Chapter 10
Chapter 10:
Sasamahan Kita
.........................
Kylie's POV
"Okay lang po ako, Ma. Inaalagaan po ako ni Ruru." Ngumiti ako kay Mama habang umupo siya sa gilid ng kami malapit sa 'min ni Ruru.
"Salamat, Ezekiel at inaalagaan mo ang anak namin, swerte siya sa 'yo." Sabi ni Mama kay Ruru. Ngumisi naman sa 'kin si Ruru bago tumingin kay Mama.
"Okay lang po 'yon, Tita. Swerte din nga po ako kay Kylie. Sweet po kasi siya." Sagot naman ni Ruru. At ako naman, ngiting ngiti ulit.
"Iwan ko na ulit kayo ah. Star, inumin mo ang gamot mo, okay?" Bilin sa 'kin ni Mama at tumango lang ako bago siya lumabas.
Tumingin ako sa tray na dinala ni Ruru at nakita ko na may gamot at tubig rin, kaya inimon ko na ang gamot ko bago ako tumingin kay Ruru.
"Ang swerte mo nga talaga sa 'kin, Star." Sabi naman sa 'kin ni Ruru na nakangisi at pinalo ko naman siya s braso niya, pero mahina lang kasi nanghihina pa talaga ako.
At naalala ko, dito nga pala siya natulog.
"Naligo ka na ba?"
"Oo, I have spare clothes in my car." Sagot niya at tumango naman ako. Maaga siyang gumising habang ako, kanina lang gumising at magulo pa ang buhok. Not to mention, hindi pa ako nagto-toothbrush.
"Good..." Nahihiya na ako, ngayon ko lang naalala na bagong gising ako.
Itinabi ko ang kumot ko at umupo sa gilid ng kama bago ako tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ruru nang biglang tinamaan ako ng sakit sa ulo. Kaya naman nanghina ang mga hita ko.
"Okay ka lang?" Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang para suportahan ako.
"Oo, nanghihina lang ako. Pupunta sana ako sa banyo." Sagot ko at itinuro ko sa kanya ang banyo ko.
"Samahan kita."
"Ha?"
"Sabi ko sasamahan kita." Ulit niya at napatitig lang ako sa mga mata niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Hindi pa ako nagto-toothbrush." Sabi ko sa kanya, at nang lumabas 'yon sa bibig ko ay bigla akong namula.
Ahh, nakakahiya!!!
Tumawa lang siya, at inilayo muli ang kanyang mukha.
"Ano ba ang gagawin mo sa banyo?" Tanong niya sa 'kin.
"M-magto-toothbrush, maliligo." Sagot ko habang gano'n pa rin ang position namin. Hawak niya ang bewang ko at nakatitig lang kami sa isa't isa. At namumula pa rin ako.
"Relax, hindi naman ako titingin." Assurance ba 'yon, kasi nakakahiya pa rin naman na naliligo ka habang may kasama ka sa loob ng banyo, especially the opposite gender.
"I don't trust you." Sagot ko at sinubukang lumapit sa aparador ko para kumuha ng damit pero pinigilan niya ako.
"Aalalayan lang naman kita kasi kanina lang muntikan ka nang mahulog." Sabi niya sa 'kin at saka ako tinulungan lumapit sa aparador ko.
"Bitawan mo na nga ako, kaya ko na maglakad." Sabi ko sa kanya at tinanggal naman niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko.
"Bumalik na naman 'yong masungit na Kylie na nakilala ko sa school." Ngumiti siya sa 'kin at umikot lang ang mga mata ko sa sinabi niya.
Medyo okay na naman ako at pumunta na ako sa banyo ko. Pero bago ko sinarado ng pinto ay may sinabi siya.
"Kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako."
..........
Ruru's POV
"Ezekiel, kumusta na si Nicole?" Tanong sa 'kin ni Tito Robin habang bumaba ako sa hagdan. Nasa kusina sila.
"Nanghihina pa po siya, Tito. Pero kaya niya pong maglakad." Sagot ko at nakita ko na nandoon rin si Tita kaya lumapit ako sa kusina at umupo.
"Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo, Ezekiel?" Tanong ni Tito. Oo nga pala, baka sumabog na ang cellphone ko sa mga text nina Mommy at Daddy. Hindi ko na tiningnan.
"Hindi po, nagpaalam naman po ako sa kanila kagabi." Nagsinungaling ako, kasi parang gusto kong hindi manlang magkaroon ng bad impression sa 'kin ang parents ni Kylie.
Hindi ko alam kung bakit gano'n, hindi ko nag-eeffort na ma-impress ang mga magulang ng mga girlfriends ko dati. Pero baka natatakot lang talaga ako sa Papa ni Kylie. He made it clear na ayaw niyang may nananakit sa anak niya.
It makes me feel committed as a boyfriend kahit hindi naman totoo, at kapag tapos na ang lahat ay wala nang kami at hindi ko na siya kukulitin, I hate that.
I hate not annoying her.
Kasi ang cute niya kapag pikon.
At ang ganda niya kapag nakangiti siya kagaya no'ng kanina.
"Ezekiel, ayos ka lang, anak?"
Agad naman akong bumalik sa katotohanan. Ano na naman ang pinag-iiisip ko?
"Opo, Tita. May iniisip lang po ako." Sagot ko at tumango naman siya.
"Napapangiti ka kasi kanina, 'nak eh." Sabi niya at nagulat naman ako, iniisip ko si Kylie at napapangiti ako.
"Nasisiyahan po ako sa iniisip ko." Napatawa naman si Tita sa sinabi ko pero si Tito, nanatili ang seryosong mukha.
"Paano ba kaya nagkakilala ng anak ko, Ezekiel?" Tanong sa 'kin ni Tito Robin. Anong sasabihin ko...
Magkatabi po kasi kami eh at kinulit ko siya ng kinulit para pumayag siya na ligawan ko siya... pero hindi talaga kasi fake lang ang relationship namin.
"Sa school po, Papa. Magkatabi po kami sa klase eh." Sagot ni Kylie na kararating lang. Tumango lang ako at tumingin sa kanya.
"Paano ka niya niligawan, anak?" Tanong naman ni Tito kay Kylie. Bumaling naman siya sa 'kin nang kaunti bago tumingin ulit kay Tito Robin.
"Umm... hinarana niya po ako sa canteen eh. Medyo cheesy nga po pero sweet pa rin po." Sagot niya at naalala ko yo'ng time na kumanta ako sa canteen para sa kanya.
Para pumayag siya na maging fake girlfriend ko.
Para hindi na ako pilitin ng mga magulang ko na magkaroon ng relationship with another business running family para sa business namin.
Basically, kapag natanggap na ng pamilya ko na ayokong gamitin nila ako para magkaroon ng connection sa ibang pamilya na may business, tsaka matatapos na ang relationship namin ni Kylie.
Pero ano kaya ang mangyayari kapag tapos na?
Nagsisimula pa lang tinatanong mo na kung anong mangyayari sa huli.
.........................
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro