Chapter 1
Chapter 1:
I Hate You
.........................
Kylie's POV
"Kumusta naman sa section n'yo?" Tanong ni Gabbi sa 'min ni Sanya. Si Gabbi lang kasi ang napahiwalay sa 'ming dalawa ni Sanya. Nandito na kami sa canteen kumakain ng lunch.
"K lang naman sa 'kin. Pero si Kylie mukhang inis na inis talaga sa katabi n'ya e." Aba, nagawa pa talaga akong pagtawanan ni Sanya.
"Sinabi mo pa, Sanya. Nakakainis nga e, ang hangin niya, dinaig talaga ang signal number 4. Haist." Frustrated talaga ako ngayon, pramis. Kanina, hindi man lang ako makafocus sa discussion ni prof Melanie dahil sa sobrang kulit ni Ruru.
"Sino ba katabi mo, beshie?" Tanong ni Gabbi at tumingin naman ako sa kanya. I know her like a sister at masasabi kong crush na crush n'ya talaga ang Ruru na 'yon. Sinabi ko na nga na 'wag na siyang umasa, a playboy plays you like a toy, lagi namang gano'n.
"Si Ruru Madrid, 'yong playboy at capus crush ng school natin. Di ba crush mo din 'yon, beshie?" Sagot ni Sanya. Sa kanya pa talaga nanggaling ang sagot, hayysss.
"Bakit ka naman naiinis sa kanya, Kylie? He's like the perfect guy." Sabi ni Gabbi at halatang kinikilig kapag iniisip niya si Ruru.
"Basta. Naiinis lang talaga ako sa lalaking 'yon. 'Wag ka ngang umasa, beshie, manloloko 'yon. Nakita mo na lahat." Sabi ko sa kanya. Nag-roll eyes naman siya at umiling.
"Akala mo naman masaya ako na katabi ka." Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko at narinig ko naman ang pagtili ni Gabbi.
Tumingin ako sa likod ko.
"No hard feelings then. Pareho lang pala tayo. Mabuti na rin siguro na alam mo para... hindi ko na kailangan iparamdam." Umirap ako kay Ruru na nakangisi sa 'kin. What's with the smirk?
"Hindi mo naman kailangan iparamdam sa 'kin e, ramdam ko naman talaga." Sagot niya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
(A/N: Mukhang iba na ang usapan ah. Nakakakilig naman kayo)
"Kung nararamdaman mo, e di 'wag mo na akong guluhin sa class natin." Sabi ko sa kanya at mukha naman siyang napaisip sa sinabi ko.
"Pwede ko namang gawin 'yon. Now, why should I?" Tanong niya na halatang nang-iinis. Hate to admit it pero gumagana talaga ang pang-iinis niya, konti na lang, konti na lang talaga, Ruru Madrid, you are gonna be raped kung mang-iinis ka pa.
"Dahil iniistorbo mo 'ko. Hindi mo ba nakikita? O baka bulag ka?" Sagot ko at naasar ko pa siya. Tumingin naman siya sa paligid bago umupo sa tabi ko, at saka kumaway si Gabbi sa kanya, nginitian lang siya ni Ruru.
Si Sanya at Gabbi kasi ang nakaupo sa opposite ko kaya ako lang ang nakaupo sa side ko bago pa umupo ang lokong 'to.
"Anong ginagawa mo dito? Doon ka sa mga kaibigan mo." Pagtaboy ko sa kanya pero nanatili siyang nakaupo.
"Ano ka ba, beshie? Gusto niya ata dito 'no." Saway sa 'kin ni Gabbi na abot tainga ang ngiti. Wala naman akong nagawa since wala namang gustong umalis si Ruru kundi ako.
Nagmadali na lang akong kumain para magkaroon man lang ako ng oras ngayong araw na hindi ko kasama si Ruru. Napakagaling naman niya at iniinvade pati na ang buhay ko, kapal din ng mukha.
"Tapos na 'ko. Do'n muna ako sa garden ng school ah?" Sabi ko sa mga kaibigan ko at umalis na nang hindi man lang tinitignan si Ruru.
"Lagi ba siyang gano'n kasungit?" Narinig kong tanong ni Ruru sa mga kaibigan ko. Wow, ang galing naman niya. Kala mo kung sino makalapit sa 'min. Tsk.
Ruru's POV
"Hindi naman, sweet siya... kapag gusto ka niyang maging kaibigan." Sagot ni Sanya... nga ba 'yon? Sa tanong ko.
"Well, I guess hindi lang niya ako gustong maging kaibigan. Maybe more." Ngiti ko at tumayo na. Ibinuka naman ni Gabbi ang bibig niya.
"Ahm, sa'n ka pupunta, Ru?" Tanong niya sa 'kin kaya ako napatingin sa kanya.
"Kay Kylie, titingnan ko kung anong gagawin niya." Sagot ko bago tuluyang umalis. Tumingin ako sa pinto ng canteen, kakaalis pa lang niya.
__________
Hanggang sa garden ng school ay sinundan ko si Kylie. You're probably wondering, bakit ko ba siya sinusundan?
It's because, simula nang tumapak ulit siya sa school na 'to, siya na ang pinagtititigan ng halos lahat ng lalaki and I have a great idea patungkol sa kanya.
Nakita ko siyang uupo sa bench at tumingin muna sa paligid bago inilabas ang kanyang Biology 1 Book. Lumapit ako sa kanya at hindi niya naman ako napapansin dahil nagbabasa siya.
"Kylie Nicole Padilla, right?" Sabi ko sa kanya nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Tumingala naman siya sa 'kin at tumikhim.
"Right. Anong ginagawa mo dito? Aren't you suppose to be inside?" Tanong niya sa 'kin at tumayo.
"Ang sungit mo naman. 'Yon kaya ang itawag ko sa'yo, sungit." Ngumisi ako at umirap naman siya sa 'kin. Tingnan mo, ang galing ko naman magbigay ng nickname, bagay na bagay sa kanya.
"Bakit ka nga nandito? Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya na halatang naiinis sa 'kin. Mabilis naman pala siyang mapikon e, kagaya ng mga kapatid kong babae.
"Gusto kong pumunta dito e. At tama ka..." Pabitin kong sabi at saka ko inilapit ang bibig ko sa tainga niya. "Sinusundan nga kita. Bakit, may problema ba do'n?" Tanong ko pero... hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko... matagal ko nang hindi naramdaman.
"Tumigil ka nga!" Sabay tulak niya sa 'kin papalayo. "Ano bang kailangan mo? Stop stalking me!" Sabi niya at lumayo sa 'kin.
"You think I'm stalking you? Wow ah. The famous casanova, Ruru Madrid, me, is stalking you? Umasa ka na lang." Sabi ko sabay nagtaas siya ng kilay sa 'kin. Ganito talaga ako, mahilig talaga akong mangulit e.
"Why would I? Ikaw ang umasa na magugustuhan kita. Hindi naman sa'yo umiikot lahat ng babae sa school." Sabi niya at aalis na sana nang tawagin ko ang nickname na binigyan ko sa kanya.
"Sungit, wait lang." Tawag ko sa kanya at lumapit ako sa kanya.
"'Wag mo nga akong tawaging sungit. Naiirita ako sa'yo." Naiinis na sabi niya sa 'kin. I can clearly see her irritation, kaya nga mas lalo ko pa siyang iniinis, hahaha. Nakakatawa 'yong expression niya.
"I can call you what I want-" Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang inunahan niya ako.
"No you can't. May pangalan ako and call me by my name. Or better yet, 'wag mo na lang kaya akong kausapin. Mas peaceful kung gano'n, di ba?" Sa pananalita niya ay parang sinasampal niya na sa 'kin ang point niya. Natawa naman ako ng konti sa sinabi niya.
"Gusto kitang kausapin. And I'll call you what I want, kahit na ayaw mo." Ngisi ko sa kanya.
As if, papansinin ka niya kung tatawagin mo siya araw araw para lang inisin siya.
Inalis ko sa isipan ko ang naisip kong sitwasyon. For sure naman, hindi niya ako araw araw matitiis. I'll be impress if she can handle it.
"Ikaw ah." Sabi niya at tinuro ako. "Lumapit ka nga sa 'kin." She dared, kaya 'yon ang ginawa ko. Lumapit ako sa kanya.
"Anong pwede kong gawin para tigilan mo ang pangungulit mo." Seryosong tanong niya sa 'kin. Woah, agad agad naman seryoso 'to. Wala nang atrasan. Mahina akong tumawa and that made her confuse.
"Wala kang magagawa." Tawa ko at ngumiti siya ng mapait. Halata na ang pagkairita simula pa no'ng una.
"Ang tigas mo 'no. Pero..." Tumigil siya saglit. "Anything you want me to do para tigilan mo na ako?" Tanong niya sa 'kin. This iconversation is going on for a while, pero hindi pa rin ako nagsasawa.
"Nope. Kung meron man, you wouldn't dare." Sagot ko at napaisip naman siya.
This is one of the time na may ipagagawa ka na naman, Ruru.
"Well, dare I ask what?" Tanong ni Kylie. May inisip tuloy ako.
Ang ganda pala ng pangalan niya sa isip ko. It's very fitting for her.
Napangiti ako sa naisip ko at may naisip na din akong ipagagawa sa kanya.
"You'd be a slave." Sabi ko at napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Gusto mo akong maging Yaya? First, pa'no mo naman ako matitigilan kung uutusan mo lang ako and second, I wouldn't do anything to obey your orders. FYI, hindi ako sunod-sunuran." Sabi niya. Inakbayan ko naman siya at ngumiti.
"Okay, paano kung gusto kong... mag-pretend ka na isa kang nerd?" Tanong ko sa kanya at inalis niya ang pagkakaakbay ko sa kanya.
"You know what, hindi na kita tatanungin kung titigilan paano mo akp titigilan. Just leave, do'n la sa fangirls mong ang lalakas tumili." Sabi niya at tumakbo papaalis. Woah, hindi ko ata alam ang sinabi ko kanina ah. Weird siguro na gusto ko siyang magpanggap. I've done that with other girls at sinunod nila ako. Ibang klase si Kylie. Pweo kahit gano'n, marami pa akong masusungkit sa kanya.
Sanya's POV
Late na si Kylie ah. Hindi niya ba alam na nagka-klase na. Geez, 15 minutes late na siya at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Haist.
"Alright class, bakit wala pa ang iba?" Tanong sa 'min ni prof. Nakatingin siya sa upuan ni Kylie at no'ng katabi niya na si Ruru. Hala, baka nagtanan na ang dalawang 'yon...Charrot lang!
"Well, I guess we're going to start without them." Dagdag ni prof at nagsimula na ang klase. Lagot talaga si Kylie sa parents niya kapag nalaman niya na wala siya sa class.
"Pst." May bilang gumawa ng ingay na 'yon. Malapit lang naman sa 'kin ang upuan ni Kylie dahil nga Lopez ako at Padilla siya. Gusto niyo kantahin ko pa, L, M, N, O, P, wala namang N at O sa klase namin.
Tumingin ako sa likod ko. "Asan 'yong nakaupo do'n?" Tanong niya sabay turo sa upuan ni Ruru. Akala ba nito kaibigan ko 'yong lalaki?
"Hindi ko alam." Maikling sabi ko at tumango lang siya.
"Ako nga pala si Lance." Sabi niya sa 'kin. Mukhang hindi masyadong active 'to.
Nagtanong ba ako? Joke!
"Sanya." Sabi ko at ngumiti ng matipid bago humarap ulit sa harap.
Hindi na ata papasok ang dalawang 'yon. Kung papasok man sila, hindi na ata sila papapasukin. Bahala na lang sila sa buhay nila.
Kylie's POV
Oh My Ghad! Nalate talaga ako sa klase dahil lang sa lalaking 'yon. Nasa rooftop kaming dalawa nagtatago. Since hindi na naman kami papapasukin, that's the rules here. Kapag late na late ka hindi ka na papapasukin. Haist.
Pauli uli na lang ako sa paglalakad at hindi mapakali, kasalanan 'to ng Ruru'ng 'yon e.
"Stop walking too much. Nahihilo ako kakasunod sa kilos mo. Also your feet is gonna hurt." Saway niya sa 'kin. Now he's telling me what to do. Grahe talaga ang lalaking 'to, napakagaling. Insert sarcasm here -_-
"Ikaw kasi e." Sa inis ko hindi ako makabuo ng proper sentence para masabi sa kanya.
"What? Hindi ka pa nagkaroon ng ganitong sitwasyon?" Inoswnteng tanong niya sa 'kin. Kung hindi kita nakilala, Ruru...Ugh!
"Not until I met you. Nakakainis ka kasi e. Kung tinigilan mo lang ako, e di dapat nasa klase na tayo." Sabi ko sa kanya at naiirita talaga ako, pramis, walang bawian.
"Mas masaya nga kung gano'n. At least you don't have to go to class." In defence niya. Wow, so gusto niya talagang mag-skip ng mga klase. Kung gusto niya, 'wag siyang mandamay.
Tumayo siya at lumapit sa 'kin. "Stay back. 'Wag ka ngang lumapit sa 'kin." Sabi ko pero lumapit pa rin siya kaya umatras ako. Hanggang sa naramdaman ko ang pinto ng rooftop sa likpd ko. Damn it! Bakit ang lagkit ng titig niya. O ako lang ba 'yon. I'm pretty sure that it's just me.
"Sasabihin ko ulit sa'yo ah? I don't want to stop playing... with you." Napalunok naman ako sa sinabi niya.
"I hate you." Napatigil siya sa sinabi ko at umatras. Um, masyado atang malalim 'yong sinabi ko.
"Alam ko naman, don't rub it in." Ngumisi siya at lumayo sa 'kin. What just happened?
.........................
A/N: Thank you for reading. So, anong thoughts ngayon ah?
Please Comment and Vote:)
XOXO
Miss M.A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro