Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7:
Tanong at Sagot
.........................

Nasa canteen ngayon silang apat habang kumakain ng lunch.

"So, Ate Kylie. Bakit mo nagustuhan ang Kuya namin?" Tanong ni Rara habang tinitingnang mabuti si Kylie.

"Umm... Masyadong complicated kung paano naging kami." Tila magaling talaga si Kylie sa pag-acting, hindi talaga kasi siya makapaniwala na pumayag siya. She just really want to get rid of him in her life. Ngumiti siya nang peke, hindi kasi siya makangiti nang totoo dahil alam niyang nagsisinungaling siya, which she doesn't do very often.

"I'm sure maiintindihan namin." Direct na sagot naman ni Rere. Feeling talaga ni Kylie na tumakbo na lang papalayo sa magkakapatid na kasama niya ngayon. Kahit hindi na siya mag-lunch.

Sa ilalim ng table, mahigpit ang pagkahawak ni Ruru sa kamay niya, signaling her to keep it cool.

"Athenah, Chloie, mag-kaklase kasi kami ni Kylie ngayong school year. At nagkataon na magkatabi kami. We started to get to know each other and I think, maduduktungan ninyo na 'yon." Mahinahong sabi ni Ruru sa dalawa niyang kapatid.

'So iyon pala ang pangalan nilang dalawa.' Isip ni Kylie sa kanyang sarili.

"Ikaw, Ate Kylie. Anong nakita mo kay Kuya? Eh babaero 'yan eh." Tanong na naman ni Rara. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Ruru sa kamay ni Kylie.

Tumawa siya nang konti. "Sa tingin ko lahat nang nagkakamali ay deserve din magkaroon ng isa pang chance." Sagot ni Kylie at ramdam niya sa sarili niya na walang bahid ng katotohanan ang sinasabi niya.

Sure, okay lang magbigay ng chance. Pero 'tong si Ruru? Masyado nang malalim ang nadulot ng mga kalokohan niya.

"I don't consider playing with girls is a mistake." Mahinang bulong ni Ruru at sa sobrang hina, kahit si Kylie halos hindi na marinig.

See, napaka sama ng ugali ng lalaking 'to eh.

"Masaya ba kayong magkasama?" Isa pang tanong galing kay Rere or Athenah.

'Of course not.' Gustong-gusto talaga ni Kylie na sabihin ang katotohanan pero baka kung anong gawin ng lalaking nasa tabi niya sa kanya.

"Yes." Sagot nilang dalawa na magkasabay. At bago pa man ulit magtanong ang dalawa ay tumunog na ang bell at kailangan na nilang bumalik sa kanilang classroom.
..........

Kylie's POV

Inaayos ko na ang mga gamit ko sa aking locker nang may kumulbit sa'kin. Humarap ako sa isang babaeng may mahabang buhok at makinis na balat.

"Narinig ko ang news na kayo daw ni Ruru Madrid." Sabi nung babae sa'kin. Ang naisip ko lang ay kung kilala ko ba ang babaeng 'to.

"Do I know you? O isa ka ba doon sa mga malalanding babae na attention seeker para lang doon sa Ruru'ng 'yon?" Tanong ko sa kanya at mukhang na offend ko siya sa mga bagay na sinabi ko.

"First of all, ako 'yung tumulong sa'yo noong binubully ka nina Ruru at mga kaibigan niya. And no, I'm not seeking for that bastards attention. My name is Samantha." Ngumiti siya nang matamis. Oh, I remember now, dati kasi sina Ruru, Lance at Andrei lagi nila akong inaasar at tinatawag ako nang kung ano-ano. And then, tinulungan niya ako at binigyanng spare niyang damit nung tinapunan nila ako ng orange juice.

"I'm sorry, medyo bad mood lang kasi ako eh. Naaalala na kita ngayon." Ngumiti din ako sa kanya. Nakilala ko nga pala siya noong fourth year high school kami in this very school. Tumigil kami sa pag-uusap noong hindi na siya nakapasok for one year.

"Binabalaan lang kita, Kylie. 'Di ba kilala mo si Ruru bilang isang playboy at heartbreaker. Ayoko lang talagang may mga babaeng masasaktan dahil sa kanya. I want you to be careful." Sabi ni Samantha sa akin, wow ang caring niya kahit hindi naman kami close.

"And I know na parang nagiging FC ako. But I just can't help it. Kaya mag-ingat ka ahh." Ngumiti ako sa kanya. Naging close naman talaga kami dati eh. There's nothing to loose kung maging magkaibigan ulit kami.

"Okay, mag-iingat ako. Thank you." Tumango siya bago umalis sa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago ko isinarado ang locker ko.

"Sinabi mo ba sa kanya?" May nagtanong sa akin nang isarado ko ang locker ko.

"Sh*t, Ruru. 'Wag mo nga akong gulatin nang gano'n." Sabi ko sa kanya.

"Huwag mong sabihin kahit kanino ang pagpapanggap natin. I'm sure na makakadating din ang news na 'to sa parents ko." Seryosong sabi niya sa'kin at alam kong wala na naman akong magagawa.

"Okay."
..........

Ruru's POV

Nagda-drive ako pauwi hanggang sa makita ko ang isang babaeng naglalakad at may dalang mga libro.

Itinigil ko ang sasakyan ko sa tabi niya at bumaba ang bintana. "Hi, Kylie. Want a ride?" Tanong ko sa kanya, pero ang ginawa niya lang ay tumingin sa sasakyan ko at tumuloy sa paglalakad.

"Hey, tinatanong kita. Don't be rude." Habang naglalakad siya, nagmamaneho rin ako nang dahan-dahan. Hindi niya pa rin ako pinansin.

"Baka sumakit ang mga paa mo sa kakalakad. Ikaw na nga ang tinutulungan eh."

Wala pa rin.

"Pabebe ka 'no?"

Hindi pa rin siya tumitingin.

"Hahalikan kita kapag hindi ka pumayag."

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin, finally. Tumawa siya nang konti.

"Parang hahayaan kita na gawin 'yon." Sabi ni Kylie habang nakataas ang isang kilay.

"Sinusubukan ko lang namang maging mabait sa girlfriend ko eh. Ayaw mo ba no'n?" Ngumuso ako sa kanya at umiling Ilang naman siya habang tumatawa.

"Sige, pero hindi ako pupunta sa bahay namin. Pupunta ako kina Sanya." Sabi niya sa akin bago niya binuksan ang front seat door at umupo.

"Sure, sabihin mo lang sa'kin ang address." Sagot ko at muli na namang nagmaneho. Sinabi niya sa akin ang address.
..........

Nang makarating kami sa bahay at agad naman siyang lumabas bago pa ako makapag salita. Lumabas din ako para habulin siya.

"Kylie!"

"Oh, bakit?" Tanong niya bago humarap sa'kin. Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti.

"Goodbye kiss?" Ngumuso ako at tumawa ulit siya, lagi siyang natatawa kapag ngumunguso ako eh, di ko alam kung bakit.

"Over my dead body." Sabat naman niya at bahagya naman akong napasimangot. Alam ko namang kahit pagpapanggap lang lahat ay ganito naman talaga ako sa lahat nang babae na napaglaruan ko, I never had a relationship that was truthful.

"E di, ako na lang ang hahalik sa'yo." Sabi ko at ngumisi, tumingin naman siya sa mga mata ko. Alam kong na-observe niya sa'kin na makulit at matigas ang ulo ko, wala siyang masabi eh.

"But I won't. Kasi walang thrill at saya kapag hinalikan mo ang isang taong ayaw naman sa'yo eh." Huminga siya nang malalim and crossed her arms on her chest.

"Paano mo naman mararamdaman ang saya ng halik kung sa pagmamahal nga, hindi ka nagse-seryoso?" Tanong ni Kylie at ngumisi ulit ako sa kanya. The truth is that I don't feel anything kapag may bago akong babae every week, just the feeling of being looked up to and being really admirable.

"I don't." Simpleng sagot ang sinabi ko sa kanya at napatango naman siya.

"Bahala ka nga, umalis ka na." Iyon ang huli niyang sinabi bago pumasok sa loob ng bahay nina Sanya.
..........

"Ezekiel! Ano ang kalokohan na sinasabi ng mga kapatid mo?" Ganito ang nadatingan ko sa bahay, Sigaw agad galing Kay Mommy Jackie.

"Anong kalokohan, mom? Madami akong kinabahan gano'n." Tanong ko pabalik habang umupo ako sa sofa.

"Sabi nina Rara na may girlfriend ka na naman daw. I told you to stop this already." Galit niyang sabat sa akin. Ayaw na ayaw kong makipag-away na naman sa mga magulang ko, pero sila din naman ang may kasalanan eh.

"Wala ako nakikitang mali. Mahal namin ang isa't isa." Mahinahong Sabi ko kay mommy na alam kong gamit sa akin. Inalagaan niya ang business namin for the past 4 years along with daddy, at napag-isipan talaga nilang ipakasal ako para maging mag successful ang kompanya. What kind of bullsh*t is that?

"You think that's love? Anak kita, Ezekiel. Kilala kita, you're just going through that phase na gusto mo ng attention ng mga babae." Sabi niya sa'kin at parang na-offend ako sa sinabi niya.

"No, mom." Tumayo ako at tumingin sa kanyang seryosong mukha. "I'd rather be alone kaysa mapilitang makasama ang isang taong alam ko sa sarili kong hindi ko mahal. At ikaw bilang nanay ko dapat pinapahalagahan mo din ako eh, pero 'yan ka, pinipilit ako sa mga bahay na ayaw ko naman." Lalabas na sana ako ng bahay nang magtanong ulit siya.

"Saan ka pupunta?"

"Maglalabas lang muna ako ng bigat na damdamin. I'll be home tomorrow."

At pagkatapos no'n, umalis na ako. Napakabigat sa akin lahat ng gusto nila. I'm carefree, not responsible. Alam naman nila 'yon. Kaya sana, tumigil na lang sila.

.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro