Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3:
Magulo
.........................

Kylie's POV

Pagkatapos ng isang araw na sinabi niya ang gusto niyang gawin ko para tigilan niya ako at hindi ako pumayag, mas lalo lang siyang naging peste sa buhay ko.

Palagi na lang niya akong sinasabayan maglakad at tinatawag ako ng mga endearments. Babe, Baby, Hon, Love, at minsan iba pang language. Hayss, kung kaya ko lang gawin ang pinapagawa niya at isa pa, ano bang pumipigil sa kanya na ibang babae ang pakisamahan niya?

"Babe! Dito ka nga, sasabay na ulit ako sa'yo." Sabi ng loko kasama ang tatlong lalaki na masasabi kong mga kaibigan niya. Lagi ko kasi silang nakikitang magkasama.

"Masyado kang feelingero 'no? Hindi nga kita boyfriend e. 'Wag mo nga akong tawagin na Babe o kahit anong endearment." Saway ko sa kanya dahil may mga taong tumingin sa 'min nang tawagin niya akong Babe.

"Ang landi naman niya, nang-aagwa ng pag-aari ng iba."

"Asa pang nagugustuhan siya ni Ruru 'no?"

"Come on, girls. Kilala na naman natin si Ruru."

Mga bulungan ng mga mapapanget sa room namin. Akala mo kung sinong maganda, hindi sila, obviously. Narinig naman 'yon ni Ruru kaya nag-form ng smirk ang labi niha na mas lalo kong ikinainis. Hindi nga ako nagbibiro, hindi lang malakas tumili, malakas din bumulong.

"Hindi ka naman bulag para hindi makita ang mga babaeng 'yon na nagkakandarapa sa'yo 'no? Or baka bingi ka, ilang bese ko na rin kasi nasabi na hindi ako papayag sa gusto mo." Banat ko at hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kanya at pagkatapos ay hindi na niya ako binitawan. Nagtawanan naman ang tatlong lalaking kasama niya.

"What, jealous of them? Nakikita at naririnig ko sila, pero hindi ko sila iniintindi. Because you should know na kahit hindi ka pa pumapayag, you're already the one in my sight." Banat niya na parang nagpapakilig at may iba namang tumiling babae at 'yong iba mas lalo lang nainis. Sinubukan kong itulak siya papalayo.

"Iba ang pagsasalita mo sa tunay mong kulay. I know you already to realise na isa lang 'to sa mga games mo. Pwes, hindi ako isa sa mga babaeng pwede mong paglaruan." I rolled my eyes bago ko ulit sinubukan lumayo sa kanya, but I can't get out of his grip.

"Kylie, ano ba? Tara na kasi." Naiinis na sabi sa 'kin ni Sanya at masama akong tumingin sa kanya. Makakaalis ba ako na ganito ako kalapit sa lokong Ruru na 'to?

"Let go, Ruru! 'Wag kang makulit. Tigilan mo na ako." Sigaw ko sa kanya at binitawan naman niya ako for Pete's sake. Lumapit ako kay Sanya at nagmadali kaming umalis sa room na 'yon. Bakit ba ang kulit niya? Hindi naman ako pwedeng mag-change seats kasi assigned na 'yon para sa 'min. Haist, next time na mangyari 'to, mababaliw na talaga ako.

Iyon ang sinabi niya sa 'kin ah. Mababaliw ako kapag hindi ako pumayag. Well, he got that right.

"So, what's up nga ba sa inyong dalawa ng seatmate mo? Kayo na ba at hindi mo pa sinasabi sa 'min ni Gabbi?" Sunod sunod na tanong sa 'kin ni Sanya at napahinga ako ng malalim. There's a lot of girls right there next to him, but he stood up and chose me. Grabe naman siya para sirain ang mapayapa kong buhay.

"Sanya, kung alam mo lang ang pinapagawa niya sa 'kin para tigilan ko siya. He's so obnoxious and i hate it. Bakit ba siya gano'n.

"Well, hindi ko alam kaya sabihin mo na sa 'kin." Pamimilit niya at 'yon nga ang ginawa ko, sinabi ko sa kanya lahat lahat at mukha namang siyang kinikilig.

"Masyado kang over thinking. Isang month lang naman 'yon e. At saka wala naman siyang ibang intention." Sabi niya at niyugyog niya ako habang hawak ang braso ko.

"Sanya, kilala mo naman ako. I can never forget a single guy that's been a part of my lovelife. Kaya nga hindi ako basta basta sumasabak sa relasyon, hindi kagaya mo... playgirl." Ngumisi ako sa kanya at inirapan naman niya ako. Pero too naman ang sinabi ko, hindi naman siya paasa, pero parang love at first sight lang para sa kanya okay na, hindi na niya kailangan malaman kung anong ang tunay na kulay.

"What? Jealous? Ako kasi hindi affected sa pananakit ng mga lalaki pero ikaw, hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-move on kay Aljur." Binelatan ako ng loka at talagang dinala pa niya ang naging crush ko dati na hindi ko na alam kung saan napadpad.

"Ah, ganyan naman pala ang gusto mong topic e. Sige, alam mo ba meron akong kaibigan na iniwan ng boyfriend niya. Tapos naglasing siya and then she was grounded by her parents. Ang pangalan niya ay si Sanya Lopez." Banat ko at nagtaas siya ng isang kilay sa 'kin bago ako inirapan.

"Pikon?" Natatawang tanong ko at tumawa rin naman siya.

"Hoy, naka-move on na kaya ako kay Carlo ah. Hindi naman talaga kami nagwo-work out at napagplanuhan ko na rin na makipag-break sa kanya bago niya ako iniwan 'no?" Sabi niya na pangdepensa sa sarili niya. Ngumisi naman ako.

"Righttt...." Sabi ko ba parang pinagdududahan ang sinabi niya at tumawa ako ng konti.

"E di 'wag kang maniwala." Sabi ni Sanya at bigla na lang sumulpot si Gabbi sa likod namin.

"Girls, ang hirap ninyo namang hanapin e. Pumunta pa naman ako sa lugar na tinambayan natin kahapon nang uwian na. Bakit ba wala kayo do'n?" Naiinis na tanong sa 'min ni Gabbi.

"Sorry, tara na nga. Ayoko muna dito sa school." Sabi ko at tumayo na kami ni Sanya at naglakad kami papalabas ng school.

...........................
Thank you so much to FORJES29 for voting my stories
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro