Chapter 5
Chapter 5:
Never Gonna Be A Yes
.........................
Kylie's POV
Nandito ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung nandito pa ba sa bahay namin ang Ruru'ng 'yon, but I just don't care about him right now.
Iniisip ko kung anong sinabi ko sa kanya kanina. Overreacting lang ba ako o deserve niya ba 'yon?
Believe it or not, hindi ko dapat sasabihin 'yon, but my whole system just can't take na sinasabi niya sa 'kin na seeking attention ako. Ayoko lang talaga sa mga taong judgemental.
Kahit naman inis na inis ako sa lalaking 'yon, hindi ko kailangan sabihin 'yon sa harap niya. What am I thinking?
You're over thinking things, Kylie. Wala siyang pakialam sa sinabi mo dahil, because he's heartless.
Sinasabi ko sa sarili ko 'yon. Pero totoo rin naman e. He's only a jerk.
Nag-ring naman ang cellphone ko at nakita ko na may unknown number na tumawag sa 'kin. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, sino po 'to?" I asked to whoever called me. I heard someone chuckled with a low tone na parang pamilyar sa 'kin.
"Nics, you deleted my number? Akala ko pa naman, magkaibigan pa rin tayo." Oh My Ghad, alam na alam ko na kung sino ang lalaking 'to. Si David Licauco, ang long time friend ko simula ng ten years old pa lang ako.
"David? Ikaw ba 'yan? Sobrang busy mo na akala ko hindi mo na ako matatawagan e. It's been two years." I said with a joyful voice. Marami na rin kaming pinagsamahan ng lalaking 'to e. Dati ay nag-aaral lang din siya sa Xavier dati kaya madalas kami magkasama na kami lang dalawa.
"It's really been a long time. Kamusta naman ang kaisa-isang babaeng naging kaibigan ko?" Tanong niya sa 'kin at natawa naman ako. He really did not like girls being friends with him. Pero nang ako ang makilala niya, naging magkaibigan na talaga kami.
"Okay lang naman, masaya dito sa Pilipinas, medyo konti pang ang mga kaibigan ko sa Xavier, pero keri lang." Kwento ko sa kanya. Talagang sobrang na-miss ko siya simula nang umalis sila ng mga iba niyang kaibigan at pamilya niya papunta sa Barcelona.
"May lovelife na ba?" Tanong pa ni David at natawa naman ako. May naalala akong kalokohan na ginawa niya dati na para hindi daw ako magka-boyfriend no'ng Senior High pa kaming dalawa sa Xavier.
"So, pwede ba akong manligaw sa'yo, Kylie?" Tanong sa 'kin ni Jason at binigyan niya ako ng bouquet ng roses.
"Ahmm... I'm really sorry, Jason-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may lalaking inunahan ako.
"Hindi ka niya sasagutin, Jason. She definitely like somebody else... baka nga ako ang type niya e." Sabi ni Karl na nasa likod ko at inakbayan ako. Napako ako sa kinatatayuan ko at walang magawa.
You see guys, napaka-feeling ng mga tao dito sa school. Wala naman talaga akong planong magkaroon ng relasyon, especially ngayon na nag-aaral pa lang ako.
"Pwede bang lumayo kayo sa 'kin? Wala akong planong sagutin ang kahit sinuman." Sabi ko at pareho silang lumayo ng konti. Seriously, hindi ako malandi, hindi katulad ng ibang babae sa school.
I also already tried getting out of this school, pero sabi nina Mama at Papa na ito daw ang isa sa mga prestine school. Kaya wala akong magagawa.
"Oo nga, dahil mayroon na siyang boyfriend. Di ba.... babe?" Agad naman napalaki ang mga mata ko sa sinabi ni David sa mga lalaking kausap ko.
"Hah?" Naguguluhang tanong ko kay David at hinawakan niya ang kamay ko saka hinila papalayo.
"Sabi ng Papa mo, hindi ka magkaka-boyfriend hanggang hindi ka pa guma-graduate. Just keeping you safe." Kinindatan niya ako at napatawa naman ako sa gawi niya.
"Nope, wala akong lovelife. Baka nga ikaw ang meron d'yan e." Natatawang sagot mo sa kanya. Tumawa rin siya.
"Wala rin naman. Sige, usap ba lang tayo some other time. Wala na rin naman akong masyadong oras e." Sabi sa 'kin ni David at napasimangot ako, kahit na hindi niya makikita 'yon.
"Ganyan ka naman e, wala nang oras para sa 'kin, joke lang. Sige, bye bye." Sabi ko bago ibinaba ang tawag niya.
__________
"Kylie, dito ka umupo." Tawag sa 'kin ng magaling kong pinsan na si Daniel Padilla. Tutal wala rin naman sina Sanya dahil may hindi pa sila natatapos na schoolwork.
Lumapit ako sa table niya ng mga kaibigan niya. Ako lang ang kaisa isang babae sa table pero okay lang kaysa walang kasama habang kumakain ng lunch.
"So, how's your day?" Tanong sa 'kin ni Daniel at ngumiti naman ako ng matipid bago sumagot.
"Okay lang." Maikling sagot ko at tumawa naman siya. Nakaupo ako sa gilid at siya lang ang katabi ko.
"Kapag sinasabi mong okay lang, ibig sabihin ay hindi okay lang." Sabi niya at umirap ako sa kanya at tumingin sa paligid.
Strange, parang hindi naman kasing dami ng usual ang mga estudyante dito sa canteen. Somethings different, hmm?
Bigla akong may narinig na strum ng gitara. Here comes something different.
"I promise that one day I'll be around
I'll keep you safe
I'll keep you sound"
"Right now it's pretty crazy
And I don't know how to stop
Or slow it down"
"Hey
I know there are somethings we need to talk about
And I can't stay
Just let me hold you for a little longer now"
Tumingin ako sa likod ko and just as expected. Ruru Madrid. Siya ang naggi-gitara habang kumakanta ng "Never Be Alone". Tumayo naman ako at lumapit sa kanya nang konti.
"What is that, cous? Bagong manliligaw?" Pang-aasar sa 'kin ni Daniel pero hindi ko siya pinansin at tuloy lang sa pagkanta si Ruru.
"Take a piece of my heart
And make it all your own
So when we are apart
You'll never be alone
You'll never be alone"
"What the hell are you doing?" Mahinang tanong ko sa kanya at tumigil naman siya sa pagkanta at itinaas ang kamay niya. May isang lalaki naman na binigay sa kanya ng mga bulaklak at inilahad niya 'yon sa 'kin.
"For you." Maikling sabi niya at tumitig muna ako sa mga mata niya bago tinanggap ang bouquet at nagsigawan naman ang mga kasama kong lalaki kanina.
"Th-thank you." Medyo kinabahan ako nang ngumisi naman siya at hinawakan niya ang pisngi ko na mas lalo kong ikinagulat. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya.
"You are cute when you're blushing." Sabi niya at agad kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Ano nga ba 'tong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Please, Kylie. You're my only chance para hindi ako mapilit ng mga magulang ko na makipagrelasyon sa hindi ko naman kailangan sa buhay ko." Sabi niya sa 'kin at parang isang sampal ang ibinigay sa 'kin. Of course he's only using me, kahit kailan naman 'yon lang ang intension niya. Not surprised.
"You know what, Ru? Please just stop. Dahil kahit anong mangyari, it will never ever ever be a yes. Narinig mo di ba? It's never gonna be a yes." Sabi ko at tumakbo papalayo sa kanya at palabas ng canteen. Nabitawan ko na rin ang bouquet na binigay niya.
What a freaking jerk he is.
.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro