Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2:
Be Mine or Be Crazy
.........................

Kylie's POV

I've had enough of this guy. Marami na siyang atraso sa 'kin at ako 'to, keeping my cool. Trying so hard not to scream in anger and kill him.

"You look frustrated." Tumawa pa talaga ang lokong 'to. We've been here for about 30 minutes at ang klase at 1 hour and 30 minutes. Makaka-survive kaya ako kasama ang lalaking 'to?

"Gusto mo bang maging masaya ako? Parang; Yay! Nalate tayo sa klase; Yay! Kasama ko ang pinaka nakakairitang lalaki sa mundo, sobrang saya talaga. Iyon ang gusto mong sabihin ko?" I raised an eyebrow at tumawa ulit siya.

"Nakakatawa naman ang expression mo. Isang klase lang 'to. 'Wag ka ngang OA." Sabi niya at binuksan ang pinto ng rooftop.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto. Hindi niya ako sinagot.

"Tara na." Iyon lang ang sinabi niya sa 'kin at lumabas na ng rooftop. I don't
understand his actions.

"At saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Wala siyang sinabi at hinila niya ako papalabas... hinawakan niya ang kamay ko.

"Hoy! Sa'n mo ba ako dadalhin? Nagtatanong ako." Sabi ko na nagtatanong ulit. Kakaiba din naman si Ruru e, makahila siya... parang pag-aari niya ang hinihila niya.

"I don't need to answer. Sumama ka na lang sa 'kin." Sagot niya na parang kinakaladkad ako papunta sa garden. Sa garden ba kami pupunta. Hindi naman ata e, hindi na 'to papunta sa garden. "Wala akong masamang gagawin, don't worry." Ngumisi siya.

Sumabay ako sa paglalakad niya para hindi niya na ako hilahin. Sino nga ba ang hindi mawi-weirdohan kung bigla ka na lang hihilahin ng lalaki na hindi mo kaibigan at hindi mo ka-close?

"Where are we going? Bakit ba hindi mo ako sinasagot?" I asked again na mas mahinahon. I don't know this part of the school anymore.

"Malapit na tayo." Sagot niya. Hindi ko kailangan ng gano'ng sagot. Ang kailangan ko ay ang sagot sa tanong na kanina ko pa tinatanong.

Tumigil na ako sa kakatanong at tumigil kami sa paglalakad. Tumingin ako sa paligid. This is new, hindi ko pa nakikita ang parte na 'to ng school.

"Anong lugar 'to?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Nasa isa kaming green house na may malaking pinto sa loob na mas malaki pa kaysa sa pinti na pinasukan namin.

"Ang secret green house ng school. Ako ang nakakita nito at hindi na rin ito nabibigyan ng pansin ng mga board members. So this place is mine." Sagot niya. Woah, he likes gardening, nasabi na ba niya 'to sa iba? Probably, gano'n naman siya e. Pero kung totoo 'yon, di ba dapat marami nang tambay dito kung ipinagsabi niya.

"Nasabi mo na ba sa mga school mates natin ang lugar na 'to?" Tanong ko ulit at tuluyang pumasok sa loob ng green house.

"Hindi, alam ko na naman ang mangyayari kung sasabihin ko sa iba. I've only showed this place to one person." Sabi niya at tuluyan na ding pumasok. Ako ba 'yong 'one person' na sinasabi niya? Ayokong maging assuming though.

"Sino naman 'yon?" Tanong ko. Hindi niya ata napapansin ang dami ng tanong ko sa kanya. Why am interested though? Siguro impressed lang ako na secretive din pala siya.

"You don't have to know." Maikling sabi nito at hindi na ulit nagsalita. I don't have to know? I mean, totoo naman ang sinabi niya, hindi ko na kailangan malaman ang unang taong dinala niya dito. It might be just a friend.

Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. 30 minutes na lang pupunta na kami sa next class namin.

"Para naman hindi ka na masyadong magpakabaliw sa rooftop dahil lang na-late tayo." Sagot niya at tumawa. That's very... thoughtful of him. Honestly, kung ganito talaga siya, I wouldn't mind being his friend.

"Kung secret 'to, bakit mo naman 'to ipinakita sa 'kin?" Tanong ko. Gosh, andami kong tanong.

"Wala, gusto ko lang naman e. 'Wag mong lagyan ng kahit anong malisya." Sagot niya. May ibinibintang ba 'to sa 'kin? Bakit ko naman lalagyan ng malisya?

"So, Kylie?" Sabi niya at tumingin ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata ko.

"What am I to you?" Tanong niya sa 'kin at napanganga naman ako sa tinanong niya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Hindi nga tayo close e." Takang sabi ko habang nakakunot ang noo ko.

"Ngayong nagiging mabait ako, what am I now?" Paglilinaw ni Ruru. Sa 'kin niya pa talaga natripang itanong. Dapar sa close friend niya, hindi ko naman siya lubusang kilala -_-

"I wouldn't know. Schoolmate, classmate, tao ka di ba." Sabi ko at napatawa naman ako sa sinabi ko. Bakit ba, hayop ba siya o bagay?

"It takes more than one effort to win someone's trust." Sabi ko at tumingin sa paligid. How takes care of this place? Siya lang ba? Doubt it.

"You were asking me kung anong dapat mong gawin para tigilan ko ang pangungulit ko sa'yo. I've already thought about it." Sabi niya. Oh no! Anong gagawin ko, sana hindi siya malupit.

"A-ano naman 'yon?" Tanong ko. My God, kinakabahan na talaga ako and I don't even know why.

"You have to pretent that you're my girlfriend." Sagot niya. Wait, hanudaw? Hindi pwede 'yon, may ego ako and I'm not letting him take over me.

"No way. Nope. Never. Hindi ko kayang gawin 'yon." Sabi ko at lumayo sa kanya.

"Not in public. Gusto ko lang na magpanggap ka in front of my parents, then you're free. Say about a month or two?" Paliwanag niya. So ganito, gusto niya na magpanggap ako bilang jowa niya sa harap ng mga magulang niya, pagkatapos ng isa o dalawang buwan okay na, wala nang mangungulit sa 'kin. 'Yon ang gusto niya. It seems hard but thinking about it seems like it's easy.

"Bakit mo naman gustong magsinungaling sa mga magulang mo? Hindi ba sila magagalit, hindi na lalayo ang loob nila sa'yo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Because I don't want to be involve with other girls. At nagsinungaling na naman ako e. I told them that I'm seeing someone." Sagot niya. Kakaiba talaga 'to e, ayoko namang ma-involve sa lalaking 'to. May ego ako at hindi ko hahayaan na sirain 'yon ng lalaking nasa harapan ko.

"No way, humanap ka ng iba. Kung gusto mo, 'yong isa sa mga fangirls mong malakas tumili." I denied at saka dapat ay aalis na ako nang hawalan niya ang braso ko.

"Ayaw mong tigilan kita, Kylie? Fine, kukulitin kita hanggang sa pumayag ka." Sabi niya na mas lalo ko pang kinainis. Napakagaling talaga ng lalaking 'to e. Kung hindi niya ako titigilan e di 'wag. Mas gusto ko pa 'yon kaysa maging jowa ng playboy na 'to.

At bakit ba ako ang pinili niya? Ang daming babae ako ang pipiliin niya. No'ng high school nga pinagtatawanan niya ako palagi e.

"What makes you think I'm going to say yes? Kahit anong gawin mo hindi ako papayag." Umarap ako sa kanya at tumawa naman ulit siya bago tumingin deretso sa mga mata ko.

"Date me or else..." WTF?! Nananakot ba siya? Naging husky 'yong boses niyang kanina ay playful at mas lumapit sa 'kin kaya umatras ako.

"Or else what?" Shit! Parang kinakabahan naman ang boses ko e. Ano ba 'to? Ngumisi siya showing his cute dimples. Ugh!

"Or else right here, right now... kakainin talaga kita, Kylie Padilla." My eyes widen once I heard that. Hanudaw? Tama ba 'yong narinig ko? Tumigil na siya sa paglapit sa 'kin.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko pero kinabahan talaga ako. Kung alam ko lang kung ano talaga ang ibig niyang sabihin.

"What do you think?" Tanong niya pabalik at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Ano ba? Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at hindi naman siya sumunod bagkos ay mas inilapit niya pa ako sa kanya.

"Mababaliw ka talaga kapag hindi ka pumayag sa gusto ko." Ngisi ni Ruru at ilang pulgada na lang... first kiss ko na. 'Wag kayo ah, wala pa akong first kiss dahil wala pa rin naman akong naging boyfriend. Hindi ko hahayaan na angkinin ng lalaking 'to ang labi ko.

"So payag ka na ba?" Tanong niya sa 'kin at ngumiti ako ng matipid at tumitig sa mga mata niyang kulay brown.

"No."
__________

"My God, Kylie! Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang. Buti wala pa ang next teacher natin. Kung nandito na 'yon dalawang subject ang mami-miss mo." Sabi sa 'kin ni Sanya nang makadating na kami sa room ng Ruru'ng 'yon.

"Bro, ang tagal mo naman. Mas matagal pa kaysa dati." Sabi nang isang lalaki kay Ruru, rinig ko kasi magkatabi kami ni Ruru. Vince ata ang pangalan no'n, hindi ata, Jance naman ata 'yon o di kaya Vance? Ewan ko. Umupo na ako sa upuan ko.

"Gumagawa lang ako ng butas. And something happened." Narinig kong sabi ni Ruru sa lalaki. Anong ibig niyang sabihin? Sa lahat ng lalaking nakilala ko siya lang ang hindi ko maintindihan palagi.

At walang kababalaghang nangyari. Kung 'yon ang iniisip ninyo. Pero ito ang ginawa ng lokong Ruru na 'yon.

"No."

"Playing hard to get. Alam mo na ang mararanasan mo this year kung hindi ka talaga papayag." Sabi niya at saka niya inamoy ang leeg ko. Hinampas ko siya... grabe naman ang pervert nito.

"Ano ba?!" Sigaw ko pa. Hindi pa rin siya tumigil at naramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko. Pagkatapos no'n ay tumigil siya at muli akong tiningnan sa mata.

"May marka 'yang leeg mo." Sabi niya saka siya ang unang kumabas. Ang pervert talaga ng mga playboy.

Pero naisip ko rin...

Bakit hindi ko siya pinigilan o hindi ko man lang siya pinaghahampas at suntok?

That's what happened when I said no. Nag-aalala pa rin ako na may makakita ng marka sa leeg ko. Baka iba ang isipin nila.

"Hindi ka muna pumunta sa banyo para ayusin 'yan?" Bulong sa 'kin ni Ruru sabay turo sa leeg ko.

"Wala akong dalang kahit anong powder. At malayo ang gym locker ko." Bulong ko pabalik at humigik naman siya.

"Good, dapat makita 'yan ng nga lalaki. So they'll know that you are reserved... for me." Sabi niya at binatukan ko naman siya. Inosente lang siyang ngumiti. Reserved, ano ako, table?

.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro