto.
"Ezekiel, baka gusto mong makita si star." Tumango lamang ako at tumayo para makapunta sa kwarto ni Kylie. Mas mabuti ata doon kaysa sa tensyon na nakukuha ko dito.
Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko si Kylie na nakaupo at nakasandal sa isang unan.
"Ruru, thank you nga pala ahh." Matipid siyang ngumiti at umupo naman ako sa gilid nang kama niya.
"Girlfriend kita eh, kailangan kitang tulungan." Tumingin ako sa mga mata ni Kylie at nakita ko ang bahid ng pagod.
"Kung hindi mo ako girlfriend hindi mo ako tutulungan?"
"Hindi."
"Sabi ni Mama may lagnat ako ahh. Baka mahawa ka." Hinawakan ko ang noo niya bago ang leeg niya at tama nga, mainit talaga siya.
"Buti na lang Sabado bukas 'no? Hindi ko kailangan umabsent." Dagdag niya habang nilalaro ang dulo ng tela ng kanyang kumot. Matalino nga naman si Kylie, ayaw niyang absent siya.
"Natatakot ako sa Papa mo, Ky." Bigla kong sabi sa kanya, tumingin naman siya sa akin bago tumawa nang mahina.
"What? Why? Mabait naman si Papa." Tanong ni Kylie at umiling-iling ako. Oo, mabait kaso overprotective din, lalong lalo na kay Kylie. Sigurado akong tototohanin niya ang mga sinabi niya kanina.
May kumatok sa pintuan bago pumasok at nakita namin ang Mama ni Kylie na may dalang baso ng tubig at gamot. Lumapit siya sa amin at tumayo naman ako para hindi maharangan si Kylie.
"Anak, uminom kanang gamot." Sabi niya kay Kylie bago ibinigay ang tubig at gamot. Tumingin naman si Tita sa akin.
"Ezekiel, kung gusto mo dito ka muna matulog. Doon sa guest room namin. Medyo late na rin kasi." Pang-aalok sa akin ni Tita Liezl at tumingin muna ako kay Kylie, pero wala, umiinom pa siya.
Total naman, ayaw ko munang umuwi sa amin at masyado na akong pagod para mag drive ulit papuntang apartment, pumayag na lang ako.
"Sige po, Tita."
Ibinigay naman ni Kylie ang baso na wala nang laman kay Tita.
"Tara, ituturo ko na sa'yo ang guest room."
..........
Binuksan ni Tita Liezl ang pintuan ng isang kwartong may kulay puting dingding at ang bed sheet naman ay kulay gray, may lamp sa tabi ng kama at may banyo din ang kwartong ito.
"Dito ka na matutulog, Ezekiel." Sabi ni Tita bago umalis at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto at humiga sa kama. Wala na akong pakialam kahit hindi na ako magpalit. Nakakapagod ang araw na 'to.
.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro